-------------------------------------part 2 / part 2 ---------------------------------------

" Sandali meron ako ditong BL na doujinshi gusto mong mabasa ? ipahihiram ko sayo ang iba ." Sambit nya habang kinukuha sa bagpack ang mga manga nya.

Dito ay nilapag nya sa lamesa namin ang mga manga at tumambad ang malalaswang larawan ng mga lalaki sa cover ng mga manga. Napatayo agad ako sa kinauupuan ko at dali daling tinakpan ang mga ito gamit ang mga supot na hawak ko .

Napatingin ako kay Nikki at na ngayon ay nakangiwi saakin na tila nandidiri . Alam ko ang iniisip nya at hindi yun maganda sa reputasyon ko bilang kuya nya . Ayokong isipin nya na nagbabasa ako ng manga ng mga lalaking naghahalikan dahil tiyak hindi nya na ako gagalangin bilang tunay na lalaki .

" Ah .. eh .. Teka hindi ba bibili ka Nikki? ,.Oh ito , bumili ka na baka maubusan ka pa ." Sambit ko habang inaabutan ng pera si Nikki .

" Salamat kuya . "

Walang pag aalinlangan na kinuha yun ni Nikki at dumeretso sa loob ng tindahan ng damit . Labag sa loob ko na muling bigyan ng pera si Nikki pero kailangan ko gumawa ng paraan para umalis muna sya habang kinakausap ang isang ito tungkol sa sensitibong bagay .

" Baliw ka talaga , bakit mo nilabas yan dito ? alam mo naman na nasa mall ka . "

" Huh ? Ano naman kung nasa mall ako ? " Pagtataka nito.

Sa expresyon ng mukha nya ay tila wala syang paki elam sa kung sino ang makakakita ng mga Bl manga nya . pero ano nga ba ang aasahan mo sa isang fujoshi ? Ang mga kagaya nila ay proud sa pagkahilig sa mga genra na ganito at kung iisipin nga naman kung nakapag suot sya ng ganung tshirt sa labas ng bahay ay maliit na bagay na rin kung makita sya ng ibang tao na nag babasa ng mga BL na komiks.

" Anong masama naman doon? Walang kinalaman ang ibang tao sa pagiging Fujoshi ko at hindi ito labag sa batas . "

" Mali, hindi ito tungkol sa pagiging legal nito kundi sa moralidad. "

Ginusto ko syang pagsabihan pero hindi mo kayang talunin ang mga babae sa oras na manindigan na sila sa mga pananaw nila at gusto , lalo na sa isang fujoshi . kaya bilang magbigay ng isang daang pananahilan upang ipangsangga sa mga sasabihin mo laban sa hilig nila .

" Hindi masama ang Yaoi nasa tao na ito kung paano nya tignan ang pagiging sining nito . Hinuhusgan ito dahil tanging ang negatibong bahagi lang naman ang nakikita ng mga normie sa ganitong dyanra pero saaming mga fujoshi ay isa itong napakagandang sining na nagpapakita ng wagas na pagmamahal at pagkapantay pantay ."

" Pwes, ako na ang magsasabi sayo na wala silang oras alamin pa ang mga pananaw mo tungkol sa mga makamundo mong pagnanasa sa Yaoi . "

" Alam mo para kang normie magsalita , kung itatago mo ang mga bagay na ito dahil lang natatakot ka sa sasabihin ng ibang tao eh para mo na ring ikinahiya ang pagiging ikaw . "

" Tandaan mo dapat maging proud ka sa sarili mo at ipakita mo sa mundo kung sino ka at kapag nagawa mo na iyon ay doon mo palang makikita ang tunay na kalayaan sa mundong ito . isang karapatan ang kalayaan . "

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng babaeng ito , gusto kong kontrahin sya sa mga sinasabi nya pero sumasandal sya sa mga magagandang salita at pananaw at totoo naman ang ilan sa mga sinasabi nya pero kinakalimutan nya na komonsidera ng moralidad ng ibang tao.

Hindi normal sa mga tao ang makakita ng komiks tungkol sa nagmamahalan na pareho ang kasarian at ayon sa relihiyon ng mga tao ay isa yung kasalanan . Pero bakit nga ba gusto ito ng mga kagaya nya ?

May dalawang bagay lang naman , una ay dahil ang mga ito ay ginagampanan ng mga 2D character at hindi yun mga tunay na tao kaya maganda sa mga paningin nila , 2D is life ika nga . pangalawa ay dahil narin sa kanilang sariling pagnanasa , para itong isang kompletong rekado ng isang perpektong putahe . gwapong mga lalaki na pinapangarap nila , istorya ng pagmamahalan at fan service .

Ang ideya na ang isang kaakit akit na lalaki ay may kapartner na ka takam takam na lalaki sa paningin nila ay parang isang perpektong tambalan ng pagmamahalan .

" At isa pa Daniel hindi ba parang diskriminasyon na kung huhusgahan mo agad ang yaoi na puro lang kalaswaan , tungkol ito sa pagmamahalan na hindi inalintana ang kanilang kasarian . Naniniwala akong may karapatan ang bawat tao kung sino ang kanilang mamahalin kahit magkapareho sila ng kasarian . "

Tinulak nya ako at umupo sa tabi ko upang ipakita pa ang mga BL manga nya at ipabasa saakin , Para syang manyakis na nanlalaway sa pagsasalarawan ng mga kaganapan ng mga love scene ng libro . Gusto kong hayaan sya sa ginagawa nya bilang pag respeto sa kapwa Otaku ko dahil naniniwala akong hindi kami dapat magtago sa lipunan sa kung ano kami pero ibang kaso ang isang ito.

" Tsk , Sandali Lea Hindi mo pwedeng ipakita yan at ikwento dito sa labas at tigilan mo muna ang pagiging fangirl mo hindi mo ba napapansin na nagmumukha kang manyak. "

" Ok lang, hindi naman ako kilala ng mga tao dito at isa pa kasama naman kita . "

" Yun nga ang masama . " Bulong ko sa hangin .

" at hindi isipin mo sa oras na malaman ng tao na nagbabasa ka nyan ay baka wala nang lumapit sayo , marami ang iiwas sayo at hindi ka ba natatakot na tumandang dalaga ? ." Sambit ko dito.

" Hm.. Naisip ko nga iyon pero buti na lang mabait saakin ang tadhana at muli tayong pinagtagpo . "

Hindi ko nakuha ang gusto nyang sabihin pero sa ngiti nya parang may kahulugan yung mga sinabi nya .

" Alam ko na gaya ko eh nagmamahal ka rin ng 2D at ayaw sa totoong tao kaya nakakasiguro akong wala kang asawa at girlfriend kaya para pabor saatin dalawa eh tayong dalawa na lang . "

Sa sandaling iyon ay parang natameme ako, hindi ko alam kung nagkamali lang ba ako ng dinig sa mga oras na iyon o tunay na may binanggit syang isang kabaliwan .

" Huh ? " Pagtataka ko .

Kung iniisip nyong ang tagpong ito ay tila isang romantikong eksena sa isang palabas tungkol sa babaeng tila nag aalok ng interes sa isang lalaki habang may mga kumikinang na ilaw at tumutubong bulaklak sa paligid kagaya sa napapanuod sa Anime ay nagkakamali kayo. Hindi interesado ang babaeng ito sa akin at ganun din naman ako dahil maliban sa maliit at walang korte nyang katawan ay wala rin naman syang katangian na pwede kong magustuhan .

" Pinag aasawa na ako ng mga magulang ko dahil hindi raw ako pwedeng tumanda ng mag isa pero wala akong interes sa mga lalaki dahil mga manloloko sila, sa oras na magsawa sila sa isang relasyon ay mag hahanap lang sila ng bago. Alam kong ganun din ang tingin mo sa mga babae kaya walang masama sa alok ko . "

Tama, isang kabaliwan nga ang narinig ko at walang matinong babae ang pwedeng magsabi nun sa isang lalaki , hindi ako makapaniwala na ganun na sya kadesperado para magkaroon ng makakasama sa buhay .

" Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo ? Hindi ba pumasok sa isip mo na hindi ganun kasimple ang hinihiling mo at akala mo ba madaling magdesisyon tungkol sa pagpapakasal para laruin mo lang ? "

" Hindi ko naman iniisip na maliit na bagay ang pagpapakasal , Advance lang ako mag isip kaya kailangan kong humanap ng taong kagaya ko upang hindi ako tumanda mag isa . "

" Wag kang mag alala hindi pa naman ngayon , siguro pag nasa 30 yrs old na tayo . "

Napapangiwi na lang ako sa magiliw nitong pag aalok sa akin na tila inaasahan nyang papayag ako sa mga plano nya . Binabalak nya pa akong pakinabangan para lang mapagpatuloy ang mga layaw at gusto nya bilang fujoshi . Pero hindi rin sumagi sa isip ko ang mga bagay na yun . hmm.. katulad nya ay madalas na akong sabihan ng nanay ko na mag asawa na upang isipin ko ang kinabukasan ko . Tsk , ang totoo sinasabi na iyon saakin ng nanay ko noong NEET pa ako para lumayas na ako sa puder nya dahil nagiging pabigat na ako sa bahay .

Napatunayan ko lalo na pambihira mag isip ang mga kagaya nya at hindi mo dapat minamaliit ang mga kaya nilang gawin para ipagpatuloy ang pagiging Fujoshi nila pero ang ideyang maging asawa at kasama sa buhay ang babaeng fujoshi ? Naku , hindi yun ang buhay pag ibig na gugustuhin ng mga lalaking gaya ko .

" Nasisiraan ka na sa tingin ko sira ulong lalaki lang ang papayag sa gusto mong set up? "Pag angal ko. Pagsusungit ko dito.

" Alam ko at yun nga ang dahilan kaya kita inaalok, kaya dali na para sa future natin ito . "

" Teka humihingi ka ba ng pabor o gusto mo lang laitin ako ? "Sagot ko dito.

Natigil ang pag uusap namin sa mga sandaling iyon at wala kaming ginawa kundi magtitigan lang , alam ko sa pungay at kislap ng mga mata nya habang nakatitig saakin ay nag hihintay parin syang magbago ang isip ko .

" Neknek mo . "

Halos manlumo sya sa narinig nyang pagtanggi ko at mapabagsak ang ulo nito sa mesa namin na tila ba dismayadong dismayado . Tsk, Hindi ko inaasahan na maliligaw sya ng landas sa pagiging Otaku dahil kung matatanong nyo ay isang mahinhin at matalinong babae si Lea noon, isa rin syang mahiyaing estudyante kaya walang kaibigan sa ekwelahan maliban saakin kaya naman madali sa kanya ang mahumaling sa Anime .

Sa pagkakataon na iyon ay muling bumalik si Nikki dala ang pinamili nya , Naabutan nya ang kalunos lunos na paglulumo ni Lea kaya naman nakita ko nanaman sa kanya mapahusgang mga tingin saakin na parang inaakala nya na may ginawa akong kalokohan sa babaeng kasama ko .

Alam ko na hindi maganda kung maririnig kami ni Nikki na nag uusap ni Lea dahil sa bulgar na pananalita ng fujoshi na ito kaya nagmadali akong nag ayos ng gamit at nag dahilan sa kanya upang maka alis na .

" May pupuntahan pa kami . Alam mo gusto ko pa sanang magkipag kwentuhan pero baka gabihin kami kaya mauuna na kami lea . "

Walang naging tugon si lea at nanatili parin na nakabagsak ang ulo sa mesa habang nakakalat ang mga BL manga nya sa ibabaw nito. Tsk , kung makikita nyo lang ang mga mapanghusgang tingin saakin ng mga tao sa mga oras na iyon .

" Tara na Nikki , Marami pa tayong bibilhin . "

Pero habang humakbang palayo ay biglang nagdabog ng kamay si Lea at bumubulong sa hangin na parang baliw . Agad namin itong nilingon ni Nikki at sa hindi maipaliwanag na bagay ay kinukutuban na ako na may masamang mangyayari sa mga oras na iyon , hindi ko marinig ng malinaw ang mga sinasabi nya pero mas nakakabahala lang ay nakukuha nya ang atensyon ng mga tao sa paligid namin .

" Hindi, hindi , hindi, hindi, hindi. "

" Ikaw ang may dahilan kung bakit ako naging ganito , Kung hindi dahil sayo ay hindi naman ako aabot sa ganito kaya responsiblidad mo ako !!" Sigaw nito .

" Marami naman tayong pinagsamahan noon at ang sabi mo ay ok naman akong kasama mo . " Pagda-drama nito.

" Huh ? " Nakangiwi kong reaksyon .

Hindi ko lubos maunawaan kung para saan ang mga sinasabi nya saakin at tila ba ginagawa akong dahilan sa pagiging adik nya sa yaoi pero ano't ano pa man ang pinaglalaban nya sa buhay ay wala na akong paki elam doon . Pinili nya malulong sa Yaoi at hindi ko sya inalok na maging Anine fan para lang maging fujoshi . malinis ang konsensya ko tungkol sa bagay na ito.

Pero tila tumigil ang mundo ko sa sumunod na eksena sa mga sandaling iyon. Humarap sya saakin at dinuro ako habang boung tapang na isinasigaw na .

" Wag mo akong takasan Daniel , Panagutan mo ako !! "

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko at sasabihin sa mga oras na iyon , Bulgar nyang sinabi yun sa harap ng mga tao na tila ba hindi inalintana na maaaring isipin ng mga tao sa mga nasabi nya . Wala akong paki elam kung hindi ako kilala ng mga taong nakakakita ngayon saamin basta alam ko ay wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanila . nakakahiya ito , Sobrang nakakahiya talaga.

" Nasisiraan ka na " Tugon ko.

END ..

__________{ Author's Note }______________

~~~ [ wag nyo kalimutan na i-Share ang Chapter na ito upang suportahan ang series ] ~~~

Alabngapoy Creator