---------------------part 2/part 2 ------------------------------
Halos manigas na lang ako sa takot sa mga sumunod na eksena . Hindi ganun ang inaasahan ko gaya ng mga napapanuod ko sa palabas tungkol sa biktima at tagapagligtas .
Nanlumo ako sa pagkabigla nang makita ko ang pag gulong ng ulo ng babaeng nagligtas saakin sa harap ko dahil sa pag atake ni Rem sa kanya .
Ang babaeng si Rem ay mabait na nilalang kahit na may taglay syang mga pambihirang kakayahan ay hindi sya gagawa ng karumal-dumal na krimen ng walang magandang dahilan pero iba ito sa nangyayari ngayon sa harap ko. Hindi ko maintindihan at parang mababaliw na ako kakaisip sa mga posibleng dahilan ng kanilang ginagawa
"Hindi, hindi ito totoo. Hindi ito nangyayari, paki usap sabihin nyo na panaginip lang ito . "
Sa pagkakataon na iyon ay pinilit kong kumilos at bumangon dahil hindi ako pwedeng manatili dito sa battlefield . Nagkaroon ako ng lakas ng loob upang tumakas kahit na paika -ika sa paglalakad at tinitiis ang kirot ng mga pinsala kong natamo.
Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo sa lugar ay sumalubong na ang bakal na bola na iwinasiwas ni Rem .
Inihampas saakin ni Rem ang kanyang sandata upang ihatid ako sa kamatayan ko habang galit na galit na sumisigaw na tila ba isa akong kasuklamsuklam na kalaban. Nararamdaman ko ang mga matutulis na spike nito sa katawan ko . Nakatarak ito sa likod ko at sa tingin ko binali nito ang mga buto ko at binutas ang laman loob ko .
Sa mga oras na iyon ay napapikit na lang ako habang unti unting nagpaflash back ang mga putol putol na alaala ng buhay ko . Ewan ko kung bakit ko ito naaalala pero hindi ko maiwasang magdamdam.
Mamamatay na ako at kailangan ko itong tangapin .
Dito ko naisip na kahit na sawang sawa na akong mabuhay sa mundo ay natatakot parin akong mamatay . Nakakapagtaka , hindi ko alam bakit lumuluha ang mga mata ko habang nakangiting hinaharap ang kamatayan ko . Siguro dahil matutupad na ang matagal ko ng hinihiling kaya nagagawa kong ngumiti ngayon .
Isang Tears of joy ?
Hindi , Mali ito . Hindi ito luha at ngiti dulot ng kasiyahan kundi isang pagkaawa sa sarili at panghihinayang sa buhay .
Natatawa ako sa sarili ko dahil mamamatay akong miserable sa mundo hindi dahil sa paraan kung paano ako mamamatay kundi dahil sa pagiging wala kong kwenta. Mamamatay ako nang walang narating ,walang naabot at maglalaho sa mundo ng walang halaga .
Isa akong talunan .
Ang sabi nabubuhay ang tao sa mundo para gampanan ang misyon nya . Bwisit , Ano ba ang misyon na ginusto ng dyos para saakin ?
Mabuhay nang talunan at mamatay sa kaawa awang paraan? Tunay bang mapagmahal ang dyos sa mga anak nya ? Pero sandali lang, isa ba talaga ako sa mga tinuturing nyang anak o siguro isa ako sa mga itinakwil na rin nya dahil sa pagkalimot ko na purihin at pasalamatan sya sa araw araw .
Hindi ko na alam ang mga sinasabi ko at tila wala na akong paki elam sa mga iniisip ko laban sa dyos pero siguro nornal ito sa mga taong mamamatay na . Mamamatay ako na puno nang pagsisisi sa buhay ko .
Nanghihinayang ako na sa ganitong buhay bumagsak ang kagaya ko.
Pero naging mabuti naman akong tao at alam kong hindi ito isang parusa ng langit para sa lubos na nagkakasala . Tama , Kasalanan ito ng iba at hindi saakin . Kasalanan ito ng magulang ko, teacher ko ,kapatid ko, mga tao sa paligid ko . Lahat sila ay hindi nakatulong saakin para umayos ang buhay ko.
Nakakatawa pero siguro ang paninisi na lang ang magagawa ko sa mga oras na ito .
Hindi ko alam pero habang lumilipad sa ere ang katawan ko dahil sa pwersa ay tila huminto ang oras sa paligid ko kasama na ang mga bagay bagay sa lugar na tila naging rebultong walang pag kilos .
Tama, tumigil ang lahat maging ang mga kadena na nakalutang ngayon sa ere kasama ko . Hindi ko magawang mamangha sa nakikita ko dahil nararamdaman ko parin ang sakit sa katawan ko .
Ilang sandali pa ay biglang may nagsalita sa paligid .
Isang hindi pamilyar na boses na nagmumula sa kalangitan , umeeko ito na tila kulog at sa tingin ko ako ang kinakausap nito .
" Sandali , siguro naman ay sapat na itong halimbawa."
Hindi ko alam ang tinutukoy ng mahiwagang boses .
Sa mga sandaling iyon ay pinapapikit nya ako upang makabalik sa pinangalingan ko . Wala akong ideya sa mga nangyayari pero sa tingin ko dapat akong sumunod sa mga sinasabi nya .
Muli kong pinikit ang mga mata ko gaya ng sinabi nya at nung mga sandaling iyon ay biglang guminhawa ang pakiramdam ko .
Ewan ko pero parang naglaho ng isang kisap ang nararamdaman kong hapdi at kirot.
Sa muli kong pagdilat ay kaharap ko na ang monitor ng pc . Nakaupo muli ako sa upuan ko gaya ng pwesto ko kanina .
Hingal na hingal ako hawak ang dibdib ko dahil sa takot ko sa mga nasaksihan . Napaisip ako bigla na baka isa lang iyong panaginip nang makaiglip ako sa upuan.
Sa sandaling yun ay muling nagsalita ang misteryosang boses at nagmula iyon sa likod ko . Hindi na ako nagdalawang isip at agad ko syang nilingon .
Dito ay nakita ko ang isang babaeng may dilaw na buhok na nakasuot ng isang white gothic type dress na naka upo sa kama ko .
Maganda ito at tila manika habang hawak ang isang tasa ng inumin na malumanay nyang hinihigop . Ngumiti ito saakin at muling kinamusta ang kalagayan ko .
" Kamusta ka Daniel Muntingbato ? O mas magandang itawag natin sayo ay Lubos na pinagpala . " Sambit nito.
Agad kong tinanong ang babaeng ito kung sino ito at ano ang ginagawa nito sa kwarto ko . Mahinahon lang syang humihigop ng tsaa at pinapahinahon ako ng mga sandaling iyon upang makapag usap kami nang maayos .
Pinakilala nya ang sarili bilang isang Anghel ng Dyos at naroon sya upang tuparin ang kagustuhan ng mga taong gaya ko . Isa raw itong pambihirang pagkakataon na hindi nararanasan ng ibang tao .
" Narinig ng Dyos ang mga hiling mo at nandito ako para tuparin iyon pero bago ko gawin iyon ay pinakita ko na sayo ang mga posibleng bagay na mangyayari sayo sa hinaharap . "
Sa pagkakataon na iyon ay ipinaliwanag nya ang tungkol sa mga delusyon ko tungkol sa pagnanais ko na takasan ang realidad at magtungo sa isang mundo na kung saan may mga kapangyarihan at mahihiwagang bagay .
Pinaalam nya na inalam nya ang tungkol saakin at sa mga nais kong makamit pero tahasan syang nakiki elam sa ilang bagay kahit na hindi ito kasama sa utos sa kanya na magpatupad lang ng kahilingan upang hindi masayang ang pagkakataon na ibibigay ng Dyos saakin .
" Ang pinakita ko ay ang ikaw sa ibang panahon , oras at demensyon kaya sa oras na tuparin ko ang mga delusyon mo tungkol sa pagpunta sa mahiwagang mundo na nilikha ng isip mo ay magpapalit kayo ng sitwasyon. "
" Magpapalit ng sitwasyon ? "
Dito ay muli nyang ipinaliwanag ang tungkol sa isang tao na katulad ko sa lahat ng aspeto. Tunay na magkapareho kami ngunit nabubuhay kami sa magkaibang demensyon at gaya ko ay naghahangad din ito na takasan ang kanyang mundo .
Ang magulo nilang realidad na puno ng panganib at pag durusa .
" Tama, Galit sya sa Dyos dahil sa isinilang sya sa mundong hindi naman nya kailan man gugustuhin mabuhay . Sinisisi nya ang Dyos sa pagbuhay sa kanya upang dumanas lang ng miserableng kapalaran . Ewan ko kung mauunawaan ito ng gaya mong nilalamon nang pagpapantasya . "
" Mga paglalakbay, Mga mahika, Pakikipaglaban sa mga halimaw at Pagliligtas sa mahihina ay ilan lang sa mayroon sa mundo nila na gusto mong maranasan . Mga bagay na hinihiling mo sa dyos upang masabi mong may silbi ka sa mundo ."
Nag-iiba na ang tono ng pagsasalita ng anghel na tila hinahamak ako tungkol sa pagiging makasarili ko at pagsandal sa itinutulong saakin ng pamilya ko at ng ibang tao . Ipinapamukha nya na dumedepende lang ako sa tulong ng iba at hindi magawang kumilos sa sariling mga pagsisikap.
" Isipin mo mabuti Daniel, kung ang kagaya mong walang pangarap sa buhay , tamad at dumedepende sa iba ay mabubuhay nang maayos at matagal kung saan may mga panganib, mahika at exciting na paglalakbay . "
" Ang pagdala sayo sa mundong iyon ay katumbas nang pag hiling mo sa iyong mabilis na kamatayan. Isang masalimuot na kamatayan . "
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinasabi nya pero nakukuha ko ang gusto nyang sabihin at hindi ko maitatangi na minsan ay wala akong paki elaman sa mga detalye basta gusto ko lang takasan ang mundong ito .
Ang boring na realidad ko bilang talunang tao sa walang kakulay kulay na buhay ko.
Nakakatawang isipin na habang pinapangarap ko itong makamtan ay sa kabilang ibayo naman ay may nilalang na kinamumuhian ang tadhanang ito at gustong takasan .
Dito ay pinapili nya ako kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko , ang takasan ang realidad ko o ang magbago ang boring na buhay ko .
Pinangaralan nya ako sa mga bagay bagay na hindi ko makakamit sa oras na wala akong gawin kundi maglibang at lasapin ang komportableng sulok na kinalalagyan ko .
Tama, marahil wala akong karapatan magrason pa sa mga pinupukol nya saakin na tila sinisisi ako sa mga nangyari saakin . wala naman talaga akong ginawa kundi manisi ng ibang tao sa kinahantungan ng buhay ko at pati ang dyos ay sinisisi ko sa kamalasan ko na sa totoo lang ay hindi naman mangyayari kung nagsipag ako sa buhay at hindi nalulong sa mga Games at panunuod ng Anime para maglibang .
Tama , ako mismo ang nagkulong sa buhay ko sa ganitong sitwasyon at kumakadena sa sulok na ito dahil sa katamaran ko dahil may pagpipilian akong manisi ng ibang tao sa oras na punahin ako.
Hindi masamang bagay ang paglilibang sa mundo o pagiging Anime Fan ko pero siguro nasa saakin na ito . Hindi ko nakontrol ang sarili ko at hinayaan na lang na lumipas ang oras .
Naglibang nang naglibang upang ipakita sa ibang tao at sa mundo na masaya ako sa buhay kahit wala ang ibang tao . Sa mga oras na iyon ay napagtanto ko na hindi ang mga magulang ko o sino pa ang nagkulang para saakin kundi ang sarili ko mismo . Ako ang dahilan kung bakit ako nanghihinayang ngayon sa buhay.
Mahal ko ang pagiging Anime fan ko pero nakalimutan ko na isa itong tagapagligtas saakin . Ang Anime ang Will to Live ko kaya hindi ito dapat ang nagiging dahilan ko para ilubog ko ang sarili ko sa sulok na ito.
Hindi ginawa ang anime para maging ganito ako kamiserable . Nakakahiya , maraming mga mabubuting mensahe ang binibigay ng mga bida sa mga tao pero ako mismo na isang Otaku ang hindi nagsasabuhay nito . Ano na lang sasabihin saakin nila Naruto, meteora at ng iba pang mga tinuturing kong idolo sakaling magkabuhay sila at makita nila ako ?
Sa mga sandaling iyon ay tumayo ang misteryosang babae at humakbang palapit saaking kinatatayuan .
" Anong desisyon mo ? Lilisan ka ba o babaguhin na lang ang kasalukuyan mong sitwasyon ? " Tanong ng misteryosang babae .
Sa pagkakataon na iyon ay napapikit ako at bumuntong hininga . Tama , hindi ko alam kung tatangihan ko ang pagkakataon na makuha ang mga nais ko pero sa tingin ko wala akong karapatan makatanggap ng pagpapalang gaya nito.
Ang totoo bilyon bilyong tao ang nag hahangad na makakuha ng pagkakataon na binibigay saakin ng Dyos at ang iba sa kanila ay mas karapatdapat na makatanggap nito.
Nakakapanghinayang kung iisipin pero alam ko na mas maganda na ang mabuhay sa payapang mundong ito . Maraming bagay ang hindi ko pa nagagawa at sa tingin ko sa edad kong 25 ay mahaba pa ang oras ko .
" hays... Maling mali ako . " Bulong ko habang nagbubuntong hininga.
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang librong hawak ko bakas ang panghihinayang sa mukha pero agad itong napawi nang tuluyan akong makapagdesisyon sa gagawin ko . Napabuntong hininga ako nang malalim at tumitig sa Anghel na nasa harap ko .
Unting unti kong tinaas ang braso ko upang isuli ang binigay nyang libro habang binabangit na .
" Salamat sa pagkakataon " Nakangiting sagot ko dito habang inaabot ang pulang libro sa mga kamay ko
..
__________{ Author's Note }______________
~~~ [ wag nyo kalimutan na i-Share ang Chapter na ito upang suportahan ang series ] ~~~