CHAPTER TWO
" Lovelife ng Otaku "
Ang sabi nila ang buhay ng tao ay sadyang maikli lang kaya kailangan mo itong masulit at ma enjoy kahit sa maliit na paraan upang masabing may buhay kang buhay o maligaya kang nabuhay dito sa mundo . Pero paano mo nga ba masasabing nasusulit mo ito ?
Ito ba kapag nakakapagbakasyon ka at nabibili mo ang lahat ng luho mo o hindi kaya natutupad mo na ang pangarap mo para masasabi mo nang nasulit mo ang iyong buhay sa pananatili sa mundo ?
Pera , lovelife, katanyagan, mga luho at katayuan sa buhay ay ilan lang sa mga hinahangad ng tao na makuha at sa tingin ko kapag meron ka nito ay kaiingitan at rerespetuhin ka ng mga tao . Ganun mismo ang pamantayan nila bilang mga tao sa kasalukuyang panahon.
Ang mga iyon daw ay katunayan na meron kang maipagmamalaki at may magandang buhay . Siguro ? Pero yun nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng salitang matagumpay na buhay ?
Kung iisipin kung ang Ganap na kahulugan ng mga salitang yun ay ang mga kaginhawahan sa buhay ay masyado itong hindi patas para sa ibang tao . Kagaya na lamang ng mga mahihirap o hindi nakaranas ng mga maluhong bagay .
Pero bakit ko nga ba iniisip ang mga bagay na ito ? Ewan , siguro dahil gusto ko rin magtagumpay sa buhay gaya ng iba kahit na isa lang akong mahirap na tao at dahil gusto ko iyong mangyari ay nandito ako ngayon sa trabaho ko upang kumita ng pera .
Bumagsak ako sa isang malaking pagawaan ng mga lata pagkatapos kong maghanap ng trabaho para baguhin ang sitwasyon ng buhay ko.
Mainit , delikado at nakaka inip na pagpipindot pindot ng mga button ang trabaho ko bilang operator ng makina . Nakakasawa at nakakaantok ang gawaing ito sabayan mo pa ng mga bisor na pinag iinitan ka dahil sa mga mabagal mong pag gawa .
" Hindi ko na ito matatagalan, nami-miss ko na ang PSP ko . " Bulong ko sa hangin habang napapabuntong hininga .
" Hindi ganito ang gusto kong mangyaring pagbabago. "
Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari saakin pagkatapos kong magdesisyon na baguhin ang buhay ko . Tama, maling mali ang nangyayari saakin kung ikukumpara sa mga bidang napapanuod ko pagkatapos nila baguhin ang buhay nila. Gusto ko umunlad din gaya ng mapapanuod ko pagkatapos nilang magbagong buhay .
Pera , pera, at maraming pera iyon ang kailangan ko para makatayo ako sa sarili kong mga paa at tuluyan nang gumawa ng pag babago sa buhay ko.
Pindot , buhat , pindot , lagay , pindot , alis , lista , paulit ulit , ulit ulit na ginagawa ko sa maghapon at magdamag . Walang kausap , walang music , walang games at higit sa lahat ay walang Anime . Minsan nga naiisip ko na isa na rin akong makina gaya ng kaharap kong ito .
" Tsk , pag babago ? Nagbago ang buhay ko papunta sa boring na trabaho sa pabrika !! " Sigaw ko sabay sumipa sa bakal na katawan ng makinang pinapatakbo ko .
~
Ilang Araw pa ang lumipas sa pagtiya-tyaga ko sa trabaho ko eh sumapit na ulit ang araw ng sweldo . Makukuha ko na ang bungga ng aking pinaghirapan at sisiguruhin ko nang magagamit ko na ito . Nakakatawa lang na yung nararamdaman kong kaligayahan ngayon sa pagtanggap ng perang ito ay dapat sa unang sahod ko naramdaman pero iba ang inaasahan ko na mangyari sa realidad ng buhay .
Marami akong utang dahil sa pag aapply at ang iba naman sa pera ko ay allowance ko para sa araw araw na ginagastos ko kasama na ang pamasahe at ang natira kinukuha ng magulang ko para makatulong ako sa gastusin sa bahay . Kung iisipin ko wala rin nangyari sa pinagpaguran ko . Halos dumaan lang ang pera ko sa kamay ko at kahit gusto kong gamitin ito sa gusto ko ay wala naman akong magagawa kundi pakawalan iyon sa pitaka ko.
" Nakakadismaya ang realidad. " Bulong ko habang napapabuntong hininga.
~
Day off ko ngayong araw at pagkakataon ko na para gawin ang sinasabi nilang pag eenjoy sa buhay . Syempre saan pa ba mapupunta ang perang pinaghirapan ko kundi sa mga libangan ko . Ang lahat ng pagod ko ay mapupunta sa Anime ,Manga at Games gaya ng plano ko.
" Oras na para sa regaluhan ko naman ang sarili ko "
Hindi ako magtiya-tyaga na magtiis sa mainit at amoy bakal na pabrikang yun kundi dahil sa motibo kong makabili ng mga bagong koleksyon . Tama, kung tutuusin ito ang dahilan ko para magtrabaho . Ang will to work ko
Habang nag-aayos ako ng kalat sa desk ko at nagpa-pagpag ng upuan sa Pc ko ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko . Napaisip ako kung sinong pwedeng mag abalang kumatok dito ng hindi magsasalita . Hindi ko ito sinagot sa unang pagkatok dahil wala akong balak na magpa istorbo sa araw na iyon pero unti unting lumalakas ang pagkatok nito at bumibilis upang mapilitan akong pagbuksan ito.
Nakakairita talaga pero wala na akong nagawa kundi maglakad papunta sa pinto upang pagbuksan ang may toyong taong kumakatok .
" Hindi ganyan ang tamang pagsira ng pinto . " Pag angal ko.
Sa pag bukas ko ay sumalubong ang pag bati ng isang dalaga. Nakangiti ito habang buhat ang isang maliit na basket ng prutas at kumaway .
" Magandang araw Didi " Magiliw na sambit ng babae .
Agad kong isinara ang pinto at humakbang palayo pabalik sa upuan ko na tila binale wala ang babaeng nasa labas ng pinto ng kwarto ko . Sumisipol ako habang iniisip ko na lang na wala akong narinig at nakita sa mga oras na iyon .
Dahil isang bruha na magdadala ng delubyo sa buhay ko ang nararamdaman kong dumating at nagbabalak na sirain ang magandang araw ng day off ko .
Pero hindi yun tinanggap ng babaeng ito at muling kumatok sa pinto ko . Humihiyaw ito at nagpupumilit na pagbuksan sya ng pinto kahit na pinagsaradohan ko na sya .
" Hoy ! Didi buksan mo ito !! kailangan natin mag usap , emergency . "
" Neknek mo , layas !! " Sigaw ko rito.
Hindi pa nakuntento ang babaeng iyon at ginagalabog ang kahoy na dingding ng kwarto . Nag iingay sya sa kwarto at sa tingin ko hindi ito titigil sa ginagawa nya pag hindi ko sya hinarap .
" Pwede ba umuwi ka sainyo ! busy akong tao kaya wala akong oras makipag usap sayo " Sigaw ko rito.
" Neknek mo ! Wala ka naman ginagawa dyan kundi manuod ng Cartoons at makinig ng intsek na kanta , tigilan mo na nga yan para kang bata . "
Napabalik ako sa harap ng pinto at hinampas ito dahil sa pag ka inis ko sa mga sinabi ng babaeng iyon . Dito ay nakipagtalo ako sa kanya at pilit na itinataboy ito paalis.
" Lumayas ka dito dahil ayokong makakita ng bruha na gaya mo at hindi intsek ang pinakikingan ko kundi nihinggo ! ."
" Higit sa lahat hindi pambata ang Anime !! " Sigaw ko rito.
Hindi nasindak ang babaeng ito sa galit kong pagsigaw sa kanya at pinuna lang ako tungkol sa panunuod ko ng Anime na may mga cute na batang character o loli sa lengwahe ng hapon . Agad ko itong pinabulaanan dahil kahit totoo na karamihan sa Anime na napapanuod ko ay puro comedy at minsan may pambatang tema ay hindi nya dapat ako kwesyunin dahil isa akong manunuod na bukas sa lahat nang dyanra ng mga palabas kaya hindi na mahalaga saakin kung pambata ba ito o hindi basta nalilibang ako .
Alam ko na hindi nya maiintindihan kahit magpaliwanag pa ako sa kanya dahil iba ang mga pananaw nya at perspektibo tungkol sa panunuod ng Anime ng tao . Tama , Dahil ang babaeng ito ay isang normal na tao lang o Normie sa katawagan ng mga Otaku na kagaya ko.
" Pwede ba Normie wag ka ditong mang gulo sa bahay ko , kung wala kang magawa eh manahimik ka sa bahay nyo ! " Sigaw ko.
" Kaya nga ako pumunta dito dahil wala akong magawa saamin , dalian mo na at buksan mo ito kung hindi kakainin ko ang tsokolate mo sa ref nyo "
Nagsimulang maging mapilit ito at pinagbabantaan ako na tila ba nasa kanya yung karapatan diktahan ako kahit na isa lang naman syang bisita sa bahay na pumasok. Ang lakas ng loob nyang pagbantaan ako sa sarili kong pamamahay . Sobrang nakakairita para saakin ang mga ginagawa nya .
" Bakit ba ayaw mo akong papasukin sa loob ? Hindi ba dapat natutuwa ang gaya mong geek sa pagkakaroon ng isang kababatang kaibigan na nag aabalang puntahan ka tulad doon sa cartoon na pinapanuod mo ?. "
" Una sa lahat kababata lang kita at hindi kaibigan, pangalawa hindi ako Geek at pangatlo alam kong mang gugulo ka lang at manglalait sa pagiging otaku ko . " Sambit ko sabay hampas sa pinto.
Sa pagkakataon na iyon ay lalo syang naging agresibo at mapangahas sa pagbabanta nya upang pagbuksan sya ng pinto . Binantaan nya ako na sa oras na hindi ko sya papasukin ay ipagkakalat nya sa boung lugar namin na nanunuod ako ng malalaswang video ng Anime sa kwarto .
" A-an-ano ? Hindi totoo yan !! At isa pa kahit sabihin mo yan sa kanila ay hindi naman malaking bagay sa tao yun dahil lalaki ako . "
Hindi nya rin pinalampas na bangitin ang pagiging ilusyunado ko noon sa pag arte bilang super hero na may kapangyarihan para magpasikat sa mga bata . Hindi naman malaking bagay saakin iyon dahil may sapat akong dahilan para gawin yun noon kaya hinahamon ko sya na gawin ito para lumayas na sa bahay .
" Ipagkakalat ko rin na nagsusuot ka ng mga damit pang babae at nag papacute sa harap ng salamin ." Pahabol ni Elisa.
Dahil sa nasambit nya ay bigla kong naalala noong mahuli nya akong nakasuot ng uniform ng pambabae na mula sa mga pinsan ko . Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko sa kanya at kahit na totoo na minsan ko sinubukan ang bagay na sinasabi nya ay hiyang hiya parin akong marinig iyon .
Kamalasan lang at sa dinami dami ng pwedeng araw at oras na pupunta sya sa bahay noon ay doon pa sa saktong nag cross dress ako upang masubukan ito . Nakakahiya . Feeling ko gusto kong maglaho noon sa sobrang kahihiyan .
" Ano Didi , gusto mo bang malaman ng tao ang mga sekreto mo ."
Dahil narin sa mga pagbabanta nito ay wala na akong nagawa kundi pagbuksan sya ng pinto upang makapasok ito. Ayoko na sirain ng babaeng ito ang reputasyon ko sa mga tao nang ganun na lang.
Nakakayamot lalo nung sumalubong ang mga nakakainsulto nyang reaksyon nang pagbigyan ko sya sa gusto nya. Nakangiti sya saakin na tila ba alam nya na kontrolado nya ako dahil lang sa mga nakaraan ko.
Tama , hangat naaalala nya yun ay hawak ako sa leeg ng bruhang babaeng ito . Paano kaya kung itulak ko ito sa hagdan para magka amnesya ?
"
Bakit ka ba nandito bruha ? " Pagsusungit ko.
" Wala akong pasok kaya naisip kong dumaan sa kapatid mo pero tulog pa sya sa kwarto kaya naisip kong magbasa muna dito. "
Naglakad na sya papasok sa kwarto bitbit parin ang basket ng mansanas at walang pakundangan na nilapag ito sa desk ng Pc ko . Ang masama pa nito ay pinatungan nya ang pinakamamahal na keyboard ko , hindi ko alam kung hindi nya napansin ito o sadyang ginagawa nya ito para inisin pa ako.
" Wala ka bang bagong komiks dyan ? Ang papanget naman kasi ng mga luma mo . " Sambit nito .
" Wala naman nagsasabi sayong basahin mo yan at kung ayaw mo ng mga tema nito eh pwede ka namang lumayas sa kwarto ko. "
Ang babaeng may mahabang itim na buhok at may balingkinitan na katawan na ito ay ang bwisit kong kapitbahay na si Elisa Sandoval . 22 yrs old at higit sa lahat isang rich kid kahit na hindi halata sa itsura nya dahil sa porma nyang tshirt at napakaikling short na parang bang gipit na gipit sila sa pambili ng maayos na damit .
Kaibigan sya ng mga kapatid ko kaya nagagawa nyang pumasok sa bahay . Ang kapal ng mukha nyang maglabas pasok saamin pero kahit ang mga magulang ko ay hinahayaan lang sya na makapasok na tila kinukunsinti pa ang bruhang ito palibhasa mayaman ang pamilya na pinangalingan kaya akala ng magulang ko ay may pakikinabangan sila .
Agad kong tinanggal ang basket sa ibabaw ng keyboard ko at nilagay sa lamesa ng aparador sa tabi ng bintana ko. Napakunot na lang ang noo ko habang tinititigan syang nagkakalikot nanaman ng mga manga o japanese komiks sa kabinet ko at ibinabato sa kama. Hinahawakan nya ang mga librong ito kahit na kumakain sya ng mansanas na pwedeng magpa mantya dito .
" Pwede ba kung magbabasa ka ng manga ko ay bitawan mo ang mansanas na yan at baka matuluan yan ng katas ng prutas ."
" Oh ... ang arte mo naman parang komiks lang at isa pa luma na ito dapat ito tinatapon na o hindi kaya pinamimigay na para mabasa naman ng ibang bata kesa naman iniimbak dito . "
" Kaya nga tinawag yan na koleksyon para maimbak dyan at paki usap kung hindi naman nakakahiya sayo ay wag mong ikalat ang gamit ko ! " Sigaw ko sa kanya .
Pero tila wala itong paki elam sa galit ko . Inalok nya lang ako na kumain ng mansanas na hawak pero agad ko syang tinanggihan at sinungitan para ipakita sa kanya na ayokong naroon sya sa kwarto ko .
Pinagsabihan ko sya na wag nya na ulit ako pagdalhan ng pagkain sa kwarto dahil kaya ko naman bumaba mag isa pero imbis na makinig ay sinagot nya lang ako .
" Actually hindi ko yan dinala para sayo kundi para may makain ako habang nagbabasa dito pero kung gusto mo ay pwede kang kumuha ng isa . "
Napatigil ako sa pagsasalita at nakaramdam ng hiya sa pag aakala na para saakin ang mansanas na dinala nya sa loob ng kwarto . Imbis na magpatinag ay pinataas ko pa ang pride ko at sumabat ulit ako sa kanyang muling pag alok ng mansanas .
" Ayokong tumangap ng ano mang bagay na nagmula sayo at baka magkaroon pa ako ng utang sayo . " Sambit ko.
" Ano ka ba ? Ok lang Didi hindi naman saakin talaga ito , nakita ko lang naman itong nakabalot sa mesa nyo sa ibaba . "
Nagulat ako sa nalaman ko na hindi nya pag mamay ari ang mansanas na kinakain nya pagtapos may lakas ng loob pa itong mag alok saakin na para bang sya ang bumili nito .
" Ang kapal mo talaga . " Sambit ko dito habang kumukuha ng twalya sa loob ng aparador .
Dito ay ibinato ko sa mukha nya ang twalya at inutusan na gamitin para hindi marumihan ang mga manga ko na kasalukuyang binabasa nya . Hindi na sya nag reklamo sa ginawa ko at tinangap na lang ito upang magamit.
Hindi ko na inintindi ang pagkalat nya sa mga gamit ko sa labas ng kabinet dahil maiistress lang ako kakasaway sa babaeng ito . Kailangan kong libangin ang sarili ko ngayong araw kaya naman dumeretso na ako sa upuan ko upang simulan ang araw ko bilang Otaku .
---------------------------------part 1 / part 2 --------------------------------------------