----------------------------------part 1 / part 2 ----------------------------------
Agad itong tumakbo saakin at nakayukong yumakap sa katawan ko . Nagulat ako sa ginawa nya at walang nasabi sa pagkakataon na iyon habang walang imik na nakasandal parin si Lea sa katawan ko .
" Hindi ako makakapayag na mawala saakin ang pinaka importanteng bagay sa buhay ko " Sambit nito .
" Lea ? .... Salamat at nandito ka . " Mangiyak ngiyak na tugon ko rito.
" Teka , Bagay ? " Pagtataka ko.
Dito ay bigla nyang hinawakan ang suot kong amerikana at itinaas kasabay nang pagkuha nya ng BL manga na naka ipit sa pantalon ko
" Hindi ko hahayaan mawala ang Yaoi Manga ko nila Eren at Levi . "
Biglang niyakap nya sa libro at muling tumakbong nagpapaalam saakin paalis , Nanlumo ako nang napagtanto ko na bumalik lang sya para iligtas ang mga yaoi nya.
" Ikaw na bahala dyan , Mag ingat ka daniel. "
" Hoy !! Lea !! Bumalik ka rito !! " Sigaw ko rito.
Muli nya akong iniwan pagkatapos nya makuha ang BL manga nya na parang mas mahalaga pa ito kesa sa buhay ng papakasalan nya . Hindi ko alam kung para saan pa ang pagpapakasal ko sa isang fujoshi na adik sa yaoi kung ang habol nya lang naman saakin ay ang pagkakaroon ng kasama sa pagtanda . Nakakatawa talaga at nakaka asar ang mga nangyayari.
" Ganun na lang ba talaga yun ? "
Sandaling nanahimik ang loob ng simbahan sa pag alis ni Lea sa lugar at wala akong nagawa kundi muling humarap kay Rem at pinipilit na ngumiti sa kanya habang nakikita ko ang seryosong ekspresyon ng mukha nito.
Hindi na sya nag aksaya pa ng oras dito ay muli syang sumigaw at winasiwas ang mga kadena sa hangin upang umatake.
Dumeretso ang bolang bakal saakin na solidong tumama sa dibdib ko dahilan para mapatalsik ako mula sa kinatatayuan ko .
Sa pagkakataon na iyon ay tila nagblack out ang paningin ko at pandinig . Alam ko na masasawi na ako sa oras na iyon at sa pangalawang pag kakataon ay nagawa ulit akong patayin ng pinakamamahal kong waifu.
Nabigla ako sa atakeng iyon dahilan para kumilos mag isa ang katawan ko para mapaupo ng biglaan mula sa kinahihigaan kong kama . Tama, natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng kwarto ko habang pawis na pawis at hinihingal dahil sa masamang panaginip .
Agad kong pinagmasdan ang paligid ng kwarto ko na tila nagmamatyag sa paligid at napatingin sa orasan na nakalapag sa lamesa ko . Wala akong masabi sa mga sandaling iyon dahil hindi pa tuluyang nakakabawi ang utak ko sa panaginip na iyon .
Dito ay hinawakan ko ang dibdib ko na inakala kong tinamaan ng bolang bakal na inihampas ni Rem at napabuntong hininga ng malalim.
" Mabuti na lang at panaginip lang ? " Sambit ko habang nagtatakip ng unan sa mukha.
Napadabog nalang ako sa kama ko sabay pag kuha ng unan ko at ibinato iyon sa inis dahil sa babaeng may dahilan ng mga bangungot ko tungkol sa kasal .
" Bwisit , tigilan mo na akong babae ka ! " Sigaw ko
Lumipas ang ilang oras .
Habang nasa trabaho at abalang nakatayo. Tsk , Tama abala ako sa pagtayo dahil hindi naman talaga mahirap ang trabaho ko na tagapag paandar ng makina medyo delikado lang pag nagkamali ka pero ang mas nakaka sawa talaga dito ay ang mainit na lugar na kinalalagyan ko . Kaya masasabi kong maswerte parin ang mga pumapasok sa mga mall dahil may libreng aircon sila habang nakatayo .
" Mall ? Bwisit , bakit ko ba naaalala ang tungkol sa mall . "
Lumipas ang ilang oras sa loob ng pwesto ko ay tumunog na ang alarm sa loob at oras na nang meryenda ng mga empleyado . Lahat kami ay nagtutungo sa canteen ng pabrika.
Habang kumakain kasama ng dalawa kong kasamahan na sina Lucas at Pako na parehong mga anime fan kagaya ko . Tama , dito sa pabrika ay bihira kang makakita ng mga mahihilig sa anime at lahat ng nandito ay pawang mga Normie na walang alam sa Anime kundi isang pambatang bagay kaya naman kahit magkakalayo kami ng pwesto ay nagsasama kami tuwing oras ng meryenda .
Si lucas ay nasa 25yrs old , payatot at moreno . Hindi naman sya ganun kaadik sa anime gaya ko na pati ang music , games at manga ay pinaglilibangan . Kuntento na ang mga kagaya nya sa panunuod at maglaro lang ng mga rpg sa cellphone gaya ng Mobile legend .
Si Pako naman ay medyo alanganin na anime fan dahil hindi sya nanunuod ng ibang dyanra maliban sa aksyon depende na lang kung hentai yung palabas . Tama, nanunuod lang sya kapag may fan service na kasama ang isang anime pero mostly talaga puro patayan at labanan ang trip nya .
Hindi naman mahirap pakisamahan ang dalawa at siguro mas ok na ito kesa maging introvert ulit ako at mag isa sa sulok . Tsk , ayoko na maulit ang nakaraan ko .
Hindi naman maitatago sa mukha ko na malalim ang iniisip ko kaya agad nila akong tinanong kung bakit mukha nanaman akong timang na tahimik na nakatingin sa kinakain ko.
" Hm.. Ano ba para sainyo ang pagpapakasal ? " Tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong itanong iyon sa mga kasama ko gayong kung ibabase sa sinasabi nang marami ay dapat alam ko na ang sagot . Kagaya nang inaasahan ko sa mga ito ay inaalaska nila at tinatawanan lang ako pero hindi ko sila masisisi dahil kahit ako natatawa sa pagtatanong ko ng biglaan.
" Kung nagbabalak kang mag asawa ay wag na muna ngayon , manloloko ang mga babae , masasaktan ka lang . " Pagbibiro ni Lucas .
" Ang bitter mo ah , Hindi naman ganun lahat ng babae dahil yung nanay ko hanggang ngayon kasama parin yung tatay ko . " Sambit ko .
" Daniel, alam mo madali naman ipaliwanag yan depende sa sitwasyon at kondisyon ." Sambit ni Pako.
" Sitwasyon at kondisyon ? " Pag uulit ko.
Dito ay ipinaliwanag nya ang opinyon nya sa pagpapakasal at hinalimbawa ang naging sitwasyon nya noon nung pakasalan nya ang asawa nya na maganda at may hinaharap sa pagiging model nito .
Akala ko talaga ay magseseryoso sya sa mga sinasabi nya pero puro ito tungkol sa pagiging manyak nya na sinasabayan naman ng asawa nya . Pero bigla nyang sinambit na sa palagay nya ay dapat mahal ko ang taong pakakasalan ko dahil araw araw ko syang makakasama at hindi isang maliit na bagay ang pakikisama sa iba .
" Masasabi mo yan kasi naging maswerte ka sa asawa mo. "
" Maswerte ako sa ganda at husay nya tuwing gabi pero kung alam ko lang kung gaano kami nagtatalo araw araw at kung gaano kami walang wala ngayon sa pera pero ito seryoso pare, Hindi importante kong mahirap kayo ngayon basta magtulungan kayo na itawid ang bawat araw nyo tapos hintayin na lang na lumaki ang mga anak nyo. "
Tsk, masyadong deretso ang sinabi nya at kung titignan ay ang boring ng buhay sa kanyang pananaw na tila walang pangarap na makamtan pa sa buhay para sa mga sarili nila pero masasabi ko nga bang mali iyon ? Maraming taong hindi kayang magtagumpay sa buhay at hindi ko parin alam kung katulad nila ako gayong mahirap lang kami .
Kahit magtrabaho pa ako ng 50 yrs dito sa pambrikang ito hindi ko kayang makapagpatayo ng mansyon at magkaroon ng mga itim sasakyan gaya ng mga mayayaman at iyon ang katotohanan .
" Alam mo depende na rin yan kahit hindi kagandahan ang mapapangasawa mo eh basta alam mong komportable kayo sa isa't isa at ang pinaka mahalaga ay may mapapala kayo sa isat isa . " Sambit ni Lucas
" Mapapala ? Sobra ka naman ."
" Magpakatotoo tayo dahil kung wala ka naman mapapala o makukuhang pabor sa magiging asawa mo eh bakit mo pa sya pakakasalan ? "
" Syempre dahil mahal mo sya , Ganun naman sinasabi ng lahat . "
" Love ? mabubusog ka ba nun hahaha isa lang yung emosyon gaya ng takot, lungkot at galit na naglalaho depende sa sitwasyon . "
Dito ay inilarawan ni Lucas na ang pag ibig ay isa lang emosyon na nawawala depende sa sitwasyon at panahon gaya ng iba pang emosyon na nararamdaman ng tao .
Pinunto nya na hindi lahat ng nararamdaman ng tao ay permanenteng nandyan gaya ng takot na pwedeng mawala kung maiisip mong hindi ka na dapat matakot .
" Ang punto ko ay lahat ng nararamdaman ng tao ay naglalaho balang araw lalo na kung may dahilan kang alisin ang nararamdamang ito sa sarili mo. "
" Ang lakas ng loob mong magsalita eh wala ka namang asawa kaya ka bitter . " Pang aasar ni Pako."
Nagtalo ang dalawa sa harap ko at nag asaran habang ako naman ay patuloy na nalulumbay kakaisip ng gagawin . Siguro hindi ito tungkol lang kay Lea kundi sa kinabukasan ko . Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na matanda na ako at hindi na ako teenager na pwede pang mag aliw aliw sa buhay.
Sumagi sa isip ko kung ano kaya ang sinasapit ng ibang Otaku sa japan na hindi na nagkaroon ng interes sa pag aasawa at ngayon ay tumanda mag isa ? Ano kaya ang iniisip nila ngayon ? Nagsisisi rin ba sila sa mga bagay bagay na napagdesisyunan nila noon? Dahil kong ako ang tatanungin nyo ay handa na ako noong NEET pa ako na tanggapin na tatanda ako mag isa .
" Tama yan Daniel , Wag kang mag papakasal at mag anak , tutal balang araw sasabihin ng anak mo sayo na ' Lagi naman kayong ganyan eh , sana hindi nyo na lang ako pinanganak ' . " Pagbibiro ni Lucas .
" Napaka bitter mo Lucas . "
Puro kalokohan ang lumalabas na sa mga bibig nila at tuloy ang pag aalaskahan . Alam ko naman na mangyayari iyon pero nagtanong parin ako sa mga mokong na ito . Sa totoo lang sinisira nila yung mga magagandang pananaw ng mga tao tunglol sa pag ibig na madalas makita sa mga libro at palabas sa Tv dahil sa kabitteran nila .
Tama, Ang wagas at masayang pagmamahalan ng mga tao . Pero bigla ko lang naisip kong sakaling si Rem ang taong pakakasalan ko ay mag iisip kaya ako nang ganito ?
Kung sakaling totoong tao ang waifu ko ay iintindihin ko pa ba ang mga nakaabang na problema pagdadaanan namin at mag aalinlangan tumanggap ng responsibilidad ?
" Hmm.. pero siguro mas worth it naman ang pag harap sa problema kung si Rem ang kasama ko pero alam kong isa lang syang pantasya . " Sambit ko habang napapabuntong hininga .
" Tama , sa pagitan ng Anime o tunay na tao eh mas pipiliin ko na ang Anime . Tsk , lalo na kung ang isa sa pagpipilian ko ay ang baliw na fujoshi na iyon. "
END ..
__________{ Author's Note }______________
~~~ [ wag nyo kalimutan na i-Share ang Chapter na ito upang suportahan ang series ] ~~~
episode of dno