Chapter Three

" Death Note "

Ang sabi nila sa oras na natutulog ang tao ay may ilang bahagi ng utak ang nagsisimulang gumagana upang magtrabaho habang nagpapahinga ang katawan at isip nito . Ang maliit na bahagi na iyon ng utak ang nag bibigay sa tao ng mga imahe at senaryo na tinatawag na panaginip .

Ang panaginip natin ay base sa nilalaman ng utak natin at madalas ay mga kaka'twang bagay na parang imposibleng mangyari sa totoong buhay .

Mayroon naman mga panaginip na naglalaman ng pag i-ilusyon sa mga bagay na nais mong makuha at maganap na dahil sa labis mong iniisip ay dinadala mo ito hanggang pagtulog .

Alam nyo ba na sa oras daw na palagi tayong nananaginip tungkol sa mga malafantasyang tagpo kagaya ng pagiging super hero ay ibigsabihin nito ay may dakilang bagay kang nais gawin sa buhay kapag gising ka . Ito ay bunga ng iyong pagnanais at emosyon na sa kadahilanan na hindi mo sya magawang maisakatuparan sa realidad o habang gising ka dahil sa maraming dahilan ay ang utak mo na mismo ang gumagawa ng paraan upang mailabas ang pagnanais at emosyon na iyon gamit ang panaginip.

May paniniwala rin na ginagawa ng utak natin na magpakita ng mga imahe at senaryo upang bawasan ang stress na masyadong nagpapa isip sa utak natin tuwing gising tayo at dahil konetado ang utak natin sa emosyon na nararamdaman ng tao ay madalas ay mga pirapirasong alaala ang pinapakita nito sa tao .

Mga alaala na tumatak sa isip mo na may malaking kinalaman sa buhay mo , malungkot man ito o masaya ay wala tayong kontrol dito dahil ang pagpapakita ng mga ala-alang ito ay nangangahulugan na tumatakbo ito sa isip mo na kailangan ilabas upang tulungan kang pakawalan ang sobrang stress sa isipan mo .
Tama , kahit na ang iba dito ay multo ng nakaraan .

" Sinisira na nang iyong letseng paglilibang na tinatawag mong larangan ang maganda mo sanang kinabukasan . "

" Hindi mo matatawag na achievement at tagumpay sa buhay ang mga tropiyo at piraso ng papel na yan !! Isa lang yang palamuti na napaglilipasan. "

Ayan ang mga salitang galit na isinigaw ng isang matandang lalaki saakin habang ako ay umiiyak sa harap nito hawak ang namamagang pisngi dulot ng pagkasampal nito saakin .

Ang galit na pananalitang iyon ay tumatak at nag pagising sa pagkakatulog ko sa higaan .
Sa biglaan kong pagdilat ay agad kong nasilayan ang mga poster sa kisame na larawan ng mga kung ano anong imahe .

Hindi ko pa lubos maisip ang nangyayari at para bang lutang na lutang ako habang kumakabog ang dibdib na tila ba napakasakit para saakin ang marinig ang mga katagang iyon .
Sa sandaling iyon ay dahan-dahan akong umupo at hinawakan ang aking ulo upang makapag isip nang maayos .

Tama , hindi ko lubos na matandaan ang eksenang ipinakita ng panaginip ko at hindi ko rin lubos na kilala ang matandang lalaking naroon.
Hind ko alam kong bakit ko ito napanaginipan pero ang mas ikinagulat ko ay kung bakit tila may mali sa paligid ko .

Dahan dahan kong itinaas ang ulo ko sa pagkaka yuko nito at pinagmasdan ang paligid ko . Napagtanto ko na naka upo ako sa isang malambot na kama sa gitna ng weirdong kwarto na napupuno ng mga poster at ibat ibang laruan.

" Sandali , nananaginip pa rin ba ako ? " Bulong ko sa sarili ko .

Pinagmasdan ko ang mga palad ko na kung titignan ko ay parang may nagbago sa mga ito , Napakakinis nito at wala akong maramdaman matigas na kalyo sa mga ito pati ang mga sugat ko sa mga ito ay tila naglaho .

Sa gitna nang pagtataka ko sa bagong anyo ng mga kamay ko ay biglang may mga ala-alang tila biglang sumagi sa isip ko . Mga imahe ng nakaraan na hindi ko matandaan kung naganap sa talaga sa buhay ko .

Ilan dito ay mga imahe ng mga tao at ilang kaganapan na tila ba gustong ipaalala saakin ng utak ko . Pero bakit ? Sandali ? Bakit ko nakikita ang sarili ko kasama ang mga taong hindi ko naman kilala ?

Para itong mga putol putol na panaginip na pilit ipinapasok sa utak ko , Hindi ko maintindihan . Ano bang nangyayari saakin ?

Sa gitna nang biglaang magpapakita ng alaala saakin ay doon ko napagtanto na may kapangyarihan akong tinataglay at pwede ko itong magamit upang makawala ako sa mga kakaibang bagay na nagaganap na maaaring gawa ng isang uri ng mahika .

Sinubukan kong magsambit ng engkantasyon gamit ang mga salita pero kahit ang paglabas ng liwanag ng magic circle ay hindi ko masilayan sa paligid ko .

" Dakilang diwata ng Urabe gawin mong banayad at dalisay ang paligid ko ! Purity ! " Sigaw ko .

Muli ko itong sinubukan ngunit hindi ko mawari kung bakit hindi ito gumagana sa mga oras na iyon .

" Hindi ito maaari , Sandali hindi kaya ? "

Sa pagkakataon na iyon ay naalala ko ang tungkol sa isang pangyayari , Isang mahiwaga at nakakatwang sitwasyon tungkol sa Anghel ng diyos at sa isang kakaibang babae .

Nanlaki ang mga mata ko at parang tumigil sa pag ikot ang mundo ko dahil ang inakala kong kakatwang pangyayaring iyon na isa lang sa mga panaginip ko ay tunay na naganap ...

" Kung ganun nga, totoo ang mga nangyaring iyon ? Nagpalit kami ng mundo ng babaeng iyon . " Sambit ko habang naaalala ang pag abot ko sa kanyang mga kamay .

Naalala ko na nakumbinsi ako ng babaeng iyon na pumayag dahil sa pagpapakita nya ng katapangan at nag aapoy na determinasyon. Dahil nga doon kaya ako ngayon ay nandito sa weirdong kwartong ito .

" Pero kung ganun nga ang nangyari eh ibigsabihin nagsimula na ang bagong yugto ng buhay ko. " Bulong ko sa sarili .

Ilang saglit pa ay inalis ko ang mabigat na kumot ko na tumatalukbong sa katawan ko at sinubukang bumangon sa kama na iyon .

Hindi pa man ako tuluyang makahakbang paalis ng kama ay bigla na akong natalisod at nakaramdam ng panghihina ng ibabang bahagi ng katawan. Nawala ako sa balanse dahilan para mapaluhod ako sa sahig .

Ewan ko kung bakit ako nawalan ng kontrol , may tumulak ba saakin ? Hindi , nakakaramdam ako ng panghihina sa tuhod ko na tila ba nabigla ito .

Kung pagmamasdan ko ang katawan na meron ako ay napaka payat nito at putla na tila ba hindi ito naaarawan .
Hindi ko gustong isipin yung mga kutob ko tungkol narin sa kung bakit hindi ako makagamit ngayon ng mahika pero tila iba ang pagkakaintindi ko sa pagpapalit na naganap .

" Kung ganun pati ang katawan namin ay nagpalit rin , samakatuwid isa lang akong normal na tao ngayon sa mundong ito . "

Sinubukan kong tumayo at maglakad papunta sa bintana kung saan hinawi ko ang kurtina upang mabuksan at masilayan muli ang labas ng bahay .

Tumambad saakin ang nakakasilaw na liwanag na nagpapikit sa aking mga mata nang bahagya . Kagaya nang nauna kong naramdaman ay namamangha parin ako dito dahil sa napaka ganda nitong tanawin at kaunlaran na makikita sa nagta-taasang mga batong gusali at mga magagarang bubong ng mga bahay . Talagang malayo ito sa bayan na pinagmulan ko kung ihahambing ang mga bagay na pwedeng makita dito .

" Totoo nga na narito na ako at ito na ang mundo ko simula ngayon . "

Ang ideyang narito na ako sa mundong payapa kagaya ng pangarap ko ay talagang kamangha mangha .

Hindi ko maiwasan mapaluha sa saya na tila napakagaan sa pakiramdam habang nilalasap ang malamig na hangin na dumadaan sa paligid ko .

Gayumpaman ay may nararamdaman parin akong pagkabahala sa mga oras na ito . Oo at nandito na ako pero ano na ba ang balak kong gawin ? Teka, ang mas magandang tanong ay kung may kaya ba akong gawin at paano ako kikilos sa bagong mundo na kinalalagyan ko .

Ayun sa nakita at nalaman ko tungkol sa babaeng taga earth ay isa syang bigong tao na walang ginawa kundi magkulong sa kwartong ito maghapon at umupo sa harap ng computer upang maglaro.

" Paano sya nabubuhay sa mundo kung narito lang sya sa maliit na kwartong ito ? "

Muli akong tumalikod sa bintana upang tumingin sa loob ng kwarto at ang una kong napansin ay ang mga maliliit na pigura ng mga 2d fiction characters o Anime kung tawagin .

Kung maaalala ko base sa imahe na pumapasok sa utak ko kanina ay napakahilig nito sa mga palabas at laro na produkto ng bansang japan para i entertain ang mga tao at ang mga katulad nya ay tinatawag na Otaku .

Mga taong mahilig sa Anime , Games at Manga . Pero kahit may mga kaalaman akong unti unting nalalaman sa mundong ito dahil sa mga pumapasok na alaala ay hindi ko nararamdaman ang kahalagahan ng mga libangan na ito sa tao o kahit na saakin .

Sa paghakbang ng mga paa ko papasok pa ng kwarto ay muling pumapasok sa utak ko ang tagpi tagping alaala na mula sa babaeng taga earth . Ewan ko kung bakit pero siguro dahil katawan nya ito kaya nagbabalik tanaw ang mga ala-alang iyon .

Teka , Mali , siguro ang mga alaala ko bilang dating mandirigma ang sumisingit lang sa utak ng katawan na ito . Sa kanya parin ito kaya normal lang na may maalala ang katawan na ito base sa kanyang naranasan at nalalaman noon .

Ilang hakbang pa ay napansin ko ang mga certificate na nakaframe pa katabi ng mga maliliit na tropy sa desk nya .

Mga award ito sa mga nasalihan nyang patimpalak sa laro na nagpapatunay na hindi sya basta basta gamer lang kundi hardcore na mahilig makipagpaligsahan sa iba .

Isa syang myembro ng mga game club at elitista sa larangan nya . Kasama sya sa mga lumalaban sa mga malalaking onsite at online Event ng ibat ibang laro gaya ng Dota 2 , League of Legend , Crossfire at ibat ibang Role Playing Games o RPG.

Nagagawa nilang manalo pero sa kasamaang palad ay hindi na sya napipili na isama pa sa team dahil sa maraming may mas potensyal at dahil narin sa hindi sya pinagkakatiwalaan sa role nya dahil sa kasarian nya .

" Kaawa awa, Kahit sa simpleng bagay kagaya ng pag lalaro ay may diskriminasyon ."

Nilapitan ko ang desk nya at hinawakan ang monitor ng computer nya . Nakita ko rin ang isang laptop na pagmamay ari nya na ginagamit nya rin sa paglalaro habang nagpi-pilot ng mga account ng ibang tao .

Bilang isang Gamer ay may mga ilang paraan ka para kumita ng pera , Manalo sa mga Event , maging game support service, magbenta ng gamit sa kapwa gamer at mag pilot ng ibang account .

Kilala sya bilang si DD at pinagkakatiwalaan ng mga kliyente nya na laruin ang mga account nila habang sila ay abala sa pang araw araw na gawain nila .

Hindi maliit ang kita ng babaeng ito sa pag p-pilot ng maraming account pero sa tingin ko base sa alaala ng katawan na ito ay gusto nya na itong itigil .

Sa pag usisa ko pa sa kwarto nya ay dito ko mapapansin ang isang bagay na bahagyang nakalitaw sa ilalim ng kama nya . Ewan ko kung ano ito o dapat ko ba itong pagkaabalahang alamin pero talagang nababagabag ako na alamin ito .

Sa pagiging mausisa ko ay nilapitan ko ito at kinuha . Dito ay nahila ko ang isang lubid na may kahabaan din .

" Isang lubid ? Pero bakit may lubid dito ? "

Dito ay biglang may pumasok na alaala sa utak ko na labis na gumulantang sa isip ko .
Isang pagtatalo na hinding hindi malilimutan ng utak ng katawan na gamit ko .

" Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sayong babae ka !! Ipinagpalit mo ang magandang trabaho para lang sa walang kwenta mong libangan. " Sigaw ng isang lalaking galit na galit sa akin .

Ang lalaking iyon ay ang tatay ko dito sa earth pero iba ang hitsura nito sa aking ama sa aking pinang galingan na mundo .

Nagagalit ito at isinusumbat ang mga nagawa nya upang makapagtapos ng pag aaral ang babaeng taga earth pero mukhang binigo sya nito ng hindi ito makahanap ng mas magandang trabaho .

" Hindi ka ba nahihiya sa oras na magkita ka ng mga kakilala at classmate mo noon , siguradong tatanungin ka nila kung ano ka na ngayon at ano na ang ginagawa mo sa buhay . "

Pero imbis na magpakumbaba ay nagmatigas ito at matapang na sumasagot na pinaninindigan ang pagiging ma pride.
" Wala akong paki elam sa sasabihin nila , Ano bang masama sa ginagawa ko ? Hindi naman ako nagdro-droga o gumagawa ng masama sa kapwa kaya ano ang ikakahiya ko sa pagiging Gamer ko ? " Galit na tugon nito sa kanyang ama .

" Hindi ito tungkol doon " Balik na sigaw nito .

" Eh ano ??!! Dahil ba hindi ako isang doktor gaya ng kapatid ko kaya naman kinakahiya nyo ako ? " Matapang na sagot nito sa Ama .

"Ganyan na ba kakitid ang ulo mo mag isip ? Hindi na yan libangan kundi Adiksyon . Adik ka na Daniela sa paglalaro !! "
Pagdidiin ng ama nito.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito . Parang ang sikip ng dibdib ko habang isa isang naaalala ang mga masasakit na salitang umeeko sa tainga ko .

Mga multo na nakaraan na gusto kong lumipas na lang sa mga oras na iyon .

" Ano ba ate ang balak mo sa buhay mo ? Naiinis ako kapag nakikita kitang binubulok ang sarili mo sa kwartong ito habang ang iba nagpapakahirap sa labas upang umunlad sa buhay. " Sigaw ng isang babae sa harap ko .

" Pwede ba Amora eh tigilan mo ako , Wag mo akong simulan sa ganyan . " Sagot nya dito habang dinadabugan ang kapatid na babae sa harap ng hapag kainan.

" Nakaka irita na ang dami mong reklamo sa ibang tao pero hindi mo nakikita ang sarili mo. Wala ka bang pangarap sa buhay kundi magpasarap gamit ang pinagpaguran ng ibang tao? "

" Anong sabi mo ?! " Galit na sambit nito habang nagdabog dahil sa pagkabigla .

Hindi ko kayang mag isip pa nang mabuti kung paano ko aalisin ang mga alaala na bigla na lang sumusulpot sa utak ko . Alam ko na hindi akin ito pero sa sobrang sama ng loob ng katawang ito ay hindi ko maiwasang lumuha .

" Teka ! Bakit ako nanaman ang gagawa nyan ? Pwede mo namang gawin yan bago maglaro, wala ka nanaman gagawin boung araw . " Angal ng nakakabatang kapatid nito.

" Tumigil ka nga , Ako ang naghahanda ng almusal nyo tuwing umaga . "

" Almusal namin ? Malamang na gagawin mo yun eh nag aalmusal ka rin naman ." Sagot nito.

" Wag ka nang magreklamo dahil gawain mo yan bilang bunso dito sa bahay ."

" Gawain ko ? Pinasa mo lang naman yung gawain mo saakin . Ang hirap kasi sayo Ate binibilang mo yung mga ginagawa mo sa bahay pero yung mga bagay na hindi mo nagagawa at tinatakasan mong gawin eh hindi mo binibilang ."

" Hoy ! Loko ka ah , noong bata ka ako ang nag aalaga sainyo , ang kapal mo para magreklamo. " Sagot nito sa kapatid nya .

" Ayan ka nanaman ate , Isinusumbat mo nanaman yung mga ginawa mo noon pero nagagalit ka kapag sinusumbatan ka nila papa sa mga ginawa nila sayo ." Sambit nito sa kanyang ate habang nagmamadaling umalis ng kwarto .

Ang bigat sa pakiramdam na ang lahat ng tao sa paligid ko ay may sinasabing masama saakin na para bang pinagtutulungan ako . Ano ba ang mali ko ? Ano ba ang dapat kong gawin ?

" Bakit ako lumuluha nang ganito ? "

Alam ko sa sarili ko na hindi akin ang mga alaalang ito pero bakit tila naaapektuhan ako ? Gusto kong maniwala na may dahilan ang lahat ng ito pero kung pagbabasehan ang mga pira-pirasong alaala na nagbabaliktanaw sa utak ko ay malinaw na marami syang kamalian at pag kukulang .

Ano ba ang ginawa ng Daniela ng mundong ito upang umayos ang buhay nya? Napaka hangal nya . Hindi , Napaka walang isip nya upang sayangin ang buhay nya sa pagiging Gamer at isawalang bahala ang lahat ng mas makakabuti sa kanya .

Pero gayumpaman .... Bakit?

Bakit ko nararamdaman ang mabigat na pakiramdam sa loob ko na tila may mali sa nangyayari? Alam ko sa sarili ko na walang ibang may mali dito kundi ang may ari ng katawan na ito pero bakit hindi ko magawang ka-inisan sya?

Hinawakan ko ang aking mukha upang takpan ang mga mata na patuloy na lumuluha dulot ng kalungkutan. May nag sasabi sa utak ko na isisi sa kanya ang mga nangyari sa kanya pero pinaparamdam ng puso ko na dapat unawain ko sya sa depresyon na pinag titiisan nyang dinadanas .

Sa mga sandaling iyon ay may nakita akong isang maliit na notebook na may rosas na kulay sa ibabaw ng lamesa ng kabinet .

Dahan dahan ko itong nilapitan at hinawakan upang buksan ang unang pahina at dito nabasa ko ang mga katagang " Diary " kasama ang pangalan " Daniela " na nakasulat nang may magandang kaligrapiya .

Ang librong iyon ay ang diary nya na ginawa upang maisulat ang mga bagay bagay sa buhay nya.
Tama , kung may kung sino man na dapat kong pagtanungan upang makilala si Daniela sa mundong ito ay walang iba kundi sya mismo .

Nais kong malaman kung ano ang mga nangyari sa mga taon na lumipas , nais kong makilala ang katulad nyang Gamer . Ano ang bagay na pinahalagahan ng kagaya nya upang ipagpalit ang lahat para sa simpleng libangan na ito .

" Walang ibang makakasagot nito kundi ang diary na hawak ko . " Bulong ko sa sarili .

Pero bago ko mabuklat ang pangalawang pahina upang simulan ang pagbabasa nito ay bahagyang nahulog ang bookmark nito na nakakalagay sa gitnang pahina nito .

Nakalitaw ito sa notebook na iyon kaya hindi ko naiwasan buklatin ang pahinang ito pero iba sa dapat kong asahan ang mababasa ko sa mga papel ng libro .

Nabigla ako at hindi makapaniwala sa mga nakasulat doon at tila tumigil ang mundo ko nang unti unti kong napagtanto kung ano ang bagay na iyon .

Mga sulat na punong puno ng galit at puot sa mundo na tila ba nais nya itong mawasak na lang upang matapos na ang lahat ng paghihirap sa mundo.
Isang liham na puno ng pagsisisi at pag titiis sa mga bagay bagay na pinagdaraanan nya .

Sa muli kong pagbuklat mula sa huling pahinang may sulat ay doon mababasa ang isang pamamaalam .

" Isang Death note "

Tila nanlambot ang braso ko nang mabasa ko ang paulit ulit nyang pag hingi ng tawad sa lahat. Ang diary na dapat naglalaman nang masasayang alaala ng tao upang sa hinaharap ay alalahanin ng nagmamay ari nito ay sya ngayon naglalaman ng pagtatapos sa buhay o isang liham ng pamamaalam .

~

" Hindi ko alam kung bakit walang kayang umintindi saakin dahil lang sa iniisip nyong hindi ko kayong iniintindi pero nagkakamali kayo dahil alam ko ang mga kabutihan na maidudulot saakin ng mga plano nyo sa buhay ko pero gayumpaman ay mas mahalaga na piliin ko rin ang mga bagay sa sarili kong kagustuhan , pinipilit kong maging ako sa paraan na alam kong mas kaya ko . Hindi ko gusto gumamot ng tao kaya hindi ako naging doktor kagaya ng kapatid ko . Hindi ko gustong magtanggol ng tao kaya hindi ako naging abogado kagaya nyo ama .

Pinilit kong maging ako at nagsumikap kung ano ako ngayon pero mas inintindi nyo ang mga sasabihin ng ibang tao . Mga pamantayan ng mga tao tungkol sa pagiging matagumpay na babaeng may ipagmamalaki sa buhay .

Ayoko na ! Sawa na ako , Hindi ako hihingi ng tawad sa pagiging Otaku Gamer ko kundi dahil naging pabigat ako at walang naisukli sa mga bagay na ibinigay nyo .

Pero kahit ganun ay mahal ko kayo at kung bibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon na maisilang sa ibang mundo ay ipinapangako ko na ipagmamalaki nyo ang bagay na ipinagmamalaki kong maabot bilang ako . "

" Muli ay Patawad at salamat sa lahat . "

Ang mga katagang iyon ay huling liham nya sana sa mundong ito bago nya sana tapusin ang buhay nya .

Dito ay muling sumagi sa isipan ko ang mga alaala , kagimbal gimbal na alaala habang inihahanda nya ang pagpapakamatay nya gamit ang lubid na tatapos sa paghihirap nya .

Hindi ko maiwasang mapahawak sa aking leeg habang naaalala ang mga sandali at pakiramdam na malagutan ng hininga dahil sa pagkakasakal ng lubid na patuloy na naaalala ng katawan na ito.

Hindi ko na alam kung dapat ko pang kaawaan ang taong iyon dahil sa binalak nyang gawin , Biglang nagbago ang pananaw ko at nahaluan ito ng galit sa babaeng iyon . Hindi ko naiwasang sumigaw at mapadabog sa lamesita nya .

" Napaka hangal nya , Hindi ko sya maintindihan. Walang saysay ang binabalak mong pagpapakamatay kundi pagkasira at pagdurusa . " Sambit ko

" Ginagawa ng tao ang pagpapakamatay upang takasan ang mga bagay bagay sa mundo pero totoo bang matatakasan mo ito sa ganitong paraan ? "

" Makasarili ka ! Hindi mo naiisip kung ano ang mararamdaman ng pamilya mo at ano ang maiiwan nito sa kanila habang nabubuhay sila . "

Iniisip nya na isa syang kabiguan pero kung magpapakamatay sya ay lalo lang itong mag iiwan ng masamang imahe sa kanya tuwing aalalahanin sya ng mga tao .

" Hanggang sa huli naging pasakit ka parin at kabiguan na imbis na tumulong ka na lang ay mas pinili mo pang tumakas at iwan lahat sa kanila ang hirap !! " Sigaw ko habang nagagalit kanila

" Hindi mo alam kung ano ang kahulugan ng salitang pamilya ." Sambit ko habang naisuntok sa kabinet ang kamao ko dahil narin sa pagka irita ko .

" Wala kang utak , Tanga , sira ulo , Iniisip mong takasan ang hirap ng dalawamput pitong taon na paghihirap sa earth pero ang masunog ng higit isang libong taon sa impyerno na puno ng paghihirap at pagsisisi ay hindi mo isinaalang alang at pinagkumpara . "

Napakarami kong hinarap na paghihirap sa mundo na aking pinang galingan at lahat na yata ng paraan at pagtitiis ay ginawa ko na upang manatiling buhay . Hindi ako bumitaw kahit naninigas sa lamig ang boung katawan ko tuwing taglamig, nasusunog at natutuyot ang mga balat tuwing sasapit ang tag-araw tapos ikaw na may masarap na buhay dito sa payapang mundo ay agad na itatapon ang buhay nya na parang wala lang ?

Malinaw saakin na naging makasarili ka noong inakala mong ikaw lang ang dapat tinutulungan ng pamilya mo at unawain habang ikaw ay hindi nagbibigay ng tulong sa bawat myembro nito at umuunawa sa bawat nararamdaman nila .

Nakaramdam ako ng matinding galit sa mga binalak gawin ng babaeng taga earth na wakasan ang sariling buhay . Alam ko na higit na sino man ay ako ang dapat umu-unawa at mabigay ng simpatya pero ...

Pero gayumpaman , hindi ko matanggap ang mga paraan nya ng pagtakas . Ewan ko pero siguro dahil wala akong kinalakihang pamilya na nagagalit saakin tuwing may mali akong ginagawa sa buhay .

Labis kong pinahahalagahan ang pamilya ko dahil saglit ko lang naranasan ang magkaroon nito pero hindi ko matanggap na sa ibang oras , panahon at pagkakataon ay mayroong isang ako na magbabalewala nito .

Isang ako na mas pinili pa ang kasiyahan at makasariling paglilibang kesa sa pamilya na syang nagsisikap na tumulong sa kanya .

Pero sandali .... Kailangan kong huminahon muna .

Tama, hindi ko dapat sya husgahan agad . Hindi naman ako nakakasiguro na isa lang syang hangal na tao, Dapat kong alamin kung ano ang mga bagay na meron ang pagiging tulad nya upang malaman ko kung bakit nya isinugal ang buhay nya sa libangan na ito na tinatawag nyang larangan .

Tama, Kailangan ko itong alamin at kung malaman ko na isa lang syang tamad at walang kwentang tao na gumagawa ng pagdadahilan para makatakas sa hirap ng buhay ay gagawa ako ng paraan para muli syang makausap at sapakin hanggang sa mawasak ang bungo nya .

Gusto ko pa syang makilala at makuha ang katotohanan sa likod ng pagiging si Daniela Muntingbato upang malaman ko kung nararapat ba syang unawain at bigyan ng simpatya .

" Para lubusan ko syang makilala ay dapat ako maging si Daniela Muntingbato, Maging hardcore Otaku Gamer . "

End .

~~~> { Author's Note } <~~~

[ Dont forget to share this chapter to support this series ] 

Alabngapoy Creator

EPISODE 3