-----------------------------------------part 1 / part 2 ---------------------------------------------
Dahil sa nag uumpisa na ang paksa namin tungkol sa Anime ay ako naman ang nagtanong sa kanya kung natapos nya ba ang isa sa mga legendary anime na Naruto .
" Ah eh ... Hindi ko na kasi yun pinanuod nung namatay si uchia itachi sa episode 339 sa shippuden . Nakakaasar talaga hindi dapat namamatay ang mga gwapong character. " Sambit nya habang nagdadabog.
" Pero buti na lang nandun pa yung kapatid nyang si sasuke may isi-ship parin ako kay naruto ."
Hanggang sa isang action anime ay umaandar parin ang pagiging fujoshi nya kaya mahirap makipag kwentuhan sa mga katulad nya dahil imbis na yung kastigan nito ang pinag uusapan eh nauuwi sa pag papartner nila sa mga lalaking character.
" Pero alam mo ba may sabi-sabi noon na wala sa plano ng original draft ng Naruto ang character ni Sasuke . Ang sabi nila naidagdag lang yung character na yun dahil sa idrinowing ng batang anak na babae ng creator ." Sambit ko.
" Woahh !! Kung ganun dapat ko syang bigyan ng pagrespeto . "
" at isa pa speaking of Naruto may tsismis din noon na Naruto rin ang orihinal na pangalan ni Sanji Vinsmoke ng Onepiece pero pinalitan lang ito ni Oda para hindi magkaroon ng isyu. " Dagdag ko.
Dito ay tinanong nya ako kung ano naman ang mga paboritong movie ko habang binibida nya ang mga Makoto shinkai films at iniisa isa saakin katulad ng the children who chase lost voices at the garden of words kasama na ang mga produkto ng Studio ghibli na sikat sa boung mundo.
" Hm.. Marami naman pero ang sinusundan ko yung mga gawa ni Mari okada na naging screen writer ng Anohana na nagpa iyak saakin ng lubos , Kiznaiver at Tora dora."
" Kasama rin sya sa bumuo ng Sakurasou no pet kanojo, Nagi no Asukara, Hanasaku Iroha ." Dagdag ko.
" Wahhh !! Shiina mashirooo!! Namimiss ko ang waifu kong yun . " Sambit ko habang kinikilig .
" Teka akala ko ba si Rem ang Waifu mo ? " Pagtatanong nya.
Hindi ako makapagsalita sa tagpo na iyon pero normal sa mga Otaku ang magkaroon ng maraming waifu gayong maraming pwedeng pagpilian at wala pa namang Re:zero noong sumikat si mashiro .
" Ex waifu ko sya . "
Dito ay nagpatuloy kaming nagkwentohan ng mga bagay bagay tungkol sa Anime lalo na sa mga sikat kagaya ng hunter x hunter , dragon ball at iba pa .
" Alam mo ba ayun kay Yoshihiro Tagashi na gumawa ng Hunter x Hunter eh yung dual sword ni kurapika ay inspired sa Filipino martial art na Eskrima o Arnis. " Sambit ni Lea .
" Ohh... "
Dito ay sinimulan din namin magbanggit ng mga paborito naming Voice actor ng Japan. Ito ang mga tao sa likod ng mga boses ng mga character sa bawat anime .
" Syempre si Fujita saki , Sya yung nagboses kay Ymir ng Attack on Titan at Ritsu sa Ansatsu Kyushitsu " Sambit ni Lea.
" Oo kilala ko yun , Sya rin yun pinagkunan ng boses ng sikat na Vocaloid na si Hatsune Miku na kauna unahang 2d hologram na nagko-concert sa amerika at ibat ibang bansa. Big shot ang 2d na yun buti pa sya nag coconcert. " Sagot ko rito.
Pinagmalaki nya rin saakin ang mga sikat na banda at singer ng Japan na gumawa ng inggay kagaya nila Lisa .
" oh .. Alam mo ba ang tunay na pangalan nya ay Oribe Risa ang kaarawan nya ay June 24,kilala sya sa stage name na LiSA na acronym ng " Love is Same All " , sumikat sya lalo nung naging isa sya sa naging boses sa banda ng Dead girl monster sa Anime na Angel beats . Panalo mga kanta nya doon kay yui." Sambit ko .
Humaba ng humaba ang usapan namin magmula sa mga paboritong bida at kontrabida . Naubos ang oras namin ng hindi namin napapansin dahil narin sa pag kukwentuhan hanggang sa pinapaalis na kami ng guard dahil sa tagal namin nakatambay sa lamesa ng food court .
Sa pagkakataon na iyon ay naglakad kami sa mall at nadaanan ang isang tindahan ng anime stuff . Ang totoo hindi ako bumibili sa ganung shop dahil may suki ako sa internet at card ang gamit doon na mas madali saakin pero nagpupumilit syang pumasok na halos haltakin na ako papasok .
" Dali , saglit lang tayo Daniel . " Sambit nya .
" Ayoko nga sabi, nakakahiya pumasok , matatanda na tayo para dyan ." Sagot ko.
Ang totoo hindi komportable pumasok sa ganun dahil puro kabataan ang naroon at sa totoo lang matanda na ako para pumasok sa ganun at makita ng iba . Hindi dahil sa kinakahiya ko ang pagiging Otaku ko o ano pa man pero ang isa sa inaalala ko rin siguro yung pwedeng gawin ng kasama ko sa loob ng shop . "
Dito ay namili sya ng mga bibilin sa loob at tuwang tuwa sa pagkuha ng mga BL koleksyon na hindi inaalintana na may nakatingin sa kanya .
" Hoy pag nilawayan mo yan tiyak pagbabayarin ka nila . "
Medyo naiilang din ako dahil nakadikit saamin ang saleslady ng shop para sundan kami kahit saan kami magpunta at hindi ko maiwasan na mairita sa ginagawa nya .
Well trabaho nila iyon pero nakaka ilang talaga sa panig namin ang tagpong iyon lalo na ang karamihan sa mga otaku ay introvert at mahiyain. Hindi rin namin maiwasan mag isip na tila ba wala silang tiwala saamin , kaya naman hindi ko na magawang mabusisi yung gamit at makapili ng maayos dahil doon .
Dito ay lumapit si Lea at inaabot ang mga napili nya na tila ba gusto nyang ipabayad saakin yung mga gamit na yun . Nakatingin sya saakin na tila nagpapaawa habang pinababayaran ito sa cashier .
" Grabe ka , Gusto mong ako magbayad para sa luho mo ? "
" Pleaseee! Mura lang naman oh, baka lang kasi maubos yung stack nila Daniel . "
Lumapit ako sa kanya at binulungan , Nagkadikit ang mga ulo namin at harap harap ko syang sinungitan .
" Pumasok ka dito na walang dalang pera ? Kaya pala pilit mo akong hinahaltak papasok . "
Wala syang sinagot at nakangiti lang saakin na tila ba inaasahan nyang magbibigay talaga ako ng pera . Tsk, wala syang balak pakingan ang mga sinasabi ko. Dito ay nagsungit ako sa kanya at umiling na lang na tila walang narinig at nalalaman .
" Syempre hindi ka naman kuripot na boyfriend gayong kakasweldo mo lang para hindi pagbigyan ang nobyang Otaku sa simpleng bagay na ikakatuwa nya ? " Sambit nya
Nakuha nang sinabi nya ang atensyon ng mga tao sa loob lalo na ang mga saleslady ng shop at dahil wala silang alam sa set up namin ni Lea ay talagang inaakala nila na mag kasintahan kami na puno ng pagmamahalan kaya naman lahat sila ngayon ay nakatingin saakin na tila inaabangan ang mga susunod kong sasabihin at gagawin .
" ehem .. "
Pinagpapawisan ako sa mga tagpong iyon na tila naiipit ako sa pagitan ng pride ko at sa kahihiyan na magmukhang kuripot na boyfriend at kahit wala akong balak manlibre ay napabigay ako ng pera nang wala sa oras.
" Patawad zero two mukhang madedelay ang pagbili ko ng figma mo " Bulong ko sa isip .
Lumabas kami ng shop na bitbit ang pinamili nya at sa nakikita ko ay natutuwa sya sa nangyayari sa mga oras na iyon , nakakaramdam ako na tila naiisahan ako ng babaeng ito gamit ang mga pang gigipit nya sa mga alanganing sitwasyon .
" Wag ka nang magalit , promise babawi ako sa susunod . " Sambit nya .
" Ah .. Talaga ? Kelan naman ? "
" Syempre pag may trabaho na ako . Hello ? Estudyante pa ako kaya wala akong pera sa mga ganito . " Sagot ni Lea .
Nasabi nya iyon saakin kahit na napakarami nyang BL manga koleksyon na bitbit ko sa kamay ko na nagpapatunay na nagwawaldas sya ng pera para sa luho nya pero hindi ko na iyon pinuna dahil kahit magalit ako sa kanya ay huli na dahil nabili ko na yung gusto nya kaya naman pinagsabihan ko na lang sya na wag nang magturo pa .
Malinaw nyang narinig yun at tumango pa saakin habang nakangiti pero ilang sandali pa ay bigla syang napa tigil sa paglalakad at pumasok nanaman sa isang shop .
Dyos ko paki usap naman bigyan nyo ako ng maraming pasensya sa kasama ko. Kaunti na lang itatali ko na ang isang ito para hindi makapasok sa mga shop.
" Pwede ba Lea? Balak mo ba akong gawing human ATM mo ? "
" Sandali Daniel, Last na ito . Please ! " Sambit nya habang nagmamakaawa .
Dito ay kinuha nya ang keychain sa isang istante at pinapakita saakin . Ang mga keychain na iyon ay mga laruang isda at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay napapangiwi ako sa inis siguro dahil hindi ko maiwasan maalala yung kwento nya tungkol sa isda sa aquarium na inilalarawan nya saakin .
Naisip ko na pinakita nya yun saakin para asarin lang ako pero talagang pinipilit nya akong bilin yun kahit na tumanggi pa ako.
" Tignan mo ang cute nila , bilin natin ito . "
" Pwede ba kailan pa naging cute ang isda at marami ka namang keychain na mas maganda ? " Pagsusungit ko.
Dito ay bigla syang kumapit sa braso ko at hinila ako papunta sa cashier habang pinipilit na bayaran ito.
" Dali na daniel , ireregalo ko sayo ang isa para makabawi ako sayo ngayong araw . " Sambit nya .
" Tsk , makabawi ? Mas maaappreciate ko ang regalo mo kung sayo mismo nanggaling yung perang ibibili nyan . "
Hindi ko alam kong iniisip nya ba talaga komonsidera ng mga bagay bagay o wala lang talaga syang paki elam sa ibang detalye basta kapag may gusto sya ay gagawin na lamang nya . Parang ako na rin bumili ng keychain na iyon at iniregalo ko sa sarili ko .
Pero dahil mura lang naman iyon ay pumayag na ako upang matapos na . Pambihira daig ko pa may kasamang bata . Sa totoo lang hindi ko ito inaasahan dapat pala sa simpleng arcade center ko lang sya dinala .
" Sandali baka may utang na loob pa ako sa pag bili mo nyan para saakin ah . " Sambit ko dito.
" Ok lang, wag na . " Sagot nya saakin .
" Tsk, wag na ?!! Aba't ! Sakalin ko kaya ang pandak na ito " Sa isip ko .
Hindi pa man tapos sa pag babayad ko sa counter ay agad nya nang inilagay ang isa sa pitaka nya . Para syang batang nakangiti saakin habang pinapakita ito .
Hindi ko naman magawang mainis pa sa kanya at magsalita upang kontrahin sya dahil nakikita ko na talagang masaya sya at sino ba naman ako para sirain ang mga ngiting iyon dahil lang sa negatibong bagay gaya ng pag gastos ng maliit na halaga.
Ang pera ay para saaming mga kolektor ay isa lang kasangkapan upang makabili ng mga bagay na kokompleto saaming mga pagnanais at magbibigay saya saaming kalooban . Mga bagay na nagpapakalma saamin at magpapangiti ng wagas .
Iyon mismo ang mga tunay na ngiti na tinataglay ng mga kolektor at ngayon ay nakikita ko ito kay Lea nang makuha nya ang mga simpleng keychain na iyon .
Ang pagkokolekta ay hindi lamang nasusukat sa kalidad at kung gaano ito kamahal kundi kung gaano ito kahalaga sayo . Dahil kung kaya mo itong tignan bilang importanteng bagay ay doon ito nagkakaroon ng tunay na halaga, isang simpleng bagay na may katumbas na dyamante .
" Ang cute nya diba ? fisda ? " Nakangiting sambit nya
Palabas namin sa shop ay bigla syang humarang sa harap ko at pinigil ako sa paglalakad . Medyo kinabahan ako dahil baka may nakalimutan syang ituro nanaman sa loob.
" Daniel , naalala ko pala , Sino si Elisa ? " Sambit nya habang nagtataka .
" Huh ? "
END ..