CHAPTER SIX

" Lets get married ! "

Noong mga bata pa tayo ay madalas na itinuturo saatin ng ating mga magulang at mga nakakatanda ang mga pag sasabuhay sa mga magagandang asal at gawain . Isa na rito ang pagsasabi ng totoo sa kapwa mo .

Ang pagsisinungaling ay isang kasalanan sa mata ng tao at dyos na nagreresulta ng mga hindi magandang bagay . Alam natin na ang kasalanan ay kasalanan maging maliit man o malaki ay parehas lang itong pagtalikod sa kabutihan .

Pero may mga uri ng pagsisinungaling na kahit ito ay makasalanan ay makakabuti para sa iba , ang tawag dito ay " White lies" Isang pagsisinungaling para sa kapakanan ng tao, bagay at ano pa man .

Pero masasabi bang ito ay makatarungan kahit na isa itong kasalanan ? Sapat na ba ang magandang motibo at dahilan na sa iyong kasinungalingan upang makaligtas ka sa pwedeng maging katapat na kabayaran sa oras na maningil na ang karma?

Isang walang kabuhay buhay na umaga ang sinimulan ko dahil parin sa mga negatibong bagay na naiisip ko at hindi ko naman maiiwasan ito dahil narin sa unti unti na akong napapagod at nagsasawa sa araw araw na gawain ko na paulit ulit at tila wala naman patutunguhan .

Habang naglalakad sa daan pauwi sa bahay ay may nakikita akong nakatambay sa poste sa gilid ng bahay namin . Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na mamukhaan ko ang taong iyon dahil sa liit , payat at sa ikli ng buhok nya eh mukhang kilala ko na ang babaeng nakatambay doon kahit pa hindi ko pa nakikita ang kabuoan ng mukha nya .

Ang tinutukoy ko na nag aabang doon ay si Lea ang baliw na schoolmate ko na adik sa yaoi , hindi ko alam kung bakit naroon sya at kung paano nya nalaman ang tirahan ko pero malakas ang kutob ko na ako ang pakay nito .

Ginusto kong magpatay malisya sa nakita at dumeretso na lang sa paglalakad dahil walang ibang daan papasok sa gate namin . Tama, iisipin ko na lang na hindi ko sya nakita at wala akong kilalang taong kagaya nya , papasok ako ng mabilis sa loob namin para makatulog at walang iintindihin na kahit ano pa .

Hindi natanggal ang kabog ng dibdib ko sa bawat hakbang ng mga paa ko patungo sa gate namin at tila ba patuloy akong nagdarasal na hindi nya ako mapansin o makita dahil alam ko magugulo lang ang araw ko kagaya ng nangyari sa mall.

Nagawa ko syang lagpasan at alam ko na nakita nya ako pero hindi nya ako pinansin man lang.

Nagtataka ako kung bakit hindi nya ako binati o kahit tawagin man lang nung mga sandaling iyon ? o baka ako lang talaga itong nag iisip na ako ang dahilan kaya sya naroon .

" Nakakapag duda talaga . "

Ilang hakbang lang mula sa kanya ay bigla itong nagsalita na tila ba binabati ako . Kinilabutan ako ang katawan ko at napahinto na lang sa paglalakad.

" Oi nandyan ka na pala , magandang araw !! " Sigaw nito .

Kasabay nun ay bigla akong humarap at dahil nga sa masamang pag aakala ko sa kanya kung bakit sya naroon ay nasigawan ko agad sya at sinungitan .

" Pwede ba tigilan mo na ako ! hindi ako papayag sa alok mo !! "

Pero hindi gaya ng inaasahan kong eksena na makiki usap ulit sya ay maayos nyang tinugunan ang pag sigaw ko at nagtanong lang saakin na tila walang kamuwang muwang sa mga sinasabi ko.

" Huh ? Sandali anong sinasabi mo Daniel ? " Pagtatanong nito.

" Wag mo akong lokohin alam ko kung bakit ka nandito ! "

Bago pa man kami magtalo ay bigla ng may lumapit saaming lalaki na syang tinatawag ni Lea kanina , agad syang bumati saaming dalawa at pumagitna sa aming usapan . Ang lalaking ito na may pagka mistiso , singkit at maganda ang pangangatawan ay ang kapatid kong lalaki, si Romeo ang pangalawa saamin tatlong magkakapatid .

Isa syang gwapong binata, matalino , magaling sa sport at higit sa lahat mabait na tao minsan nga naiisip ko nasa kanya na ang lahat ng magagandang katangian na wala saakin . Alam ko na malayong malayo kami sa isat isa.

" Bakit kuya may problema ba kayo ni Lea ? "

" Ewan ko sa kuya mo bigla na lang nya akong sinigawan ." Pagsabat ni Lea .

" Te-teka magkakilala kayo ? "

Dito ay pinakilala nya si Lea bilang Schoolmate at dating Classmate nya noong nakaraang taon sa nursing . Dito ko nalaman na isang nurse din pala ang fujoshi na babaeng iyon at ngayon nag aaral sila para sa board exam na kukunin nila .

" Kung ganun nandito ka para mag aral ? " Tanong ko .

" Oo naman , bakit ano pa bang dahilan ? Sandali iniisip mo ba na nandito ako para sayo ? " Pagtatanong nito habang nakangisi saakin.

Hindi ako makasagot sa tanong nyang iyon dahil sa nararamdaman kung kahihiyan nung akalain kong ako ang pakay nya . Gusto kong magpalusot pero wala na rin akong maisip sa mga oras na iyon at napalingon na lang sa gilid ko .

Hindi na pinatagal pa ng kapatid ko ang pag uusap namin sa labas ng gate at inaya na si Lea sa loob ng bahay upang makapag aral .

" Napa hiya ako doon ah , pero wala talaga akong tiwala sa babaeng ito . " Bulong ko sa sarili ko.

Lumipas ang ilang oras sa loob ng bahay ay hindi ako mapakali sa loob ng kwarto ko kakaisip sa pwedeng balakin ni Lea sa pagiging malapit sa kapatid ko.

Nabubuo sa isip ko na pwedeng magamit ni Lea ang kapatid ko sa pagkuha nya sa magiging asawa nya . Hindi rin ako nakakasigurado sa iniisip ko at bilang nakakatanda ay hindi ako pwedeng magpadalos dalos .

Alam ko naman na matanda na ang kapatid ko at ayokong maki elam sa kanyang ginagawa sa buhay pero hindi ko lang maintindihan ang sarili ko na tila may kung anong bagay sa akin na nagpapakilos na kailangan kong bantayan sila.

" Tama , kailangan kong iligtas ang kapatid ko sa fujoshi na yun . "

Dito ay tumayo ako ng kama at dahan dahang lumabas ng kwarto upang magtungo sa sala kung saan sila nag aaral . Sa pagsilip ko ay nakita ko ang dalawa na seryosong nag aaral sa lamesa na napupuno ng mga libro at kung titignan ay mukhang normal naman ang takbo ng lahat , siguro nga masyado lang akong nag iisip ng hindi maganda .

Ang totoo mabait na tao naman ang pagkakakilala ko kay Lea kahit na may pagkaisip bata sya kaya ano ang inaalala ko ? Siguro malaki lang talaga ang naging epekto ng mga masasamang panaginip ko gabi gabi tungkol sa babaeng ito .

Tama, iniisip ko na isa yung babala saakin tungkol sa kasal kaya masyado akong OA kung mag isip pero sabi nga nila ay kabaliktaran ang nangyayari sa totoong mundo oras na panaginipan mo ito.

" Romeo pwede ba akong magpatulong sayo kung paano nakuha ito ? " Pagtatanong ni Lea.

" Huh ? Sige ,teka asan ba ? "

Tumayo si Romeo sa kinauupuan nya at lumapit kay Lea upang tulungan ito sa ginagawa , Halos magdikit ang mga katawan nila habang mano manong pinaliwanag kay Lea ang mga gagawin nito sa problema. Naging boring ang panunuod ko sa kanila dahil wala naman kakaibang nangyayari sa oras na iyon kaya naisip kong tumigil na sa mga paghihinala ko .

" Bakit ko ba inaalala ang kapatid ko eh mas matalino at madiskarte sya kesa saakin? " Bulong ko .

Habang pinagmamasdan ko sila sa likod ng pintuan namin ay bigla akong napansin ni Lea na nakatitig sa kanila . Bakas sa mukha nya ang pagtataka sa ginagawa ko at wala akong naging tugon kundi mapailing dahil nahuli ako nito sa pagsilip sa kanila na parang stalker nila.

Sa sandaling iyon ay bigla itong ngumiti saakin , isang matamis na ngiti na nagpasara sa mga singkit nyang mata na tila nagpapacute pa pero unting unti itong nagbago at napalitan ng Evil smile na tila may masamang balak .

Nagulat ako sa ekspresyon ng mukha na pinakita nya at muling nabuo ang mga paghihinala ko na may masama syang motibo sa pagpapaturo sa kapatid ko .

" Sinasabi ko na , Wala talaga akong tiwala sa babaeng ito . Hindi ko hahayaan na mabiktima mo ang kapatid ko . " Bulong ko habang naiirita.

Sa pagkakataon na yun ay napansin din ng kapatid ko na nakatayo ako sa likod ng pinto kaya wala na akong pagpipilian kundi pumasok na lang sa loob ng sala upang lapitan sila na parang walang nangyari .

" Akala ko ba kuya matutulog ka ? May pasok ka pa mamaya, hindi ba? " Tanong nito.

" Huh? Ah .. eh .. Hindi ako makatulog , siguro dahil gutom ako . Ah ! Tama . " Pagpapalusot ko sa kapatid ko .

Natataranta ako at aligagang umiisip ng mga sasabihin sa kanya hangang sa maisip kong kailangan kong malaman mula sa babaeng ito ang totoong pakay nya alang alang sa kapatid ko.

Bumunot ako sa pitaka ko ng pera at pilit pinapabili ng pagkain sa labas si Romeo , inalok nya ako ng pagkain sa loob ng ref pero pinilit ko parin na bumili sya sa labas at dahil yun sa intensyon kong kausapin ng sarilinan si Lea.

Nagtataka man si Romeo sa mga pagpupumilit ko ay wala na syang nagawa kundi sumunod sa utos ko . Ngumiti lang si Lea sa kapatid ko at nagpapabili ng pagkain gamit ang perang inabot ko kahit na hindi ko naman sya inaalok .

" Wag kang mag mamadali ah ! Ingat ka sa paglalakad sa kalye . "

Matapos kong marinig ang gate na magsara ay lumapit na ako muli sa lamesa sa sala at padabog na hinarap si Lea .

" Anong binabalak mo sa kapatid ko ? Pwede ba wag mong idamay sa kabaliwan mo si Romeo . "

" Kabaliwan ? Teka kabaliwan ba ang mag aral upang pumasa sa exam ? " Sagot nito.

" Wag mo akong lokohin alam kong binabalak mong pakinabangan ang kapatid ko sa mga plano mo . " Sagot ko rito.

Sa pagkakataon na iyon ay bigla nyang ibinaba ang librong hawak at nagdekwatro sa pag upo . Mataray nyang sinabi na wala na akong paki elam sa mga ginagawa nya .

" Alam mo nagiging matalino lang ako , Tutal ayaw mo naman saakin so ang kapatid mo na lang . " Sambit nito.

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko sa kanya lalo na tila inaamin nya ang pag gamit nya sa kapatid ko bilang panangga nya sa pamilya para ituloy ang pagiging fujoshi .

" Nababaliw ka na , Akala mo ba magtatagumpay ka ? Sasabihin ko lahat kay Romeo ang mga plano mo . "

Dito ay nakapangalong baba lang sya sa mesa habang hinahamon akong gawin ang balak kong pag susumbong na tila hindi natatakot na masira ang maiitim na plano nya .

" Sa tingin mo maniniwala ang kapatid mo sa kabaliwan na sasabihin mo ? Tiyak masisira lang kayo lalo pa may gusto saakin ang kapatid mo at kasalukuyan na nililigawan ako. "

Sinabi nito saakin na kusang loob na nagbigay ng tulong si Romeo sa pag tuturo dahil sa nararamdaman nito sa kanya at dahil isa yung pagkakataon para makapasa sa exam ay hindi nya na pinalagpas pa .

" Ang sama mo , hindi ako naniniwalang magkakagusto ang kapatid ko sa gaya mo. "

" Teka ginayuma mo sya , ano ? " Dagdag ko .

Biglang tumawa si Lea sa harap ko dahil sa naging reaksyon ko at dahil babae sya ay hindi ko sya magawang batukan man lang kahit gaano na ako kapikon sa pagtawa nya .

" Teka hindi na mahalaga kung paano basta mapapakinabangan ko na sya. "

Hindi ko maintindihan ang pag iisip ng isang ito at lalo pa akong naiirita habang nakangisi sya saakin na tila nang aasar pa. Malinaw saakin na gusto nya mapaikot sa palad nya ang kapatid ko at sa oras na magtagumpay sya ay tiyak ang kapatid ko ang magdurusa .

-------------------------------part 1 / part 2 -----------------------------------------

Alabngapoy Creator