CHAPTER FIVE
" Anime o Ako "
Sa isang napaka laking simbahan kung saan nagtitipon tipon ngayon ang napakaraming tao sa loob upang saksihan ang pag iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan at nakatakdang sumumpa sa harapan ng dyos na magsasama habang buhay.
Makikita sa loob nito ang mga taong naka amerikana at puting dress na nakahilera sa harapang upuan ng simbahan . Masaya at nagagalak ang mga matatandang naroon na syang mga magulang ng mga ikakasal . Dito ay nag umpisa nang maglakad ang isang dalagang nakasout ng magarang trahe de boda kasama ang isang matandang lalaki na ama ng bride, inihatid sya nito sa harapan upang ibigay sa mapapangasawa nito na ngayon ay naghihintay sa harapan ng altar.
Daniel PoV.
" Ang ganda nya talaga . "
Hindi ko mapigilan ang saya ng nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil sa wakas ay maihaharap ko na sa altar ang pinaka mamahal ko . Ang babaeng aking gustong makasama sa habang buhay , ang tanging babaeng pag aalayan ng mga pangarap , pag sisikap at buhay . Ilang saglit na lang ay magiging isa na kami bilang mag asawa .
Dito ay inabot ko na ang mga malalambot na kamay ni Lea habang pinagmamasdan ang napaka amo nyang mukha na natatakpan ng kanyang mahabang belo sa ulo . Bakas sa mga ngiti namin ngayon ang tuwa't saya na aming nararamdaman habang dahan dahan na kaming naglakad patungo sa harap kung saan naghihintay ang pari ng simbahan .
Dito ay nilagyan kaming dalawa ng ribbon na nagtatali saamin bilang simbolo ng matibay na pag ugnayan at pag sasama ng dalawang tao bilang iisa. Humarap bigla si lea at bumulong saakin na may malambing na tinig .
" Masaya ka ba ? " Tanong nito saakin .
" Hindi lang masaya , kundi sobrang saya . Hindi mo alam kung gaano mo kinumpleto ang buhay ko lea." Sagot ko .
Hinawakan ko nang mahigpit ang dalawang kamay ni Lea at hinalikan ito habang nakatitig sa kanyang mga nagniningning nyang mga mata .
" Ilang oras na lang matutupad na natin ang pangarap natin , makakasama na natin ang isat isa at bubuo ng sariling pamilya . "
" Tama ka , ilang sandali na lang mahal ko . " Tugon nito saakin gamit ang kanyang malalambing na mga boses .
Kahit na may suot itong belo ay malinaw kong natatanaw ang mga matatamis na ngiti nya dulot ng kaligayahan na aming pinagsasaluhan sa mga sandaling iyon . Napakasarap sa pakiramdam na tila kaya kong gawin ang lahat para sa babaeng kaharap ko ngayon.
" Tama , ang pangarap na matagal na natin gustong makuha . " Sambit nito.
" Ilang oras na lang makakapiling ko na rin nang malaya ang mga yaoi manga at koleksyon ko ng walang nagagalit na magulang. " Biglang sambit nito habang kinikilig .
" Huh ? "
Bumitaw saakin si Lea at may kinuha sa loob ng kanyang gown , dito ay nilabas nya ang isang BL manga nila Eren at Levi upang ipakita saakin .
" Tignan mo ang nabili ko mahal ang new volume ng doujinshi ko nila fafa Eren at Levi . kyahhh !!! Ang sweet nila diba . " Sambit nito habang kinikilig .
Wala akong masabi sa mga oras na iyon lalo pa nung makita ko ang larawan ng mga nakahubad na lalaki sa cover ng libro habang nakangiti sya saakin na tila manyakis at humihingal pa dahil sa pagnanasa nya sa mga yaoi . Sa pagkabigla ko sa inilabas nyang BL manga ay bigla ko itong sinungapan para itago, alam kong nabigla rin si Lea sa ginawa ko pero kailangan ko yun gawin para hindi makita ng kaharap naming pari .
" A-a-ano bang ginagawa mo ? bakit ka nag dala nito sa loob ng simbahan ? "
" Sandali wag mong kunin , Akin na yan ! " Sambit nito habang pilit kinukuha ang libro.
Naging mapilit ito sa pagkuha at dahil nga kasal namin ito ay nasa amin ang atesyon ng mga tao sa loob ng simbahan, Hindi ako makatingin sa mata ng mga tao dahil nakikita ko sa mga ekspresyon ng mukha nila ang pagtataka sa tila pagtatalo naming dalawa sa harap ng altar.
" Bawal sa simbahan ang bagay na ito, nasisiraan ka na ba ? "
Maging ang pari at ang mga sakristan na kasama nito ay nagtataka sa aming mga kinikilos, hindi nila malaman kong pipigilan nila kami sa pag aagawan o hahayaan sa aming ginagawa sa araw ng kasal namin .
Alam kong mali ang nangyayari saamin ngayon pero hindi ko naman pwedeng ibalik ito sa kanya dahil baka ano pang sunod nyang gawing kabaliwan , Hindi pwedeng masira ang araw na ito dahil lang sa pagka adik nya sa yaoi .
" Isuli mo yan ! mamamatay ako kapag nawala yan saakin ! Akin na !! " Pag pupumilit nito .
" Tumigil ka lea , pwede ba pagkatapos na lang ng kasal . "
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari at nagsisimula na rin akong magtaka kung bakit si Lea ang kasama ko sa altar . Napahinto ako at napaisip kung paano nangyaring ikakasal ako sa isang fujoshi na gaya nya .
" Mamaya ibigay mo saakin yan pagtapos ng kasal ah . " Sambit nya na tila nagtatampo.
Tumigil ito sa kakaagaw saakin ng libro at muling humarap sa pari . Dito ay itinago ko muna ang BL manga sa loob ng amerikana ko at inipit sa suot na pantalon , Hindi ko alam kung kaya ko pang humarap sa tao kung malalaman nila na nagdala ang asawa ko ng isang malaswang babasahin sa loob ng simbahan. Patawarin sana kami ng dyos sa pagiging makasalanan namin .
Dito ay bumuntong hininga ako at sinubukan na kalimutan na lang ang nangyari dahil importante ang araw na ito para saamin . Humarap na ako sa pari upang maipagpatuloy ang aking kasal na hindi ko parin kayang isipin kung bakit nangyayari pero may oras pa ba akong magtanong ? Napakabilis ng pangyayari sa pagitan namin at sa totoo lang hindi ko rin matandaan na pumayag ako na ikasal kay Lea na nakikipag kasundo saakin nitong nakaraan .
Sandali lang , parang may mali sa nangyayari.
" Huh ?" Biglang pagsambit ko .
" Oh bakit Daniel ? "
" Hm.. naisip ko lang , Bakit tayo ikakasal ? Hindi naman tayo nagmamahalan ah ." Tanong ko bigla rito.
Bakas ang pagtataka sa mukha nya sa biglaang tanong ko ng mga bagay na iyon, naisip ko bigla kung tama ba ang bulgar na pagtatanong ko na iyon sa babaeng pakakasalan ko ngayong araw pero tinugunan lang ito ni Lea ng ngiti na tila may masamang balak .
Bago pa sya makasagot ay may biglang may nagbukas ng pinto ng simbahan at humiyaw sa loob .
" Itigil nyo ang kalokohan na ito !!! "
Umeko ang malakas na boses na nagpahinto sa aming kasal ni Lea at kahit na hindi ko pa nakikita kung sino ang misteryosong taong ito ay biglang kumalabog na ang dibdib ko dahil sa kutob ko kung kanino ang boses na iyon. Tama , Hindi ako pwedeng magkamali.
Mabilis akong tumalikod at nanlaki ang mga mata ko habang napatangga na lang nang makilala ang babaeng biglang pumasok sa simbahan . Ang naglakas ng loob ipatigil ang seremonya ng kasal ko ay ang waifu kong si Rem na ngayon ay galit na galit habang hawak ang mga kadena na humihila sa bolang bakal .
" R-re-rem? Teka paanong ? "
Nagkaroon ng pagpapanik sa loob ng simbahan lalo na nung makita nila ang paglitaw ng nagliliwanag na sungay ni Rem sa ulo at pagkalat ng asul na kuryente sa paligid nito. Maririnig sa loob ang kaluskos ng mga kadena ng sandata ni Rem habang naglalakad ito palapit sa altar.
" Sinungaling ! Pagbabayaran mo ang pagtataksil mo!! " Hiyaw nito.
" Pagtataksil ? Sandali hindi , mali ang iniisip mo . "
Winasiwas nya ang kadena at tumama iyon sa lapag. Kitang kita ng lahat ng mga tao ang pagkadurog ng simento sa pagtama nito na agad nilang kinatakot . Nagbibigay si Rem ng babala sa mga taong pipigil sa kanya para patayin ako .
" Wawasakin ko ang sino mang pumigil saakin na patayin ang taksil na lalaking yan . "
" Huh ? Teka wag ka munang aatake , Sandali aalis muna ako . " Aligagang sambit ni Lea.
Dito ay bigla akong iniwan ni Lea sa harap ng altar at naunang tumakbo na papuntang pintuan ng simbahan na tila walang paki elam sa buhay ng magiging asawa nya.
" Hoy ! Pambihira ka bakit mo ako iiwan dito? Akala ko ba sa hirap at ginhawa hangang kamatayan eh magsasama tayo. " Sigaw ko dito dahilan para mapahinto sya.
" Ano ka ba daniel , ano naman ang ang magagawa ko dyan ? Isa pa iiwan din naman natin ang isat isa balang araw kaya mauuna na ako . "
Tuluyan syang lumabas ng pinto at agad na sinundan ng mga tao na hindi rin nagtangkang tulungan ako , maging ang pamilya ko ay nagawa akong kalimutan para unahin ang mga sarili.
Sa makatuwid ay hinayaan nila akong iwan sa loob kasama ng waifu ko . Medyo maganda sana yung tagpo kung sa romantikong kadahilanan kung bakit ito nangyayari at hindi sa malupit na pagtatangkang tapusin ang buhay ko .
Naging maingay at magulo ang loob ng simbahan dahil sa pagpapanik nila pero dahil ako lang ang pakay nya ay mapayapa na nakalabas ang lahat .
" Sandali Rem , magpapaliwanag ako . Pakingan mo ako . "
Bakas sa mukha ni Rem ang galit na tila suklam na suklam saakin at hindi na ako binigyan ng pagkakataon pa na magsalita at agad na winasiwas sa hangin ang kadenang hawak .
" Mamatay kang taksil ka !! " Sigaw nito.
Nataranta ako at walang ibang nagawa kundi tumalon sa sahig para lang makaiwas sa atakeng iyon . Nagawa kong makaiwas sa unang atake ni Rem saakin pero agad syang bumwelo muli para umatake. Alam kong hindi ko na iyon matatakasan kaya nagtakip na lang ako ng mukha para saluhin ito .
" Sandali !!! itigil mo yan !!! " Sigaw bigla ni Lea
Nagulat ako ng biglang bumalik si Lea upang pigilan si Rem sa pag atake saakin . Hingal na hingal syang nakahawak sa pinto dahil na rin sa pagtakbo nito.
" Lea , Binalikan mo ako ? " Sambit ko na may ngiti sa mukha.
---------------------------------------part 1 / part 2 ------------------------------------