DIARY NG OTAKU EXTRA
* FIRST CHAPTER ( part 2 ) *
" My Reality , Your Fantasy "
Bago pa ako tuluyang mapatulala na tumitig sa maamong mukha ng lalaki ito ay sinungitan ko na ito .
" Hindi ako naniniwala sa tadhana at kaya kong sirain ang paniniwala mo gamit ang pagwasiwas ng espada ko sa leeg mo ."
Seryoso ko syang pinagbantaan pero tinawanan nya lang at ginawang biro ang mga pananakot ko .
Nagpatuloy ang pang aalaska nya sa mga pag susungit ko at wala akong nagawa kundi mahulog sa bawat pagbibiro nya sa mga salitang nakakairita sa pandinig ko .
Tinanong ko ito tungkol sa katapatan nito sa mga pananampalataya nya at gaya ng inaasahan ko ay hindi nya ito itinanggi at boung pusong isinusumpa ang pagiging makadiyos nya sa kabila ng pagiging mamamatay tao na hindi maiiwasan sa aming trabaho.
" Ganito na lang bakit hindi mo na lang ituring na pabor ang pakikipag usap saakin bilang huling kahilingan ng taong mamamatay na. " Hirit nya .
Tumahimik sandali ang paligid sa hindi ko pagtugon dito dahil din siguro hindi ko alam ang sasabihin ko upang barahin sya . Nagdalawang isip ako sa bibitawan kong salita kung pagbibigyan ko ba sya o aalis na lang .
Hindi ko responsibilidad na tuparin ito at kung tutuusin ay sisirain ko ang mga sinabi kong kinaugalian kanina sa oras na makipag usap ako sa kanya ng matagal .
Pero ewan ko kung dala ito nang pagkalibang ko habang kausap sya na pumapatay sa pagkabagot ko sa ilang araw sa lugar o isang simpatya at awa sa taong mamamatay na kaya imbis na humakbang paalis ay naghintay ako na muli syang mag salita .
" Paborito mo rin ba ang takip silim ? " Tanong nito .
Hindi tulad ng inaasahan ko ay isang walang kwentang tanong ang nasambit nya at tila ba nawalan ako ng interes na manatili pa doon pero gayumpaman ay sinagot ko pa rin ito at inamin na natatakot ako rito dahil para saakin isa itong simbolo na tapos na ang liwanag at muling babalot ang dilim .
Mas higit na mapanganib ang gabi at bilang mga mandirigma ay alam kong alam nya ang tinutukoy ko . Sa totoo lang hindi kailangan ng tao ang kadiliman at kung pwede lang ay gusto namin itong matapos agad at masilayan ang pagbabalik ng araw sa lupain .
Alam ko na tutugunin nya ako nang pabiro sa walang kwenta nyang tanong pero iba sa inaasahan kong sagot sa kanya ay bigla akong napaisip sa kanyang mga sumunod na sinabi .
" Pero may mga pambihirang bagay na taglay ang kadiliman ng gabi ." Sagot nya .
" Gaya naman ng ano ? "
Humarap sya saakin at muling ngumiti kasabay ang pag banggit na " Tandaan mo na sa gabi lang makikita ang hardin ng mga bituwin . "
Pinaliwanag nya na umiikot ang mundo sa gitna ng kalawakan at buong araw na nasa kalangitan natin ang mga bituwin ngunit nasisilayan lang ito tuwing mababalot ng dilim ang kalangitan .
Napakaamo ng mukha nya at mga ngiti habang ipinapaliwanag ang kagandahan ng gabi at kung gaano sya namamangha sa itsura ng kalangitan na tila kayamanan ng mundo na nagbibigay kapayapaan sa dibdib ng bawat nilalang na makakakita sa natural na ganda na taglay ng mga ito.
" Lahat ng bagay ay may dahilan at kung tutuusin ay hindi nawawala ang liwanag sa mundo oras na lumubog ang araw , Ang totoo mas dumami ito at gumanda " Nakangiti nyang Tugon .
" Sino ang may kailangan ng bituwin ? Hindi ka nyan maililigtas sa panganib ng kadiliman . " Tugon ko rito .
Sa sandaling yun ay muli syang ngumiwi na tila pinagtatawanan ang pagiging masungit ko sa harap nya at muling kinontra ang mga sinabi ko .
Dito ay tinanong nya ako kung bakit sa gabi lang lumalabas ang buwan na nagsisilbing liwanag ng mundo tuwing sasapit ang kadiliman ng gabi at nabanggit na ito ay upang magbigay liwanag kapalit ng araw .
Hindi ko maunawaan kung bakit tila namamangha ako sa mga salitang lumalabas sa bibig nya . Marahil dahil iba ito sa normal kong naririnig sa isang mandirigma na gaya nya .
Kung iisipin ay walang kwenta ang mga ito dahil ang totoong kahanga hanga ay ang pagiging positibo nya sa mga bagay bagay . Tama, tila ba sa mga mata nya ay nakikita nya ang mundo bilang pambihirang lugar para sa tao.
" Wag mong basta agad tignan ang isang bagay sa negatibong bahagi nito dahil lahat ng bagay na nilkha ng diyos sa mundo ay tunay na kamangha mangha ang kailangan mo lang ay matutunan na alamin ito at makilala upang sa gayon makita mo ang pambihirang bagay na tinataglay nito . "
" Hm... Kagaya mo. " Biglang Sambit nito habang nakatingin saakin.
" Kagaya ko ? "
" Pwede ko bang malaman ang pangalan mo upang sa gayon lalo ko pang makilala ang isa sa mga nilikha ng diyos at makita ang pambihirang katangian nito ? " Preskong sambit nya .
Hindi ko alam kung bakit napahakbang ako paatras at napa iling upang iwasan na makatingin sa nakangiting mukha nya , Bumibilis ang pintig ng puso ko at sa unang pag kakataon ay nakaramdam ako ng hiya na tila naiilang at nagpapatindig sa balahibo ko sa kaba .
" T-tu-tumahimik ka , sinabi ko sayo wala akong intensyong magkaroon ng kahit anong ugnayan sa taong patay . " Pagsusungit ko .
Dahil sa inasal ko ay lalo syang naging makulit at natutuwa sa pagsusungit ko .
" Kung ganun bakit hindi tayo magkaroon ng kasunduan binibini ? "
" Kasunduan ? "
" Sa oras na mabuhay ako ngayon gabi sa nakatakdang laban at umabot ng kinabukasan ay ibibigay mo saakin ang iyong pangalan . " Paghamon nya .
" Kalokohan , wag mo akong pagkatuwaan . "
Lalo syang naging determinadong hamunin ako at sinubok ang pagtitiwala ko sa mga nasabi kong mamamatay sya na binase ko lang sa mga alam at kutob ko dahil sa panlabas nyang kalagayan .
" Isa akong anak ng diyos at hindi nya ako hahayaang mamatay ng hindi ko pa natatapos ang misyon ko sa mundo. " Seryosong sambit nya habang nakatingala sa kalangitan .
" Anong halaga ng buhay ng kagaya mong mamamatay tao sa paningin nang tinatawag mong diyos , Isa ka paring makasalanan sa kanyang mga mata . " Pag susungit ko .
" Tama pero hindi lahat pinapaslang ko at sa ngayon ay isa akong bayani na nagliligtas pa ng sampung libong tao sa lugar na ito kaya hindi pa ako pwedeng mamatay ..... kagaya mo ."
Sambit nya saakin .
Muli syang naglakad sa palapit saakin habang sinasabi na .
" Alam kong ta-tanggapin at patatawarin ako ng diyos dahil anak nya ako . Pinangangalagaan nya ako dahil kung hindi ay hindi ako aabot ng ika limang araw sa frontline taglay ang mga pinsalang ito. "
Napatahimik ako bigla sa narinig ko at tila ba natigilan dahil namangha ako sa pananampalataya ng kaharap kong lalaki sa itinuturing nyang Diyos .
Pero kasabay noon ay bigla akong nakaramdam ng galit at tila ba naiinggit ako sa mga ngiti na nasa labi ng lalaking kaharap ko . unti unting nagbangaan ang mga ngipin ko at mahigpit na sumasara ang mga kamao ko .
" Diyos? Sino ba ang tinutukoy mong diyos? " Malamig na sagot ko dito habang naka iling .
" Ang ibig kong sabihin napaka raming diyos ang sinasamba ng mga nilalang sa mundong ito at bawat lahi ay may pinaniniwalaang diyos . Mga Diyos na inaakala nilang nangangalaga sa kanila at nagbibigay ng pagpapala sa kanila . "
Sa tagpong iyon ay hindi ko mapigilan na magtaas ng boses na tila ba nagagalit , Ewan ko, hindi sa galit ako sa kausap ko pero may tila anong bagay na gustong lumabas sa dibdib ko gamit ang mga salita .
" Dyos ng tubig , Diyos ng Apoy , Diyos ng Liwanag , Diyos ng Lupa at iba pa . Ano nga bang pinag kaiba nila sa isang diablong Warlord na may kagimbal gimbal na tinataglay na kapangyarihan na umaangkin sa kontinente.
Sinasabi ng lahat na ginawa nila ang mundong ito para sa kanilang mga nilalang pero para saan ? "
" Kung tunay na mapagpala at maawain ang iyong Diyos sa inyo bakit nila kayo binigyan ng isang mapanganib na tirahan kagaya ng impyernong mundong ito ?! " Galit na tugon ko .
" Sabihin mo ginoo , Kasama ba sa tadhanang itinakda ng mahal mong diyos ang magdurusa ang higit sampung libong taong nasa kampong ito na ngayon nanganganib na maging pagkain ng halimaw ilang araw mula ngayon !! " Sigaw ko rito.
Hingal na hingal ako at galit na galit habang tinatanong ang lalaking tahimik na nakatitig at nakikinig sa mga hinaing ko , mga hinaing na matagal ko nang kinikimkim sa loob ko dahil sa galit ko sa diyos at sa mundo.
Alam ko na hindi lang ako ang nakakaramdam nito at sa tingin ko kahit na ang ibang nananampalataya sa diyos ay nagtatanong kung may saysay ba ang maniwala sa isang nilalang na hindi nila nakikita , nakakausap , nararamdaman .
" Mas naniniwala pa ako na totoo ang diyos ng pagkasira at dyos ng kadiliman na syang sumumpa sa mga nilalang at nagbibigay ng parusa sa sanlibutan, mas makatotohanan ito at malapit sa tunay na realidad ng mundong ito . "
Hindi ako sigurado sa aking mga sinasabi tungkol sa pagiging totoo nang tinatawag nilang bathala at siguro walang saysay ang kwestyunin ang kanilang desisyon kung bakit nila nilikha ang mga nilalang upang dumanas ng hirap at mamatay sa miserableng paraan .
Walang saysay na magsumigaw ako sa galit at humiling dahil sino ba naman ako para sa kanila ? Isa lang ako sa bilyon bilyong tao na nagnanais mabuhay sa lumipas na ilang siglo .
Pero gayumpaman , Sa gitna ng aking pagkawala sa sarili dahil sa galit ay walang naging tugon ang lalaking kaharap ko kundi ang pag ngiti .
Sa sandaling iyon ay tila nairita ako at nainis dito na parang pinagkakatuwaan lang ako at hindi sineseryoso ang mga nasabi ko .
Nanahimik ito habang ako ay nag hihintay na bumuka ang bibig nito upang marinig ang kasagutan sa tanong ko .
" Ang totoo hindi ko rin alam ang kasagutan " Nakangiti nyang sambit .
" Hindi mo alam ? "
" Ako rin ay maraming tanong sa mundong ito pero gayumpaman , para saakin ang pananampalataya ay hindi kinakailangan ng kasagutan na iyo lang gagawin sa oras na matugunan ang iyong pansariling kailangan at kapakinabangan . " Seryoso nitong tugon.
Napailing ako sa naging sagot nya at napapikit sa galit na tila nadidismaya . Nadidismaya sa sarili dahil sobra akong umaasa .
Napakasimple ng isinagot nya at malinaw na wala syang ganap na paliwanag na pwedeng maging sagot sa aking mga katanungan . Gusto ko syang saktan sa naging tugon nya pero para saan ? Hindi ang lalaking ito ang may kasalanan kung bakit ako nagagalit sa mundo .
" Walang kwenta makipag usap sayo " Galit na tugon ko dito kasabay ang pag talikod upang umalis .
Nakakadismaya ... Talagang nakakadismaya .....
Unti unti kong napagtanto sa sarili ko ang pagkakamali kong nagawa nang mawala ang kontrol ko sa sarili dahil sa galit at hindi ko kayang tangapin na naglabas ako ng hinaing ko sa mundo sa harap ng taong hindi ko naman kilala .
Nagmadali akong maglakad paalis pero bago pa ako tuluyang makalayo ay muling nagsalita ang lalaking iyon .
" Sa tingin ko naniniwala ka rin sa Diyos ng mga tao pero nagagalit ka rito dahil hindi mo maramdaman ang inaasahan mong kaginhawaan , Tama ba? " Tanong nito .
" Tulad ko at nang maraming tao ay naniniwala ka sa Diyos at umaasa ng kaligtasan mula sa kanya . " Dagdag nito.
Napahinto ako sa paghakbang at sandaling natahimik. Malinaw saaking isipan na kinamumuhian ko ang aking kalagayan at ang sinasabi nilang tadhana pero sa kabila nun tila wala akong lakas ng loob itanggi ang kanyang sinabi at tumugon dito nang pabalang .
" Hindi ko kailangan ng kaligtasan o kung sino man kung simula pa lang ay nagbigay na sya ng magandang kapalaran sa akin .... Sa lahat ng tao . "
" Hindi tayo nakatayo ngayon sa lupain ng mga halimaw na ito habang hinihintay ang ating kamatayan kung sa umpisa pa lang ay binigyan na nya ng payapang mundo ang mga tao upang tirahan kaya p...... "
Sa mga sandaling iyon ay bigla syang sumabat upang putulin ang pagsasalita ko .
" Inaasahan mong magiging madali ang lahat sa mga tao? hindi nilikha ng diyos ang mundo bilang isang paraiso. " Malungkot na tugon nito.
Hindi ko tinangap ang mga sinabi nya at muling humarap dito bakas ang galit sa mukha . Ninais kong pigilan ang sarili ko na muling maglabas nang sama ng loob pero hindi ko kayang manahimik na lang .
Gusto kong ipamukha sa lalaking ito kung gaano ako pinagkaitan ng diyos ng biyaya at kung gaano ako naging misirable upang malaman nya na walang kwenta ang manampalataya sa isang nilalang na walang paki elam sa kanyang mga sinasabing anak .
" Pinaslang ang pamilya ko at namuhay ako bilang batang lansangan na humaharap sa panganib upang mabuhay sa araw araw kaya kung totoo ang Diyos ng mga tao bakit hindi ko kailan man naramdaman ang sinasabi nilang pagmamahal at biyaya . "
Isa isa kong nilabas ang saloobin ko sa pagsasalaysay kung gaano kasaklap ang pinagdaanan ko , lahat ng wala ako na meron ang ibang tao . Kung gaano hindi naging makatarungan ang mundo sa tulad ko .
Walang naitugon ang lalaking ito at walang kibong nakatitig sa nangangalit kong reaksyon . Malinaw saakin na walang saysay ang pakikipagtalo tungkol sa bagay na ito pero ..... Pero gayumpaman .
Gayumpaman, gusto ko ng kasagutan at nais ko itong marinig kahit sa bibig ng lalaking lubos na nananalig sa kanya .
Pero yumuko lang ito at ngumiti na tila muli akong pinagkakatuwaan kaya hindi ko maiwasang mainis at bunutin ang espada ko sa aking bewang habang naglalakad papunta sa kanya .
Sa inis ko ay hindi ko napigilang itutok sa leeg nya ang espada upang takutin sya . Mali , Muntik ko nang maisip na patayin sya dahil lang sa nararamdaman kong galit .
" Wala kang kwenta . " Biglang sambit ko .
Nasambit ko ang mga katagang iyon dahil sa gitna ng kanyang ganap na pananampalataya sa diyos ay hindi ko nakuha ang kasagutan na gusto kong marinig sa kanya at tila ba sa loob ko ay nabigo akong mapalaya ang sarili ko sa nararamdaman kong galit .
Pero gayumpaman , hindi ko nakitaan ang lalaking ito ng takot sa ginawa kong pag amba kahit na halos sumugat na ang patalim ko sa leeg nya at unti unting dumadaloy ang dugo nya sa talim ng espadang hawak ko.
" Isang lumang Spirit Sword , matagal ko ng gustong makakuha nyan upang magamit sa oras ng laban. Pwede ko ba itong hingin sayo kapalit ng sibat ko ? " Biglang sambit nito .
Nagulat ako at ilang segundong nanahimik sa kinatatayuan ko dahil higit pa sa kalokohan na pwede nyang masabi sa tagpong iyon ang naitugon nya saakin .
Walang kwenta . Patuloy lang akong uma-asa na may kasagutan akong malalaman sa kanya .
Hindi ko na maunawaan ang sinasabi nito na tila binabaling sa ibang bagay ang usapan namin . Marahil ganun nga iyon dahil nasira narin ang gabi ko sa mga nangyari.
Pinilit ko na lang ang sarili ko na huminahon at ibalik ang paglamig ng ulo ko upang hindi ako makagawa ng maling aksyon dala ng init ng ulo .
Tama , kailangan kong mag palipas ng galit dahil wala itong maitutulong saakin .
" Ang espadang ito ay binigay ng aking ama saakin at ito ang tanging kakampi ko sa pakikipaglaban kaya hindi ko kailan man ibinibigay kung kanino lang ." Tugon ko rito habang ibinabalik ito sa lalagyan nito sa gilid ng bewang ko.
" Paano kong kilalanin kitang Master? Isang Boss , Isang panginoon ? Sandali , Ibibigay mo kaya ito sa iyong alagad upang magamit nya sa araw araw ?
" Kalokohan , Magkaganun pa man ay mas mataas ang master sa kanyang alagad . Walang sino mang tao ang magbibigay ng importanteng bagay sa kanyang alipin . " Sagot ko rito .
" Pero sa oras na ibigay mo saakin yan ay pangangalagaan kita at pag aalayan ng katapatan hanggang kamatayan . Hindi mo na kailangan gamitin yan dahil ako ang mismong magiging buhay na sandata mo . "
Naguguluhan ako sa mga sinasabi ng lalaking ito na tila nasisiraan na kaya naman tinanggihan ko ang alok nya at minaliit ang kanyang katayuan base sa panlabas na kalagayan .
Hindi ko kailangan ng kanyang proteksyon at ang mismong pag iral nya sa paligid ko dahil kaya kong gampanan ang pangangalaga sa sarili ko .
" Kaya kong bumili ng alipin kung gugustuhin ko at mas magtitiwala ako sa katapatan nito kesa sa kagaya mong manunubos . " Dagdag ko .
Wala itong naging tugon saakin at humakbang lang paikot sa paligid ko at biglang humingi ng pabor saakin habang nagmamaktol sa sakit ng katawan .
Nais nyang bigyan ko sya ng proteksyon at atensyon sa magaganap na laban upang manatiling buhay .
" Ikaw na ang nagsabi na hindi ko na kayang lumaban pa sa kalagayan ko kaya paki usap . "
Deretso nyang sinabi saakin ito na may pagmamakaawang tono na labis kong ipinagtaka dahil tila ibang iba sya sa kaninang preskong tao na may pagkamayabang ang dating .
" Wag mo akong patawanin . Hindi ko pag aaksayahan ng lakas ang pangangalaga sa isang tao . Kung magiging pabigat ka lang sa hanay ay mabuti pang mamatay ka na lang ." Sagot ko rito .
" Hindi , hindi pwede yan , natural sa isang bayani na protektahan ang nangangailangan at sa tingin ko isa ako sa dapat mong pangalagaan . Tama ba ? "
" Tumigil ka !! Wala ka bang dangal ? Isa kang mandirigma na humihingi ng proteksyon sa isang mandirigma upang mabuhay . "
" Anong problema ? Hindi kahihiyan ang humingi ng tulong , kumilala , magbigay galang , magbigay pugay sa karapatdapat lalo pa't para sa sariling kapakanan . " Sambit nya .
Humakbang sya mula sa harap ko upang lumapit pa na halos magkasalubong na ang aming mga mukha habang sinasambit na .
" Hindi mo kayang ibigay ang hinihingi ko dahil lang sa hindi mo ako kilala at kailangan kahit na may kakayahan kang gawin ito at responsibilidad sa kapwa mo. "
" Tatanugin kita binibini , Ano ang Diyos para sayo ? " Seryosong Tanong nito .
Nagtaka ako sa bigla nyang pagsama sa diyos sa usapan namin at biglang napatulala .
Dito ay unti-unti kong napagtanto mula sa mga ngiti nya na tila sinubok nya ako gamit ang pag hingi nya ng proteksyon at mga bagay na kailangan nya na hindi ko kayang ibigay sa kanya sa gitna ng kondisyong kilalanin ako bilang nakakataas sa kanya at pag alok ng buhay nya bilang tagasunod ko.
Hindi man deretso ay alam ko ang gusto nyang ipunto at ikinukumpara nya ang mga sinabi ko ngayon sa mga tanong ko kanina sa kanya tungkol sa hindi maibigay ng diyos sa tao.
Ang tinutukoy nya ay pinagmamalaki nyang diyos na hindi ko kayang kilalanin at patuloy na kinamumuhian dahil lamang sa mga pagpapala na hindi nito ibinigay sa buhay ko at mga bagay na hindi maibigay ngayon saakin gaya ng kaligtasan at proteksyon.
Gayumpaman ay hindi ko kayang tangapin ang kababawang sinasabi nya dahil magkaiba ang sitwasyon at estado ng dalawang pag kukumpara . Isa syang diyos na sinasabing makapangyarihan at maawain at ako ay hamak na mandirigma na limitado ang pwedeng maibigay sa iba .
" Hindi ako isang bayaning handang maging martyr sa iba na tutulong ng basta basta na walang ganap na kapakinabangan saakin . " Sigaw ko sa kanya
Nahiyawan ko sya at naitulak bahagya at dahil doon ay sandaling nanahimik kami pareho sa aming kinatatayuan, kasabay ang matatalim na tingin ko sa kanyang mga mata .
Halos sampung segundong nabalot ng katahimikan ang paligid habang umiihip ang malamig na simoy ng hangin sa paligid dulot ng pagsapit ng dilim .
Sa mga sandaling iyon ay itinaas nya bigla ang kaliwang kamay nya at ipinatong sa balikat ko .
" Pareho tayo ng paniniwala . Hindi tayo kayang bigyan ng diyos ng pabor dahil hindi natin sya kayang pagkatiwalaan at kilalanin ng buong katapatan. "
" Sa tingin ko normal na bagay iyon sa lahat ng nilalang maging Diyos man , Bayani o isang mandirigma . Hindi sapat sa kanya na naniniwala ka lang sa kanyang pag iral at katayuan bilang makapangyarihang maylalang. " Dagdag ng lalaki .
" Hindi sapat ? "
" Oo , Hindi sya isang nilalang na magbibigay ng mahalagang pagpapala ng basta basta sa mga taong hindi sya kayang pagkatiwalaan at pagbigyan sa kanyang mga pabor." Malungkot at seryosong sambit nito.
Napaisip ako bigla at napayuko na lang dahil sa mga narinig ko na tila ba naguguluhan sapagkat hindi malinaw sa isipan ko kung nasagot ba ang katanungan ko sa buhay sa mga nasabi nya .
Tama, Hindi ko kayang tangapin sa sarili ko dahil narin sa pride ko ang mga simpleng salitang iyon na tila kababawan ang kasagutan sa mga tanong ko sa sarili .
Dahil sa emosyon na nararamdaman ko hindi ko napigilang hindi maluha at derektang tanungin ang lalaki kung anong dapat kong gawin .
" Sabihin mo , anong dapat kong gawin ? "
Paulit ulit kong tinatanong ito na tila isang sirang plaka kasabay ang kapaguran ko sa mga nangyayari sa buhay ko .
" Napapagod na ako , nagsasawa na ako , hindi ko na gusto pang mabuhay sa ganitong klaseng mundo . " Sambit ko .
Napaupo ako sa lupa na tila nawalan ng gana at lakas habang naiisip na tila nagkamali ako .
Pero ako ba talaga ang nagkamali ? Ano ba ang nagawa kong pagkakamali gayong sa una pa lang ako na ang biktima ng pagkukulang nya ng maging ulila ako .
Kasabay ng pagsakop ng kadiliman sa kalupaan dulot ng tuluyang pagsapit ng gabi ay ang unti unting paglabas ng mga alitaptap sa aming paligid mula sa mga damo at halaman .
Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang mga braso habang nag aantay ng tugon mula sa lalaking kaharap ko na ngayon ay nakatingala sa langit na pinagmamasdan ang hardin ng mga bituwin sa kalangitan.
Ramdam ko ang paglamig ng gabi dahil sa pag dampi ng hangin sa aking mga balat at ang nakakabinging ingay ng mga insekto .
" Nais ko lang naman ng simpleng buhay at isang payapang mundo na pwedeng maging tirahan kasama ng mga minamahal ko , Isang mundo walang mga halimaw , walang kailangan iligtas at mamatay sa harap ko. " Bulong ko sa hangin habang nakapikit na nakayuko .
Sa emosyon na nararamdaman ko ay naihampas ko ang dalawang kamay ko sa lupa dahil sa pagmamakaawa at niyuko ang ulo na idinikit sa lupa .
" Paki usap , Tulungan mo akong takasan ang realidad ko ."
Paki usap ....
Sa gitna ng aking nararamdamang kalungkutan at magulong kaisipan habang nagmamakaawa sa kalangitan ay biglang nakarinig ako ng kakaibang tunog .
Napalitan ng hindi pamilyar na ugong ang ingay ng mga kulisap sa paligid ng tila makina .
Hindi ko na rin maramdaman ang lamig ng hangin na humahampas saaking balat pati ang amoy ng damo at lupa na kinaluluhuran ay tuluyang naglaho
Natahimik ako bigla sa aking kinaluluhuran at unti unting kinakapa ang lupa na ngayon ay isang patag na makinis na simento.
Ilang sandali pa ay unti-unti kong idinilat ang mga mata ko kasabay ang pag taas ng aking ulo .
Dito ay mapatulala ako at hindi makapagsalita nang makita ko ang sarili sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto .
Isang makalat na kwarto na may maliit na kama sa tabi ng isang bintana na syang pinapasukan ngayon ng liwanag ng araw sa labas . Pinagmasdan ko ang paligid ko at nakita ang kakaibang uri ng mga gamit sa loob .
Napupuno ang dingding ng mga poster at mga laruan sa lamesa habang ang kabinet naman ay napupuno ng mga libro at maliliit na pigura .
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari , isa ba itong panaginip o isang ilusyon na nilikha ng mahika ng kung sino ?
Hindi ko alam sa sarili ko kung ano ang gagawin ko at tila hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko dala ng pagkabigla ko at ang tanging nasabi ko na lang .
" Huh ? Asan ako ? " bulong ko sa sarili .
Mula sa kinaluluhuran ko ay biglang may naramdaman akong kakaibang presensya sa likuran ko , isang presensya na nagpatindig sa balahibo ko .
Nilingon ko ito at aking nakita ang dalawang nilalang na nakatayo sa likuran ko . Magkaharap silang tila nag uusap habang inaabot ang isang pulang libro na pareho nilang hawak sa mga kamay nila .
" Maghanda ka sa pwedeng mangyari sayo sa mundong iyon " Sambit ng babaeng may dilaw na buhok sa kaharap nyang tao.
Ang tinutukoy kong babaeng may mahabang dilaw na buhok at nakasuot ng puting bistida na ani mo'y prinsesa sa isang kaharian ay ang nagtataglay ng dalisay na presensya na ngayon ko pa lang naramdaman .
Habang labis ko ikinagulat naman nang mamukhaan ko ang kanyang kasamang dalagita . Ang babaeng ito ay may itsurang kawangis saakin.
Sa sandaling pagtangap nya ng libro at pagbaba ng kanyang braso ay agad nya akong napansin na tumayo sa lapag . Natulala ito at bakas sa kanyang mukha ang pagtataka .
" Huh ? Sandali ikaw ba ang magiging kapalit ko ? " Sambit nya sa harap ko .
End .
PART 2 OF DIARY OF OTAKU EXTRA EP 1