Chapter 20 part 2
Sa paglipas ng ilang oras ay nagpatuloy na rin ang training ko sa gabay ni V at nakaka dalawampung laps pa lang ako sa pag takbo ay pinatigil nya na ako.
" Sandali bakit mo ako pinatigil sa pagtakbo?"
" Hm.. sa tingin ko kasi nagagawa mo ng makontrol ang enerhiya mo sa katawan, hindi na napuputol ang pag gamit mo ng pisikal enhacer."
Ipinaliwanag nya na isa sa gusto nya makita saakin ay masanay ang katawan ko gamitin amg enerhiya ko sa matagal na oras habang gumagalaw.
Nagtatagal ng mahabang oras ang isang misyon kaya kailangan handa daw akong lumaban sa matagal na oras.
Gayumpaman kahit na nakikitaan nya ako ng potensyal ay kinakailangan parin ni V na masiguro na mapapakinabangan ko ito.
Binangit nya na marami sa mga mage na sundalo ay nagfofocus sa pag cast ng mahika dahil nga sa ito ang napaka daling paraan para makuha.
Ngunit sa pagiging madirigma ng hari ay kailangan kong matutunan ang limang uri ng kapangyarihan para maging mahusay ka.
Napabuntong hininga sya saakin at sinabi na nakwento sa kanya ng kanya ina ang tungkol sa napakalakas n akapangyarigan kong taglay at sa tingin nya ay hindi ko na kailangan ng mga ipapagawa nya dahil walang wala ang mga ito kung ikukumpara sa isang suntok na kayang bumura ng bundok.
Napakamit na lang ako sa ulo at sinabi na dahil nga sa napaka lakas ng binigay na kaoangyarihan ng anghel ay hindi ko pwedeng basta ito gamitin.
" Ang totoo pinagbawalan ako ni Prof celly na gamitin ang mga kapangyarihan ko sa eskwelahan at napaka unfair nun dahil malapit na ang exam." Pag angal ko.
Dito ay sinabi ni V na dahil nga sa pinagbabawalan ako na gamitin ito ay tatalon ang aming pagsasanay upang hasain ang aking abilidad sa pakikipaglaban.
Hindi sya sigurado kung makukuha ko agad ang mga ito pero kailngan nila matutunan ang bawat isang teknik araw araw dahil nagkukulang na kami sa oras.
Sinabi ko naman kay V na walang problema saakin ang mag memorize ng mga bagay bagay dahil aa abilidad ni Freedom kaya hindi sya mahihirapan na turuan ako.
Dito ay sinimulan nya na akong turuan at para sa pagsisimula ay sinabi nya na tatlong araw nya akong tuturuan kung paano lumaban ng mano mano at malapitan ang labanan.
"Ang art of close combat ang unang bagay na na ituturo ko sayo, Ito ang paraan kung saan gumagamit ka ng lakas,talino at tatag ng katawan sa pakikipaglaban." Sambit nya.
Binangit nya na may dalawampung teknik ang itinururo nila sa mga sundalo ng hari pero tatlo lang dito ang gusto nyang pag tuunan ko ng pansin.
inutusan nya akong gumamit ng pisikal enhacer at sumuntok sa puppet para makita kung gaano nga ba kalakas ang aking suntok.
Lumapit ako sa mga puppet na ginagamit sa pag sasanay at ginawa ang sinasabi nito.
" Yaahh!"
Buong lakas ko itong sinapak at dahil nga sa gumamit ako ng pisikal enhancer n akayang magpalakas ng katawan ko ay nabale ang ulo ng puppet .
Ang mga puppet na ito ay espesyal na magic item dahil nagbabalik ang kaayusan nito sa dati sa oras na nawasak ito.
Muking nagbalik ang ulo ng puppet at nabuo na parang walang nangyari.
Pagkatapos mabuo nito ay naglakad si V papunta rito habang sinasabi na para makabuo ng mapaminsalang atake gamit ang natural na enerhiya ay kinakailangan na bigyan ko ito ng ibang paraan ng pagiipon ng enerhiya sa kamao.
Pinakita nya kung paano napuounta ang enerhiya nya sa braso sa mismong mga daliri lang ng kanyang kamao.
Pagkatapos ipaliwanag ay isinuntok nya ito sa puppet at ilang saglit pa ay hindi lang ang ulo nito ang nasira kundi pari ang katawan nito ay nagkadurogdurog .
" Wow, ang galing . Napkaalakas naman nun."
" Nagiiwan ito ng pwersa na sisira sa boung katawan ng kalaban mo, napakaganda nitong matutunan pero ang dis advantage nito ay kinakailangan mong ilagay lahat ng enerhiya mo sa kamao mo kaya ibigsabihin hindi mo magagamit ang proteksyon mo sa katawan."
Ipinaliwanag nya rin na hindi lang sa kamao ito pwedeng gamitin kundi sa lahat ng parte ng katawan. Kaya nitong dumurog ng mga magic barrier kaya malaking pakinabang ito para saakin.
" Ang galing mo talaga V."
" Tama na ang usapan, tatlong oras lang ang meron tayo kaya simulan na natin.
Nagpatuloy ang aming pagsasanay para lumakas ako at humusay, dahil nga sa hindi ko rin pwedeng iasa lang ang lahat sa kapangyarihan ni Freedom ay kinakailangan na matutunan ko ang tunay na paraan ng pakikipaglaban.
End of daniel POV.
Kinabukasan naman sa opisina ng black bear ay nagka upo sa opisina si Eron kasama ng mga tauhan nya habang nag pupulong.
" Mahal na prinsipe nabalitaan nyo na po ba ang nangyari sa parke ng eskwelahan?"
" Hm.. ang tinutukoy mo ba ang pagtatalo nanaman ng mga kapatid ko? Sa tingin hindi na iyon bago, mainit ang dugo nila sa isat isa dahil sa magkaiba nilang pananaw." Sambit ni Eron.
" Hindi po mahal na prinsipe pero ayon sa kumakalat na balita ay may lalaking gustong kunin ng prinsesa aliya para mapasama sa guild nya kaya sila nag talo ni prinsesa elise."
" Oh... Talaga? Hindi ko nabasa ang report kahapon pero ano nga ba ang espesyal sa lalaking iyon?"
" Wala naman po kamahalan at ang totoo ay isa lang syang Rank E."
" Isang rank E ? Sinasabi mo bang pinagtatalunan nila ang isang mahinang tao?"
Dito inabot ng tauhan nya ang papel na naglalaman ng impormasyon ni Daniel habang sinasabi na base sa report ay wala syang espesyal na katangian at pangkaraniwang estudyante ngunit gayumapaman kaya nitong mahawakan ang mga prinsesa.
Biglang naalala ni Eron si Daniel kung saan buhat buhat nito si Aliya sa Itaas ng bubong.
" Tama, nakita ko na sya kung ganun sya pala."
Ipinaalam ng kanyang tauhan ang lahat tungkol sa sitwasyon ni Daniel at ang pakay nito na maabot ang pamantayan ni Elisa. Binangit din nito na kung totoong may espesyal dito ay dapat silang kumilos agad para malaman kung banta pa ito sa grupo o hindi.
Dahil sa narinig ay nagkaroon ng interes si Eron sa binata at nagdesisyon na puntahan ito. Agad syang tumayo at pinaganap si Daniel sa mga tauhan nya.
Lumipas ang ilang minuto habang nag aaral sa parke si Elise ay sinubukan lumapit ni Daniel.
Gayumapamn bago pa sya makalapit ay humarang na ang knayang mga tauhan.
" Ikaw nanaman? Hindi ka ba talaga titigil? Ano nanaman ang kailangan mo?"
" Kakamustahin ko lang ang prinsesa, wala akong masamang balak. Bakit ba masyado kayong praning?"
" Tsk, pinoprotektahan lang namin ang prinsesa lalo na sa mga tulad mong kahina hinala." Sagot ng mga ito.
Bahagya nila akong itinulak palayo at muling pinagtabuyan kaya sobra akong nainsulto.
" Teka , ayaw ko ng gulo gusto ko lang ibigay ito kay elisa." Sambit nito habnag hawak angbisang lalagyan.
" Tumigil ka na, hindi tumatangap ng ganyan ang prinsesa."
Nagpumilit na iabot ni daniel ang dala nya hangang sa sinubukan na syang saktan ng mga lalaki.
Dahil sa pagbagal ng oras ay nagkaroon ng pagkakataon na iwasan at makalusot ni Daniel sa mga ito at mabilis na pumunta sa lamesa ni Elisa.
Nagulat naman ang lahat sa nakita at hindi makapaniwala sa bilis ng pag galaw ni Daniel.
" Paano nya nagawa yun? Imposible."
" Halos hindi ko sya nasundan, pero isa lang syang Rank E."
Inilapag ni Daniel ang lalagyan sa mesa upang ibigay kay Elisa ang isang baunan at inalok ito sa dalaga.
" Elisa, tignan mo nagluto ako ng eggpie tikman mo."
" Ano? Nangugulo ka para lang magbigay ng pagkain?"
" Teka hindi naman ako nangugulo. Gusto ko lang ibigay sayo yan."
Tinangihan ni Elisa ang pagkain na dala ng binata at sinabi na hindi sya kumakain ng mga pagkain na hindi nya alam kung ligtas. sinabihan nya ang binata na may kakayahan syang bumili ng pagkain kaya hindi nya na kailngan mag abala pa.
Naki usap naman ang binata na tikman man lang iyon dahil nagsikap ito na magluto kahit na pinag babawal sa kusina ng eskwelahan.
Habang nakiki usap ay hinila sya ng mg atauhan nito at pinapalayas.
" Teka, wala naman akong ginagawang masama. "
" Talaga bang gusto mong kainin ko itong dinala ko? Sige. " Tanong ni elisa.
Dahil sa pagtatanong nya ay itinigil ng mga tauhan nya ang paghila kay daniel.
Dito sinabi ni Elisa na ang eggpie na niluto ng binata ay ginamitan ng ordinaryong itlog.
Inaasahan ni Elisa sa mga tauhan nya na ibibigay ng mga ito ang pinaka dabest para sa dalaga kaya dahil doon nagbigay sya ng pwedeng gawin ni Daniel para tangapin nya ang mga ibibigay nito.
" Ang sabi masustansya at maganda sa balat ang itlog ng Red sparrow kaya nga napaka mahal nito. Kung mabibigyan mo ako ng egg pie na likha mula sa red sparrow ay tatangapin ko ang ibibigay mo."
Walang ideya si Daniel sa kung ano ang tinutukoy ni Elisa pero agad syang pumayag sa kondisyon ng dalaga para lamang tangapin nito ang ihinibigay nya.
" Sinabi mo yan ah, bukas na bukas ay bibigyan kita ng eggpie na gawa sa itlog ng red sparrow."
" ok, sige lang bahala ka, hindi ako nagmamadali."
Agad namam umalis si Daniel para alamin kung saan matatagpuan ang itlog na tinutukoy ni Elisa.
" Pero mahal na prinsesa hindi ba nasa 5th Gate ng dungeon matatagpuan ang mga red sparrow? "
" Tama, ginawa ko yun para tumigil na sya." Sambit nito.
Lumipas ang ilang oras ay nagtungo si Daniel sa Gate ng Dungeon ngunit hindi sya pinapayagan ng mga gwardya na makapasok. Kahit anong gawin nya ay itinataboy sya nito dahil kasalukuyan itong ginagamit ng 4th year
Walang pwedeng makapasok doon ng walang pahintulot ng eskwelahan lalo pa isang estudyante si daniel.
" Badtrip naman, hindi naman ako pwedeng mag request sa opisina para lang sa maliit na dahilan."
Napabuntong hininga na lang sya at napayuko dahil sa pagkadismaya, alam nya na kailangan nyang makuha ang loob ni Elisa pero mukhang hindi nya ito magagawa.
" Nangako pa naman ako na bibigyan sya ng itlog ng red sparrow bukas."
" Red sparrow? Nandito ka para kumuha ng itlog nito?"
Nagulat si daniel ng biglang may nagsalita sa kanyang likoran at agad na nilingon.
" Ano? Imposible."
Nabigla sya at hindi makapagsalita ng makita nya si Eron na siyang katauhan ng kapatid nyang si Romeo sa mundo nila.
" Romeo ikaw ba yan?" Sambit ni daniel.
Dito ay bigla nyang naalala na maaaring hindi sya kilala ni Romeo katulad ng nila elisa dahil magkaiba sila ng katauhan.
Gayumpaman hindi nya maiwasang makaramdam ng pagkatuwa at pagkamangha dahil nakita nya ang romeo sa mundong iyon.
" Pasensya na, pero hindi romeo ang pangalan ko. Nakakagulat at hindi mo ako kilala." Nakangiting sambit ni Eron.
" Ah... Eh.. hahaha pasensya na ang totoo masyado akong busy kaya di ko kilala ang maraming tao dito sa eskwelahan." Pag dadahilan ni Daniel.
Dito ay nagpakilala si Eron bilang pangalawang prinsipe at pinuno ng black bear. Nabangit nya na maraming tsismis ang kumakalat tungkol sa binata at gusto nito na makilala si daniel ng personal.
Kinamayan nya ito at adag naman tinangap ito ni daniel habang sinasabi na hindi lahat ng tsismis ay totoo at hindi sya masamang tao.
Bigla nman napangiti si Eron at nanahimik kaya naman nagtaka si Daniel kung bakit ito napangiti.
" Wala, totoo pala ang balita na nagagawa mong mabale wala ang sumpa ng mga core keeper." Sambit ni Eron.
Nagulat si Daniel sa nasabi ni Eron at napaisip dito lalo na ang mga maharlika na kagaya nya ay kadalasan na isang core keeper.
Dito nalaman ni daniel na isa rin Keeper si Eron kaya naman nahihiwagaan ito sa kanya kaya naman natanong nya nag binata kung paano nagagawa ito ni daniel.
Wala naman masagot si Daniel dahil kahit sya ay walang ideya sa sinasabi sa kanya. Isa sa naisip na lang nya ay dahil ito sa proteksyon ni Momo sa kanya.
" Alam mo kahit ako hindi ko alam."
Napangiti lang si Eron at sinabi na hindi nya kailangan na sabihin dito kung ayaw nya dahil karapatan ni Daniel na ilihim ang ano mang bagay sa iba tungkol sa kapangyarihan nya.
" Ah .. eh.. hindi sa hindi pwede pero salamat at nauunawaan mo ." Sagot ni daniel.
Biglang nagtanong naman si Eron kung bakit kailangan nya ng itlog ng red Sparrow. Wala naman pag aalinlangan na nabangit ni Daniel na kinakaikangan nya ito para bigyan si elisa ng egg pie na gawa sa itlog nito.
Natawa naman si Eron at nabigla sa sinabi ni Daniel na dahilan kaya naman hindi makapag salita si Daniel dahil sa nakita nyang reaksyon ni Eron.
" Ah..eh .. bakit? Anong problema?"
" Mukhang pinahihirapan ka talaga ng kapatid ko. Alam mo ba kung nasaan ang mga red sparrow?"
Napakamot na lang sa ulo si daniel at inamin na wala syang alam kung saan ito matatagpuan.
Sa pagkakataon na iyon binangit sa kanya ni Eron na ang mga red spartow ay nabibilang sa class A na halimaw sa dungeon at matatagpuan ito sa ika limang gate.
" Ano? Sa ika lima pa? Mukhang ilang oras ko pa oala ang lalakarin ko bago ako makapunta sa pugad nun."
Nagukat bigka si Eron sa naging reaksyon ni Daniel dahil kahit nalaman nya na iaa itong class A na halimaw ay hindi ito natakot at binabalak pa rin na umalis.
" Ah.. eh .. alam ko pero kailangan kong makakuha agad nun para kay Elisa para naman bumait naman sya saakin. "
" Bilib ako sa tyaga mo sa pag suyo sa kapatid ko at dahil doon gusto kitang tulungam kung gusto mo makapasok."
Nagulat naman si Daniel sa alok nito na tulong at agad na nagpasalamat dito.
" Kaya kitang dalhin sa loob ng unang gate na yan pero ikaw na ang bahala pagkatapos noon." Sambit nito.
Sinabi ni Eron na may tatlong oras pa bago isara nag gusali dahil kasalukuyan na ginagamit ito ng 4th year at kung gusto nyang makalabas pa sa gusali ay dapat matapos nya makuha ang mga itlog bago isara ulit ang pinto kundi bukas na ulit sya makakalabas.
" Tatlong oras? Ewan ko kung kaya ko pero sige. Gagawin ko." Mataoang na sambit nito.
Natuwa si Eron sa sagot ni Daniel pero binalaan nya ito na napaka mapanganib ang gagawin nya at baka may mangyari sa kanya na masama.
Gayunpaman hindi ito kinatakutan ni daniel at nagyabang kay Eron na kaya nya makipaglaban dahil nagsasanay sya mabuto kaya nmana hindi na raw nito kailangan mag alala para sa kanyang kaligtasan.
" Napaka positibo mo, gusto ko ang tapang mo kaya sige tutulungan kita."
" Talaga, maraming salamat utang ko ito sayo. Hindi bale bibigyan din kita kung sakaling makakuha ako ng marami."
Biglang tumawa si Eron sa sinabi na tika ba hindi ito na niniwala sa binata. Gayumpaman ipinagpasalamat nya kung mayroon itong maibibigay sa kanya.
Ilang saglit pa ay may magic circle na lumitaw sa kamay ni Romeo habnag kinakausap si Daniel.
Itinuro nya kung saan matayagpuan sa ika limang gate ang red sparrow at ipina alam ang pinakamabilis na ruta sa pugad nito.
" Maraming salamat, napakalaking bagay nito."
" Walang anuman. Oh paano dadalhin na kita sa loob, Maghanda ka na."
Sa pag hawak ni Eron sa balikat ni Daniel ay bigla itong nawala na parang bula sa harapan nila eron.
Ang kapangyarihan na hawak nyaay may kakayahan na magpadala ng mga bagay bagay sa ibang lugar at dahil doon naipadala nya si daniel sa loob ng gusali ng walang kahirap hirap.
" Nakakatuwa sya... Sya lang ang taong nakipag usap saakin ng ganun."
" Pero ano nga ba ang kaya mong gawin at nagkakainteres sayo ang mga kapatid ko?"
End of chapter 20 part 2
Part 2