Chapter 13 part 1
Dahil sa naganap na kaguluhan ay ilang oras lang ay agad na ipinatawag ako sa opisina ng council at doon sinermunan ako at pinagalitan.
Hindi ko alam kung bakit tila nababaligtad ang sitwasyon dahil ako ang abgrabyado dahil sinubukan nila akong gulpihin at nag iisa lang ako nung mangyari iyon pero Nag sumbong ang mga lalaking nantrip saakin tungkol sa pag gamit ko ng mahika sa loob ng canteen.
Gumawa sila ng kwento na sinadya kong buhusan sila ng tubig para asarin sila at sinabi na wala silang nagawa kundi patulan daw ito dahil sa pagkainsulto
Siguro nga may rason sila para magalit saakin pero hindi naman sila nakikinig nung humihingi ako ng tawad, gayumpaman para sa mga taga council ay lumabag ako sa rules ng eskwelahan tungkol sa pag gamit ng mahika kaya naman pinatawan nila ako ng parusa.
Inutusan nila akong maglilinis ng boung campus at dorm at kailangan kong bunuin ang 100hrs bilang utility service.
Napaka lupit ng kanilang parusa para lang sa simpleng paglabag pero wala naman akong magagawa kundi sumunod.
Kinahapunan ng mag uwian na ay dumeretso ako sa dorm na tinitirahan ko. Nakatira ako sa dorm ng eskwelahan na inuupahan ko. Malayo sa kapital ang bahay namin kaya naman kahit mag isa lang ako ay nag tyatyaga na lang ako.
Ang pinaka nakaka inis sa sitwasyon ko ngayon habnag nag aaral ay kinakailangan kong kumuha ng part time job para magkaroon ng pambayad sa renta.
Kaya naman namomroblema ako kung paano ko bubunuin ang 100hrs bilang utility service.
Pumasok na ko sa aking unit at nagpalit ng damit at kahit tinatamad ako ay kailangan kong muling umalis para pumasok sa trabaho ko.
Kapag gabi ay nagtatrabaho ako bilang massage therapist sa isang sauna hub.
Ang totoo hindi ito legal gawin para sa minor de edad na gaya ko pero ipinakilala na lang nila ako bilang isa sa mga kamag anak nila para hindi sila magkaroon ng problema.
Tatlong oras lang ako pinapayagan na magtrabaho at pagkatapos nito ay uuwi na ako para gumawa ng assignment at matulog para pumasok kinabukasan.
Sa totoo lang kahit mabait ang mga amo ko ay ayoko sa ginagawa ko at kung may pagpipilian lang ay hinding hindi ko pipiliin sayangin ang oras ko para magpunta doon dahil gusto ko rin maranasan kung paano maging masaya bilang kabataan.
kinabukasan pumasoj ako dalawang oras bago magsimula ang klase dahil kailangan ko kaagad punan ang oras ng pagiging utility.
imbis na libro ay walis at basahan ang hawak hawak ko at matyagang nililinis ang paligid at hindi ko alam kung tatagal ba ako sa ginagawa ko dahil haloa apat na hektarya ang laki ng eskwelahan na iyon kaya sobrang nakakapagod na linisin ito.
Ilang minuto pa ay nagdadatingan na ang mga estudyante at kahit nakakahiya na nakikita nila akong naglilinis ay wala naman akong magagawa. Hindi ko rin naman sila pwedeng iwasan dahil sa mismong daan ako naglilinis.
Ilang sandali pa ay naririnig ko nag ibang naglalakad na pinag uusapan ang nangyari kahapon at pinag tatawanan ang sinapit ko.
" Tignan mo sya ba yung sinasabi nilang Sangano na Rank E na nakipagbasag ulo sa canteen?"
Tinatawag nila akong sangano na mahilig sa gulo dahil nga sa maling pag aakala nila na sinadya kong makipag away sa mga siga. Malinaw na pinagtripan ako at ginulpi sa canteen kaya bakit nila ako tatawaging sangano?
Malamang mabilis na kumalat din ang nangyari sa arena na nanalo ako sa mga siga dahil doon iniisip nila na mahilig talaga ako sa gulo kaya lalong sumama ang reputasyon ko.
" Napaka angas nya pre kahit na Rank E lang sya ay nakipag away sya sa mga siga ng 4th year."
" Hahaha sa dami ng siga sa eskwelahan na ito tiyak hindi sya tatagal dito kapag nag angas pa sya. "
Sumama nanaman ang pakiramdam ko ng maalala ko ang tungkol aa mga siga kahapon pero pinagsabihan ang mga ito na wag na gumawa ng gulo kaya naman siguro titigilan na nila ako.
Habang nagwawalis ako sa daanan ay biglang dumaan ang kumpulan ng mga eatudyante kaya wala akong nagawa kundi tumabi para paraanin sila.
Pero pagkaangat ko ng ulo ay nagulat ako sa nakita kong dumadaan sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang taong naglalakad ngayon sa harap ko at sobrang hindi makapaniwala.
Tama, kilalang kilala ko sya dahil ang babaeng kasama ng mga estudyante na naglalakad ay si elisa.
Nilagpasan nya ako na tila ba hindi nya ako nakita pero hindi ko sinayang ang pagkakataon na iyon at naglakad pasuling.
Agad ko syang sinungapan at hinawakan ang braso para pahintuin.
" Elisa, sandali lang buti na lang nakita kita."
Nagulat si Elisa sa ginawa ko at hindi makaimik, sa reaksyon nya ay tila nagtataka ito sa pag kausap ko sa kanya.
" Hindi ko akalain na makikita kita dito, akala ko ako lang ang pinadala dito sa lugar na ito , mabuti na lang at narito ka rin."
Nagulat naman ang mga estudyante at hindi makapaniwala at maging si Elisa ay hindi rin kumikibo an para bang gulat na gulat sa paghawak ko sa kanya.
Ilang sandali pa ay biglang hinablot nito ang kanyang mga braso dahilan para mapabitaw ako at mapahinto aa pag sasalita.
Hindi ko alam kung ano ang problema sa ginawa ko dahil normal lang para saakin na hawakan si Elisa noon pero hindi ko alam dahil bigla akong kinilabutan nang makita ko ang panlilisik ng mata saakin ni Elisa.
"Huh?
Nakita ko ang pag galaw ng katawan nya dahil narin sa biglaang pagbagal ng oras sa paligid ko. umikot sya habang bumebwelo ng pag sipa saakin.
Dahil nga sa mabagal ito sa paningin ko ay nagawa kong masalag ang kanyang sipa gamit ang braso. Tama pinili kong salagin ito imbis na iwasan dahil hindi ko naman alam ang pwedeng mangyari saakin
" Teka naman, bakit mo ako inaatake?" Tanong ko rito.
Nagulat si Elisa sa pagsalag ko pero nanatiling nakataas ang mga paa ng dalaga at nakadikit saakin habang nagbabanta saakin na mamamatay ako.
" Mamatay ka."
Nagulat ako ng biglang may kuryenteng dumadaloy sa binti nya at may lumabas ang pwersa sa mismong paa nya na nakadikit sa braso ko na halos nagpatalik sa buong katawan ko palayo.
Sumasad ang katawan ko hangang sa labas ng gusali at gumulong gulong sa lupa.
Hindi ko alam ang nangyaring iyon saakin pero nararamdaman ko ang sakit ng laman ko at pagkaparalisa ng braso ko na tila ba may malakas na kuryenteng pumasok saakin.
Sobrang nanlalata ako habang lutang ang isip at hindi makatayo dahil sa panginginig ng kalamnan, ilang saglit pa ay uli akong tumingin kay Elisa habang lumalapit ito sa pinto ng gusali.
" Hindi ko alam kung sino ka at ano ang kabaliwan na sinasabi mo pero kung ayaw mong mamatay ay wag na wag mo akong hahawakan." Pagbabanta nito.
Pagkatapos nya magsungit saakin ay agad syang tumalikod at umalis sa lugar , sinundan naman sya ng mga estudyanteng kasama nya at iniwan nila ako na parang walang nangyari.
Hindi ko alam ang iisipin ko dahil kahit na kailan ay hindi ako magagawang saktan ni Elisa ng ganun na, binalak nya talaga akong balian ng braso at tustahin ng kuryente na pwede kong ikamatay.
Mabuti na lang may ilang estudyante na naawa sa kalagayan ko at agad na inalalayan ako habang ang iba naman ay nakatayo lang na tila ba normal sa kanila ang nakikita nila.
Ilang sandali pa ay muli akong nakahiga sa kama ng clinic habang iniinda ang sakit ng pinsala ko na hangang ngayon ay ayaw parin gumaling.
Tanging sugat lang ang napapagaling ng healing magic at hindi ang mismong pnararamdaman at pamamaga ng laman kaya kailangan kong tiisin ito.
Hindi ko lubos maisip ang nangyari dahil inatake ako ni Elisa na para bang hindi nya ako kilala, Kung titignan ko ang reaksyon nya mukha talagang hindi nya ako kilala pero may kutob ako na dahil nasa ibang earth ako.
Malaki ang posibilidad na ang elisa na nakita ko ay iba sa elisa na kakilala ko sa earth at dahil nga sa mag kaiba sila ay hindi kami konektado at magkakilala.
Napabuntong hininga na lang ako at nadidismaya dahil akala ko may makakasama ako na kakilala ko dahil sa totoo lang nakakapanibago ang paligid ko.
Napa isip ako bigla dahil nung nakaraan lang ay mag kakasama kami nila elisa at unti unti na akong nasasanay sa kanila, palagi silang sakit sa ulo para saakin pero iba pa rin pala pag alam mong hindi mo na sila makakasama.
" Nagugutom na ako." Sambit ko habang nakahiga.
Sa pag kalam ng sikmura ko ay bigla akong may naamoy na masarap na pagkain at sa tingin ko malapit lang iyon kaya naman agad ako bumangon sa higaan ko at hinanap ito.
Halos hindi pa ako nakakatayo sa higaan ko ay nakita ko agad ang pinagmumulan ng amoy na iyon.
" Tsk, ikaw pala yan"
Muling nasa harapan ko si Momo habang kalmadong nagmemeryenda sa harapan ko hawak ang tinitor at kumukuha ng cake sa platito.
Hindi ko alam kong bakit palagi syang sumusulpot sa kung saan na may dalang upuan at lamesa habang ineenjoy ang pagkain. Napapaisip ako kung ilang beses ba nag magmemeryada sa isang araw ang nilalang na ito.
" Kamusta ang unang araw mo sa bago mong mundo?" Tanong nito.
" Kapag ba sinabi kong hindi ako masaya sa mundong ito ay pauuwiin mo ako?" sambit ko
Hindi ito kumibo habang humihigop lang ng tsaa at alam ko na wala syang balak na gawin iyon pero agad ko na lang sinabi na nagbibiro lang ako at itinanong kong ano ang kailangan nya sa. paglitaw sa harap ko.
" Nandito ako para sa unang misyon mo."
Nabuhayan ako ng loob sa narinig ko at mukhang may exciting na bagay na akong pwedeng gawin lalo na iniisip ko na puro paglilinis na lang ang gawin ko sa libre kong oras maghapon.
" Mabuti at nakilala mo na si Elisa sa mundong ito kaya hindi na ako mahihirapan na magpaliwanag."
Ikwinento nya na si Elisa sa mundong iyon ay kilala bilang Elise Lionheart at tanyag bilang lightning princess na nagtataglay ng mythical Beast core.
Ipinaliwanag nya sa mundong ito ay may mga nilalang na pinagkalooban ng sumpa na humawak ng mga core ng mga mythical beast. Sa oras na nagtaglay ang isang nilalang ng Core ay magtataglay ito ng katulad na kapangyarihan ng mythical beast gayumpaman may sumpang nakakabit sa mga iyon.
Pinaniniwalaan na balang araw ay isisilang sa katawan nila ang mythical beast at wawasakin ang lahat. Gayumpaman hindi ito ganun kadelikado dahil sa higit isang libong taon na pagpasa pasa ng core ay hindi pa lumalabas ang mythical beast.
Kahit na isa itong banta sa kaligtasan ay wala rin nagawa ang mga tao para maitago ito dahil sa oras na patayin nila ang keeper ng core ay naipapasa lang ito sa ibang tao na pinili ng core.
Sa lumipas na mga taon ay naging normal na sa mundong ito ang pananatili ng mga keeper gayumpaman may ilang mga grupo na intetesado sa bagay na iyon at kukunin nila ito sa kahit anong paraan.
" Ok, salamat sa impormasyon tungkol doon pero ano naman ang kinalaman nito sa misyon ko?"
" Sa pag mamasid ko sa lugar na ito ay nakita ko na may mga myembro ng mga kulto na gumagala dito. Ang tawag sa kanila ay Black scorpion ."
Ang black scorpion ay isa sa mga black magic user na gumagawa ng sari saring paglabag sa batas at may layunin mang gulo sa bansa para lang makuha ang gusto nila.
Ipina alam saakin ni Momo na kamakailan lang ay kumuha sila ng mga tauhan para gawin ang susunod nilang plano.
" Nandito sila sa lugar na ito para kunin ang Thunder beast at ang bagay na iyon ay nasa loob ni Elisa lionheart."
Nagulat ako sa nalaman ko at kung totoo ang mga sinabi nya na target ng mga masasamang tao na iyon ang thunder beast ay tiyak na nanganganib si elisa.
" Alam ko na iniisip mo na iba ang Elisa na iyon sa nakilala mo sa earth pero hindi ganun kasimple lang ito dahil tanging ang nalalaman, tadhana at pinagmulan lang ang iba sa kanila dahil kung tutuusin sya parin ang elisa na umiiral sa mundo."
" Kung ganun sinasabi mo bang dapat ko syang iligtas? Pero paano ko naman yun gagawin?"
Habang nag uusap kami ay biglang may lumabas na maliit na bilog na nilalang sa kanyang kamay at tumalon ito papunta sa kamay ko.
" Teka naman ang nilalang na ito?" Tanong ko
" Kainin mo." kalmadong sagot nya
Hindi agad ako nakaimik ng marining ko ang sinabi nya at nag aantay na sabihin nya muli ang mga ito.
Muli lang syang humihop ng tsaa nya at muling ioinaliwanag saakin na kung gusto nya maituloy ang misyon nya ay kailangan nyang kainin ang bagay na ibinigay nya saakin.
Hindi ko nmaan maunawaan kung bakit kinakailangan pa na kumain ako ng maliit na nilalang na ito para lang matuloy ang misyon ko at hindi ko rin alam kung safe bang kainin ang bagay na ito.
" Ano bang iniisip mo? Akala mo ba na isa akong karneborus na tao na kakain ng buhay na hayop?"
" Oo buhay sya pero hindi sya hayop kundi isang diwata." sagot nya saakin
" Hayop man o diwata ay hindi na iyon mahalaga dahil pareho lang naman iyon at wag mong asahang gagawun ko iyon na para bang napakadaling gawin ito."
Napabuntong hininga muli si Momo at sinabi na ginagawa nya ang lahatvpara tulungan ako at hindi para mahirapan kaya nagtataka ito kung bakit ginagawang kumplikado ko raw ang lahat.
Ipinaliwanag nya saakin na dahil sa kapangyarihan ni Freedom ay kaya kong gawin lahat ng pwede kong magawa gamut lang ang isip gayumpaman si Freedom ay may limitasyon.
Kaya nyang gumamit ng mahika na sumisira sa realidad ng lahat bagay dahil kaya nyang ilabas ang bagay sa imahinasyon pero ang bagay na iyon ay nangangailangan ng libo libong dami ng enerhiya at dahil doon ay nagkaroon ng limitasyon si freedom sa pag gamit ng kapangyarihan nya.
" Ang diwata na yan ay si Fufu at nagtataglay sya ng enerhiya na katumbas ng enerhiya ng isang daang tao at kung makakapasok sya sa katawan mo ay maaari syang maging power source mo."
Napatingin ako sa nilalang na tinawag nyang Fufu at kahit na halos kasing liit lang ito ng dalandan ay hindi ko magagawang kainin ito.
" Ano bang problema napakadali ang pagkain at lahat ng tao ay nagagawa yun." Sambit nya saakin.
" Oo pero hindi ang buhay na nilalang."
" Ayos lang sa kanya na na kainin mo sya, ok sige."
Habang sinasabi ni Momo iyin ay naglabas sya ng bilog na maliit na enerhiya sa daliri ar dumeretso ito kay Fufu.
Sa pagkakataon na iyon biglang nagsalita si Fufu na labis kong ikinabigla.
" Paki usap kainin mo ako, gusto kong kainin mo ako master." Sambit nito.
" Nakita mo na? Gusto nyang kainin mo sya." Sambit ni Momo.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa nya at sa tingin ko iniisip nya na dahil nagsasalita na ito ay magagawa ko na itong kainin.
" Mas pinalala mo lang ang sitwasyon!" Sigaw ko rito.
napabuntong hininga muli si Momo at sinabi na wala na syang magagawa kung ayae nya makinig dahil para sa akanya ay ginawa nya na ang lahat ng tulong na pwede nyang itulong.
Totoo naman na tinutulungan nya ako pero sa kakaibang paraan at sya mismo ang nagpapakomplikado sa dapat sana ay simpleng bagay lang.
" Ilang araw mula ngayon ay maaaring mapahamak si elisa kaya gawin mo ang lahat para tulungan sya."
" Teka wag ka munang aalis bigyan mo naman ako ng clue kung sino sino nag kalaban ko?" aligaga kong tanong
Dito sinabi nya na mahirap makilala ang mga taga Black scorpuin maliban sa kanilang mga tattoo ng alakdan at lahat sila ay may mga kapangyarihan ng black magic.
" Sinabi mo na yan kanina at obvious naman ang tatak nila magbigay ka naman ng mas kapakipkainabang na clue."
" Ano bang silbi ng misyon na ito kung ibibigay ko sayo lahat, gusto mo bang baguhin na lang natin ang misyon mo at makipaglaro na lang ng chess kay fufu?" Sambit nito.
" Ang gusto ko lang naman wag mong gawing komplikado." Pasigaw na sagot ko rito.
Dahil sa ingay namin ay biglang pumasok ang nurse sa clinic at nagmamadali na kinamusta ang kalagayan ko.
" May nangyayari ba sayo? Bakit ka sumisigaw?"
Napakamot na lang ako sa ulo sa pagtatanong nito saakin at naisip na nakalimutan ko na nasa liib pala ako ng clinic at may mga taong pwedeng makarinig saamin.
Sa paglingon ko ulit sa gilid ay wala na si Momo sa kwarto kaya naman wala akong maibigay na rason kung sino ang kausap ko.
Agad ko na lang kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at ipinaliwanag sa nurse na may kausap ako sa telepono.
" Pasensya na kayo, medyo makulit kasi ang kausap ko sa phone. Wag kayong mag alala hindi na po mauulit.
Napangiti lang ito saakin at binilinan na hindi ako pwedeng mag ingay sa loob ng clinic.
Sa pag alis ng nurse ay bigla kong ibinagsak ang katawan ko muli sa kama ng clinic at pumikit dahil panibagong problema nanaman ang dapat kong aksyunan.
Gayumpaman ay namangha ako sa nabangit ni Momo na kayang gawin ng kapangyarihan ni Freedom. Ayon kay momo ay kaya nitong gawin ang kahit ano gamit ang pag iisip at imahinasyon.
Pero kinabahala ko rin na dahil tao lang din ako kagaya ni Freedom ay tiyak na may limitasyon din ang pag gamit ko rito.
Habnag nag iisip ay biglang tumalon sa dibdib ko si Fufu at bumati saakin.
" Master hangat hindi mo ako kinakain ay limang beses mo pwedeng gamitin ang kapangyarihan na ibinigay sayo ni lord Momo."
" Uubos ito sa enerhiya ng katawan mo at walang ibang paraan para magamit mo ito ng maayos kundi ang magsanib ang katawan natin kaya kainin mo na ako master." dagdag nito.
" Pwede ba hindi naman ganun kadali ang bagay na iyon at isa pa hindi ko pa naman kailangan ng tulong mo." Sagot ko rito.
end of part 1
Part 1 chap 13