CHAPTER 2
" The God's Mistake "

Ang sabi nila na ang pagkakataon ay minsan lang dumarating sa buhay kaya kailangan mo itong sunggaban sa oras na dumating na ito sayo at bilang bata ay hindi ko ito pinapansin noon .

Hindi sa sutil ako o itinuturing kong katatawanan ang mga bilin nila sadyang hindi lang ako interesado seryosohin ang kasabihan na iyon .
Siguro dahil bata pa nga ako at inaasahan ko na marami pa akong pagkakataon at pagpipilian sa mga bagay na gusto ko talaga kaya napakadali saaking tanggihan at pakawalan ang mga pagkakataon .

Pero ngayong nasa edad na ako at malapit na mawala sa kalendaryo ang numero ng edad ko ay tyaka ko ito lubos na pinapahalagahan at gustong makuha .

Pero paano kung kelan handa ka nang pahalagahan at sunggaban ang pagkakataon ay hindi na ito dumarating sayo ?
Ikaw na ang naghahanap dito na sa sobrang ilap ay para bang nangangapa ka sa dilim .

Huli na ba ang lahat para saakin ?
May ibang bagay ba na para saakin ?
Ano ba ang pwede ko pang gawin?
Napakarami kong tanong na hindi ko alam kung kelan masasagot hanggang sa lumipas na lang ang mga panahon.

Nakakatawa pero tila pinaparusahan ako sa pagiging pabaya ko at ngayon nag sisisi sa mga bagay na hindi ko nagawa noon .
Mga bagay na sa totoo lang ay ayaw kong gawin noon .
Sa pagitan nang makakabuti saakin sa hinaharap at bagay na mas nakakatuwa at komportable akong gawin .

Nagkamali ba ako sa pagpili ?
Mali ba na piliin ko ang gusto ko?
Pero ang mas dapat kong malaman ay kung may pinagkaiba ba ang buhay ko kung sakaling iba ang pinili ko.

Paano kung kahit ano sa dalawang pagpipilian ay iisa lang din ang babagsakan ko at ito ay ang boring , mahirap at paulit ulit na gawain sa araw araw .

Ano nga bang maaari ko pang gawin upang takasan ang sitwasyon ko ?

Ako si Daniela Muntingbato isang Otaku Hardcore Gamer na ngayon ay binigyan ng pag kakataon na mabago ang kapalaran mula sa bigo at boring na buhay papunta sa mas makabuluhan at exciting na pakikipagsapalaran .

~

Sa Araw na ito kinausap at ilang minuto lang ang nakakalipas ay dinala ako ng isang magandang babae na nakasuot ng gothic dress na damit na nagpakilala bilang alagad ng diyos sa mahiwahang mundo gamit ang panaginip at sinubok sa isang mapanganib na sitwasyon na ikinamatay ko dahil sa takot .

Tama , nakakatakot na eksena ang kanyang ipinakita saakin mula sa ibang mundo kung saan umiiral ang mga mahihiwagang bagay gaya ng powers , magic, curse at iba pa .

Sobra akong nagimbal na halos maihi ako sa salawal ko dahil sa takot ko sa kamatayan . Ginawa nya yun para subukin ang katatagan at katapangan ko pero sa huli ay nilabanan ko ito.

Tama , tinanggap ko ito at hindi natakot na kunin ang Libro ng Buhay na inabot nya ngayon sa harap ko .

" Ihanda mo ang sarili mo sa mga bagay na maaaring mangyari sayo sa mundong iyon . " Sambit nito habang unti unting binibitawan ang pulang libro.

Alam ko ang ibig nyang sabihin at nababakas ko sa mga mata nya na gusto nya akong muling mag isip upang mas piliin ko manatili sa realidad ko sa mundong kinabibilangan .

Gayumpaman , buo na ang pasya ko na takasan ang mundo at talikuran ito kasabay ang pagtalikod ko sa kabiguan ko bilang tao at bilang dating ako .

Sa pagbaba ng mga braso ko ay bigla akong napalingon dahil napansin ko na may ibang tao sa kwarto ko .

Dito ay nakita ko ang babaeng unti unting tumatayo sa kinaluluhuran nya at nagulantang sa nasaksihan dahil ang kanyang mukha , taas, kulay at iba pa ay kawangis ng saakin .

Tama , kamukhang kamukha ko ito maliban sa kanyang kasuotan na may plate armor at espada sa bewang na tila isang mandirigma sa isang RPG games . Halos kilabutan ako at magtayuan ang balahibo ko sa katawan sa mga oras na iyon

Hindi ako sigurado kung ang nararamdaman ko ay takot o baka isang pananabik sa nangyayari dahil nasa harap ko ngayon ay isang tunay na mandirigma na sa mga laro ko lang nakikita .

Dito ko napagtanto na baka ang babaeng ito ay ang sinasabi ng anghel ng diyos na magiging kapalitan ko na kagaya ko rin ng gusto .

Ang isang ako mula sa ibang oras, panahon at demensyon na humihiling sa diyos na takasan ang realidad nya papunta sa pinapantasyang lugar .

" Huh ? Teka ikaw ba ang magiging kapalit ko ? "

Hindi ito tumugon sa nasabi ko at mababakas sa mukha nya ang labis na pagtataka siguro dahil hanggang ngayon ay nagugulat parin sya sa mga nangyayari.

Hindi ako nag alinlangan na humakbang para lapitan ito para batiin at kausapin sya lalo pa nahihiwagaan ako sa kung anong klaseng tao ang katulad nya.

Pero gaya ng inaasahan ay naging matapang ito at mapagduda kaya naman humakbang ito paatras hawak ang kanyang espada habang tinatanong kami na tila kalaban .

" Sabihin nyo kung sino kayo at kung nasaan ako ? " Matapang na sambit nito.

Hindi ko alam kung masisindak ako o matutuwa sa ginawa nya pero ayoko rin naman patayin ng sarili ko kaya pinakalma ko ito at nagpakilala kagaya ng gusto nya .

" Sa-sa-sandali , huminahon ka lang , hindi kami kaaway ."

" Ako nga pala si Daniela Muntingbato at isa akong normal na tao mula sa normal na mundong ito o mas simple yatang tawagin ko ang sarili ko na Otaku " Dagdag ko .

" Daniela ? Niloloko mo ba ako ? " Tanong nito.

" Otaku ? Teka isa ba yung lahi ? At bakit magkamukha tayo ? " Tanong nito.

Kahit ako ay nagulat sa biglaan nyang paglitaw sa mga oras na iyon pero ang mas nakakapagtaka ay tila wala syang kaalam alam sa nagaganap . Bakit parang hindi nya inaasahan na mapunta sa mundong ito . Nakakapagduda ang nagaganap at tila walang pakielam ang magandang anghel sa bagay na iyon base sa ekspresyon ng mukha nya .

Sa mga sandaling iyon ay biglang nagsalita ang anghel ng diyos upang pumagitna sa pag uusap namin .

" Marahil pinadala sya rito ng isang ako sa mundo nya nang biglaan dahil narin sa mabilis na pangyayari at resulta nang pagtugon mo sa mga alok ko ." Sambit nito.

Ipinaliwanag nito na kahit magkakalayo ang mga parallel world kung saan nag mumula ang libo libong pagkakataon at landas ay magkakakonekta ito at pwedeng magtagpo kahit nasa ibang demensyon pa ito .

" Parallel world ? Ano bang sinasabi mong kalokohan ! " Sagot nito .

" Ipapaliwanag ko sayo ang lahat Daniela Muntingbato o mas magandang itawag ko sayo ay Lubos na pinagpala ng diyos. " Malumanay na sambit ng anghel.

Muling ipinakilala nito ang sarili gaya nang pagpapakilala nya saakin na isa syang alagad ng diyos na may misyon na ibigay ang pagpapala ng maylalang sa taong pinili nito na magkamit ng karapatan na magamit ang isang banal na bagay .

Ang " Book of Life " o libro ng buhay na nagtatala ng mga bagay bagay sa isang nilalang . Hindi nya derektang sinabi kung ano ang mga pwede naming gawin at iba pang pakinabang nito pero binalaan nya kami sa isang bagay .

" Ang bawat libro kung saan nakasulat ang nakalipas , kasalukuyan at hinaharap ng isang tao ay konektado sa balanse ng lahat ng nilalang hindi lang sa mundo nyong dalawa"

" Kaya pag isipan nyo ang desisyon nyo dahil wala na itong atrasan . "

" Desisyon ? Pagpapala? Sinasabi nyo bang kaya ako nandito dahil sa kagustuhan ng diyos? "

" Kagustuhan mo na tinutupad lang ng dakilang maylikha " Sagot ng Anghel.

Dito ay muling nagsalita ang mandirigma at pinapalinaw ang mga salita sa paraan na mauunawaan nya kaya naman hindi ko napigilang sumabat sa usapan .

" Alam mo hindi ko alam kung paano ka napunta dito pero simple lang ang dahilan. Nandito ka dahil dininig ng diyos ang kahilingan mo na takasan ang realidad mo . "

Muli kong ipinakita ang librong hawak ko sa kanya at binanggit ang tungkol sa mga hinaing namin sa mga kasalukuyang mundo.

" Hindi kita kilala at magkaiba tayo ng mundong ginagalawan pero alam ko na gaya ko ay nais mong takasan ang sitwasyon mo sa mundo mo at ito ang sagot ... "

" Ipagkakaloob saatin ng diyos ang kahilingan natin na makatakas sa bawat mundo ating kinamumuhian ." Dagdag ko habang pinapakita ang libro na hawak.

Sa sandaling iyon ay napansin ko ang pagkabigla nya at ang matalim na titig ng mata nya sa kamay ko na tila ba gusto nyang hablutin ang librong hawak ko .

" Takasan ang mundo ko ? Kung ganun posible na matakasan ko ang pinangalingan kong mundo ? " Tanong nito.

" Huh ? Syempre naman at ang totoo kanina ka pa wala doon dahil nasa mundo na kita . Ang mundong hiniling mo sa kalangitan . "

Sa pagkakataon na iyon ay bahagyang nagliparan ang mga papel sa paligid at nahawi ang mga puting kurtina dahil sa pumasok na hangin sa nakabukas na bintana .

Hindi ko alam kong ano ang iniisip ng babaeng kaharap ko pero tahimik itong tumalikod saakin at lumapit sa nakabukas na bintana .

Dahan dahan itong sumilip dito at pinagmasdan ang labas ng kwarto ko . Napakatahimik ng sandaling iyon habang patuloy na hinahawi ng hangin ang kurtina at tinatangay ang mahabang buhok nito .

Mataas ang lugar namin kaya mula dito ay makikita mo ang mga bahay at gusali sa paligid , hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya ngayon pero tila may malalim itong iniisip ng masilayan ang labas .

Hindi ako sigurado kung namamangha sya o nahihiwagaan sa mga nakikita nya pero para saakin pangkaraniwang tanawin lang naman ang naroon sa isang pangkaraniwang syudad .

" Totoo ba na ito na ang mundong hinihiling ko sa diyos ? " Biglang sambit nito .

Nabigla ako sa nasabi nya at sandaling napa isip dahil hindi ko alam kung ang naitanong nya bang ito ay dahil namamangha sya o baka nadidismaya . Tsk , masama sa panig ko kung nadidismaya agad sya nang makita ang boring na itsura ng syudad .

Alam kong kailangan ko itong sagutin sa paraan na maeenganyo sya pero paano ? Simpleng mga gusali at tahanan lang nang mga naroon at ano ba ang pwede kong sabihin maganda eh miski ako ay nagsasawa na makita iyon.

" Ah .. Eh .. Si-si-siguro , Ewan ? Baka nga , isa syang diyos kaya alam nya ang kailangan natin . Tama? He-he-he " Aligagang sagot ko habang pilit na ngumingiti .

" Totoo ba na tinupad nya ang hiniling ko sa kanya ? " Malumanay na Tanong nito .

Naramdaman ko ang kalungkutan sa tono ng kanyang mga salita na tila ba pagod na pagod na sya kaya hindi ko maiwasang mapailing . Hindi ko alam kung masasagot ko ito sa kabila ng kagustuhan kung ipasa sa kanya ang mundong tatakasan ko .

Para saakin walang kwenta ang mundong ito , ang mapangmatang mundong ito na napupuno ng mga taong nakukulong sa kasalukuyang sistema . Mga pamantayan na dapat mong maabot para ituring kang matagumpay sa buhay .

Dapat ko ba syang sagutin ng mga mabubulaklak na salita upang ipagmalaki ang mundong gusto kong takasan ?
Kung iisipin tatakasan ko ito dahil sa mga bagay na ayoko rito at sa oras na magpalit kami ng sitwasyon at mundo ay nangangahulugan na ...

" Alam mo kasi ...Ano eh . " Nagdadalawang isip na sagot ko.

Hindi ko alam kung bakit napipigilan ako magsalita ng mga oras na iyon siguro dahil sa awa sa kanya.
Sandali ? Hindi ko dapat ito nararamdaman dahil hindi ko naman ito mag isang ginusto .

Bakit ba parang magkakasala ako kung sakaling magsalita ako tungkol sa mundo ko eh kaya nga sya narito upang tanggapin ito at hindi ko kasalanan kung biglaan syang ipadala sa boring na lugar ito na hindi nalalaman ang panget na bahagi ng mundong ito gaya ng ginawa saakin ng anghel ng diyos .

" Ah .. Paano ba ito ? Alam mo kasi hindi ako tiyak sa eksaktong hiniling mo sa Diyos pero kung ang gusto mo ay ang normal na buhay ,kapaligiran at mga kasama na kung saan walang powers , mahika at halimaw ay nasa tama kang mundo . " Sambit ko habang lumalapit sa kanya .

Dumungaw ako sa bintana kasama nya at itinuro ang mga bagay bagay na normal na makikita sa syudad na wala sa mundong kinabibilangan nya .

" Hindi ko alam ang gusto mo pero sa tingin ko may dahilan ang diyos upang dalhin ka ngayon dito sa mundo ko .... bilang kapalit ko . " Sambit ko .

Nakita ko ang kislap ng mata nya habang nakangiti na minamasdan ang paligid pero gayumpaman .
Hindi ko alam kung bakit sa gitna ng mga ngiti nya na alam ko ay dulot ng kasiyahan dahil sa pagtupad ng kanyang kahilingan ay nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko na tila may mali sa ginagawa ko .

Ano itong nararamdaman ko na tila nakokonsensya ako at naaawa sa kanya . Bakit ? Bakit tila may gusto akong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa ?

" Alam mo ba kung gaano karaming beses ko hiniling sa diyos ang makarating sa payapang mundong ito ?" Biglang sambit nya habang napapaluha .

Dito ay bigla akong napatigil ng makita ko ang pagdaloy ng luha nya sa pisngi na lalong nagpasikip sa kalooban ko , unti unting nawawala ang pekeng mga ngiti sa labi ko habang napapa iling sa gilid ko upang iwasan makita ang luha ng kaligayahan sa mukha ng dalagang kaharap ko .

Nakakatawang isipin na natutuwa syang makita ang mundong ito habang ako ay nagsasawa na makita ito , kakaiba ito , napakawerdo nito gayong ako sya at sya ay ako .

" Hindi ito ganun kaganda gaya ng inaasahan mo " Biglang sambit ko .

Ewan ko kung bakit bigla kong nasabi iyon , sa gulat ko sa mga lumabas sa labi ko ay natakpan ko ang bibig ko at aligagang binabawi iyon .

" Ah.. Hindi ! Sandali , Kalimutan mo ang sinabi ko , Tama , medyo payapa nga dito sa mundo ko ... Siguro "

" Siguro ?? " Tanong nito .

Nataranta ako dahil sa mga nasabi ko pa na parang baliw na nagmamaang maangan dahil siguro hindi ako magaling mag sinungaling lalo na kung alam kong mali ang ginagawa ko sa ibang tao .

" Ang ibig kong sabihin ay may digmaan din sa mundong ito pero hindi dito , nasa malayong malayo at hindi ito kailan man aabot sa bansang kinalalagyan mo ngayon ."

" Maniwala ka , may gulo dito pero mahigpit ang batas sa bansang ito kaya ligtas kang mamumuhay kung susunod ka lang din sa batas ." Dagdag ko .

Muli syang tumingin sa labas at dinama ang simoy ng hangin na dumadaan at biglang napayuko na tila may iniisip na bagay .

Naloko na , hindi ko alam kung nalusotan ko ang mga katangahan ko kanina dahil sa nakikita ko tila nagdadalawang isip na sya makipagpalit saakin .

Sandali naman . Hindi pwedeng mapurnada ang lahat dahil lang sa pagiging madaldal ko.

" Alam ko naman iyon . Kahit saang mundo at panahon ay hindi mawawala ang digmaan at gulo kahit na may batas na nangangalaga sa tao . " Sambit nya .

" Dahil hindi ginawa ang mundo bilang paraiso ng tao . " Dagdag nya .

Napahawak sya kamay ko habang nakayuko . Dito ay ilang segundo syang pumikit at nanahimik habang nag iisip ng malalim .
Ilang saglit pa ay itinaas nya ang ulo nya na tila nakapagdesisyon na sa kanyang gagawin at dumilat kasabay ang pagsasambit na .
" Gusto ko sanang tangapin ang mundong ito , Gayumpaman nakokonsenya ako sa gagawin ko dahil parang magiging napakasama kong tao . "

Nagulat ako sa nasambit nya at tinanong dito kung bakit tila nagbabago ang isip nya . Ipinaunawa ko sa kanya na ang bagay na nangyayari ngayon ay kalooban ng diyos para saamin dalawa .

Ito ay bunga ng kahilingan namin na gustong makuha noon pa man .
Napakaraming beses kaming humiling sa diyos .
Napakaraming gabi kaming umiiyak habang tinatanong sya kung bakit ganito ang buhay namin sa mundo .
" Maraming beses tayong nag aasam sa bagay na ito at ngayon binigyan tayo ng isang pag kakataon ay bigla kang aayaw ? " Tanong ko sa dalaga.

Hindi ko napigilan na magtaas ng boses sa kanya dahil sa emosyon .Tama , napakadesperado ko na siguro kung iisipin pero sa tingin ko hindi mali ang ginagawa ko .

Dapat kong ipaglaban ang bagay na gusto ko , dapat kong ingatan at sunggaban ang pagkakataon na kay tagal kong kinapa sa dilim .
Gayumpaman ay kailangan kong huminahon sa mga oras na iyon dahil alam ko na hindi ko makukuha ito sa init ng ulo.

Napayuko ako sa harap nya at humingi dito ng tawad at inamin ang pagiging ganid ko na makuha ang pagpapala ng diyos dahil para saan pa ang pagsisinungaling sa sarili ? Alam kong mauunawaan nya ako kung bakit nais kong makipagpalit ng mundo .

" Alam ko ang sinasabi mo dahil gayun din ang nararamdaman ko " Biglang sambit nya .

" Gayumpaman ay nakokonsensya ako .... Dahil sa oras na pumayag ako ..... ikaw ang papasan sa mga bagay na tinakasan ko..... sa mapanganib na mundong iyon. " Dagdag nito .

Nagulat ako sa kanyang nasambit at unti unting napagtanto na kagaya ko ay nagdadalawang isip sya dahil sa konsensya at awa na nararamdaman sa loob nya .

Tila ba ang kirot at pangamba na aking nararamdaman sa dibdib ko ay pinagsasaluhan naming dalawa .
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga oras na iyon . Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko na pwede kong ipangsangga sa kanya .

Kaya ko bang ialok sa kanya ang mundong ninanais kong takasan kasabay nang pag hiling kong matanggap ang mundo na kanya namang isinusumpa ?

Ang pangarap nyang mundo na para saakin ay isang boring at walang saysay .
Ang realidad ko na syang pinapantasya nya .

" Sa oras na makuha ko ang mundong ito ay ikaw ang dadanas ng hirap na dinadanas ko roon. " Sambit nya .

Agad ko itong sinagot upang ipakita sa kanya na seryoso akong tinatangap ang mga bagay na kinatatakot nya .
" Alam ko yun at ganun ka rin naman dito sa mundong ito kaya sa tingin ko patas na tayo . "

Sa gitna ng pagtugon ko rito ay bigla syang sumigaw sa harap ko .
" Hangal !! Tanga ka ba? Hindi mo ba naiisip na sa oras na pumayag ako ay mapupunta ka sa mundong tinakasan ko . "

" Sa mundong gabi gabi kong kinamumuhian at ayaw ng masilayan ." Dagdag nito .

Nagtaas ito ng boses at galit akong tila pinapaintindi saakin ang mga bagay bagay na alam kong ginagawa nya para sa kapakanan ko . Malinaw saakin ito ngunit kahit ganun ang naging reaksyon nya ay nagmatigas parin ako sa desisyon ko .

" Alam ko ang sinasabi mo dahil alam ko ang ginagawa ko . " Sagot ko rito .

" Hindi, alam kong hindi mo alam ang ginagawa mo dahil hindi mo kayang pakinggan ang sinasabi ko . " Galit nyang tugon

" Ako ang mas higit na nakakaalam sa mga bagay na gusto ko . " Sabat ko rito.

" Ang bagay na gusto mo ay hindi makakabuti para sayo !! " Sabat nito .

Hindi ko nagawang makasagot sa nasambit nya at sandaling napatigil sa pagsasalita upang kontrahin pa sya . Alam kong mapanganib ang mundong gusto kong puntahan at maliwanag na isa yung katangahan dahil kahit saang tignan ay hindi ito isang tamang desisyon ng matinong tao nasa tamang pag iisip pero gayumpaman ....

Napayuko ako habang iniisip ang mga bagay na gusto kong takasan kasabay ng bagay na ayokong mapalagpas dahil lang sa natakot akong subukan sumugal dito.

" Sa oras na pumayag ako ay mararamdaman mo ang pakiramdam ng pagiging ulila sa pamilya . " Malungkot na sambit nya saakin.

" Kapalit nun mararanasan mo ang pakiramdam ng mayroong pamilya pero binabale wala ka at iniisip na isa kang kabiguan at kahihiyan sa kanila . " Sagot ko rito habang nakayuko .

Nagsagutan kami at patuloy na ikinumpara ang mga pwede naming maranasan sa bawat mundong ninanais namin makuha.

" Mararanasan mong ibuwis ang iyong buhay para lamang magkapera at makakain sa araw araw . "

" Mas mabuti na iyon saakin , kung makikipagpalit ako sayo ay matatangap ko ang tinataglay mong kapangyarihan at iyon ang gagamitin ko upang mabuhay ." Sagot ko rito.

" Hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko , siguro nga kaya mong mabuhay gamit ang kapangyarihan ko pero ang ideyang habang buhay mo na ito gagawin araw araw ang hindi magandang bahagi sa buhay ko na sawang sawa ko na gawin sa buhay . Gusto mo ba iyon ? " Tanong nito.

" Eh di mas maganda , mas exciting at tunay na pakikipagsapalaran sa buhay. " Sagot ko rito.

" Hindi ako malakas na nilalang sa mundo ko at sa ngayon ay kasalukuyang ako nasa panganib bilang tau tauhan para lamang protektahan ang mga taong hindi ako binigyan ng magandang pagtrato at pagkilala bilang mandirigma ng bayan nila . "

Hindi ko kinabahala ang mga nalaman ko bagkus lalong kinasabik ang mga naririnig .
" Perpekto ! Kung ganun magiging bayani ako pagdating ko doon , mas gusto ko na iyon kesa sa pagiging walang halaga sa mata ng lipunan na ito . "

Sa gitna ng magiliw na tono ng aking pagsasalita ay muli syang napayuko at galit na napasigaw .
" Nasisiraan ka na ! Ang mga taong prinoprotektahan ko ngayon sa lugar na iyon ... Ang mga taong iyon .... Kahit isa sa kanila ay walang tumulong noong naghihirap ako ... Walang kahit isa ang naging bayani ko " Malungkot na sambit nito.

Dito ko naramdaman ang hinanakit nya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Napagtanto ko na hindi nya lang gustong pigilan ako kundi upang malaman ko ang sitwasyon nya sa mundong haharapin ko kung sakaling magtagumpay akong makuha ito pero gayumpaman hindi nagbabago ang isip ko dahil sa tingin ko pareho lang kami .

Walang sino mang tao ang tumulong saakin noong naghahanap ako ng kasagutan at lugar sa mundong ito dahil lahat sila ay abalang iniisip ang mas makakabuti sa mga sarili nila .

Kinalimutan ako at patuloy na minamaliit dahil lang sa magkaiba ang landas na tinatahak ko bilang Gamer na hindi tinatanggap ng mapangmata nilang mapantayan sa buhay .

" Wag kang mag alala dahil gaya ng sinabi mo ay hindi ginawa ng diyos ang mundo bilang paraiso kaya naman . "

Humakbang ako palapit pa lalo sa babaeng ito at hinawakan ang pisngi nito upang punasan ang mga luha na dumadaloy sa mukha nya .
" Lahat nang tinakasan ko sa mundo ko ay tatangapin mo at daranasin din sapat na iyong kabayaran para sa kasalanan nung hayaan mo akong tanggapin ang bagay na tinakasan mo sa mundo mo kaya hindi ka dapat makonsensya sa bagay na ito . " Sambit ko.

Nauunawaan ko ang nararamdaman nya at sigurado ako na ganun din sya saakin . Siguro nga hindi ganun kasama ang buhay ko sa mundong ito at hindi ko maitatangi na nag enjoy ako dito .

Nag enjoy ako dito lalo na sa pagiging otaku ko pero may isang bagay ang tila hinahanap ko sa sarili ko . Isang bagay na pupuno sa pagiging ako at iyon ay wala sa kinabibilangan kong mundo sa kasalukuyan .

Minsan may nakapagsabi saakin na mas masakit tangapin sa sarili ang pagsisisi sa mga bagay na hindi mo ginawa . Maraming bagay akong hindi pinili dahil sa takot na subukan ito .

Inisip kong mahirap at hindi ko kayang gawin sa sarili ko na ngayon ay nagresulta sa pagiging bigo ko sa buhay sa kasalukuyan .

Sinubok ako ng diyos nang takutin ako ng anghel nito gamit ang pagpapakita saakin ng mga eksenang imposible kong matakasan at kikitil sa buhay ko .
Isang pagkakataon na maaari ko nanamang mapalagpas dahil sa takot katulad noon.

Kaya naman ..... Kaya naman hindi ko na ito palalagpasin pa at tatanggapin ang kapalaran na ibinibigay nya saakin .

" Wag kang mag alala saakin , Isa akong Freak Hardcore Gamer at gusto kong maranasan kung ano ang nararanasan sa tunay na labanan . " Sambit ko rito habang nakangiti .

Kitang kita ko sa mukha nito ang pagkabigla sa mga nasabi ko at sa totoo lang ay hindi rin ako sigurado kung tama pa ba yung nasasabi ko basta ang alam ko lang ay gusto kong sabihin ito .

Dito ay bigla nya akong hinablot sa kwelyo ko at seryosong tinitigan sa mukha upang sabihin saakin na .

" Baliw , hangal ! hindi kita maintindihan . Bigyan mo ako ng mas magandang kasagutan upang tuluyang mapapayag ako ."

" Sabihin mo nga bakit ba ganun na lang ang pagkagusto mong takasan ang payapang mundong ito . " Seryosong tanong nito .

Sa sandaling iyon ay bigla kong nahawakan ang mga braso nya at hawiin upang bitawan ako . Kasabay nang pagtaas ng magkabilang braso ko ay syang daan ng malakas na hangin saamin paligid .

Hindi ko alam kung bakit parang naging mapangahas ang mga kilos ko at matapang na sinabi na .

" Dahil Ako at ang mundong ito ay hindi akma sa isat isa . "

Nagulat ito at hindi makapagsalita sa mga narinig saakin at nababakas ko sa mga nagtatakang titig nya na iniisip nya na nasisiraan na ako ng ulo pero gayumpaman hindi ko na ito kayang bawiin pa .

Tama , Wala na itong atrasan pa dahil ito na ang pagkakataon na matagal ko ng hinahanap . Ang maging tunay na mandirigma .

" Nagkamali ang diyos sa paglagay nya saakin dito sa mundong ito kagaya mo sa kinabibilangan mong mundo. " Matapang kong Sambit.

Muli kong inabot sakanya ang pulang libro at inaya syang tapusin na ang lahat ng aming paghihirap. Inalok na tuluyang takasan ang aming realidad at gawin katotohanan ang aming pantasya .

" Nag hihintay na ang bagong mundo sayo Daniela Muntingbato . "

End .

undefined



 

Alabngapoy Creator

DIARY NG OTAKU EXTRA EPISODE 2