------------------------------------part 2 / part 2 -------------------------------

.

.

Muli akong nagdabog sa mesa para pagsabihan sya lubayan ang kapatid ko , matinong tao si Romeo at may magandang kinabukasan kaya sa tingin ko hindi sya magiging masaya sa isang pandak na fujoshi na ito .

" Hindi ka rin nag iisip, kung ganung set up ang gusto mo ay hindi malayong magsawa sya sayo at sa huli mag hihiwalay kayo at magdi-divorse . " Sambit ko dito.

" Hahaha wag kang mag alala sila kuya na bahala sa bagay na iyon , Medyo marahas nga lang sila ng kaunti pero hindi sila pumapatay ng tao . " Sagot nito.

Bigla kong naalala na nagmula sila sa pamilya ng mga sundalo at police kaya naging siga ang mga kapatid nya noon sa eskwela namin. Mukhang binabalak nyang gipitin ang kapatid ko at hindi pakawalan sa mga palad nya. Hindi ko maimagin ang magiging kalunoslunos na sasapitin ng kapatid ko sa kanya habang naman sya ay nagpapakasasa sa Yaoi .

" Mamaya eh sasagutin ko na sya sa panliligaw nya at magtatagumpay na ako sa mga plano bwahahaha ." Pagtawa nya na tila isang bruha sa mga palabas .

" Wag kang mag alala magiging masaya naman sya sa pamilya ko , marami rin gwapo doon na pwede nyang makasundo at makapiling ." Sambit nito na tila manyakis .

Masyadong matalino ang babaeng kaharap ko at kahit sabihin ko sa kapatid ko ang plano nito ay baka pagtawanan nya lang ako at isiping sinisiraan ko ang babaeng mahal nya .

Ayokong makielam sa buhay pag ibig ng kapatid ko pero dapat ba akong magbulag bulagan ? Ako ang kuya nya at noon pa man ay hindi ko na nagampanan ang pagiging kapatid ko sa kanya dahil sa pagkalulong ko sa Anime at Games.

Maraming beses ko rin hindi sya nabibigyan ng pabor na tila wala syang nakakatandang kapatid. Malayong malayo ang relasyon namin kung ikukumpara sa ibang magkapatid na magkasundong magkasundo at dahil yun saakin , ako ang nagkulang .

Nabigo sya sa pagkakaroon ng kuya .

Tama, Kailangan ko syang iligtas , kailangan ko makagawa ng paraan para hindi na magsimula ang kabaliwang ito. Hindi mo kailangan mag alinlangan Daniel dahil responsibilidad mo ito bilang panganay at ikaw lang ang makakagawa nito higit kanino man .

" Oo na , sige na panalo ka na ." Seryosong sambit ko dito .

" Huh ? "

" Papayag na akong maging asawa mo at makasama sa iisang bahay ."

Natahimik ang sandali ang lugar at wala kaming naging imik habang tinititigan ang bawat isa na may pamumula sa pisngi.

" Magpakasal na tayo ! " Matapang na sambit ko .

" A-a-an-an-ano ?T-t-ta-ta-talaga ?" Sambit nito muli na tila nagtataka sa mga narinig.

Maging si Lea ay nagulat sa sinabi ko at hindi makapagsalita sa kinauupuan nya. Marahil kabaliwan ito na tila ba isasakripisyo ko ang sarili ko para lang sa kapatid ko pero hindi ko gustong masira ang buhay ng kapatid ko dahil maraming pangarap si Romeo na gusto pang makamit sa buhay at hindi kagaya ko na bumagsak lang sa ganito . Tama , Bale wala ang kinabukasan ko kung ikukumpara sa tagumpay na pwede pang maranasan ng kapatid ko .

Halos mangiyak ngiyak ang mga mata ko habang inaalala ang magagandang mukha ng Waifu ko, patawad Rem . Alam kong isa itong pagtataksil sa kanya pero alam kong mauunawaan nya ako sa mga ginagawa ko . Hindi ko ito gagawin para sa makasariling pagnanasa pero para sa ikabubuti ng pamilya ko.

Sa mga oras na yun ay hindi ko napansin na dumating na pala ang nanay at kapatid ko na kasalukuyang nakasilip sa pinto .

Dito nakita ko ang pagkabigla nila dahil sa mga narinig saakin , agad silang pumasok at magiliw akong binabati sa pagpapakasal ko.

" Te-teka , kanina pa kayo dyan ? "

" Alam mo anak hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya sa mga sinabi mo ."

Niyakap ako ng nanay ko at umiiyak sa saya na parang akala mo nanalo sya sa lotto . Hindi ganun kahalaga saakin ang pagpapakasal pero sa nanay ko na halos taon taon akong pinapaalalahanan tungkol doon eh masasabi kong isa yun sa mga pangarap nyang maabutan habang nabubuhay pa sya. Well, isa akong NEET noon at normal na matakot sila sa kinabukasan ko gayong tumatanda na ako .

" Dyos ko , mahal na birhen ng awa , Sa wakas dininig nyo na ang matagal ko nang hinihiling , Mag aasawa na ang panganay ko ."

" Oh..teka , mama sya yung sinasabi kong babae sa mall na ayaw panagutan ni Kuya . " Sambit ni Nikki.

Hindi naman makapagsalita si Lea habang tumatango lang sa bawat tanong ng nanay ko , para syang timang sa kinikilos nya pero hindi ba ito ang gusto nya nung una palang kaya bakit parang hindi sya handa at patulan na lang ang pagpapatuloy ng plano nya ?

Agad na nilapitan ng OA kong nanay si Lea at niyakap ito . Sa tono ng pagsasalita nya parang tanggap na tanggap nya ang babaeng ito pero sandali lang , hindi ba dapat inaalam at kinikilatis nya muna ang babaeng pakakasalan ng anak nya ? Ganun na ba sya katiwala sa desisyon ko o masyado na rin syang desperado na makapag asawa na ako .

Dito ay biglang dumating si Romeo dala ang pizza at softdrinks , Agad syang bumati sa nanay namin at nagtataka sa mga nangyayari. Hindi naman mapigilan ang nanay ko sa kakasalita nang kung ano ano at sya na rin nagsabi dito ang tungkol sa pagpapakasal ko .

" Patay kang bata ka, anong gagawin ko ? " Sa isip ko.

" Huh ? Kung ganun may relasyon kayong dalawa?"

Kitang kita ko ang pagkabigla ni Romeo at alam ko na magagalit sya saakin , iniisip ko na may mangyayaring masama sa mga oras na iyon at handa kong tanggapin ang suntok na pwede nyang gawin saakin .

Sino bang matutuwa kong malalaman mo na ang nililigawan mong babae ay pakakasalan ng kapatid mo . Inagaw pa sya ng walang kwenta mong kuya na dapat bumabawi sa pagkukulang sayo.

" R-ro-romeo , Alam ko nakakabigla ito pero tulad ng narinig mo may namamagitan saamin ni Lea ."

" Pasensya na kung inilihim namin ito sayo pero sama tanggapin mo na lang . " Seryoso kong sambit sa kanya .

Tahimik na lumapit si Romeo saakin at akala ko talaga sasaktan nya ako pero iba ito sa inaasahan ko dahil imbis na sapak at masasakit na salita ang sinukli nya ay bigla nya akong niyakap kagaya ni mama.

" Masaya ako sayo kuya , Sa wakas talagang nagbago ka na , Suportado kita kuya kahit ano pang mangyari . " Sambit nito.

" Huh? " Pagtataka ko .

Hindi ko inaasahan ang mga nangyari dahil parang hindi nya inalintana na tila niloko sya ng kapatid nya . Ewan ko kung sino ba saamin ang hindi nakakaunawa sa nangyayari ngayon dahil malinaw na tila naisahan sya .

" Sandali lang Nikki magpaluto ka ng litson kay aling ruby para sa linggo . Tatawagan ko lang mga amiga at mga tito,tita nyo dahil magpapahanda tayo para dito ."

" T-te-teka mama, hindi mo na kailangan gawin yan . " Pagpipigil ko.

Agad na kumilos sila at tila balak pang ipagkalat ang pagpapakasal ko sa boung angkan ko . makulit si mama kaya kahit pigilan ko sya ay hindi sya magpapapigil sa pagpapahanda . Tsk , balak pa nya mag pa fiesta sa sobrang tuwa dahil sa lalayas na sa wakas sa poder nya ang anak nya .

Lumabas si mama ng kwarto habang abalang tumatawag sa cellphone at pati si nikki ay nagmadali na rin kumilos papunta sa kusina para mag ayos.

" Ginulat nyo ako Lea sa sekreto nyo ng kuya ko , Pambihira ka . " Sambit ni Romeo.

" Ah..eh .. hahaha oo , nagulat ka ba ? he-he he " Sambit ni Lea .

Maging si Lea ay hindi parin makapagsalita nang maayos sa gulat at bakas sa mga pekeng ngiti nya ang pagtataka sa naging reaksyon ng pamilya ko . Sa tingin ko hindi nya inaasahan na magiging OA ang pamilya ko dahil lang sa bagay na ito.

Ano na fujoshi akala mo ba maliit na bagay lang ang binabalak mong gawing kalokohan ? Alam kong hindi mo naiisip yun dahil ang gusto mo lang ay masunod ang layaw at luho mo bilang fujoshi.

" Kung ganun Lea hindi mo na kailangan bayaran ang tutorial class natin at bibigyan pa kita ng extra class ng libre , regalo ko na rin sayo . " Sambit bigla ni Romeo .

" Tutorial class ? T-te-teka bayaran ? " Pagtataka ko .

Bago pa muling makapagsalita si Romeo ay tumunog ang kanyang cellphone at sinagot ang babaeng tumatawag dito.

" Teka lalabas lang ako kuya .Parating na kasi ang girlfriend ko, susunduin ko lang ." Sambit nito habang lumalabas ng pinto ng sala.

" Girlfriend ? " may gf ka? Pero diba..? Teka.... Ano bang nangyayari? 

Para akong naninigas na yelo sa kinatatayuan ko nang marinig ko ito at napagtatanto ang kalokohan na nangyayari ngayon . Malakas ang kutob ko na may tila mali sa naganap ngayon .

Agad kong tinignan si Lea habang ito nanginginig na umiinom sa baso na hawak .

Dahil sa panginginig nya ay naitapon nya ang tubig sa mesa at aligagang pinupunasan ito ng sariling panyo . Kitang kita ang pagka lutang nya sa mga naganap na parang sya ang pinaka nagulat saaming lahat.

Sa itsura nya habang natatarantang nagpupunas ng pawis sa pisngi gamit padin ang parehong panyo na pinang punas sa mesa ay tila hindi nya talaga plinano ang lahat na mangyari nang gumawa sya ng kasinungalingan saakin para asarin ako .

Sa makatuwid ay nabuo na lang ang sitwasyon at nagresulta ng mabilis na proseso dahil sa AO na pamilya ko .

Halos masabunutan ko ang ulo ko habang nakayukong iniisip ang mga posibleng naganap at ano ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap ko , hindi pwedeng mangyari ito pero kaya ko pa bang pigilan ito ? Dito ay bigla akong napadabog sa mesa habang umiiwas ng tingin saakin si Lea

"Bibigyan kita ng ilang minuto para magpaliwanag saakin . " Nakayukong sambit ko dito .

" Ah .. eh .. I do ? " Tugon nito habang nakangiti saakin .

END ..

__________{ Author's Note }______________

~~~ [ wag nyo kalimutan na i-Share ang Chapter na ito upang suportahan ang series ] ~~~

Alabngapoy Creator