Chapter 12 part 2
Ilang oras ang lumipas sa eskwelahan ay sumapit na ang break time at lahat ay nagpuntahan na sa canteen para kumain.
Habang nag lalakad ay sinilip ko ang aking class card kung saan nakita ko ang mga resulta ng exam ko nung nakaraan at nadidismaya sa mga ito dahil hindi ito nalalayo noong entrance exam.
Kailangan kong makakuha ng mataas na grado dahil kung hindi ay mapapatalsik ako sa eskwelahan at kapag nangyari iyon mahihinto ako sa pag aaral ng isang taon.
Ang masama kailangan kong humanap ulit ng paaralan para tangapin ako at dagdag gastos ito para sa pamilya ko lalo na ang pambayad ng dorm.
habang naglakakad sa napakalaking gusali na napupuno ng libo libong estudyante ay agad akong bumili sa booth sa gilid at naghanap ng mauupuan.
Ang gusali na ito ay parang stadium at sa gitna ay makikita mo ang isang hardin na para lamang sa mga mayayaman na rank A.
" Ang ganda dito. Pambihira talagang pinagkagastusan ang gusali na ito."
Dumeretso ako sa 4th floor at umakyat sa napakahabang hagdan kung saan kumakain ang mga rank E ang totoo wala naman batas sa eskwelahan kung saan ka dapat mauupo maliban doon sa gardem pero kailangan mo lang ng kapal ng mukha para makipag sosyalan sa ibang nasa ibang palapag.
Hindi naman sa mukha silang matapobre pero kung makikita mo kung gaano kamahal ang kinakain at mga burloloy nila sa katawan ay ikaw na lang talaga ang didistansya.
Hindi ko gusto ang ideya na kasama ako sa mga mahihirap at mahihina pero ano pa bang magagawa ko at ang malaking tanong ngayon ay kung may magagawa pa ba akong paraan para mabago ang sitwasyon ko.
Unang una ay mahirap lang ang pamilya ko pangalawa ay mababa ang grado ko at sino naman ang pipili na maging kaibigan ang kagaya ko? Isa iyon sa dahilan kaya hindi sinubukan ng dating daniel na makipag kaibigan sa iba at sumabay na lang sa agos ng buhay.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasan
isipin kong para saan pa ang kapangyarihan ko o ano ba ang pakinabang nito saakin para mabago ang sitwasyon ko.
Unang una ay kahit na may kapangyarihan ako ay hindi nito matutulungan ang sarili ko na lumakas ang loob ko o maging matapang na harapin ang pagsubok.
Dahil rin sa talino na nakuha ko sa dating bayani ay marami akong nalalaman sa mundong ito pero iba iyon sa itinuturo sa eskwelahan na ito. Naiisip ko rin na ano nga ba ang gusto kong mangyari sa lugar na ito maliban sa umalis sa pagiging rank E?
" Mahika?"
Nahihiwagaan talaga ako sa tinataglay kong kapangyarihan kaya naman naisipan ko na gamitin ito para masubukan."
Hawak ang kutsara ay sinubukan ko kung ano ang kaya nitong gawin sa isang metal. Binuksan ko ang mga mata ko at sinubukan makita ang pagdaloy ng mga enerhiya sa kamay ko.
Kitang kita ko ang enerhiya sa kamay ko at lahat ng bagay na makita ko ay nagtataglay ng enerhiya.
Natuwa ako sa nakita ko at ilang sandali pa ay lumaki ang kutsara na hawak ko at nagkaroon ng mga parang tangkay pa na kutsara sa katawan nito.
" Woah, ang galing naman."
Sa sobrang pagkamangha ko na parang inosenteng paslit ay hinawakan ko naman ang baso na may tubig at sinimulan na kontrolin ang tubig nito.
Ang totoo nais ko lang talaga makita ang magagawa nito pero hindi ko inaasahan na bubulwak ang tubig sa loob at bubuhos ang mga iyon sa ibaba ng palapag na kinakaupuan ko.
Sino bang mag aakala na dadami ang tubig na laman ng baso at bigla na lang lalabas doon?
Sa pagbulwak ng tubig na tila fountain ay hindi sinasadya na tinamaan ang grupo ng mga estudyante na nakaupo sa ibabang mesa at basang basa nag mga lalaking ito.
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil kahit ako ay nabigla at nakuha noon ang atensyon ng lahat.
Sobrang nagalit ang mga lalaking nakaupo sa mesa na tinamaan ng tubig at humihiyaw laban saakin.
" Anong problema mo? Naghahamon ka ba ng away?
Nagtalunan ang mga lalaking ito para makaratimg agad sa palapag kung nasaan ako at sa pag kakaalala ko mga siga sila ng 4th year at karamihan sa kanila ay mga rank C.
Galit na galit silang lumapit at bigla akong hinamblot sa kinauupuan ko. Napakalakas nila na para bang isa lang akong bagay na inihagis.
Gumulong ako sa lapag at tumama sa isang mesa dahil sa pag hagis saakin at sa totoo lang naramdaman ko ang sakit ng pag hampas ko sa mesa kaya naman napahiga na lang ako.
Hindi pa nakuntento nag mga ito at hinablot ang kwelyo ko para sigawan at pagbantaan.
" Napaka lakas ng loob mo para bastusin kami, ano bang pinagmamalaki mo? Gusto mo bang mamatay agad?" Galit na sambit nito.
Nagpanik ako at agad na humingi dito ng pasensya at inamin na nagkamali ako sa ginawa ko. Nagpaka baba ako para tigilan na nila ako pero imbis na hayaan ay bigla akong tinuhod sa sikmura ng lalaking iyon.
Napaluhod ako sa sobrang lakas ng ginawa nyang pagsikmura saakin at hindi makahinga.
Dahil sa komosyon ay pinagtinginan kami ng mga tao at nung akma na sasapakin ako ng lalaki ay bigla syang pinigilan ng kasamahan nya.
" Bro, easy ka lang nasa public place tayo mabuti pa ayain mo sa Arena at doon natin pag laruan para hindi tayo malintikan hahaha."
Hinimok ng kasama nya na dalhin ako sa arena para doon gulpihin at pumayag naman ito kaya naman hinila nila ako at pinapasama sa kanila.
" Teka lang, hindi ko talaga sinasadya. Paki usap naman pwede bang palampasin nyo na ito?"
" Tumigil ka! tuturuan ko ang mga basurang rank E na gaya mo na rumespeto at sa oras na tumangi ka na lumaban sa arena ay mas pagsisisihan mo ito."
" Araw araw kong gagawing impyerno ang buhay mo sa eskwelahan na ito." Pagbabanta nito saakin.
Hindi ko alam ang gagawin ko at pinangungunahan ng takot. wala akong magawa kundi sabayan sila sa paglalakad at kahit na alam ng lahat ang mangyayari saakin ay walang kahit isa na pumipigil sa mga lalaking iyon.
Lahat sila nakatingin lang na tila ba normal lang ang nakikita nila. Marami pa sa kanila ang natutuwa pa at para bang sabik na makita kung anong mangyayari saakin.
Ang arena ay bukas para sa lahat at ang kailangan mo lang ay magpalista at magsulat ng kasunduan tungkol sa pagpayag mo sa laban na magaganap upang sa ganun ay kahit na may mangyari sayong masama ay walang kasalanan ang kahit na sino man maliban sayo.
Habang nasa loob ng arena ay hindi nawala ang kaba ko. Gusto kong tumakbo palabas pero parang nakakahiya na gawin ko iyon.
Hindi ko alam kung ano bang mas matimbang para saakin, ang makita ng lahat kung gaano ako kaduwag at ka walang kwentang lalaki o ang masaktan dahil sa pang bubogbog nila.
Hindi naman nagtagal ay dumadami ang tao na nanunuod sa gilid at tila ba inabangan ang magaganap na laban, dahil nga na nasa arena kami ay itinuturing nila lang itong dwelo na normal naman sa eskwelahan na ito.
" Hoy basura, Siguro naman alam mo ng wala kang takas dito?"
" Teka naman, isa lang yung aksidente at isa pa bakit marami kayo? "
Limang katao ang nasa harap ko at gusto akong gulpihin at sa totoo lang hindi ko alam kung paano iyon naging patas dahil mukhang hindi labanan ang mangyayari ngayon kundi isang masaker. Hindi sila nandito para magkaroon ng dwelo dahil balak nila talaga akong gulpihin lahat.
" Simulan na natin ito para ipakita natin sa iba kung paano maglikpit ng basura."
Nakita ko sa katawan nila ang pagdaloy ng kanilang enerhiya na senyales na gumagamit sila ng enhancer para palakasin ang katawan nila.
Alam ko na hindi na ako makatakas pa sa laban na ito at kailangan kong harapin ang mga ito kundi baka mamatay ako sa gulpi. Natatakot ako at kinakabahan dahil alam ko naman na wala akong laban sa limang tao.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang mga ito na lumusob at sabay sabay na umatake para gulpihin ako pero sa hindi ko inaasahan na pagkakataon ay bigla akong nagulat.
Malinaw na nakikita ko ang paglapit nila at hindi basta ito malinaw kundi napakabagal ng pag kilos nila.
Nagawa kong maiwasan ang mga pag atake ng mga ito at tinatalunan lang sila para makalayo. Kahit sila ay nagulat sa nangyaring pag iwas ko at napahinto sandali.
" Anong magyari? Naiwasan ng Rank E ang atake natin?"
Hindi naman sila nagpapigil at muling tumakbo para umatake ulit pero sa muling pag kakataon ay biglang bumagal ang pag galaw sa paligid ko ng triple sa normal na galaw nila at kahit ako ay hindi ko ito mapaniwalaan sa sarili ko.
" Napaka bagal nila."
Muli akong nakaiwas at tumalon palayo para dumistansya, dito ay naisip ko na epekto siguro ito ng kapangyarihan ng bayani na taglay ko na binigay ni Momo.
Nagkaroon bigla ako ng pag asa dahil gamit ito maiiwasan ko ang kanilang atake at magagawa kong atakehin sila ng hindi nasasaktan.
" Ok lang kaya gumamit ako ng pisikal enhancer para umatake.?"
Naglabas ng enerhiya ang kamao ko at sa pangatlong pag kakataon ay umatake ng mga ito ay hindi ko lang basta iniwasan ang mga ito.
Isa isa ko silang sinuntok at sinipa dahilan para tumalsik ang mga ito na para bang mga bagay lang na inihagis.
" Naku, napalakas ata ang ginawa kong pagsuntok. "
Nagulat ako sa naging resulta ng ginawa ko at dahil nga sa gusto kong subukan ang kakayahan ko ay hindi ko naiwasan na mag labis.
Nangamba ako dahil baka may kung anong mangyari sa mga lalaking iyon dahil sa ginawa ko at baka magbayad pa ako ng malaki pang pagamot nila.
Namilit sila sa sakit at hindi tumatayo at dahil sa takot ay humingi agad ako ng pasensya sa kanila at dahan dahang naglalakad paatras para umalis.
Hindi rin makapaniwala ang mga nanunuod at kahit sila ay nabibigla dahil nagawa kong pabagsakin ang limang tao sa maikling oras lang.
Nung magkaroon ng pagkakataon ay nagmadali na akong tumakas sa lugar at nananalangin na hindi na sana maulit ang bagay na iyon dahil hindi ko gustong pagtripan ng mga siga sa eskwelahan araw araw.
" Naku, hindi pwede ito, bakit ba nangyayari ang bagay na ito saakin?"
Alam ko na gusto kong maging astig pero hindi sa ganitong paraan dahil sa nangyari ay tiyak tuluyan ng magagalit saakin ng mga siga na iyon at baka hindi na ako tigilan sa eskwelahan na ito.
" Pagsubok ba ito ng diyos saakin? Ayoko ng ganito at hindi ko naman ginusto ang bagay na ito. " Bulong ko.
End of episode 12
Ep 12 part 2