Chapter 14 part 1
Maraming nagsasabi na maganda at nakakarelax kapag natanaw mo ang ganda ng kalikasan at nakakapayapa ng kaisipan, sa sobrang kahanga hanga ng makikita mo ay makakalimutan mo bigla ang iyong problema.
May punto naman ang sinasabi nila at siguro nga may katotohanan ang mga bagay na iyon para sa iba pero bakit hindi ko magawang matuwa sa nararanasan ko ngayon habang nararanasan ang mismong kaganapan na iyon?
Pagdilat ng mga mata ko ay nakalutang na kami sa kalangitan na halos mas mataas pa sa mga bundok at damang dama mo ang lakas ng hangin sa himpapawid.
Tanaw na tanaw mo ang lahat mula doon pero kahit na kagila gilalas ang tanawin ay hindi ko kayang mamangha dito dahil sa sobrang takot.
Pinakalma naman ako ni Fufu at sinabi na hindi ko kailangan matakot dahil hindi ako mahuhulog at mapapahamak hangat katabi ko ito.
" Paano ako kakalma eh takot ako sa matataas na lugar. "
" Makinig ka master pumikit ka at huminga ka ng malalim para kumalma. Ang totoo hindi ka takot sa matataas na lugar kundi takot kang mahulog at masaktan."
Ipinaliwanag nya na nagsisinungaling ang isip ko kaya pinaniniwalaan ko na takot ako sa matataas na lugar at sinabi na ang pangamba na nararanasan ko ay dahil sa nalalaman ko na maaari akong masaktan at mamatay sa oras na mahulog ako.
" Maraming bagay ang kinatatakutan ng mga tao kaya nga hindi nila kayang makita ang magagandang bagay na nasa paligid lang nila, katulad nito."
Itinuro nya ang napakagandang tanawin kabundukan at karagatan habang papalubog ang araw. Halos mapatunganga ako ng idilat ko ang mga mata ko at doon ko naisip na tama sya sa sinabi nya na hindi ko nga kayang makita ang kagandahan ng nasa paligid ko dahil nakatuon ang isip ko sa pagkatakot sa kamatayan.
" Ang positibong enerhiya ang nagpapanatili ng buhay sa kalikasan at dahil sa itim na mahika na sumisira sa pagkadalisay ng enerhiya sa paligid ay hindi magtatagal ay tuluyan ng mawawasak ang kapaligiran na nakikita nyo ngayon."
Ipinaliwanag nya na kung mangingibabaw ang negatibong enerhiya sa paligid ay mamamatay ang mga halaman, hindi na matataniman ang mga lupa, mawawalan ng nutrisyon ang tubig at Magreresulta ng kamatayan ng mga isda sa dagat,hayop sa lupa at kawalan ng mga bunga sa mga puno't halaman.
Nagbanta sya amin na ilang taon lang mula ngayon ay magkakaroon ng matinding tag gutom, kakalat ang mga sakit at sisiklab ang mga digmaan na magiging sanhi ng kamatayan ng milyon milyong mga tao.
" Hindi kaya ng mga tao na solusyunan ang mga bagay na ito dahil ang mga ito mismo ang may kagagawan kung bakit nagbabadya ang isang napakalaking sakuna sa mundo."
" Upang solusyunan ang problemang ito ay nagdasal kami sa diyos para mailigtas ang mundo at binigyan kami ng kasagutan sa aming mga hiling sa katauhan ng binatang ito." dagdag ni Fufu.
Hindi ko alam kong totoo ba ang sinasabi ni Fufu o hindi dahil sa pag kakaalam ko ay kailangan nya lang gumawa ng kwento para makalusot ako kay prof celly pero masyado naman itong detalyado at kung iisipin ko ay napaka komplikado dahil tungkol na ito sa pagkamatay ng mga tao.
" Teka seryoso isa ka talagang diwata? akala ko nagbibiro ka lang" Tanong ko rito.
" Master Daniel nakasalalay sayo hindi lang ang buhay ng maraming tao sa bansang ito kundi pati ang kinabukasan ng mga diwata at ng mundong ito." Sambit nito.
Hindi ko alam kung bakit parang may mali sa nangyayari at napunta ito sa pagliligtas ng maraming tao. Hindi ko naman gusto pumasan ng ganung kalaking responsibilidad.
" Teka teka hindi mo naman siguro iniisip na kaya ko pasanin ang ganung kalaking responsibilidad, ikaw na nagsabi na isa lang akong tao." Sambit ko dito.
Inamin nya saakin na kung sya ang tatanungin ay wala syang nakikitang magandang bagay na pwede kong gawin para malabanan ang mga gumagamit ng itim na mahika at natatakot sya sa katotohanan na nakasalalay sa tagumpay ko ang buhay nilang lahat.
Sang ayon naman ako na kailangan nyang pagdudahan ang kakayahan ko bilang tao dahil sa laki ng responsibilidad na pinapagawa nila pero masakit din pala marinig na pinagdidiinan nilang wala akong kakayahan at parang walang kwentang nilalang.
Kung iisipin ko mabuti ay mukhang sineryoso ni Momo ang sinabi ko na bigyan ng saysay ang buhay ko. Aminado ako na hiniling ko na bigyan ako ng exciting na misyon pero hindi naman kailangan na nakasalalay ang buhay ng maraming mga tao.
Wala akong masabi sa kung paano mag isip ang anghel na si Momo at nakuha nya talagang gawing komplikado ang napakasimple kong kahilingan.
Dahil sa paliwanag ni Fufu ay nakumbinsi si prof celly na totoong isa itong diwata gayumpaman sinabi nya na mas makakabuti para sa lahat kung tutulong ang mga tao sa problemang ito lalo pa sila ang naging sanhi ng pagkasira ng mundo.
" Hindi ako sigurado sa bagay na yan. Ang mga tao sa kaharian nyo ay sinusubukan na gisingin ang mga mythical beast na aming ikinulong at gumagawa ng mga experimentong makakasira sa kalikasan kaya paano kami magtitiwala sa mga tao.?"
" Patawad sa pangyayari iyon at aminado ako na sinubukan nga ng crown prince ang mga bagay na sinasabi nyo gayumpaman naniniwala akong hindi lahat ng nasa palasyo ay masasama at mga ganid sa kapangyarihan." Sambit ni Celly.
Muling umilaw si Fufu at sa isang iglap lang ay nagbalik kami sa kwarto ng council kung saan kami nang galing.
" Alam ko na hindi kapanipaniwala at hindi rin kita masisisi kung hindi ka maniniwala sa kakayahan ni master pero sya ang binigay ng anghel para magligtas saamin kaya kinakailangan namin syang tulungan kahit anong mangyari." Seryosong sambit ni Fufu.
Tumungtong sya sa ulo ko habang sinasabi na hindi nya buburahin ang alaala ni Celly ngunit wag na wag nya ipag sasabi sa iba ang lahat ng naganap at tungkol sa kanya dahil kahit na naniniwala syang may mga mabubuting tao pang natitira sa palasyo ay mas marami sa mga naroon ang ganid at sakim sa kapangyarihan.
Ipinaalam nya na sa oras na lumagpas na ang tao sa limitasyon at mangahas na makuha ang bagay na higit sa pwede lang nilang matamasa ay hindi mag dadalawang isip ang mga diwata na wasakin ang kaharian na ito.
" Hindi iyon isang pag babanta kundi isang babala kaya naman iniiwasan namin ang makipagtulungan sa mga tao hangat maaari para maiwasan ang pag gamit sa amin ng mga ito." Dagdag ni Fufu.
Napapikit naman si prof celly at naunawaan ang sitwasyon. Nangako sya na hindi babangitin sa kahit na sino ang tungkol kay fufu at sa misyon ko dito.
Gayumpaman nangangamba ito sa hindi magandang mangyayari sa hinaharap kaya naman inalok nya ang tulong nya kung sakaling kailanganin sya dahil alam nya na nakasalalay sa misyon na binigay saakin ang kinabukasan ng kaharian.
" Alam nyo maganda naman na nagkakaunawaan na kayo pero ibig bang sabihin na yan ay pwede na akong maka alis dito? "
Alas kwatro na ng hapon at last subject ko na baka tuluyan na akong bumagsak kung hindi ako makakapag aral ng mabuti.."
Hinayaan ni Prof celly na maka alis ako at makapasok pa para tapusin ang klase para sa araw na iyon.
Kinabukasan ay muli akong pumasok ng maaga para maglinis at kagaya ng ginawa ko kahapon ay nagmamasid lang ako sa ginagawa ni Elisa mula sa malayo.
Pinagsabihan na ako na wag ng gagawa ng gulo kaya naman alam ko na dapat akong dumistansya sa kanila.
Sa totoo lang sa ilang oras ko na pagsunod sa kanya ay nagtataka ako kung bakit wala pang ginagawang masama ang lalaking myembro ng scorpion sa kanya.
Para saakin napakaraming pagkakataon ang meron sya para magawa nyang maatake si Elisa maliban na lang kung may inaatay pa sya.
" O hindi kaya may iba pa syang pakay." Bulong ko.
Nagpatuloy ang pag sunod ko sa kanya tuwing may free time ako at kahit sa arena ay nakabantay ako dito.
Hindi ko pinangarap maging secuirity guard pag laki pero parang doon na ang bagsak ko at ang masama nito ay wala naman nagpapasahod saakin at wala rin akong napapala sa pagsunod magdamag.
Habang nagbabantay ako sa gilid ng arena ay nakita ko na umalis ang lalaking kasama ni Elisa at pumunta sa likuran na pintuan para doon lumabas.
Doon ko biglang naisip na hindi naman dapat si Elisa lang ang binabantayan ko kundi pati ang taong mananakit dito.
Dahil doon ay hindi ako nagdalawang isip na sundan ito. Wala akong ideya kung tama ba ang gagawin ko pero naghihiwagaan din ako kung ano ba talaga ang ginagawa nito o ano ang hinihintay nito para umpisahan ang masamang balak kay elisa.
Sinundan ko ang lalaki at sinugurado kong walang nakakapansin sa ginagawa ko. Dahil nga ang pintuan na ito ay nasa likod ay walang dumaraan dito na ibang estudyante kaya naman madali lang akong nakakadaan doon.
Inaasahan ko na may makikita akong kakaiba sa oras na buksan ko ang pinto at malaki ang tyansa na manganib ang buhay ko pero wala akong oras para intindihin pa yun dahil nandito ako para alamin ang mga plano nya.
Gayumpaman sa pagbukas ko ng pinto para lumabas ay wala akong nakitang kahit ano sa labas. Wala ring tao sa paligd at tahimik na tahimik dito.
Hindi ko alam kung madidismaya ako o matutuwa dahil wala akong nakita doon na maaaring makapag pahamak saakin gayumpaman nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng arena uoang masiguro nag hinala ko hangang sa may naramdaman akong nakakapangilabot na presensya.
Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam ko ang pakiramdam na halos magpatindig sa balahibo ko. Ang pakiramdam na nililikha ng isang itim na mahika.
Sa pag lingon ko sa itaas ay nakita ko sa bubong ng storage house ang naglalagablab na apoy na tigre. Isa itong nilalang na nagmula sa summoning magic at nababalot ang apoy sa katwan nito ng presenaya ng black magic.
" Ano ang bagay na yan? Nalintikan na." Nagpaoanik na sambit ko.
Alam ko na hindi maganda ang nakikita ko kaya agad akong tumakbo palayo para tumakas sa lugar pero tumalon ito para harangan akong makabalik sa loob ng arena.
Nakaramdam ako ng takot dahil nahuli ang pag takbo ko papasok at ngayon ay nagpapanik dahil alam ko na nanganganib ang buhay ko habang unti unting lumalapit sa akin ang tigre na gawa sa apoy.
" Patay, anong gagawin ko fufu? Mukhang hindi mapagkaibigan ang tigre na yan. "
Nag simula itong umatake saakin pero dahil nga sa mabagal ang galaw nito sa paningin ko ay agad ko itong naiwasan gayumpaman wala naman akong magawa para atakehin ito.
" Talagang nag aapoy sya, anong pwede kong gawin Fufu."
" Kainin mo ako master. " sambit nito
" Alam mo tatapatin na kita hindi ko alam kung paano ko gagawin ang sinasabi mo eh hindi ko nga alam kong kasya ka ba sa lalamunan ko."
Muling umatake ang tigre na ito at patuloy ko lang itong iniiwasan hangang sa makorner nito ako sa gilid.
Hindi ko alam kung hangang kelan ko iiwasan ang isang ito ngunit natatakot naman akong suntukin o sipain ito dahil sa nag aalab na katawan nito.
Nagpanik agad ako at naki usap kay Fufu na gumawa ng paraan para tulungan akong matalo ang kalaban namin.
" Wag kang matakot master. Ang pagkatakot ang nagiging sanhi ng pagdududa mo sa kakayahan mo."
" Sa oras na magduda ka ay nawawala ang paniniwala mo at ang kawalan ng tiwala sa mga bagay na kaya mong gawin ang magsisilbing kahinaan ng kapangyarihan na taglay mo." Dagdag nito
Ipinaliwanag nya saakin na wala akong ibang dapat gawin kundi mag isip ng bagay na gusto kong makuha at ilabas ito upang umiral sa realidad at magagawa ko lang ito kung patuloy akong maniniwala.
Sinabihan nya ako na kumalma at mag isip ng bagay na makakapatay sa apoy ng tigre. Isang atake na magpapatigil sa paglagablab ng apoy na katawan nito.
Pinikit ko naman ang mga mata ko habang pinapakalma ang sarili upang makapag isip, hindi ko alam kung magiging ligtas ako sa ginagawa kong pag pikit sa harap ng tigreng handa akong lapain ano mang oras pero naniniwala akong ang lahat ng sinasabi saakin ni Fufu ay makakatulong saakin para manalo.
dito ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang presenaya. Para akong napasok sa isang madilim na lugar na walang ibang maririnig na ingay kundi ang pagtibok ng puso ko at ilang sandali pa ay nararamdaman ko na dumadaloy ang enerhiya mula sa katawan ko.
Napaka dalisay at puno ng kapayapaan na tila ba ayaw mo ng malimutan ang pakiramdam nito. Ilang sandali pa ay biglang may malamig na hangin na nagsisimulang bumalot sa paligid.
Unti unti akong dumilat at kasabay ng pagliwanag ng mga kamay ko ay lumabas ang magic circle sa tinatapakan ko at nagsimulang mabalot ng yelo ang braso ko.
" Papatayin ang apoy, Kailangan kong patayin ang apoy.
End of part 1
Chap 14 part 1