-------------------------------------------part 2 / part 2 ----------------------------------------

" Didi , may gusto lang ako malaman sayo . "

Dito ay bigla nyang binanggit ang pagpapakasal ko sa isang babaeng ni minsan di ko pinakilala sa kanya . Nagsasalita sya na tila kinukwesyon ang mga desisyon ko na pumili ng kung sino lang para makasama sa buhay .

" Hindi ako naniniwala na magkakaroon ng girlfriend ang isang kagaya mo na walang kasigla siglang tao ."

" Walang rason para ipakilala sa isang trespasser na kapitbahay ang mga taong makikilala ko . " Sambit ko dito.

Hindi sya tumugon sa sinabi kong yun at halos ilang segundo rin kaming natigil sa pag sasalita na ang tanging maririnig mo lang ang tunog sa pagkalabit sa keyboard at mouse habang ginagamit nya ito.

" Mahirap paniwalaan na magagawa mong magkaroon ng girlfriend , magkano ang binayad mo sa babae ? . " Tanong nito.

" Sira. "

" Didi , Talaga bang nagbago ka na ? " Seryusong sambit nya.

Dito ay nagsimulang maging seryoso ang tono ng pagsasalita nya habang ibinibigay ang saloobin nya tungkol sa nangyayari . Nagsasalita sya na tila ba kilalang kilala nya ang boung pagkatao ko at alam nya ang mga nangyayari saakin sa mga nakalipas na taon.

" Hindi ba nakakapagtaka na ikaw na inilalayo ang sarili sa ibang tao ay biglang magkakaroon ng girlfriend at ngayon ay malapit na itong pakasalan ? " Sambit nito.

" Ano naman ? " Pabalang na sagot ko .

" Iniisip mo bang mga tanga ang mga tao sa paligid mo ? Sila tita , si Romeo at ang pamilya mo ay nag aalala sayo pero hindi nila magawang kwesyunin ang desisyon mo tungkol sa babaeng yun dahil natatakot sila na bumalik ka sa pag sira sa buhay mo . "

Hindi ko magawang makapagdahilan dahil sa totoo lang kahit ako ay nabibilisan sa mga nangyayari at ewan ko kung bakit mabilis tinanggap ng pamilya ko si Lea nang hindi sinusuri ang pinagsamahan namin .

Ano nga bang pwede kong sabihin sa kanila ? hindi ko rin naman pwedeng sabihin kay Elisa ang tungkol sa kasunduan namin ni Lea .

Dito ay sinagot ko lang sya nang pabalang .

" May mga bagay talagang hindi natin inaasahan at may mga pagbabago tayong nararanasan sa buhay ."

Sa pagkakataon na yun ay ningisian nya lang ako na tila natatawa sa mga sinabi ko . Nararamdaman kong hindi nya tinatanggap ang mga pagdadahilan ko .

" Sabihin mo nga Didi kung paano mo ako mapapaniwala na ang isang taong pilit parin nilalayo ang sarili nya sa ibang tao na pati ang matalik na kaibigan nya ay tinuturing nya parin na trespasser na kapitbahay ay napakabilis tumanggap ng ibang tao sa buhay nya na parang wala lang ? " Seryusong sambit nito.

Hindi ako naka imik sa pagkakataon na iyon at napalunok na lang habang napapailing sa gilid ko. Hindi ko na rin magawang maibaling ang ulo ko upang harapin sya dahil aminado ako sa sarili ko na tunay ang mga sinabi nya sa mga oras na iyon .

Tama , maraming tao akong tinalukuran noon at tinuring na bale wala sa buhay ko.

Ang totoo bago pa ako maging NEET at mawalan ng gana sa buhay ay may mga kaibigan ako . Ilang tao na nakakasama ko at nakakakwentuhan ko bilang mga kaibigan.

Kahit na isa akong Otaku ay bukas akong nakikipagkaibigan sa ibang tao at isa na roon si Elisa na dati kong itinuturing na kaibigan .

Tama , Kulang kulang sampung taon na rin simula ng kalimutan ko ang mga taong itinuring kong mga kasama at ilayo ko ang sarili ko sa kanila . Napakatagal na panahon na rin pala ang lumipas at hindi ko na alam kong nasaan na sila ngayon .

Tumitig ako kay Elisa habang patuloy itong nananahimik sa kanyang kinauupuan .

Na imagine ko ang isang larawan ng batang babae na naka upo mismo sa pwesto na iyon sa harap ng Pc habang nakangiti saakin at inaabot ang isang gameboy .

Dito ay muli dumaan ang mga alaala ko noong magkakasama kaming naglalaro ng mga kaibigan ko sa kwartong iyon .

Maliban sa kaoatid ko Romeo ay si Elisa na lang ang nagta-tyaga na puntahan ako kahit na binale wala ko na silang lahat bilang mga kaibigan ko at itinuring na kakilala na lang sa pangalan .

Nagbago ang atmospera ng paligid namin at naging awkward para saaming dalawa dahil sa pananahimik namin na tila nagpapakiramdaman .

" Ang boring naman ng araw na ito ! " Biglang sambit nito habang naghihikab.

Nag inat si Elisa at itinigil ang pag lalaro sa Pc ko . Dito ay agad na tumayo ako sa kama upang pumalit sana sa kanyang gamitin ito.

" Sa susunod wag mong gagamitin ang Pc ko ng walang paalam. "

Sa pag punta ko sa likod ng upuan at pagsilip sa screen ng monitor ay nakita ko ang nilalaro nya sa computer ko boung maghapon .

Ang larong ito ay ang sinasabi kong laro na ginawa ko noon bilang game developer . Hindi ko inaasahan na makita ulit yun gayung binura ko na ito sa computer ko . Siguro inilagay nya muli ito sa Pc ko gamit ang Usb nya dahil nagkaroon sya ng kopya nito noon .

" Bakit ba nilagay mo nanaman yan ? "

" Hm... Para malaro ? Sayang nagpakahirap din akong tulungan ka sa pagtapos nyan kaya dapat sulitin ko . " Sambit nya .

Isa si Elisa sa nagboluntaryong tulungan ako noon na tapusin ito dahil sa kawalan ko nang gana at loob . Pero kahit na tumulong sya saakin ay isa pa rin sya sa mga taong nanglalait sa ginawa ko bilang pang aasar saakin .

Wala na akong paki elam sa larong iyon kung mabura man ito kaya pinapa uninstall ko ulit ito sa kanya pero imbis na sundin ako ay pinangaralan nya ako tungkol sa pinagmamalaki kong pag babago at pagkalimot sa kabitteran ko sa buhay .

" Maniniwala lang akong nagbago ka na sa pagiging NEET mo kung magagawa mo ulit bumalik sa dating ikaw . "

" Sira , Hindi na ako bitter tungkol dyan pero kahit ikaw eh sinabi mong panget ang larong yan , di maganda ang graphics , boring ang effects , hindi tugma ang sounds at masyadong predictable ang storyline. "

" Kung iisipin mayroon ako ritong higit tatlompung magagandang laro na galing sa Japan kaya bakit ko pag ti-tyagaan ang paglalaro nyan ? " Dagdag ko.

Payabang kong sinabi iyon sa kanya na tila hindi naaapektohan sa mga panlalait ko sa sarili kong gawa . Pero totoo naman na maraming mas kawili wiling laro ang pwedeng malaro sa Pc ko kesa doon kaya nga madali ko na yun nakalimutan sa lumipas na taon .

Pero kahit tanggap ko ito ay nakakaramdam parin ako ng sakit sa dibdib ko . Ang totoo binura ko ito para iwasan na maalala ang frustration ko sa buhay sa tuwing nakikita iyon sa loob ng Pc ko.

" Tara samahan mo akong maglaro Didi . "

Sa tagpong iyon ay lumigon sya saakin at inaya akong maglaro nito muli na tila ba sinusubukan ako kung totoong bale wala na saakin ang lahat at tuluyang nagbago .

" Talagang gagawin mo lahat para asarin ako ? " Pag susungit ko.

" Hm.. Alam mo naman na yun ang libangan ko . " Nakangiting tugon nya.

Nagkatitigan kaming dalawa at pinakikiramdaman ang isat isa sa mga susunod na sasabihin at gagawin .

Seryoso syang manalo sa pang aasar saakin at alam ko na kung tatanggihan ko ang alok nyang paglalaro nito ay parang inamin ko na bitter pa rin ako sa buhay pero naiisip ko rin na kung tatanggapin ko naman ang hamon nya ay parang pinayagan ko na rin syang paikotin nya ako sa palad nya .

" Kahit kailan talaga paki elamera ka hindi ka naman gamer talaga kaya bakit ayaw mo burahin yung kopya mo nito. " Muling pagsusungit ko.

Nakakainis din isipin na hindi nya kinokonsidera ang nararamdaman ko tungkol sa kabiguan ko sa buhay at basta na lang akong subukin na tila maliit na bagay lang yun . Nakakainis sya pero kailangan kong magtimpi sa mga oras na iyon .

" Hm.. Ewan , siguro dahil gusto ko ang paglalaro nito kahit na hindi ito perpekto kagaya ng ibang laro . Kahit kulang sya sa ganda sa graphics ay nawiwili ako sa laro. "

" Sa tingin ko may nagawa ka parin magandang bagay sa buhay mo Didi at humahanga ako sayo dahil doon. "

Nabigla ako sa nasabi nyang iyon dahil madalas ay puro pang lalait lang maririnig mo sa kanya tungkol sa mga ginagawa ko bilang Otaku .

Hindi ko inaasahan makarinig ng magandang salita mula sa kontrabida ng buhay ko . Nakatanggap ako ng papuring salitang na gusto kong matanggap noon na ni minsan hindi ko narinig sa ibang tao .

Tama , walang pumuri saakin kahit isa sa mga nagawa ko , sa pag sisikap ko, sa sakripisyo ko . Walang kahit na isa naka appreciate sa tagumpay kong nagawa .

Napakagat ako sa labi at tila may gustong bumagsak na luha sa mata ko na agad ko naman inilingan at pilit pinipigilan.

" Hindi importante saakin kung hindi ito maganda , mahusay at exciting basta ang mahalaga ay gusto ko sya at nag eenjoy akong naglalaro nito . Ganun ka simple . " Dagdag nya.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa pagkakataon na iyon dahil tila may kumumpletong parte sa kalooban ko noong marinig ko na may taong nakapag enjoy sa ginawa kong laro .

" Sira ka talaga Elisa . "

" Hmm.. " Tugon nya .

Ewan ko kung nagbibiro sya sa nasambit o hindi pero wala akong naitugon dito kundi pang aasar , hindi ko na sya nasagot pa at napasandal na lang sa upuan habang nakayuko sa mga braso ko .

Tila ba ayokong mawala yung pakiramdam na iyon sa dibdib ko . Napapapikit na lang ako habang pinipigil na ngumiti dahil sa nararamdamang tuwa sa loob ko.

Bumuntong hininga ako para makahinga ng maayos at makapagpatuloy sa pagsasalita dahil ayaw ko na matuklasan nyang sya ang dahilan ng kasiyahan ko bilang pride ko na rin dahil isa syang kontrabidang normie sa buhay ko bilang Otaku .

" Bwisit ka , Hindi ka na nagbago , napakadaldal mong tao , Maingay ka pa sa mama ko. " Bulong ko habang nakayuko .

" Dapat sayo binubusalan at itinatali sa loob ng drum . " Dagdag ko .

Sa pagkakataon na iyon ay sumandal sya sa upuan na iyon dahilan para magdikit ang aming mga ulo . Sandaling natahimik ang boung kwarto habang pinalilipas ko ang mga ngiti sa labi ko habang nakayuko upang hindi nya ito makita.

" Do you hate me ? .....

.

Then love me . " Sambit bigla ni Elisa .

Sa mga sandaling iyon ay parang nagbago ang atmospera ng kwarto sa hindi namin pag kibo sa isat isa hindi yun dahil sa pagkahihiyaan namin sa isat isa kundi dahil sa pag aantay namin ng susunod na magsasalita saamin. .

Inaasahan ko na may sasabihin sya maliban doon pero lumipas lang ang ilang segundo sa tagpong iyon .

Hindi na sinundan ni Elisa ang mga sinabi nya na tila hinihintay ang mga susunod kong isasagot .

Hindi ko alam kong bakit nya kailangan sambitin ang mga salitang iyon sa ganung tono ng pagsasalita .

Unting unti kong itinaas ang ulo ko at inilagay ang baba ko sa ibabaw ng ulo nya . Dito ay pinagmasdan ko ang screen ng monitor kung saan nakabungad ang laro start menu .

" Do you hate me ? Then Love me ! " Pag uulit ko na may tapang na tono .

" Ganun banggitin iyon Elisa . " Dagdag ko.

Ang mga salitang iyon ay nakalitaw sa monitor bilang isang title arc ng Game na ginawa ko .

Ang " Pagkasi : Do you hate me ? Then love me ! "

Kwento ito ng isang protagonist na pumipigil sa kanyang asawa na mag hasik ng kasamaan bilang warlord ng mundo na antagonist sa kwento .

Ang pagmamahal ng bidang lalaki ang naging susi para magawang tumigil ng kanyang asawa sa pagsakop sa boung mundo. Kung saan lagi silang naglalaban at kinaiinisan ang bawat isa sa pagpigil sa mga tagumpay ng mga plano nila.

" Masyadong boring mag isa maglaro nito , gusto mo maglaro Didi ? . " Sambit nya saakin habang nakatingala na tinitignan ako .

"Huh? Ah.... Pwede rin , may oras ka ba ngayon ? " Tanong ko .

" Hm.. Marami at kukulangin ang sayo . " Nakangiting sambit nito .

Bigla akong nakaramdam ng hiya nung makita ko ang napaka cute na ngiti nya saakin na hindi ko naman madalas makita mula sa kanya,

Aaminin ko maganda sya at talagang maaakit ka sa kanya Pero noon pa man sumumpa na akong hindi dapat ako mag pakita ng ano mang kahinaan sa kanya o lalo na mahulog sa kanya.

Hindi yun dahil sa pagiging aso`t pusa namin kundi dahil mas kilala ko ang buong pagkatao nya. Tama, isa syang mapaglarong halimaw na nagtatago sa anyo ng magandang dilag.

Mas OK yun ganun ang isipin ko para iwasan na mahulog sa mga kamay nya.

" Hoy! Uulitin ko nabobored lang ako kaya pagtyatyagaan ko na makalaro ang gaya mo Pero hindi ako pabor na ginugulo mo ang day off ko. " Pagsusungit ko dito upang hindi sya mawili.

Ngumisi lang sya saakin habang nakapamewang

" Tsk, Tsk, ka awa awang tao ka talaga. Hindi mo alam kung gaano ka kaswerte na maka sama ang kagaya ko.  " Sambit nito.

Ang lakas ng loob nya ioagyabang saakin ang sarili nya, Oh.... Kung binibigyan nya ba naman ako ng pera eh talagang magsasabi Kong maswerteng bagay ang pang gugulo nya saakin tuwing nababagot sya.

Wala akong nagawa kundi mapabuntong hininga habang pinakikinggan ang pagyayabang nya.

Agad na Tumayo sya sa kinauupuan nya bakas ang masayang ekspresyon sa mukha .

" Kukunin ko na lang ang laptop ni Romeo sa kwarto . "

Lumabas sya ng kwarto ko at dumeretso sa kwarto ng kapatid ko , habang ako naman ay napapabuntong hininga sa kaka isip sa pagkakaroon ng kapitbahay na katulad nya na tila lahat pwedeng gawin sa pamamahay namin .

Hindi ko tuloy maiiwasan habang pinagmamasdan syang lumalabas ang isang imahe ng batang elisa na lumalabas ng kwarto ko upang pumunta sa kwarto ni romeo.

Mga alaala ng nakaraan na sa sobrang tagal ay nakalimutan ko na, doon ko lang napagtanto na wala syang pinagbago mula noon hanggang ngayon.

" Paano kaya sya makakapasok sa loob ng kwarto ni Romeo eh nakalock yun ? "

Napakamot na lang ako ng ulo at ilang sandali pa ay umupo na sa upuan ko upang magsimula sa paglalaro . Ewan ko pero parang namiss ko rin makita ang larong ito na tila ba nasasabik na akong malaro at tapusin ito .

Hm.. , siguro dahil matagal tagal na rin mula nung malaro ko ito o baka may dahilan na akong laruin ito dahil sa wakas ay nagtagumpay ako .

" Teka , paano nga ulit laruin ito ? "

" Mukhang kailangan kong magpaturo kay Elisa . " Nakangiting Sambit ko .

End .

~~~> { Author's note } <~~~

~~~> ( Dont forget to Share this Chapter to Support this series .) < ~~~

Alabngapoy Creator