Chapter 17 part 2

Sa ibaba kung nasaan ang princesa, habang abala syang sinusuri ang mga halaman para maging materyales.

Huli na nyang namalayan na may nakalapit na sa kanyang tao at ngayon ay nakatayo sa harap nya.

Alam nya na hindi basta kung sino lang ang misteryosong taong ito at nalaman nya rin na isang magic item nag coat nito kung saan hindi nya kayang maramdaman ang presensya nito.

" Sino ka? Anong pakay mo saakin?" 

Tumayo si Lea at naging alisto dahil alam nya na maaaring may masamang balak ang misteryosong tao na iyon dahil narin kahina hinala ang kasuotan nito.

Hindi ito umiimik sa mga tanong ni Lea kaya naman agad na pinagana ni Lea ang naglalagablab na apoy na kapangyarihan nito. 

Sumiklab ang apoy sa kanyang paligid  kasabay ang paglitaw ng magic circle sa kanyang tinatapakan at nagmistulan din apoy ang mga buhok nito. 

" Ipakilala mo nag sarili mo, binabalaan kita kung sino ka man hindi ka sasantuhin ng apoy ko."  Banta ng dalaga.

Hindi parin ito nagsasalita at nananatili lang sa pwesto nito hangang sa biglang sumigaw si Daniel para tawagin si Lea.

" Lea, umalis ka dyan. Tumakbo ka na!" Sigaw nito.

Napalingon naman si Lea at nagulat sa paglitaw ni Daniel sa gubat na iyon pero kasabay ng kanyang pag alis ng paningin sa misteryosong lalaking iyon ay biglang nabalot ang paligid nila ng itim na magic circle.

Dito ay biglang naglabasan  sa mga magic circle ang mga itim na galamay at agad na sinungaban si Lea.

Nadakma ang kanyang mga binti, braso at bewang ng mga galamay at pilit na hinahaltak ng mga ito.

" Ano ang mga bagay na ito?" 

Nagulat sya sa nakita at nagsimulang maglabas ng apoy para wasakin ang bagay na nakapulupot sa kanya.

Sa una nagawa nyang nasira ang mga ito at pinilit na makaalis pero latuloy  lang na naglalabas ang magic circle ng mga galamay at iginagapos sya .

Hindi nya magawang mawasak ang lahat ng ito kaya naman madali sya nitong nahaltak at naihagis sa lapag.

Ibinalibag sya nito sa lapag na halos nagpabakat sa kanya sa lupa at ilang saglit pa ay muling itinaas para ilambitin.

" Wag mo akong maliitin!" 

Naglagablab si Lea at napuno ng apoy ang buong katawan na tumusta naman sa mga itim na galamay na nakakapit sa kanya.

Naabo ito na parang kahoy kaya naman tuluyang nakawala ang dalaga at muling naghanda para makipaglaban.

" Hinahamon mo ako pwes ipapakita ko sayo kung bakit ako tinatawag na Flaming fenrier." 

Muli naman lumitaw ang napakalaking magic circle at doon lumabas ang napakalaking itim na halimaw na may napakaraming itim na galamay sa katawan.

Nagulat si Lea sa nakita dahil ngayon lang sya nakakita ng summoning beast na may kulay itim na cristal sa mukha nito.

Ang mga cristal ng mga magic beast ay ang nagsisilbi nilang mga core at pangkaraniwan na kulay puti, asul at pula ang mga ito depende sa uri at level ng kapangyarihan na taglay nito.

Alam nya na parang may mali sa halimaw na nasa harap nya pero matapang nya parin itong inatake.

" Akala mo ba matatakot mo ako? Sige subukan natin ang lakas mo!"  Sigaw nito.

Gumawa sya ng napakalaking fireball at ibinato ito sa itim na halimaw na agad naman sumabog.

Gumawa ng pagkalat ng apoy ang atakeng iyon ni Lea gayumpaman kahit na nawasak ang itim na halinaw ay nananatili ang mga galamay paligid at mga itim na bagay na parte ng halimaw.

" Ano ba ang mga bagay na yan?" 

Habang nabibigla sya ay biglang dumating sa tabi nya si Daniel at takot na takot na sinasabihan sya na umalis na sa lugar.

" Teka bakit ka nandito? " 

" Wala na tayong oras, mas mabuti pang umalis na tayo bago pa muling umatake ang mga yan." 

Habang nag uusap ay muling nag angatan ang mga itim na galamay kasabay ang pagsasanib sanib ng mga nawasak na parte ng halimaw.

Nagulat silang dalawa sa nakikita dahil unti unti ulit nabubuhay ang halimaw na inaakala ni Lea na nawasak nya na.

" Nagawa nya ulit mabuo, ano bang uri ng halimaw yan?" 

" Gawa sa itim na mahika ang bagay na yan at hangat may itim na enerhiya syang nakukuha ay patuloy lang syang mabubuo. Kaya tumakas na tayo." 

Hinawakan ni Daniel sa braso si Lea para sana isama ito sa pag alis pero hinawi nya lang ang binata at sinabi na hindi sya aalis doon dahil kailangan nyang turuan ng leksyon ang kalaban nila.

Hindi naman makapaniwala si Daniel sa naging sagot ni Lea dahil gusto pa nitong lumaban kahit na nakita na nito ang kayang gawin ng halimaw.

Alam ni Daniel na wala pa sa kalingkingan ng kapangyarihan ng itim na mahika ang bagay na ginawa ng halimaw kaya naman alam nya na kailangan nilang tumakas sa lugar.

Wala itong nagawa kundi buhatin si Lea upang maisama ito at makatakbo palayo.

' hoy! Ano bang ginagawa mo? Ibaba mo ako." 

" Pwede ba wag kang makulit, hindi natin kaya ang bagay na yun."  Sambit ng binata.

" Tsk, minamaliit mo ba ako? Hindi ako matatalo ng mga kagaya lang nila. Kaya ibaba mo na ako." 

Hindi pinakingan ng binata ang kahilingan ni Lea na makababa at patuloy na tumatakbo. Gumagamit din ito ng enerhiya para tumakbo ng mabilis.

Ilang saglit pa ay nagcast ang misteryosong tao ng panibagong itim na mahika at lumabas ang panibagong itim na magic circle kung saan gumawa ito ng itim na pwersang bumalot sa paligid.

" Ano ang bagay na ito?" 

Biglang nanlambot ang katawan ni daniel dahilan para madapa sya at sumadsad silang dalawa sa lupa.

Hindi makatayo si Daniel at Lea dahil sa epekto ng itim na pwersa.  Nanghihina ang katawan nila na tila ba nauubos ang kanilang enerhiya.

Sa pagkakataon na iyon ay lumabas si Fufu sa damit ni Daniel at binigyan sya ng proteksyon gamit ang sariling enerhiya.

" Hindi sapat ang normal na magic barrier para maprotektahan ka sa dark miasma na pinakawalan nya." 

Ipinaliwanag ni Fufu na sinisira ng dark miasma ang lahat ng bagay na madikit dito kasama na ang mga enerhiya ng katawan ng tao.

Muling nakagalaw sina Daniel at Lea at tumayo para ihanda ulit ang sarili sa laban.

Nakita nila ang tila itim na usok na kumakalat sa paligid. Ilang saglit lang ay nabubulok ang mga dahon ng puno at halaman sa paligid dahil sa pagkalat ng miasma.

Ipinaliwanag ni Fufu na kung magtatagal ang isang ordinaryong tao sa miasma ay sisirain nito ang katawan nito at ilang minuto lang ay maaari silang mamatay. Hindi ganun kakomplikado para kontrahin ang epekto nito pero kinakailangan ng 3rd grade protection magic para maprotektahan ang katawan nila.

" Napakamapanganib pala ng bagay na yan para sa mga sibilyan." 

" Tama, Ang itim na mahika ay ginawa para pumatay at magdulot ng pagkasira kaya mas malakas ito sa mga ordinaryong mahika na gamit nyo." 

Binangit nya na walang kwenta ang lahat ng nalalaman nilang mahika na itinuro ng eskwelahan at kinakailangan ng binata na gamitin ang kapangyarihan ni Freedom kung gusto nyang manalo.

Habang nag uusap sila ni Fufu ay biglang nagliyab si Lea at nagliwanag ang tinatapakan nyang magic circle.

" Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero malinaw na tinangka nya akong patayin, pagbabayarin ko sya.

Alam ng binata na may binabalak si Lea na gawin kaya naman agad nyang hinawakan ang braso nito para pigilan na gumawa ng maling aksyon.

Sinabihan nya ito na wag makipaglaban at mas mabuting umalis na lang at dumeretso sa lungsod para manghingi ng tulong sa iba.

hindi naman pumayag ang dalaga sa sinasabi ni Daniel dahil para sa kanya ay walang dahilan para tumakbo, Isa syang mandirigma na nagsasanay maging sundalong poprotekta sa mga tao at bilang princesa ay tungkulin nya gapiin ang ano mang uri ng banta.

" Ano ba trip mo, gusto mo bang buhatin nanaman kita para lang maka alis dito?  Makinig ka naman." 

" Ha, Hindi dahil nagagawa mong bale walain nag sumpa sa katawan ko ay aabusihin mo na ang pag hawak saakin.  hindi kita pinapayagan na buhatin muli ako. " Matapang na sambit nito.

" Kung ganun sumama ka na saakin paalis dito dahil mapapahamak tayo kapag nagtagal pa tayo dito." Sigaw ko rito.

Gayumpaman hindi ito nakikinig at lalong nagmatigas dahil kailangan nyang talunin ang kalaban nyang nagtangka sa buhay nya.

Ilang sandali pa ay muli ng lumusob saamin ang mga itim na galamay. Humahaba ang mga ito na parang mga goma kaya naman nagagawa nilang  maabot ang dalawa.

Nahuli ang binata ng mga ito sa paa niti at inihampas sa puno. kahit na protektado sya ng barrier ay nararamdaman nya parin ang sakit ng pag kahampas nito sa kanya.

Habang nakahiga sa lapag ay nakita ng binata na patuloy ang pakikipaglaban ni Lea sa mga galamay.

Nahihiwa at nawawasak nya ito pero patuloy lang nabubuo ang mga ito at muling umaatake sa kanya.

" Aray ko" bakit gamun fufu? Hindi bumabagal sa paningin ko ang kanyang atake kagaya ng iba?" tanong nito.

Ipinaliwanag ni Fufu na may mga limitasyon lang ang mga abilidad na kagaya ng kay freedom at kadalasan ay nakabase ito sa lawak ng teritoryo na ginagawa ng abilidad.

Inihalimbawa nito na kung may lapad na dalawang metro ang teritoryo ng kapangyarihan ng binata ay lahat ng nasa loob nito ay saklaw ng kapangyarihan nito.

" Kung ganun ang lahat ng malapit lang saakin na kalaban ang pwede kong makita na bumabagal ang mga pag atake ?"

Lalong naglagablab ang apoy sa paligid ni Lea at patuloy na nag hahagis ng mga fire ball sa halimaw.

Gayumpaman napapansin lang ni Lea na tila ba habang tumatagal ay wala ng epekto ang kanyang atake sa halimaw. Nahalata nya rin na lumiliit bigla ang apoy na dapat sanay sumusunog dito.

Pinagsabihan naman ni Fufu si Daniel na humihigop ng enerhiya ng mahika ang isang Dark beast na nag mula sa tao kaya naman  patuloy lang na lalakas ang mga ito kung hindi agad ito magagapi.

" Ano? Seryoso ka?  May ganung klaseng halimaw? Paano naman matatalo ang bagay na yan? " Tanoni ni Daniel.

" Ang mga dark beast ay katulad lang ng ibang magic beast na nagtataglay ng core sa oras na nawasak ito ay mapapatay mo na sila." 

Agad naman hinanap ni Daniel ang core na sinasabi ni Fufu pero wala itong makitang cristal sa halimaw na kadalasan ay nasa ulo lang ng mga ito.

Dito nabangit ni Fufu na may kakayahan nag mga dark beast na manikulahin ang katawan nila at ilagay ang mga core nila sa loob ng katawan para pangalagaan.

" Napaka hirap naman nito, pero kailangan kong tulungan si Lea." 

Tatakbo na sana si Nathaniel ng biglang may umatake sa kanyang itim na mga aso. Nagawa naman nyang makaiwas dahil sa pag bagal ng oras sa paligid nya.

" Ano ang mga yan?" Tanong nito

" Mag iingat ka, mga dark beast din sila at may mga lason ang kanilang mga kagat." Sambit ni Fufu.

Binilinan ni Fufu na hindi lang ang mga dark beast ang dapat problemahin ni Daniel dahil hangat nakakapag cast ng itim na mahika ang kalaban nila ay dadami lang ang kanilang mga kalabang dark beast.

Alam ni Daniel na kailangan nyang makita ang misteryosong lalaki na tunay na kalaban nila ngunit nag aalinlangan syang lumayo kay Lea dahil para sa kanya ay ito parin ang una nyang dapat isipin at protektahan.

" Hindi ko pwedeng iwan ang isang ito at baka may anong gawin nya." 

Patuloy na nakaka iwas si Daniel sa mga atake ng mga aso gayumpaman hindi nya magawang malapitan si Lea.

" Kailngan ko ng gamitin ang kapangyarihan ni Freedom." 

Pinakalma nya ang sarili nya at pumikit habang nag iisip ng teknik na pwede nyang gawin.

" Masyadong malapit si Lea saakin kaya baka mapahamak sya kapag hindi ko ginamit ito ng tama. " 

Naisip nya na malaking parte ng kapangyarihan nya ang pag iimagine at kagustuhan kaya naman dapat ay eksakto ang maisip nya sa gusto nyang mangyari.

Bigla rin sumagi sa isip nya na kung nagagawa ng kapangyarihan nya na maging totoo ang kanyang iniisip ay baka pwede nyang magaya ang mga teknik na dati nya ng nakita.

" Wala naman mawawala kung susubukan ko." 

Ilang sandali pa ay kinuhang pagkakataon ng mga aso ang pagpikit ni Daniel para atakehin ito.

Habang lumitaw naman ang magic circle sa tinatapakan ni Daniel at napalibutan ng enerhiya.

Dito ay umamba sya ng pag atake kasabay naman ng paglundag ng mga aso.

" Tikman nyo ito! "

Naipon ang hangin sa kanyang kamay at mabilis na umikot hangang makagawa sya ng malaking bolang bilog.

" Rassennggaann!!!!" 

Sinabayan nya ang mga ito at pinatamaan ng napakalaking Rasengan.

Sa pagtama nito ay unti unting nalusaw ang mga itim na aso kasabay ng paglipad ng bola ng hangin sa ere.

" Woah! Ang angas ! Pwede ko palang gayahin ang mga teknik sa anime na alam ko." Tuwang tuwa nyang sambit.

" Wag ka masyadong matuwa, hindi pa tapos ang laban." 

Muling nag datingan ang mga itim na aso at tumatakbo palusob sa kanya.

" Ayos ito, isa pa , gusto kong makita ang kaya ko pang gawin." Sambit ni Daniel habang natutuwa.

Naghanda ito at ipinorma ang katawan habang nakapit na nag coconcentrate.

Dito muling lumabas sa lapag nya ang magic circle at muling nabalot ng enerhiya ang paligid

" Ha....me...ka...me .... Wave!!!" 

Tumira sya ng kamehame wave sa mga itim na aso at bumura sa mga ito. Gumawa naman ito ng pagsabog na halos sumira sa gubat.

Sa sobrang lakas nito ay nagtalsikan sila kasama na ang binata. Hindi nya inaasahan na ganun kalakas ang kanyang magagawang atake.

Nag iwan ang atake nya ng halos pahabang hukay na may lalim na 20 feet sa lupa at sumira sa mga puno sa paligid.

" Naku, sumobra nanaman ako." 

" Daniel kapag hindi mo iningatan ang pag gamit sa kapangyarihan mo ay baka imbis na makapagligtas ka ay ikaw pa ang papatay sa mga tao."  Sermon ni Fufu sa binata.

Humingi naman agad ng tawad si Daniel at sinabi na hindi nya sinasadya dahil wala syang ideya na masyadong malakas ang atake na hamekame wave sa personal kesa sa pinapanuod lang.

Ipinaalala rin bigla ni Fufu kay Daniel na limang beses nya lang pwedeng gamitin ang kapangyarihan ni Freedom dahil ikamamatay nya ito kapag sumobra sya dito .

" Pero pwede mo itong magamit hangang sa limampung beses kong kakainin mo ako." Sambit ni Fufu.

" Tigilan mo muna ako tungkol sa pagkain sayo, ni hindi ka nga kasya sa bibig ko at puno ka ng balahibo." 

Dahil sa pagsabog ay nangamba bigla sya sa kalagayan ni Lea na baka nadamay ito kaya naman agad nya itong hinanap.

Natagpuan nya itong nakahandusay at nahihirapang makakilod dahil sa pagsabog na naganap. Kahit na napinsalaan ay nakikita nyang sinisikap nito na makatayo para ituloy ang laban.

" Lea! Sandali lang nandyan na ako." Sigaw nya habang tumatakbo.

Habang tumatakbo sya ay bigla nyang nakita ang napakalaking itim na bagay sa kinaroroonan ni Lea na unti unting lumalabas sa lupa.

Nagulat sya at halos manlaki ang mga mata ng unti unting nilalamon ng itim na halimaw na iyon si Lea gamit ang napakalaking bibig nito na nagmula sa lupang tinatapakan ng dalaga.

" Hindi maaari,  Lea!! .

End of chap 17 part 2 

Alabngapoy Creator

Part 2 chap 17