Chapter 21 part 1

Kinabukasan naging abala ang ekwelahan sa unang araw ng exam.para sa pangalawang semester.

Ang unan exam ay ang wriiten exam kung saan masusubukan ang mga estudyante sa kanilang natutunan sa pag aaral.

Maagang nagsipasok ang mga ito dahil na rin sa mga pulong ng mga guild na kinabibilangan nila.

Pinulong din ni Elisa ang guild nya para ipaalala na kinakailangan nilang makakuha ng mataas na grado sa exam at umaasa sya na hindi bibigyan ng kahihiyan ng bawat isa sa kanila ang guild.

Dahil sa masyadong competitive si Elisa ay nagbanta ito sa mga tauhan nya na tatangalin ang sino mang babagsak at para naman sa pinaka mababa makakakuha ng grado sa guild ang itotoka nya sa paglilinis sa susunod na semester.

Habang nag pupulong ay biglang pumasok ang isa sa tauhan nya dala dala ang isang napakalaking lalagyan.

" Prinsesa may lalaking nagpapaabot daw nito sainyo." 

Inilapag nya ang malaking kahon na ito sa lapag . Hinarangan ni mirai angvtauhan nila para suriin muna.


" Ano naman yan?" 

Kinuha ni Mirai ang lalagyan na ito  sa lapag at binuksan para makita ang lama  nito at dito nagulat sya at hindi makapaniwala.

" Anong laman ng kahon?" 

" Kamahalan." 

Nilabas nya sa lalagyanan ang isang bilog na eggpie at dalawang pirasong pulang itlog na halos kasing laki ng bila at may kakaibang desenyo.

Nagulat ang lahat ng makita ang mga itlog ng  red sparrow at nagbulong bulungan.

" Itlog ng red sparrow, hindi ba mahal yan? "

"  Oo ang pinaka maliit na itlog nyan ay umaabot ng sampung libo at ang ganyang kalaking itlog ay baka nasa dalawampung libo." 

Biglang naalala ng ibang tauhan nito ang ipinangako ni Daniel kahapon at hindi makapaniwala. Nagkaroon sila ng suspetya na anng binata ang nagdala nito doon.

Napakaimposible sa isang rank E na makakuha ng red sparrow egg sa dungeon at pinaghinalaan nila na baka gumastos lang ito ng malaki para magyabang sa princesa nila.

Gayumpaman may nagsasabi na hindi kayang bumili ng mga mahihirap na kagaya nito ng itlog lalo pa sa white castle market lang ito pwedeng ibenta.

Ang pamilihan na iyon ay para lang sa mga mayayaman at sa mga nakarehistro na costumer at lahat ng rare item ay na nagmumula sa dungeon ay doon kng pwedeng ibenta.

Nagbulong bulungan ang mga naroon kaya naman agad silang pinatatahimik ni Mirai. Inutusan nilang magpunta na ang mga ito sa mga classrom nila.

" kamahalan, ano pong gusto nyong gawin ko sa mga itlog na ito?" 

" Napaka interesante nya pero hindi natin alam kung paano nya talaga nakuha ang itlog na yan gayumpaman ibinigay nya saatin yan kaya tatangapin natin." 

Habang sa opisina naman ng Guild ng black bear ay binigyan din ng tauhan ni Eron ng kahon malaking kahon na naglalaman ng dalawang itlog ng red sparrow.

Nagulat ang mga ito at hindi makapaniwala. Wala silang ideya kung paano nakakuha ang isang rank E ng itlog ng isang class A na halimaw.

" Halos sampung metro ang taas ng isang red sparrow at napaka bilis nito kumilos kapag lumilipad ito, kaya nya ring magpalipad ng mga sasakyan sa isang pagaspas lang ng pakpak nya napakamposible na matalo ito lalo na ng isang tao." 

" Hindi lang naman iyon, sa tingin nyo talaga makaka rating sya sa panglimang gate at makakalabas sa dungeon sa loob lang ng tatlong oras? " 

Napatawa na lang si Eron habang namamangha sa ginawa ni Daniel.  Hindi sya sigurado kung sa paanong paraan ito nagawa ng binata pero lalo syang nagiging interesado sa tunay nitong pagkatao.

" Daniel muntingbato. Sino ka nga ba talaga?." 


lumipas pa ang ilang oras habang nag eexam sila daniel sa classroom nila ay may nakapansin dito na natutulog lang ito sa breaktime.

Agad naman syang nilapitan ng kasama nya at ginising dahil baka abutan sya ng guro nila na natutulog.

" Teka, sandali lang masakit kasi talaga ang katawan ko. "

Hindi parin nawawala ang sakit ng katawan nya kahit na nagpunta na sya sa clinic at nagpahinga dahil hindi kaya ng mahika ng nurse pawalain ang pananakit ng buto at laman nito pagkatapos masaktan.

Halos mabali ang mga buto nya sa pagharap sa red sparrow at hindi nya inaasahan na napakalaki nito .

Walang nabangit sa kanya na halos kasing laki ito ng bahay at lumilipad ng napakabilis sa ere.

nagpasalamat ito na tinataglay nya ang kapangyarihan ni freedom kundi hindi na sya nakauwi.

Hindi nya pwedeng bangitin sa mga kasama nya na nagtlpunta sya sa dungeon dahil pinagbabawal ang mga 3rd year doon sa ganung oras.

Inaya sya ng mga kasama nya na lumabas para kumain pero tinangihan nya ito dahil mas gusto nyang magpahinga kesa kumain.

Naiinip na sya sa exam at dahil madali lang para sa kanya ito ay mas gusto nya na agad umuwi at matulog na lang.

Gayumpaman alam nya na kailngan nyang tapusin ang araw kaya naman nag tiis na lang ito at patuloy na nag exam.

Gumagamit ng teknolohiya na may mahika ang eskwelahan kaya namna mabilis lang para dito na makita agad ang resulta.

Ilang oras pa ang lumipas ay nag aabang ang napakaraming estudyante sa harap ng plaza para hintayin ang resulta ng exam.

Ang exam ay may apat na subject lang at bawat grado ay pinagsasama sama upang makuha ang final score.

May 100 estudyante lang ang ipapakita sa malaking screen at nakahiglight dito ang nakapasok sa top 10. Naging kaugalian na rin ang oag aantay sa resulta nito sa eskwelahan.

Kumpleto sa plaza na iyon ang mga guild at matyagang nag aantay dahil dito ay nabigyan ng pagkakataon na mag kausap ang mga leader ng mga guild.

" Magandang araw mga kapatid ko, mukhang ganado kayo para sa semester ngayon." Sambit ni eron habang nakangiti.

" Huh? Hindi, nandito lang ako dahil sa guild ko. Wala naman akong paki elam talaga sa academics." Pagsusungit ni Aliya.

" Kaya ka laging nahuhuli sa lahat, kung sa bagay nababagay ka sa pagiging huli."  Pang aasar ni Elise.

Sumabat ang isang babae na may brown na buhok at may malambing na boses. Ito si Rafaela, ang ikalawang princesa at leader ng Guardian. Kilala syang malambing at mabait na princesa at pinakamahusay sa defence and healing magic.

Isa rin syang myembro ng simbahan kaya lahat ng kanyang mga tauhan ay parte ng religious group ng bansa nila.

" Tama na yan, dapat sa magkakapatid ay palaging magkakasundo." 

Bigla rin sumabat ang isang batang babae,  sya ang Nikki sa mundong ito at kilala sa pangalan na Kiki.


Sya ang pang apat na princesa ng ignez kingdom at pinuno ng guild dancing Star.

" Hayaan mo na sila ate, ganyan naman talaga ang mga yan kahit noon pa." 

Para maiba ang usapan ay inalok ni rafaela ang mga ito na kumain pagkatapos nila sa eskwelahan pero agad na tinangihan ito ni Elise.

" Wag nyo akong isali sa kalokohan nyo hindi ko kayang makipag plastikan sa mga katungali ko." 

" Wag ka naman ganyan Elise." 

" Kung ganun sinasabi mo bang ok lang sayo kumain kasama ng mga hindi naniniwala sa diyos nyo? Walang dahilan para ayain mo kami lalo na pa alam mo na kaminang dahilan kung bakit walang pondo para sa simbahan ng grupo nyo dito sa eskwelahan." Pagmamaldita ni Elise.

Kasabay nun ay tumangi rin si Aliya dahil wala syang nakikitang pakinabang dito at hindi naman talaga sila close na magkakapatid. Ipinaalam nya rin na hangat hindi nadedeklara ang posisyon nila sa palasyo sa hinaharap ay magkakatungali sila.

Sinang ayunan naman ito ni Kiki habang sinasabi na magsisimula na ang dungeon Exam bukas kaya wala silang oras para sa mga ganung bagay.

Nalungkot naman ng sobra si Rafaela sa sagot ng kanyang mga kapatid kaya naman pumayag ito sa alok niyo.

" Tama sila kailangan natin maghanda pero pwede akong sumama sayo kahit isang oras. " 

Natuwa naman si Rafaela sa naging sagot ni Eron at nagpasalamat dito kaya naman sinabi nito na maghahanda sya ng maraming masasarap na pagkain para sa kanila.

Napangiti na lang si eron habang nakiki usap na kahit simpleng meryenda lang ay sapat na para sa kanilang dalawa.

Habang nag aantay ay biglang nabangit ni Kiki ang tungkol sa usapan na balita na may nagpadala raw ng itlog ng red sparrow sa guild ng Black bear.

Nagukat naman si Eron na nalalaman ni Kiki ang mga bagay na nagaganap sa Black bear kaya naman nag biro ito kung binabantayan nito ang kilos nya.

Agad naman itinangi ni Kiki ito at sinabi na mabilis kumalat ang balita sa eskwelahan lalo na hindi naman lahat ay tapat talaga.

" Binigyan ako ng lalaking si Daniel ng itlig nilang kapalit ng pagtulongbkonsa kanya na makapasok sa dungeon. " 

" Daniel? Teka sino naman yun? " 

Dito ipinakilala ni Eron sa kapatid nya ang binata na isang lang rank E ma estidyante at nabangit nya ri na dahil sa panunuyo nito na makasali sa guild ni Elisa ay nakiusap itong tulungan syang makapasok sa Dungeon upang makakuha ng itlog.

Nagukat naman ang lahat sa narinig at hindi makapaniwala. Hindi sila naniniwala na kaya ng isang rank E na makakuha ng itlog nito ng hindi hinaharap ang mismong halimaw.

" Tama, napaka terotoryal ng mga ito at impusibleng makapuslit ka ng hindi mo sila nilalabanan, hindi ko alam kung paano gayunpaman nagawa nya ." 


Nagtaka so Rafaela dahil hindi isanh simoleng halimaw ang red sparrow dahil may talino ito at tatag.

Sinang ayunan naman ito ni Eron na minsan ng nakaharap ang ito ngunit nabangit nya na grupo sila nung matalo nila ito at kahit na marami sila ay tumagal parin ng isang oras ang pang huhuli dito.

" Teka ibigsabihin binigyan kayo ni daniel ng itlog? Loko yun ah bakit hindibnya mannlang ako nabigyan?" 

Napangiti naman si Elisa sa harap ni Aliya na tila nang aasar kaya naman lalo itong nairita.

Napahanga naman ng sobra si Rafaela at naalala na ang binabangit nilang daniel ay ang parehong taong pinag aawayan ng mga kapatid nya.

Pero biglang sumabat si Elise dito at nilinaw na hindi nila pinag aagawan ang rank E na iyon dahil simulat sapul hindi nya na ito gustong isali sa kanya.

" Linawin ko lang wala akong balak na isali sya sa aking guild, sya ang makulit at nagpupumilit na paglingkuran ako." 

" Pero matalino sya at alam kung kanino mas dapat pumanig at maglingkod at hindi kung kanikanino." Pagmamalaki nito habang nakatingin kay Aliya.

Lalong nainis si Aliya sa mga sinabi ni elise at sinabi na wala syang paki elam sa sinasabi ng kapatid nya dahil makukuha nya kung ano man ang sa kanya.

" Hindi rin naman magtatagal at mapupunta sya saakin kaya naman bale wala saakin kung binigyan ka nya ng itlog ng red sparrow."

Habang nag uusap ay umilaw ang napakalaking screen sa itaas at lumitaw ang listahan ng mga estudyanteng pasok sa top 100.

Nakita ng lahat ang mga acore nila at natuwa ang marami nanandoon pero iba ang naging sitwasyon sa top 10.


Nagulat ang lahat ng makita ang resulta nito at hindi makapaniwala.

" Teka, may bagong pangalan sa top 10?" 

" Daniel muntingbato? Sino naman yun?" 

Hindi makapaniwala sila ng makita na nasa Top 3 ang oangalan ni Daniel kasuanod ni Eron at Elise.

" Imposible, sya ba yung Daniel na humahabol kay princesa elise?" 

" Yung rank E na nagyayabang na makakakuha daw sya ng Rank B sa sester na ito."

umingay bulong bulungan ng lahat at pareho silang lahat na hindi makapaniwala sa naging resulta.

" Daniel, sino ka nga ba talaga?" Bulong ni Elise.

Habang kay daniel na ngayon ay nasa Training Facility kasama ni V at nagsasanay.

Nabahing ito habang nagsasanay kaya naman napatigil ito sa pag bubuhat ng napakalaking kahon.

" Nawawala ka sa concentration. Kapag nakita kong bumaba muli ang braso mo ay dadahdagan ko ulit ng dalawampung kilo yang kahon." Sigaw ni V dito.

" Pwede ba magpahinga? Baka mapwersa na ang katawan ko, may exam pa bukas." 


Hindi pumayag si V sa gustong mnagyari ni Daniel dahil ayaw nya na mag aksaya ng oras at nabangit nya rin na kapag umuwi sya agad ay mananatili lang sya sa bahay nila at walang gagawin.

Kaya naman para mapapayag ito ay inaya nito na lumabas kasama ni V at kumain. Inaya nya itong mag ramen sa syudad.

" Tsk sinusuhulan mo ba ako? akala mo ba madadaan mo ako sa ganyan, isa akong sundalo at isang insulto ang ginagawa mong panunuhol para talikuran ang trabaho na binigay saakin.

" Hindi yun panunuhol, isipin mo na lang inaaya kitang mag date sa labas at sa ti gin ko naman hindi magagalit si prof celly kung paminsan minsan aalalahanin mo ang magsaya bilang kabataan." 

" aba loko ka ah, iniisip mo ba na hindi ako masaya bilang kabataan? " 

Dahil sa hirap na hirap na si Daniel dahil narin sa iniindang pananakit ng likod ay inalok nya itong kumain sa restaurant at wala itong babayaran kahit magkano.

" Sa shangli white house?" 

" Masyadong mahal doon anong akala mo saakin mayaman?" 

Dito nag reklamo si V na napakakiripot ni Daniel pagdating sa kanya na nagtuturo sa binata at binangit na namimigay lang ito ng itlog ng red sparrow egg sa ibang babae.

Nagtaka naman si Daniel kung paano nya nalaman ang bagay na iyon at pinagbintangan ito na stalker nya.

" Sira, narinig ko yun kanina sa mga nagsasanay na estudyante dito sa lugar na ito. Dapat man lang ay binibigyan mo ako ng kahit na ano bilang pasasalamat." 

" Pasensya na, kung yung itlog lang ang gusto mo may natitira pa akong isa, pwede kong ibigay sayo iyon." 

Nagulat naman si V na tioa marami itong kinuha na itlog gayung rare ang mga ito at mahirap makuha dahil nasa bangin ang mga ito kaya nga ito mahal n ahalos nag kakahalaga ng isang daang libo ang isa .

Nagulat nmaan ang binata sa nasabi nitong presyo at hindi makapaniwala.

" Seryoso ka ba? Kung ganun pwede ko iyon ibenta para magkapera ako."  Sambit ni Daniel.

" Binigay mo na yun saakin kaya hindi mo pwedeng bawiin."  Sagot nito.

" Kalimutan mo na ang sinabi ko, nagbago na ang isip ko." 

Biglang nairita si V sa sinabi ng binata at dinagdagan ang box na nasa ibabaw ng binubuhat ni Daniel.

" Teka,, teka sobrang bigat na, itigil mo yan V sige na sayo na iyon." 

Walang nagawa si Daniel kundi pumayag na makuha ito ni V para lang itigil nito ang pag dadagdag ng pampabigat sa buhat buhat na na halos umabot na ng 200kilos .

Inihagis ni daniel ito palayo sa kanya at napahiga sa sobrang pagod. Naghahabol ito ng hininga at naglaho ang enerhiya na nababalot sa kanya.

" Sige na ibibigay ko na sayo pero ibenta natin yun at iyon ang pang gastos natin sa kakainin natin." Sambit nito.

" Walang problema at isa pa pala ikaw na mag magpaalam kay mama na ilalabas mo ako ngayon. " 

Nagulat si Daniel sa sinabi ni V at nagtanong kung bakit nya kailangang gawin ito. Hindi naman talaga ito totoong date at baka kung ano ang isipin ni celly sa kanya.

Dito ipinaliwanag ni V na nagmula sila sa pamilya ng mga sundalo kaya obligado silang magpaalam sa ano mang gagawin nila . Ipinagbabawal ang mga paglabag o pag liban sa mga trabaho kaya nakakasiguro sya na hindi papayag si Celly na hindi magtrabaho si V para lang gumala.


" Tsk, kung ganun pala ka istrikto ang magulang mo bakit pa tayo gagala? " 

" Teka ideya mo ang bagay na ito at isa pa gusto ko rin naman subukan na kumain sa labas kagaya ng iba." 

Nakita ni Daniel ang paiilang ni V at napansin nya na gusto rin nitong maranasan ang mga nararanasan ng ibang kabataan na nakakagala at nakakapag saya .

Naisip nya pareho lang naman silà ng nararamdaman dahil napakaraming beses nya ginusto na gumala at kumain sa labas pero marami syang ginagawa at wala naman syang ibang kakilala na makakabonding sa labas.

" Kung sa bagay kung iisipin ito ang unang beses na makakalabas ako kasama ng iba para kumain. Sige susubukan kong kausapin si prof celly." 

Tumayo sya at nagpagpag ng kasuotan habang lumalapit kay V at inaaya nito na mag ayos na para maka alis na sila bago mag dilim.

 end of chapter 21 part 1


Alabngapoy Creator

Part 1 chapt 21