Chapter 18 part 1
Sa pagpapatuloy ng pakikipaglaban namin sa gubat sa isang myembro ng black scorpion ay naging mas delikado pa ang aming sitwasyon.
Dahil sa pagsabog ng ginawa kong atake ay nadamay pati si Lea at napinsalaan.
Alam ko na may mali akong nagawa at kailangan kong matulungan agad ito.
Habang tumatakbo ay bigla kong nakita ang pagsulpot ng itim na halimaw sa mismong tinatapakan ni Lea at malinaw sa paningin ko ang unti unting paglamon nito kay Lea.
" Lea!!"
Kinain nya ito ng buo at alam ko na mapanganib sa tao ang makapasok sa katawan ng halimaw. Kaikngan kong iligtas si Lea at ilabas sa loob ng katawan nito sa lalong madaling panahon.
Nagmadali akong lumusob at bumulusok palusob, hindi ko alam kung paano sya ilalabas sa katawan nito dahil hindi ko ito pwedeng basta wasakin gamit ang kapangyarihan ni freedom dahil madadamay si Lea.
Nagsimulang lumusob saakin ang mga galamay nito pero mabilis ko lang ito naiwasan at nagpatuloy sa pagsulong.
"Pakawalan mo sya !!"
Sinuntok ko ang katawan nito pero para lang akong sumuntok sa malambot na bagay at halos wala itong reaksyon sa ginawa ko.
Dahil sa hindi sya tinablan ng suntok ko ay nagawa ng mga galamay na makuha ang mga paa ko at inihagis sa batuhan.
" Aray ko, hindi umeepekto sa kanya ang pisikal na atake."
" Ano bang iniisip mo at nagawa mong suntukin ang halimaw? inaasahan mo bang mapatay ang dark beast gamit lang ang kamao? " Sambit saakin ni Fufu.
" Ewan ko, hindi ko na talaga alam ang ginagawa ko." Sagot ko dito.
Kahit na nababalot ako ng proteksyon ay naramdaman ko nag sakit ng pinsala nung ihampas ako nito sa batuhan kaya naman namilipit ako sa sakit ng subukan kong tumayo.
Gayumpaman alam ko na wala akong panahon na magpahinga dahil tumatakbo ang oras at lalong tumatagal sa loob ng katawan ng halimaw si Lea.
Wala akong ibang maisip na paraan at nauubusan na ng plano hangang sa nagdatingan ang mga itim na aso para muling lumusob saakin.
" Wala akong oras sainyo."
Nagconcentrate ako mula sa kinatatayuan ko at muling lumitaw ang magic circle sa lapag. Dito kinakailangan kong gumawa ng atake na matatamaan ang lahat ng mga itim na aso.
Lumabas mula sa kamay ko ang puting liwanag kung saan dinaanan nito ang mga itim na aso.
Dito habang tumatakbo ang mga ito ay bigla na lang silang natutumba at unti unting nagiging bato.
" Fufu kailngan natin mailabas si Lea sa halimaw na iyon."
Binalak ko ulit na lumusob ngunit napahinto ako sa pagtakbo ng muling magdagsaan ang mga itim na aso na nagmumula sa loob ng gubat.
May panibagong dark beast nanaman ang lumitaw mula sa mga itim magic circle, Nagliparan ang mga higanteng itim na insekto palabas sa mga bilog na ito at sumama na lumusob papunta saakin.
Alam ko na hindi ito mahihinto hangat nabubuhay ang taong nag cast ng itim na mahika pero wala akong oras para isipin ko pa kung nasaan ang taong ito . Buhay ni lea ang nakataya sa bawat segundo na lumilipas.
Mlii akong pumikit at inisip ang kailangan kong kapangyarihan at inalala ang kaligtasan ni lea sa gagawin kong atake. Hindi na ako pwedeng magkamali dahil isang beses lang ako magkakaroon ng pagkakataon ..
Muli kong ginamit ang kapangyarihan ko at saglit lang ay nabalot ng kuryente ang katawan. Halos mawasak ang tinatapakan kong bato sa pag bwelo ko at bumulusok ng napaka bilis papunta sa halimaw.
Sinuntok ko ito at tumagos sa kanyang balat hangang sa butasin ko ito at tuluyang makapasok sa loob ng halimaw.
Ilang saglit pa ay nabutas ang likuran katawan nito kung saan kami lumabas ni Lea. Nawalan ng malay ito kaya naman hindi nito nagawa pang lumabas mag isa .
Nagawa kong makomtrol ang mahika ko sa tamang lakas na gusto ko gayunpaman masyado akong mabilis at hindi nakontrol ang pag lapag ko sa lupa.
Dito natalisod ako at muli kaming gumulong sa lupa ni Lea.
Hingal na hingal ako dahil narin nauubusan na ako ng enerhiya sa katawan. Hindi ko alam kung sasapat pa ba ang lakas ko para labanan ang mga dark beast.
Sa pag tayo ko ay agad kong nilapitan si lea at binuhat, bahagyang gumaan ang loob ko ng pulsuhan ko ito at malaman na buhay parin ito.
" Buti naman at buhay ka pa, napaka pasaway mo kasi."
Gayunpaman kahit na nakaligtas sya sa pagkain sa kanya ng halimaw ay hindi ko alam kong makakaligtas pa rin kami sa sitwasyon namin.
Unti unting nabubuo ulit ang halimaw at lumaki pa ito kesa kanina dahil siguro nakain nito ang enerhiya ko nung nasa katawan nya pa kami. Napaligiran na rin kami ng mga itim na aso na alam ko na gusto na kaming lapain.
" Hindi na maganda ito. Anong gagawin ko?"
Nauubuaan na talaga ako ng paraan dahil alam ko na kahit muli kong gamitin ang kapangyarihan ni freedom ay mabubuo lang ulit ang halimaw at sa huli mauubusan ako ng enerhiya at pagpi fiestahan ng mga itim na aso.
" Asar, mukhang dead end na ito para saamin."
Nagsimulang lumundag ang mga itim na aao para lapain kami pero bago pa sila makalapit ay isa isa na silang nagsipag lutang at huminto sa ere.
Nagulat ako sa nangyaring paghinto at pag lutang ng mga ito hangang sa may nagsalita mula sa itaas.
" Pasensya na at nahuli kami."
Kasabay ng paglapag nila ay ang pagtama ng mga malalaking shuriken sa mga itim na aso at insekto na humati sa mga ito mula sa dalawa.
Nilingon ko ang mga ito at nakita ang tatlo sa mga guro sa eskwelahan kasama na si Prof celly.
" Mabuti at naabutan ka pa namin na buhay bata."
Sumipa ang lalaking guro at naglabas ng tila sonic wave na lumusaw sa mga halimaw ng napaka bilis. Ang yellow hair guy na ito ay si Kaizen Yuz na guro namin sa elemental Magic class.
Ang mga guro sa Eskwelahan ay mga dating heneral ng kaharian kaya nabibilang sila sa mga class S mage at may mataas na repustasyon.
Nung mapalitan ang mga opisyal sa kaharian dahil sa pagkakasakit ng hari at mapunta pansalamantala ang trono sa crown prince ay napagpasyahan nilang maging guro na lang sa eskwelahan.
Ang babaeng may Gold hair naman na nagpapalutang ng mga halimaw ay ang guro namin sa Crafting magic na si prof Julian feris .
Madali lang para sa kanika ang wasakin ang mga itim na aso at ubusin ang mga ito. Alam nila kung paano patayin ito at nalalaman kung nasaan ang mga core ng mga dark beast.
Pati na rin ang mga galamay ng halimaw ay madali lang na nahihiwa at nawawasak.
Ang mga class S mage ay kayang gumamit ng 8th grade magic na pinaka mataas na grado ng mahika sa kaharian.
Gayumpaman napansin nila na kahit na nagagawa nilang mawasak at matamaan ang halimaw ay nabubuo lang ito at nananatiling nabubuhay.
" Matibay ang isang ito."
" Hangat hindi natin nawawasak nag core nya ay mabubuo lang ang katulad nyang dark beast."
Muli namang nagdatingan ang mga itim na aso mula sa kagubatan at lalo pa itong dumagsa.
Nagamba sila na baka mag sayang lang sila ng enerhiya kung wala silang ibang magandang plano kundi ang wasakin ang mga ito.
" marami na akong nakalaban na dark beast noon at ang isang yan ay imortal at lalo pa syang lumalakas dahil sa mga enerhiya natin." Sambit ni Celly.
" Prof celly, hangat hindi natatalo ang taong gumawa sa kanila ay patuloy syang maglalabas ng mga dark beast.
sumang ayon naman ang mga guro sa nasabi ko at nagdesisyon agad na kailangan nila na maghiwalay para mahanap ang kalaban namin.
Dito ay sinabihan ni Prof Julian na kaya nyang pigilan ang halimaw ng ilang minuto para libangin habang hinahanap nila Celly ang kalaban namin.
Hindi ko sigurado kung paano gagawin ni Prof julian na pigilan ang halimaw pero agad naman pumayag ang mga kasamahan nya.
Nabalot ng enerhiya sina prof celly at bumwelo para tumakbo. Lumalabas sa katawan ni prof celly ang puting usok.
" Ok , tapusin agad natin ito. Tandaan nyo mag iingat kayo." Sambit ni prof Celly.
Umilaw ang kajyang mga mata kasabay ang pagbulusok nya na tila isang rocket na papasok sa loob ng gubat.
Sinabayan naman ng pag alis ni Prof kaizen na lumutang sa himpapawid papunta sa ibang dereksyon ng gubat para maghanap.
Naiwan kami sa lugar at habang nakikipaglaban si prof Julian gamit ang pag papa angat ng mga higanteng shuriken nya nya ay binilinan nya kami na magpunta agad sa ligtas na lugar.
Gusto ko ang ideyang iyon kaya naman agad kong binuhat si Lea at nagpasalamat dito habang umaalis.
Nararamdaman ko sa katawan ko na napapagod na ito at hindi ko na kayang ipagpatuloy pa na suportahan ng enerhiya ang katawan ko ng matagal.
" Maraming salamat."
Habang tumatakbo ako at lumalayo sa lugar ay bigkang lumabas sa bulsa ng damit ko si Fufu at binalaan ako.
" Daniel sigurado ka bang iiwan mo ang taong iyon? Isang high level dark beast ang kalaban nya. Nabibilang iyon sa Alpha class na pinakamalakas na uri ng dark beast."
Ipinaliwanag ko naman dito na kahit gustuhin ko na tumulong ay nanginginig na ang katawan ko at natatakot ako na baka maging pabigat lang ako sa laban.
Dinahilan ko rin na isang Class S mage si Prof Julian kaya naman alam ko na magagawa nyang labanan ang halimaw na ito.
Gayumpaman duda si Fufu sa sinabi ko at ipinaalala na hangat nakakahigop ang halimaw sa paligid nya ng enerhiya ay lalong lumalakas ito at sa oras na hindi na ito mapigilan ay malaki ang tyansa na magpunta ito sa lungsod para manira.
Napahinto ako at nilingon si Prof Julian habang mag isang nakikioagpaban sa itim na halimaw na halos may taas na 20 feet at patuloy pa sa pag laki.
Kahit kaya ni prof celly na wasakin ang mga galamay nito gamit ang mga higamteng shuriken ay wala naman itong magawa sa katawan nito.
Kahit na tumatagos ang mga shuriken nito sa katawan ng halimaw tuwing aatake ito ay masyadong maliit na ito para mapinsalaan pa ang katawa ng halimaw dahil bumabalik lang ito sa dati.
" May isang pagkakataon ka na lang para gamitin ang iyong kapangyarihan at kailangan masiguro mo na masisira mo ang core nya."
" Alam ko pero kung aatake ako at maglalabas ng malakas na enerhiya ay baka madamay si prof Julian.
Nag isip ako ng paraan para matulungan si prof julian dahil kahit na malakas na mandirigma ito ay hindi nya kayang talunin mag isa ang halimaw.
Pero bago ko sya matulungan ay muli akong tumakbo palayo upang ilagay si Lea sa ligtas na lugar. Dito kinuha ko si fufu sa damit ko at hiniling dito na bantayan ito.
" Ikaw muna ang bahala sa kanya. Tatapusin ko lang ang sinimulan ko."
Agad Na akong tumakbo ng mabilis para puntahan si Prof julian at nag iisio mabuti ng pwede kong magawa.
Alam ko na kailangan ko lang na wasakin ang core nito at kailangan kong gumamit ng malakas na teknik para magawa ito.
Ilang saglit pa ay nakalapit na ako kay prof julian pero nagalit ito saakin ng malaman nya na bumalik ako .
" Ano bang iniisip mo at bumalik ka? Mapanganib sa lugar at hindi kita kayang protektahan sa halimaw na yan."
" Pasensya na po prof pero kaikngan kong tapusin ang halimaw na yan bago ako umalis dito."
Lalong nagalit ito saakin dahil inakala nito na nagyayabang lang ako at pinatitigil sa paggawa ng kalokohan sa kritikal na oras.
Gayumpaman ay seryoso akong gawin ito. Pinaalam ko kay prof Julian na walang ibang makakapilgil sa halimaw na nasa harap namin kundi ako lang.
" Prof julian kaya nyo bang itaas ang katawan nya sa ere? Kailangan nyong mapa angat sya sa lupa para wala masyadong madamay sa gagawin kong pag atake."
" Hindi ko alam ang sinasabi mo pero kaya ko syang mapalutang pero hindi nito mapapatay ang halimaw na yan. Hindi ako pwedeng magsayang ng maraming enerhiya."
Sinabi nya na dahil sa laki at bigat ng halimaw ay malaking enerhiya ang mawawala sa kanya sa pag angat dito kaya naman para sa kanya ay mas makakabuti na antayin na lang ang ibang guro bago gumawa ng aksyon.
" Magtiwala kayo prof Julian, Alam ko na isa lang akong Rank E sa paningin nyo pero kaya ko syang talunin at ipinapangako ko na magagawa ko iyon."
Alam ko na hindi katiwa tiwala ang mga sinasabi ko para sa kanya at iniisip nya na maaari syang mapahamak kung susugal sya sa sinasabi ng isang estudyante gayumpaman pagkatapos ko itong sabihin ay nagbuntong hininga ito habang nag iisip.
" Binibigyan mo ako ng sakit ng ulo bata, Hindi ko alam ang binabalak mo pero kung sa kaling mabigo ka man sa iniisip mo ay ipangako mo na tatakbo at aalis ka sa lugar na ito." Sambit nito.
" Maraming salamat sa pagtitiwala, hindi ko po kayo bibiguin."
Naglabas ng magic circle sa kamay si prof julian at nabalot ng mahika ang katawan ng halimaw kung saan unti unti itong umaangat sa lupa.
Gayumpaman bigla itong huminto sa pag angat at unti unting kinakain ang enerhiyang bumabalot sa kanya. Lalo pa itong lunalaki dahil sa pag kain sa enerhiya ng mahika ni prof julian.
" Hinihigop nya ang enerhiya ko "
" Prof julian paki usap, kailangan na maiangat nyo sya ng mas mataas pa ." hiling ko dito
" Tsk, masyado kang demanding bata nakita mo ng nahihirapan ako pero sige susubukan ko." Sagit ni Prof julian.
Sa pag kakataon na iyon ay umilaw ang kanyang mga mata at sumiklab ang enerhiya sa katawan habang patuloy na nahahawakan ang halimaw sa mahika nya.
" Yahhh!!!!"
Unti unti muling nababalot sa mahika ang halimaw ay patuloy na umaangat sa itaas.
Wala naman akong sinayang na oras at tumakbo palusob sa halimaw habang nag coconcentrate.
Isang pag kakataon lang ang meron ako at kailangan kong magawa ito ng tama kundi mamamatay kaming lahat na naroon sa gubat.
Nagliwanag ang magic circle ko sa braso at lumabas ang napakaraming enerhiya dito. Huminto naman ako sa pagtakbo sa mismong harap ng halimaw habang nakapikit at nagcoconcentrate.
" Napaka lakas ng loob mo na saktan si Lea, pagbabayarin kita sa ginawa mo sa kanya." Galit na sigaw ko.
Pumorma ako ng pag bwelo para sumuntok at kasabay ng pagdilat ko ay buong pwersa akong sumuntok sa hangin habang sumisigaw.
" Serious punch !!!!"
Isang napakalakas na pwersa ang pinakawalan ng suntok ko na halos sumira sa lahat. Halos walang natira sa halimaw ng daanan ito ng pwersa at tumama pa sa itaas na bahagi ng bundok bago dumeretso sa kalangitan kung saan naman lumusaw ito ng mga ulap.
Gumawa ito ng napakalakas na Pwersa sa lupa na nagpatalsik sa lahat ng nasa paligid nito kasama na kaming nasa ibaba.
Hindi ko inasaahan na ganun kalakas ang magagawa nitong pinsala na halos ito na mismo ang sumira sa kagubatan.
Dahil nga sa malakas na pwersa nito ay nilipad kami kasama ng mga tipak ng bato at mga puno. Sa sobrang panghihina na rin ng katawan ko ay hindi ko na rin kinaya na labanan pa ang pwersang nagpapatangay saamin at dahil doon humapas ako sa batuhan.
Wala na akong magawa pa para bumangon at unti unting pumipikit ang mga mata hangang sa mawala na ako ng malay tao. Tuluyan na naubos ang enerhiya ko sa katawan at naglaho ang pomoprotekta saakin.
Kahit na sa itaas ko itinira ang atakeng iyon ay nag iwan parin ito ng napakalaking pinsala sa gubat at halos naglaho ang ilang parte ng itaas ng bundok at makalbo ang gubat.
Gulat na gulat ang aking mga guro sa nakitang pinsala ng lugar at hindi makapaniwala. Nagimbal sila at nagtataka sa tunay kong pag kakakilanlan.
" Mas malakas pa ito sa kayang gawin ng 8th grade magic."
" Sino ka nga ba talaga, Paano ka nagtaglay ng mahika na lagpas sa kayang gawin ng isang tao?"
end of cha0ter 18 part 1
Chap 18 part 1