cChapter 14 part 2
Chapter 14 part 2
Habang nanunuod ng mga laban sa arena ang mga estudyante ay may lumapit na isang babae kay Elise.
Binulungan nya si Elise para mag report tungkol sa lalaking si Daniel na patuloy na nagmamasid sa kanya.
Ipinaalam ng tauhan nya na kanina pa sila sinusundan ng binata simula nung 2nd period at hindi ito tumitigil sa pag sunod hangang dito sa arena.
" Tsk, hindi ko alam kung ano ang trip ng isang yan pero wag nyo ng alalahanin ang taong yan tutal mahina lang naman sya at hindi banta." Sambit ni elise.
Binale wala lang ni Elise ang ginagawa ni Daniel na pag sunod sa kanya at nagpatuloy lang na manuod ng laban.
Gusto nyamg mag konsentrate ang lahat ng tauhan nya para sa susunod na exam.
Binilinan nya na hindi nya matatangap na may kahit isa sa kanila na babagsak at bababa ang antas sa Rank B at nagbanta na tatangalin sa grupo nya ang mabibigo.
Ang personal na grupo na binuo nya ay kilala at isa sa limang pinakasikat na grupo sa eskwelahan kaya marami ang gustong sumali rito. Ito ang Crimsom lotus.
Ilan sa mga myembro nito ay nagmula rin sa ibat ibang kilalang pamilya sa kapital kaya naman malaki ang impluwensya nito.
Habang nanunuod sa laban ay biglang nag paalam sa kanya ang lalaking tauhan nya na aalis saglit.
" Sige pero kailngan mong bumalik agad dahil mahalaga na mapanuod mo ang lahat ng laban." Sambit ni elise.
Umalis agad ang lalaki pag katapos pumayag ni Elise. Habang nanunuod ay biglang sumagi sa isip ni elise ang sinabi ni Daniel tungkol sa lalaki.
Hindi nya maalis sa isio nya kung bakit ba sinasabi ni Daniel na may masamang balak ito kaya naman tinanong nya ang kasamahan nya kung ilang buwan ng kasama nila ang lalaking iyon.
" Nakaraang taon pa natin sya naging myembro at siguro mga walong buwan na rin. Bakit po lady boss? "
" Wala naman, medyo napaisipblang ako dahil kahit na nakakasama natin sya ay hindi ko nakikitang nakikipag usap sya sa inyo."
Dito nagtaka ang tauhan nya sa nasambit ni Elise at napag isipan ito. Marahil hindi madalas makita ni Elise na hindi ito nagsasalita ngunit may pagkakataon ito na ang lalaki mismo nag lumalapit sa kanila para makipag usap.
" Sa natatandaan ko princesa madalas jya tanungin kung masaan kayo o ano ang mga plano nyo sa mga araw at ano pang tungkol sa inyo."
Nagtaka naman si Elise sa nalaman pero pinaliwanag nya na normal na lang para sa kanila na pag usapan nag tungkol sa kanilang princesa lalo na kinakailangan nilang bantayan ito.
Gusto naman malaman ni Elise kung nalalaman ba nila kung saan nagmula ang lalaking ito at saan ito tumutuloy.
" Ah .. eh ang alam ko lang nagmuka sya sa Ugasa province at nung tanungin ko sya noo ang sabi nya sa hotel sa bayan sya tumutuloy."
" Teka bakit po princesa? Gusto nyo po bang alamin ko ang lahat tungkol sa kanya?" Tanong ng babae.
" Hindi na, pumasa sya sa requirement natin at napili base sa pamantayan ng crimson lotus kaya naman hindi na kailangan." Sambit nito.
Ilang sandali pa ang lumipas ay Nakaramdam sya ng pagkalam ng sikmura kaya naman sinabihan nya ang dalawa sa tauhan nya na samahan sya para bumili mg pagkain.
Agad naman na inalok ng babae na pwedeng sya na lang mag isa ang bumili para hindi na ito mapagod sa paglalakad.
Gayumpaman sinungitan nya lang ito at sinabi na nasa maayos pa syang kondisyon at walang sakit kaya hindi malaking bagay para sa kanya ang paglalakad at mapagod.
Humingi agad ng tawad ang bbaaeng tauhan nya at agad na sinundan si Elise papunta sa Canteen.
Habang naglalakad ay biglang may sumabog sa labas at yumanig ang lupa.
Umugong bigla ang napaka lakas na sigaw ng isang dragon kasabay ng pagkaputol ng linya ng kuryente nanaging sanhi ng pagpatay ng mga ilaw sa loob ng arena.
Bigla ring nagbukas ang pinto sa likod ng arena at pumasok ang napaka lakas na hangin humampas naman sa mga estudyante.
Ang hangin na ito ay napakalamig at habang patuloy itong pumapasok na tila puting usok ay unti unting gumagapang ang yelo sa paligid
ng pinto na halos matakpan na mismo ang labasan dito.
Nagpanik at nagsigawan ang lahat ng estudyante sa nangyaring biglaang paglitaw ng yelo at dahil doon nagtakbuhan palabas ang mga ito ng arena para iligtas ang mga sarili.
Dahil sa tila kaguluhan ay agad naman hinihila ng mga tauhan ni Elise ang dalaga at nakikiusap dito na magmadali na sa paglabas ng arena.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakalabas na ang mga estudyante. Nagdatingan na din ang mga bantay at guro para alalayan ang mga natitirang estudyante sa loob.
" Ano bang nangyari?"
Naging maingay ang oaligid at napuno ng pangamba at takot dahil wala sila ka ide ideya sa tunay na nagaganap at sinabayan pa ng mga umiiyak sa sakit dahil sa rambulan na naganap dahil sa pagtutulakan para lang makalabas.
Dahil sa pagka curious ng dalaga ay biglang naisipan ni Elise na puntahan ang likuran na bahagi ng arena kung nasaan ang malaking tipak ng yelo.
Nagmadali syang umikot sa gilid ng gusali at iniwasan ang mga nagbabamtay na gwardya sa mga daanan dahil alam nya na pagbabawalan sya ng mga ito na makapasok sa lugar.
Para Lang makarating doon ay gumamit sya ng mahika para makaakyat sa pader ng gusali at tumalon para lagpasan ang bubong na syang nagiging pagitan ng gusali sa gilid ng arena.
Sa paglapag nya sa lupa at pagtayo ay bigla syang natulala sa nakita na bagay sa harapan nya.
Hindi sya makapaniwala sa nakikita nya at hindi makapagsalita ng masilayan ang isang malaking dragon sa harapan nya na gawa sa yelo.
Nakakatakot ang itsura nito pero napansin nya na hindi ito gumagalaw na tila isa lang rebulto.
" Isang ice dragon? Bakit may ganito dito?"
Pinagmasdan nya ang paligid at ng masiguro na hindi gumagalaw ang dragon ay naglakad ito palapit sa lugar.
Habang naglalakad ay unti unti nyang nasisilayan na tila may tao sa loob ng makapal na yelo.
" Teka tao ba ang nasa loob ng yelo na iyon?"
Muli syang humakbang at nagpatuloy na lumapit sa tipak ng yelo pero bigla syang napahinto ng maapakan ang isang bagay.
Naapakan nya ang isang badge na para sa mga rank E at dinampot ito.
Ilang sandali pa ay nagdatingan na ang mga bantay at guro sa lugar.
Agad syamg pinagbawalan at sapilitan na hinila paalis ng mga gwardya para siguruhin ang kaligtasan nya.
" Teka , ayos lang naman ako , hayaan nyo ako, ano ba?"
" Pasensya na po kailangan nyong umalis dito dahil hindi ligtas ang lugar na ito. paki usap hayaan nyong gawin namin ang trabaho namin." Sagot ng gwardya.
Walang nagawa si Elise kundi sumunod sa utos ng mga ito at sumama sa mga gwardya na magpunta sa ligtas na lugar.
Habang sa lugar naman ng insidente kung nasaan ang malaking tipak ng yelo ay patuloy na nag uusisa ang mga guro.
Nagtipon doon ang mga guro at ilan sa mga police para malaman ang mga natagpuan ng bawat isa. Sa tingin nila ay may naganap na labanan sa lugar na iyon.
" Commander Celly na secure na namin ang lugar at wala ng ibang sibilyan sa paligid. "
Hindi parin makapaniwala ang mga naroon sa nakikita nilang nagyeyelong dragon na nagmistulan ng rebulto kasing taas ng tatking palapag na gusali.
Alam nila na isang 7th grade ice magic lang ang kayang maglabas ng ganitong kaperpektong ice magic dragon.
" Maliban saatin na mga heneral ay wala ng pwedeng makagawa ng 7th grade magic sa eskwelahan na ito."
" Sino sa tingin mo ang may kagagawan nito? May nakapasok ba na kalaban?
Biglang lumapit ang mga gwardya at iniulat sa mga guro na may tao sa loob ng makapal na yelo.
Nagulat naman ito at agad na nilapitan at dito napag alaman nila na nakakulong ang lalaking myembro ng crimson lotus na tauhan ni Elise sa loob ng yelo.
" Mukhang may hindi magandang nangyari dito."
" Wasakin nyo ang yelo sa lalong madaling panahon, kunin ang estudyante sa loob at wag nyong hahayaang may makaalam sa nangyari." Sambit ni Celly.
Ipinag utos din ni Celly na itago ang estudyante at burahin lahat ng pwede maging ebidensya sa nangyari sa lugar.
Nagulat naman ang kapwa guro at heneral nya sa naging desisyon ni Celly at nagtanong kung bakit parang hindi nababahala ito sa naganap kahit na may estudyante na nadamay at nasaktan.
" Ang batang yan ay myembro ng teroristang grupo na kalaban ng bansa kaya walang dapat makaalam sa mga nangyari sa lugar na ito." Sambit ni Celly
" Ano? Isang terorista? Seryoso ka ba dyan heneral celly? "
" Masyadong komplikado pero paki usap sa ngayon pagkatiwalaan nyo ang sinasabi ko hangat hindi pa sila nahuhuli lahat." Paki usap ni Celly sa mga ito.
Wala naman nagawa ang mga kasamahan nya kundi ipaubaya kay Celly ang lahat at magtiwala dito dahil narin sa reputasyon nito bilang tapat na heneral ng bansa.
Ilang minuto lang ang lumipas habang inaayos ng mga gwardya at opisyal ang nangyaring insidente ay nasa loob naman muli ng clinic si daniel.
Nakahiga muli sya sa kama at nakatalukbong ng kumot habang ginaw na ginaw.
Namumutla ito at naginginig ang buong katawan sa ginaw habang nagyeyelo parin ang kanyang braso at patuloy na umuusok ng malamig na hangin.
" Napakalamig, fufu paki patay ng aircon paki usap." Sambit nya habang bumabahing.
ilang sandali pa ay pumasok ang nurse na may dala ng tubig na mainit para sa kanya. Nagpapanik ito at nag aalala sa kalagayan ng binata.
" Naku naman daniel saan ka ba nag pupupunta at nangyayari sayo ang mga bagay na yan?" Natatarantang tanong ng nurse ng clinic.
" Patawad nurse Irish at paki usap paki patay ng aircon masyado ng malamig pakiramdam ko nasa north pole ako." Pakiusap nito habang nanginginig.
" Kanina pa patay ang aircon dito daniel. Ikaw talaga ano ba talaga ang ginagawa mo sa sarili mo?" Pagsusungit nito.
Ilang minuto lang din ang lumipas ay nagdatingan ang ilang estudyante sa clinic para magpagamot dahil ang ilan sa kanila ay tinamaan ng yelo o hindi kaya nadapa dahil sa takbuhan ng mga estudyante nung nagkakagulo.
Napuno ang higit sampung kwarto ng gusali ng pagamutan ng eskwekahan ng mga eatudyante.
Inasikaso rin ni Elise ang mga tauhan nya na nasaktan sa rambulan ng mga estudyante at inutusan na wag iwanan ang mga kasamahan nila hangat hindi naaasikaso ng school nurse.
Kahit na abala ay hindi parin maalis sa isip ni elise ang tungkol sa taong nasa loob ng yelo at ano ba talaga ang totoong naganap kanina lang.
" Hindi ko ito inaasahan, ano na ba ang nangyari kanina may nakapasok bang terorista?"
habang naglalakad sa pasilyo ay bigla nyang nadaanan ang isang nakabukas na kwarto ng clinic at narinig nya ang pagbahing ng tao sa loob.
" Bakit ko ba nararanasan ang paghihirap na ito? Muntik na akong maging ice cream."
Dahil pamilyar ang boses nito para kay elise ay hinintuan nya ang pintuan na iyon at sumilip lang mula sa labas.
Sa pagsilip nya ay nakita nyang nakaupo sa isa sa kama si daniel habang hawak ang umuusok na baso at patuloy na nanginginig.
Lalo syang nagtaka ng makita ang yelo sa braso ng binata pero agad naman syang humakbang palabas para iwasan na makita sya nito.
" Ano ang nangyari braso nya? bakit nagyeyelo ang kamay ng lalaking yun?" Bulong nya sa isip
Alam nya na hindi normal sa isang tao ang magyelo ang braso ng matagal na panahon maliban na lang kung isa itong ice magic user na gumamit ng ice magic gayumpaman Base sa nalalaman nya ay mabilis lang na nawawala agad ang pagyeyelo ng bahagi ng katawan ng mga ito kasabay ng pagkawala ng magic circle.
" Hindi, imposible naman ang iniisip ko at isa pa malabong mangyari ang mga bagay na iyon." Sambit nya habang naglalakad paalis.
Alam nya na may kakaiba sa binatang iyon pero dahil nga sa isa lang itong rank E ay binale wala nya ang kutob nya na maaaring gumamit ng ice magic ang binata.
End of chapter 14 part 2
Chapter 14 part 2