Chapter 13 part 2
Kinabukasan nagpatuloy ang pagiging Utility ko sa eskwelahan at habang naglilinis ako sa canteen ay muli kong nasalubong si Elisa kasama parin ang ilang estudyante.
Naisip ko bigla na dahil nanganganib si Elisa sa kamay ng mga kaaway ay mabuti na palagi syang may kasama.
Dahil abala ang Daniel sa mundong ito sa trabaho ay wala syang masyadong alam sa paligid nya kayà naman pati ang tungkol sa mga matataas na tao ay wala syang alam.
" Kailangan kong malaman kung sino ba talaga si Elisa sa mundong ito."
Ilang sandali lang ay narinig ko ang mga nakaupong estudyante na pinag uusapan si Elisa.
" Nabalitaan mo ba na hindi pinayagan sumali ang lady boss sa Gani tourrnament?"
" Siguro dahil sa insindente ng pananakit nya sa mga oposyales nung nakaraang tournament."
" Napaka mainitin talaga ang ulo nya kaya wag na wag kang lalapit sa kanya kung ayaw mong matusta."
Agad na nilapitan ko ang mga ito dahil mga kapwa rank E ko naman din sila ay madali para saakin na makausap sila.
" Yoh, guys kamusta, ano ang saatin? Teka pinag uusapan nyo yung babaeng si elise diba?"
" Kung ganun kilala nyo sya?"
" Huh? Sino bang hindi nakakakilala sa kanya sa eskwelahan na ito? "
" Aba magaling kung ganun pwede ko bang malaman kong ano ang katauhan nung babaeng yun? "
" Teka seryoso ka na hindi mo talaga sya kilala?
" Hm.. teka mahalaga bang kilala ko sya?" Sagot ko rito
Babigla ang mga ito na hindi ko man lang kilala ang isa sa limang pinakamahusay na eskwelahan.
Ipinaliwanag nya na sa boung apat na taon ni Elise ay kasama na sya sa mga top elite at kung magpapatuloy ito ay magtatapos sya na may rank na private elite soldier agad.
hindi ko maunawaan ang kahalagahan ng mga titulo na matatangap nya kaya ninais kong malaman ito sa kausap ko at ayon sa kanya ay ang mga private elite ay magiging elite group leader at pamumunuan ang ibang mga sundalong magtatapos aa ekwelahan na ito.
" Oh.. kung ganun talaga palang mahusay ang babaeng yun."
biglang nagtaka ang mga ito na tila hindi ako nagpapakita ng pag galang kay elise at ipinaalam na isa syang maharlika at anak ng hari sa ikatlo nitong asawa.
" Si lady boss ang Ika tatlong princesa ng kaharian at kahit na hindi sya crown princess ay mataas ang katayuan nya at kapag may ginusto sya at tiyak na makukuha nya." sqmbit nito saakin
" Tsk, mayamang spoiled brat na sya sa earth tapos pati ba naman dito lubos syang pinag pala habang ako mahirap at puno ng problema ? Napaka unfair talaga ng buhay." Bulong ko.
Dahil sa nalaman ko na katayuan nya ay naging malinaw saakin kung bakit maraming estudyante ang nakadikit sa kanya palagi para pakinabangan ang pagiging mataas nya.
Naisip ko bigla na kung isa syang princesa ay baka naman hindi maging problema sa kanya ang kaligtasan nya dahil sigurado naman na may bantay sya.
Gayumpaman hindi ko maiwasang hindi mag alala kaya naisipan ko na sundan ito. Hindi naging mahirap na sundan at bantayan sya dahil pinapayagan ang isang utility servicw na magounta kung saan saan aa eskwelahan na ito.
Hindi ko alam kung hangang kelan ko ito gagawin at sa maghapon kong pagbabnatay sa kanya ay wala naman akong nakiitang panganib sa paligid.
Ang totoo sino ba ang maglalakas ng loob gumawa ng masama sa loob ng eskwelahan gayung napajaraming bnatay dito at mga camera?
Isa rin syang core keeper kaya sa tingin ko hindi naman sya basta basta magpapatalo. Mukhang nagsasayang lang ako ng oras sa pagsunod sa kanya.
Napabuntong hininga ako at nagpasyang umalis na lang para bumalik sa klase pero may bigla akong napansin sa paligid.
Isa sa amga estudyante na nagllajad papunta kay elise ay may itim na enerhiya at hindi ko masabi kong normal ba iyon dahil ngayon ko lang nakita ito.
Ilang saglit pa ay labas si Fufu sa bulsa ng polo ko at sinabi na ang eatudyante na iyon ay nagtataglay ng itim na enerhiya.
" Itim na enerhiya?"
" Ang itim na enerhiya ay katunayan na gumagamit aya ng itim na mahika kaya malaki ang tyanaa na myembro sya ng Black scorpion." Sagot ni Fufu.
" Huh? Seryoso ka? Pero isa lang syang estudyante."
Nalito ako sa mga nangyayari dahil hindi pumasok sa isip ko na pwedeng maging myembro ng scorpion ang isang estudyante pero hindi iyon imposible.
Patuloy na naglalakad ang estudyanteng ito palapit kay elisa at baka may gawin itong masama dito.
Hindi na ako nag dalawang isip pa na sumugod dito at tumakbo papunta sa kinaroroonan nila.
Hindi ko alam ang gagawin ko pero kailangan kong mapigilan ang ano mang masamang gagawin nya kay elisa.
" Tumabi ka elisa!"
Sinungapan ko ang lalaking iyon at napahiga sa lapag, dito nakipag buno ako at pinilipit ang braso nito at pinadapa.
Nagulat ang lahat ng estudyante at hindi makapaniwala sa ginagawa ko sa lalaki.
" Mag iingat ka elisa, delikado ang taong ito may balak syang saktan ka."
Hindi umiimik si Elisa sa sinabi ko at biglang nagpakita ng panlilisik ng mata.
" Ano bang ginagawa mo sa tauhan ko?"
Nagulat ako sa sinabi nito at nagtaka sa nasabi nito habang muking pinapakilala ang lalaki na hawak ko na isa sa mga tauhan nya.
" Oo , ang taong ginugulpi mo ay tauhan ko.kaya sabihin mo ano bang binabalak mo talaga?" sambit nito.
Agad akong tumayo at nagpaliwanag na gusto ko lang tumulong dahil ang lalaking iyon ay masamang tao at may balak na masama sa kanya.
Gayumpaman hindi naniwala si Elisa sa sinabi ko at dahil na rin sa pag atake ko sa kanyang tauhan ay para sa kanya ay mas dapat syang mangamba na may gawin akong masama laban sa kanya kesa sa tauhan na pomoprotekta sa kanya.
Lahat ng naroon ay nakatingin saakin ng masama at inaakala talaga na may ginagawa akong masama sa mga oras na iyon laban sa amo nila. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ayaw nila akong paniwalaan.
Pero kung iisipin mabuti ay malayong pakingan nila ako dahil kasamahan nila ang inaatake ko at pinagbibintangan kong masamang tao.
Dito ay muli naglabas ng kuryente ang katawan ni Elisa at kahit na pilit ko syang pinapahinahon ay hindi sya nagdalawamg isip na gumamit ng mahika para patamaan ako ng kuryente.
ilang minuto pa ang lumipas ay naka higa nanaman ako sa Clinic ng Eskwelahan at nagpapahinga ng katawan kong namamaga dahil sa pagtama ng kuryente.
" Aray ko, Maldita talaga ang babaeng iyon."
Biglang lumabas si Fufu at sinabi saakin na hindi pangkaraniwan ang presensya ng lalaking hinuli ko kaya malakas ang kutob nya na myembro ito ng terorista na black scorpion.
" Myembro man o hindi ay wala na akong paki doon, ang sakit ng ginawa nya saakin tapos sinumbong pa nila ako kaya mamaya pupunta nanaman ako sa opisina ng council." Galit kong sambit.
Nagmaktol ako dahil sa ginawa ni Elisa saakin at nagdahilan na kung kaya nyang maglabas ng ganung kalakas na kuryente ay malabong may makagawa sa kanya ng masama.
Hindi naman naging pabor si Fufu sa pag suko ko na tulungan si Elisa at sinabi na kahit na malakas na tao ito ay wala syang laban sa itim na mahika.
Ipinaliwanag nya na nabubuo ang itim na mahika sa masasamang motibo ng gagamit nito at pinapalakas ng negatibong kaisipan at emosyon kagaya ng galit,ingit at maoaghiganting puso.
" Kung magiging pabaya ang babaeng iyon ay maaari syang mapahamak lalo na iniisip nya na kakampi nya ang lalaking iyon." Dagdag ni Fufu.
Napabutong hininga na lang ako at napasigaw bigla dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
" Ano bang gusto mong gawin ko? Halata naman na ayaw nyang magpatulong."
" Master kung kakainin nyo ako ay madali nyong matatali ang lalaking iyon, dalian nyo na master." Alok nito saakin.
" Pwede ba tigilan mo muna na ako tungkol sa bagay na yan." Sagot ko rito.
Ilang oras pa ay nagpunta na ako sa opisina ng council at muling humarap sa council member.
Ang babaeng ito na may brown na buhok at nakasalamin ay isa rin sa mga guro ko sa maguc subject.
Ang pangalan nya ay Celly at kilala syang istrikto kaya naman palagi syang nagbibigay ng parusa sa klase kapag may mga nagkakamali kahit sa simpleng bagay.
" Hindi ko alam kung nananadya kang mangulo o hobby mo lang talagang saktan ang katawan mo pero ako na ang nagsasabi sayo na itigil mo yan hangat maaga pa." Sambit nito.
" Pero maam celly hindi ko talaga gustong mangulo."
" Una hinamon mo ang mga siga sa canteen, kahapon ay hinaras mo ang princessa at ngayon araw naman ginulpi mo ang bantay nya."
" Sabihin mo nga saakin kung paano ako maniniwala sa sinasabi mo."
Napailing n alang ako at hindi makasagot dahil kung iisipin ay may punto naman ang sinasabi nila at hindi ko sila masisisi kung yun ang nakikita nilang ginawa ko kahit na malayo ito aa totoong nangyari
Gayumpaman ay nagpakiwanag parin ako na kahit na aminado naman na nagkamali ako ay may mga rason ako para gawin ito lalo na sa pananakit doon sa lalaking tauhan ni Elisa.
" Sinasabi ko sainyo masamang tao ang lalaking iyon myembro sya ng black scorpion."
Biglang nagiba ang mood ni Celly at tinanong kong paanong alam ko ang tungkol sa terorista na black scorpion.
Tumayo ito at isinara ang pinto at muling nagtanong kung paano ko nalaman ang tungkol sa grupong black scorpion.
" Huh? Ah eh.. basta alam ko."
" Ang impormasyon tungkol sa kanila ay isang sekretong bagay na tanging militar lang ang nakakaalam at walang alam ang publiko at kahit na sinong ordinaryong mamamayan kahit na ang tungkol sa pag iral nila."
Nagulat ako sa nalaman ko at sa totoo lang kahit nga si Daniel sa mundong ito ay walang alam tungkol sa grupo na iyon at wala rin akong nababalitaan sa mga balita na krimen na may kinalaman sa kanila.
Napailing ako at hindi makasagot dahil wala naman talaga akong maisip na dahilan kung bakit alam ko ang tungkol sa kanila. Hindi sya maniniwala kung sasabihin kong nabalitaan ko sa TV ang tungkol sa kanila at lalong hindi ko pwedeng sabihin na sinabi saakin ni Momo ang tungkol sa black scorpion.
" ah.. eh ang totoo mahabang kwento kasi."
Tumingin sa orasan si celly habang sinasabi na mahaba ang oras nya para makinig at kayang hindi umuwi para lang malaman ang mga nalalaman ko.
Sa tingin ko seryoso sya sa sinasabi nya at kinakabahan ako dahil parang naiipit ako sa hindi magandang sitwasyon dahil lang sa pag banggit ko sa black scorpion. Sino naman mag aakala na malaking bagay para sa kanila ang pag banggit sa pangalan ng grupong iyon?
Nakatingin sya saakin at halata sa reaksyon nya na hindi nya ako paaalisin dito hangat wala syang makuhang magandang sagot saakin.
Wala na akong lusot at hindi na rin makapag isip ng tama kaya naman agad kong hinablot si Fufu at ipinakilala ito.
" Tignan mo ito prof celly napulot ko ang bagay na ito at ayon sa kanya ay nandoon sya para pigilan ang mga terorista at dahil mabait akong tao ay tinutulungan ko sya." sambit ko
" Kamusta , Ako si fufu at isa akong diwata."
Nagtaka agad si celly sa nilalang na hawak ko at dinakma ito habang nahihiwagaan sa bagay na hawak nya dahil ngayon lang sya nakakita ng hayop na kayang magsalita.
Gayumpaman ay inulit ni Fufu na hindi sya isang hayop kundi iaang diwata ng kalikasan at ayon sa kanya ay naroon sya para pigilan ang grupo ng black scorpion.
" Gumagamit sika ng black magic at may binabalak na masama na sisira sa balanse ng kalikasan. Isang delebyo ang aming nararamdaman napaparating at inutusan ko ang binata na ito para pigilan ang kilos ng mga ito."
" Balanse ng kalikasan? Sinasabi mo ba na isa kang diwata at inuutusan mo ang isang rank E na ito para pigilan ang mga terorista?"
Nagduda si Celly sa kwento ni Fufu at ipinaalam na kung alam ni Fufu ang kayang gawin ng black magic ay walang magagawa ang isang estudyante na walang sapat na kaalaman para pigilan ang mga ito.
" Kahit ang militar at mga mahuhusay na elite unit ay hindi nagtagumpay para mahuli sila kaya bakit mo ipapaubaya sa isang bata ang lahat?"
Parang isang malambot na jelly ang katawan ni Fufu kaya madali syang nakatalon para umalis sa kamay ni prof Celly
" Marahil iniisip nyo na talunan at walang kwenta ang binata na ito gayumpaman kahit mukha syang walang gagawing maganda ay mas madali syang utusan at pagkatiwalaan kesa sa mga sundalo ng kaharian."
Agad akong nakaramdam ng pagkainsulto sa sinabi ni Fufu dahil imbis na ipagtangol ako ay para bang pinatotoo nya na isa akong walang kwentang tao.
" Hoy naririnig kita."
" Ang batang ito ay ang pinili ng mga diwata na tumulong saamin at isa pa ang kaharian nyo ay may itinatagong madilim na sekreto na lumalabag sa batas ng kalikasan na hindi namin nagugustuhan. "
" Hinding hindi namin pagkakatiwalaan ang inyong kaharian at ang natatanging dahilan kaya namin binibigyan ng pagpapala ang inyong lupain ay dahil sa iilang inosenteng tao sumasamba saamin at naninirahan sa inyong mga bayan." Dagdag ni Fufu.
Napabuntomg hininga si Celly habang sinasabi na paano sya makukumbinsi na totoo ang mga sinasabi ni Fufu.
Wala akong ideya kung ano ang dapat sabihin dahil hindi ko rin alam kung totoong diwata si Fufu at ano nga ba ang sinasabi nya tungkol sa sekreto ng kaharian.
" Wala akong dapat patunayan sa isang taoat hindi ko obligasyon na ipaalam ang mga ninanais namin na maganap gayumpaman para sa kapakanan ni master ay bibigyan kita ng pagkakataon na makilala ako."
Nagliwanag si Fufu at biglang may kung anong pwersa na humihigop sa katawan namin ni Prof celly . Para itong black hole at hinihila kami sa mismong katawan ni Fufu.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nagbabago ang tingin ko sa paligid at oras. Bumabaligtad ang sikmura ko at pakiramdam ko nagiging goma ang katawan ko.
" Ahhh!!"
End of chapter 13
Part 2 of chap 13