CHAPTER THREE
" Kpoper vs. Otaku "
Maraming bagay sa mundo ang pinapaniwalaan ng mga tao kahit na ang ilan dito ay pawang katang-isip lang na ginawa ng tao para sa ilang rason .
Ikaw ? Ilan taon ka nang malaman mo na hindi totoo ang toothfairy o ang halimaw sa ilalim ng kama na si boogyman ? Syempre ninong mong si Santa clause. Kailan mo nalaman na isa syang santo ? Kilala sya bilang si Saint Nicolas ang father christmas na sinasabing namimigay ng regalo sa mga mabubuting bata bago sumapit ang pasko .
Hanggang sa nabuo ang mga kwento tungkol sa kanya at pambihirang isipin na mayroon kagaya nya sa mundo na magbibigay ng regalong pinakagusto mo sa espesyal na araw ng pasko pero sa oras na magkaisip ka na ay mapagtatanto mo sa sarili na imposible ang magkaroon ng isang mataba at matandang lalaki na naglalakbay sa boung mundo sa loob lang ng ilang oras na magmumula pa sa nagyeyelong lugar ng North Pole gamit ang lumilipad na bagay na hinahatak ng mga usa na baka may bilis lang na 60km/hr ang pagtakbo .
Hindi natin naisip noong mga bata pa tayo na hindi kayang isa isahin ng iisang matanda ang mga bahay at magpunta ng mabilis sa mga bansa o kahit sa ibang syudad sa loob lang ng isang gabi. Hindi importante saatin ang mga detalye basta sa isip natin ay umiiral sya sa mundo at umaasa sa regalong ibibigay nya .
Ang katotohanan ay pinaniwala sa mga bata na mayroong Santa Clause na magbibigay sa kanila ng laruan sa oras na maging mabait sila sa boung taon . Hindi ba parang napakasama ng mga magulang natin ? Bata palang tayo ay pinapaasa na tayo sa kasinungalingan upang maging pabor sa kanila.
" Isang malaking kasinungalingan ang buhay " Bulong ko isip ko.
Maraming bagay ang ipinapaniwala ng mga matatalinong tao noon sa kapwa nila upang magkaroon tayo ng kaayusan at sumunod sa kung ano ang sinasabi nilang tamang gawain kagaya ng daan daang relihiyon sa mundo na sumasamba sa mga dyos nila .
Minsan nga ang simpleng kwento ay nagiging totoo dahil sa maraming naniniwala at tumangap dito bilang tunay na nilalang kagaya na lang ng mga mitolohiya ng Greek , Norse at iba pang kwento na sa tingin ko noon pinaniwalaan ng mga tao bilang mga totoong bathala na magpaparusa sa mga tao sa oras na gumawa sila ng masama . Gamit iyon nakabuo na ng mga batas na susundin at pakikingan ng mga tao upang maging payapa at ligtas ang ginagalawan nilang pamayanan.
Pero bakit ko nga pala ito iniisip ngayon? Hindi ko na iyon dapat iniintindi basta nabubuhay na ako sa mundong payapa dahil sa mga batas at nalilibang dahil sa mga likhang kwento na naging alamat na dahil sa mga tao noong unang panahon.
Ah .. Alam ko na ang dahilan kung bakit tila nagiging makinang nanaman ang utak ko, siguro dahil kailangan kong libangin ang sarili ko dahil inip na inip na akong nakatayo dito sa harap ng mainit at maingay na makinang ito boung gabi . Mag isa na inaamag habang wala kang ibang maririnig kundi ang ingay ng makinang kaharap mo .
" Ang boring ng buhay ko, Bakit itong makinang ito ang kasama ko boung gabi habang ang iba ay mga asawa nila at mahal sa buhay ? " Bulong ko sabay sipa sa makina na pinapatakbo.
Bilang Otaku ay hilig ko mag isip ng mga bagay bagay na sa pantasya mo lang makikita kagaya na lang ng mga pinatalsik na anghel na mahuhulog sa langit at titira sa bahay kasama ko o kaya isang dragon na nag aanyong cute na babae at magiging yaya ko na gagawin ang lahat ng gusto ko .
Ang weird, diba ? Out of this World . Hindi mo dapat minamaliit ang kayang isipin ng kagaya kong Otaku pagdating sa mga delusyon at pagpapantasya . Hindi yun kayang unawain ng mga normie kung bakit namin ito madalas gawin na parang bata . Pero bakit nga ba? Simple lang siguro dahil ayun lang ang nag iisa naming paraan para takasan ang boring na realidad namin dito sa mundo .
Kung ang mga sinaunang tao ay gumawa ng mga kwento at karakter na katang-isip lamang para sa mga sari-saring kadahilanan na tinangap naman ng bilyon bilyong tao sa mundo bilang totoo ay sa tingin ko dapat hindi malaking bagay ang ginagawa namin pag di-delusyon para ituring kami na weirdo at sabihin na isa kaming mga isip bata lang at nabubuhay sa pantasya .
" Hindi patas ang mundo " Bulong ko habang napabuntong hininga na lamang sa kinatatayuan .
Pagsapit ng umaga ay umuwi na ako mula sa boring na trabaho ko . Napunta ako sa night shift kaya naman ang araw ko ay gabi, Ibigsabihin ay tulog ako sa umaga habang gising sa gabi. Pero hindi yun problema saakin dahil noong NEET pa ako eh madalas akong magpuyat sa paglalaro ng mga RPG games at manuod ng video sa .. sa.. Sandali hindi ko na babangitin pa ang parteng iyon .
Madalas umuuwi ako saamin na deretso na sa kama dahil sa sobrang antok at pagod ko sa byahe . Minsan mas nakakapagod pa ang byahe kesa sa trabaho mo .
" Pag ako yumaman magpapatayo ako ng sariling skyway ko. " Bulong ko habang nakahiga sa kama .
Ilang oras lang ang lumipas habang natutulog ako sa malambot kong kama ay naalimpungatan ako dahil sa ingay na nang gagaling sa kabilang kwarto . Kahoy lang ang pagitan nito kaya naman maririnig mo ang mga tunog mula sa loob lalo pa ang malakas na musika na naririnig kong pinapatugtog ngayon .
Hindi ko gustong bumangon dahil napakasarap humiga sa kama kaya naman naisip kong magtakip na lang ng unan sa ulo . Hindi yun komportable at patuloy ko parin naririnig ang ingay sa kabilang kwarto kaya wala na akong pagpipilian kundi lumabas at patigilin yun.
" Bwisit , Hindi ba nila alam na may pasok pa ako mamayang gabi . "
Padabog akong lumabas ng kwarto at pumunta sa harap ng pinto ng katabing kwarto . Hindi na ako kumatok at dali daling binuksan ang pinto sabay sumigaw sa taong nandoon .
" Patayin mo yang bwisit na radyo na yan !! "
Sa pagbukas ko nang pinto ng kwartong ay nakita ko agad ang kapatid kong babae sa loob ,sout ang Sando at maikling short . Dito ay naabutan ko syang sumasayaw habang nagpapatugtog ng Kpop na kanta at hindi pa sya nakontentong pakingan na lang ito dahil sinasabayan pa ang kanta na akala mo isa sa mga myembro nito .
" Cuz it's all Fake Love Fake Love Fake Love Love you so bad Love you so bad neol wihae yeppeun geojiseul bijeonae Love it's so mad Love it's so mad nal jiwo neoui inhyeongi doeryeo hae Love you so bad Love you so bad neol wihae yeppeun geojiseul bijeonae Love it's so mad Love it's so mad nal jiwo neoui inhyeongi doeryeo hae I'm so sick of this Fake Love Fake Love Fake Love I'm so solly but it's Fake Love Fake Love Fake Love "
Kahit na malakas naman ang pag sigaw ko eh tila hindi nya ito pinansin at tinuloy lang ang pag sayaw at pagkanta para sabayan ang mga idolo nya .
" Ching chang suyuvjuf#@3 bwisit , hindi mo naman naiintindihan ang sinasabi mo " Reklamo ko.
Hindi na ako makatiis sa ingay kaya ako na mismo ang pumunta sa mesa nya at pinatigil ang tugtog sa music player nya dahil mukhang wala syang balak patayin ito .
" Sinabi ko na wag kang mag iingay pag natutulog ako , kung gusto mong kumanta eh doon ka sa labas ng bahay . " Galit kong sigaw.
Syempre hindi nya nagustuhan yun at bigla akong hinampas sa likod ko ng suklay na hawak nya na ginagawa nyang mic sa pagkanta .
" Bakit mo pinatay ? nakaka inis ka malapit na akong matapos eh . "
Dito ay patuloy kaming nagtalo tungkol sa pagtulong ko para pumasok pero pinilit nya na kailangan nyang maperpect ang pag kanta para sa espesyal na pagtatanghal nilang magkakaibigan . Dinahilan nya na aktibidad ito sa eskwelahan at tila tinatakot pa ako na magiging sanhi ng pagbagsak nya.
" Neknek mo ! wag mo akong lokohin, kailan ka pa ineenrol sa Kpop school ? ."
Ang babaeng ito na may maikling buhok at may pagkamistisa ay ang kapatid kong si Nikki , 13 yrs old , isang Kpop fan o mga taong nahihilig sa mga kanta , palabas at ano pang bagay na mula sa bansang korea .
Madalas hindi kami magkasundo sa maraming bagay lalo na sa oras na mag fan mode kami at magpayabangan sa mga bias namin .
Isang hardcore fan ng Kpop ang kapatid ko , halata naman dahil kung makikita nyo ngayon ang kwarto nya ay napupuno ito ng mga poster at ano pang kpop koleksyon. Tsk, noong kasing edad nya ako eh hindi ko pa nabibili ang mga gusto kong bagay pero dahil nga sa bunso sya eh lumaki sa layaw at luho sa mga magulang ko.
Tipong kahit anong gawin ko ay hindi nila ako binibilihan noon ng mga komiks pero ngayon isang ngawa lang ng bulilit na ito eh nagiging galante ang nanay at tatay ko. Unfair diba? Ako ang panganay sa tatlo nilang anak kaya dapat ako ang mauna muna bago sila pero hindi ganun ang nangyayari .
" Hindi patas ang mundo " Bulong ko sa sarili .
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang lahat ng mga gamit nya sa kwarto maging ang mga baso at nakasampay na tshirt ay may mga mukha ng lalaki at artista . Napapangiwi na lang ako ng makita ang mga litrato na nakaframe pa sa lamesa nya katabi ng family picture namin na para bang kamag anak o kakilala talaga namin ang mga taong nasa larawan para ilagay doon.
" Ano nanaman yang tarpaulin na yan ? yan na ba yung bunga nang pagmamaktol mo nung linggo na makuha ang allowance mo nang maaga ? " Sambit ko habang itinuturo ang malaking poster nya sa dingding ng mga lalaking koreano .
Ang napakalaking poster na iyon na kasing laki na halos ng manila paper ay larawan ng mga koreanong lalaking na tinatawag na BTS. isa silang sikat na grupo sa korea na kilala na sa boung mundo.
Imbis na magpaliwanag tungkol sa perang ginastos nya ay agad na pinagmalaki saakin na nagkaroon sya ng isang exclusive mechandize na iilan lang ang makakakuha na tila achievement nyang pwedeng ipagyabang. Sinasalaysay pa nya ang mga bagay na yun saakin na para bang inaakala nya na may paki elam ako sa mga lalaking iyon .
Isa akong Otaku na mahilig sa mga 2D character. Tama, 2D is Life at talagang kinaiinisan ko ang mga kaartehan sa buhay ng mga 3D kaya wala akong interes na pag tuonan sila ng pansin.
" Pwede ba Nikki hindi ko naman sila kilala at anong malay ko sa importansya ng tarpaulin na yan? ."
" Huh ?!! Seryoso kuya ? Napakasikat nila tapos hindi mo sila kilala ? Tao ka pa ba ? " Tanong ni Nikki saakin.
Nakakainsulto ang mga sumunod na naririnig ko sa kapatid ko na tila ba pinapalabas nya na kailangan kong makilala ang mga taong nasa larawan para masabing tao ako na nabubuhay sa kasalukuyang panahon . Tinuturing nya akong parang mangmang sa buhay.
" Kawawa ka naman talaga kuya dahil sa matagal kang nagkulong sa kweba mo kasama ng Cartoons mo eh hindi mo na alam ang nangyayari sa mundo ."
" Hindi sa hindi ko alam ang tungkol sa mga lalaking sumasayaw at kumakanta sa korea pero hindi lang ako interesado sa mga papogi at mayayabang na lalaking yan . "
Agad nya akong sinipa sa binti ko at nagalit saakin dahil sa pag insulto ko sa mga lalaking iyon at syempre kahit na nasaktan ako eh hindi ko pwedeng gantihan ang kapatid ko . Ako ang kuya dito pero nagawa nya akong sipain na lang . Tsk, walang galang na bata .
" Hindi ako makakapayag na siraan ng gaya mong weirdong geek ang BTS , Wala kang alam sa kanila kaya hindi mo sila pwedeng husgahan ! "
Lumapit sya sa poster ng mga ito at ipinagmalaki saakin ang mga lalaking ito na akala mo talaga may paki elam ako sa mga pag bibida nya sa mga idolo nya .
" Hindi lang sila basta mga pogi,gwapo at husband material dahil mga total performer sila at mahuhusay sa maraming bagay , Marami rin silang pinagdaanan para maabot ang kinalalagyan nila kaya wala kang karapatan para laitin sila ! " Pahabol nya.
Isa isa nyang itinuro ang mga lalaking ito at talagang ipinapakilala saakin pero ano bang magagawa ko kundi pagtiisan ang pakikinig sa kanya dahil sa oras na iyon ay naka Fangirl mode sya .
" Makinig ka kuya dahil ipapakilala ko sayo ang mga asawa ko, ang gwapong si V, Jungkook, Jimin, Rapmon, Jin, J hope at Suga . kyaah ! sila ang mga myembro ng Bts at mga Asawa ko . " Turin nya habang isa isang tinuturo ang mga ito.
" Kilig na kilig ka talaga sa mga yan ah . "
--------------------------------------------part 1 / part 2 -------------------------------------------
ep