DIARY NG OTAKU EXTRA

* CHAPTER 1 *
" My Reality , Your Fantasy "
{ Part 1 }

Ano pa nga bang pwede naming asahan na magandang kinabukasan sa isang mundong puno nang kaguluhan , kasamaan at mga sari saring alitan na pinalala ng gantihan at hindi pagkaka unawaan .

Sa isang planetang napupuno ng ibat ibang masasamang nilalang na walang ibang iniisip kundi ang makakabuti para sa kanila at malamangan ang iba na nagreresulta sa diskriminasyon at digmaan ng bawat lahi .

Ako si Daniela Muntingbato, isang mandirigma mula sa lahi ng mga tao , Lumaki ako sa pakikipaglaban at mulat sa kung gaano kadilim ang mundo.

Sa kasalukuyan , humaharap ang bansang kinabibilangan ko sa isang digmaan ng lusubin ito ng ibang nasyon at isa ako sa libo libong tao na lumisan sa Galiga City na bahagi ng Iru Kingdom , isang itong syudad kung saan naninirahan nang payapa ang mga tao pero ngayon isa na itong battlefield dahil sa pag atake ng mga halimaw na gusto kaming sakupin at gawing alipin.

Isang matatag na bayan ang Galiga pero nabuwag ang matibay na depensa nito at matatalinong estratihiya sa pakikipaglaban dahil na rin sa daang libong bilang ng mga halimaw na lumusob sa bayan kaya walang nagawa ang mga sundalo ng bayan na naroon kundi palikasin ang mga tao papunta sa susunod na bayan .

Ang bayan ng Salbe na may halos isang daang kilomentro ang layo mula sa Galiga, pero ligtas man sa pananakop ang bayan na iyon ay hindi kami nakakasigurong makakaabot kami roon dahil sa mga pangkaraniwang halimaw na naninirahan sa lupain ng bansang Iru .

Nakakatawang isipin na ang matatalinong heneral na nangangalaga sa bayan at mga opisyal na gumagawa ng mahuhusay na plano o tatktika na nangalaga sa tao sa nakalipas na dalawang daang taon ay piniling palabasin ng bayan ang mga tao.

Hindi ito pagkwesyon sa kanilang kakayahan sa pakikipaglaban pero ang ibig kong sabihin ay hindi magandang ideya ang planong pagpapalabas sa mga tao sa kanilang lupain dahil ang Galiga na ang pinaka ligtas na lugar para saamin. Para kaming mga kunehong pinalabas sa kulungan namin sa lupain ng mga leon.

Sa mga panahon na iyon unang natikman ng mga tao ng Galiga ang lupit ng mundo sa labas ng bayan. Higit limampung libong kataong lumikas habang nagaganap ang digmaan ay halos kalahati dito ay nalagas ng mga halimaw bago pa kami maka abot ng kagubatan.

Hindi pa natatapos ang lahat dahil mas terible ang aming dinanas sa pag pasok sa kagubatan . Para kaming mga pagkaing inihain sa mga halimaw na nakatira sa gubat para takasan lang ang digmaan sa aming bayan .

Kalunos lunos ang sinapit namin sa unang araw namin sa lugar at masasabi kong isang impyerno ang naranasan namin sa tatlong araw sa kagubatan na iyon .

Walang tigil na labanan ang hinarap ng mga natitirang sundalo at ng mga kagaya kong mandirigma na ginawaran ng gobyerno bilang Bayani ng lahi ng mga tao upang protektahan ang mga natitirang sibilyan .

Pila pilang patay na katawan ang makikita mo sa paligid at animo'y naging pula ang lupa dahil sa mga dugo na dumidilig sa mga halaman at puno . Halos hindi ko na alam kung anong gagawin ko habang patuloy na winawasiwas ang espadang hawak ko upang protektahan ang sarili ko sa walang tigil na pag atake ng kalaban .

Sampu ? Isang Daan? Isang libo ? hindi ko na alam kung ilang halimaw pa ang nasa paligid namin na patuloy na umaatake sa hanay namin pero siguro ang dapat kong iniisip ay kung ilang tao pa ba ang natitira sa hanay namin na ngayon ay kinakain ng mga halimaw .

Nanginginig ang mga laman ko sa galit habang patuloy kong nasasaksihan ang pag ubos ng mga halimaw sa mga kasamahan ko pero kasabay nito ay ang pangangatog ng mga tuhod ko sa takot sa kamatayan . Gusto ko silang iligtas , nais ko silang mabuhay pero ... Paano kong pati ang sarili ko ay nangangailangan din ng kaligtasan sa gubat na iyon ?

Nakakapanindig balahibong makita ang mga gutay gutay na katawan ng mga tao sa paligid habang kinakain sila ng mga walang utak na mga nilalang na ang tanging gusto lang ay kumain ng laman ng tao .

Wala silang intensyong makipaglaban para sa teretoryo nila na aming ginambala kaya naman hindi na sila umaatake sa oras na may mahuli silang tao .

Kaya naman pikit mata naming lahat iniiwan ang mga nadadakma ng mga halimaw kahit gaano pa sila mag makaawa at nagpapatuloy na umabante para sa mga mapapalad na nakaligtas . Kaawa awang mga nilalang pero ito ang makakabuti sa lahi ng mga tao .
Kahiya hiya , nakakadismaya tawaging bayani ng mga tao.

Sa panibagong araw sa pagtakas ay kulang kulang sampung libo na lang ang natira sa amin grupo at halos isang daan na lang dito ang mga taong pwedeng magtanggol sa kanila kulang na kulang ito upang makapagpatuloy pa .

Nakakapagod na ang ilang araw na pakikipaglaban at walang tigil na pagtakbo upang iwasan ang mga halimaw. Halos hindi ko na nga maramdaman ang mga kamay at binti ko dahil sa pagod pero alam namin na hindi kami pwedeng magpahinga nang matagal sa isang lugar dahil hanggang sa ngayon ay nasa teretoryo kami ng mga halimaw .

Walang kahit isa saamin ang nakakasigurong makakarating kami ng buhay sa susunod na bayan at unti-unti na ring nawawalan ng pag asa ang mga tao sa gitna ng mga madugong labanan . Gayumpaman, nagpapatuloy ang pagtakas namin upang mabuhay at umaasa na kaaawaan kami ng diyos na sinasabi nilang nagmamahal sa mga tao.

Isa pang nagpapahirap saamin ay ang supply ng pagkain dahil sa sukal ng kagubatan at tarik ng mga daan ay maraming karwahe ang aming naiwanan na naglalaman ng mga pagkain at mga bagay na makakatulong sana saamin para manatiling buhay .

Sa ngayon nakarating kami sa gitna ng kagubatan at doon ay matatagpuan ang isang burol na malapit sa ilog, Sinuswerte parin kami dahil hindi ito ginustong tirahan ng mga halimaw dahil sa walang mga puno rito kaya naman nagdesisyon ang aming kapitan na gumawa ng isang pansamantalang kampo upang makapagpahinga ang lahat at dahil nga doon nabigyan kami ng oras upang makabawi ng lakas at makapagpagaling ng mga pinsala .

Hindi matatalinong nilalang ang mga halimaw sa lugar na iyon kaya madali namin silang napupugsa tuwing lulusob sila sa gabi at mas pinadali pa ito dahil malinaw namin nakikita ang mga pagkilos nila hindi kagaya sa loob ng gubat kaya naman nanatili kaming ligtas sa ikalawang araw namin sa burol pero gayumpaman, hanggang kailan ?

Hanggang kailan kami magiging ligtas sa isang lugar na napapalibutan ng mga halimaw na uhaw sa dugo't laman ng kagaya naming tao?

Tatlong Araw pa ang lumipas sa kampo na kinalalagyan namin .Habang nagbabantay ako sa hangganan ng kampo na itinakda ng kapitan ng grupo . Naka alertong naka upo sa isang pahabang upuan na gawa na pinutol na puno ay matyaga kong pinagmamasdan ang dulo ng kagubatan mula sa kinatatayuan ko upang matyagan ang kilos ng iilang halimaw na naroon .

Sa ngayon kalmado pa ang mga halimaw dahil may mga pagkain pa silang napagsasaluhan dahil na rin kaya nilang kainin ang mga laman at dugo ng kapwa nila halimaw na namatay pero alam namin na sa oras na maubos ito ay bubuhos ulit ang libo libo nilang bilang para ubusin kami .

Ang pananatili namin sa kampo na iyon sa gitna ng lupain ng mga halimaw ay isang pagpapakamatay na para kaming mga putahe na tinipon sa isang lamesa at nag aantay na gawing hapunan sa loob ng isang bahay.

Alam namin ang nakatakdang mangyari saamin at ang tanging hindi lang namin alam ay kung kailan ito mangyayari pero kahit na ganun ay walang balak ang kapitan na lisanin ang kampo na iyon dahil sa ilog kung saan may sapat kaming isdang makakain at tubig na nakukuha para busugin ang libo libong taong nasa pangangalaga nya .

Malinaw na isang maling desisyon iyon at para saakin ay tila nag hihintay na lang kami ng mga araw namin bago kami tuluyang maubos at mamatay pero ano bang magagawa ko ? Ano ang karapatan kong maki elam sa desisyon ng isang opisyal gayung isa lang akong simpleng mandirigma ?

Sa katayuan ko ay wala akong boses upang makapag bigay ng sarili kong pananaw at opinyon .Tama, Isa lang akong tautauhan na sumusunod sa ini uutos ng nakakataas saamin at ang tanging pinagkaiba ko lang sa isang sibilyan ay mayroon akong sandata at karanasan sa pakikipaglaban .

Mula ako sa pamilya ng mga mandirigma .Tsk , pero ang totoo isa lang talaga kaming mangangaso sa labas ng Galiga na nanghuhuli ng hayop at Iilang halimaw na pwedeng kainin at ibenta sa bayan .

Ginawaran ako ng pagiging bayani dahil sa minsan akong nakapagligtas ng mga tao sa aking pangangaso ng mga halimaw upang ibenta .

Wala akong ganap na kaalaman sa maayos at tamang pagliligtas ng mga tao dahil hindi ako pinayagang makapag aral bilang sundalo dahil lamang sa isa akong babae . Tama , Dahil sa panahon na ito ay tanging gawaing bahay at utusan lang ang pwedeng gawin ng mga kababaihan sa aming lugar.

Ito na rin ang dahilan kung bakit wala akong lakas ng loob upang maki elam sa mga desisyon ng kapitan ng grupo dahil para sa kanila isa lang akong mahinang tao na walang kakayahan na katulad ng sa kanila .

Isa lamang iyon sa diskriminasyon na tinangap ko sa buhay at kailangan ko iyon tangapin dahil wala naman akong magagawa sa bagay na iyon .

Hindi ko maiwasang mapailing tuwing makikita ang mga kaawa awang sitwasyon ng mga kasama ko sa hangganan na kahit namimilipit at nilalangaw na ang mga sugat dulot ng pakikipaglaban ay buong tapang paring naroon upang siguruhin lang ang kaligtasan ng mga tao sa loob ng kampo .

Lumilipas ang bawat oras ng aming araw sa pagbabantay kaya hindi na namin na-aasikaso ang mga sarili namin at kahit ang oras at petsa ay hindi na namin alam.

Napatingin ako sa kalangitan at napagmasdan ang paglubog ng araw sa malayong kabundukan . Napakagandang tignan nito na sinabayan pa ng kamangha manghang itsura ng paligid habang nag hahalo ang kulay Orange at lilang kalangitan .

Gayumpaman , Sa kabila ng makapigil hiningang kagandahan ng tanawing iyon ay alam ko na sa katapusan ng tagpong iyon ay muling magsisimula ang impyernong sandali ng araw namin sa lupain na iyon dahil sa pagsapit ng dilim ay muling aatake ang mga halimaw ng gabi o nightcrawler .

Sa mga sandaling tila namamangha ako sa aking nakikita ay unti unti kong itinataas ang kaliwang braso ko habang inaabot ang palubog na araw sa kabundukan .

Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan dahil siguro muli nanamang matatapos ang araw at mawawala muli ang liwanag .

Kamangha mangha pero nanginginig ang aking mga kamay marahil dahil sa takot . Tama, takot at pagod sa pang araw araw na sitwasyon .

Inaabot ko ang araw na tila ba gusto ko itong pigilang lumubog at manatili ito upang ilawan pa ang aming mundo .

Nakakapagod .... Talagang nakakapagod .

Sa aking pananahimik sa kinatatayuan ay hindi ko namalayan na may tao sa aking likuran na kanina pa ako pinagmamasdan .

" Anong ginagawa mo ? " Biglaang tanong nito .

Nagulat ako sa pagsasalita nito at mabilis na humarap dito. Ang lalaking biglaang sumulpot saaking likuran na may silver at maikling buhok na naka suot ng plate armor ay isang ring mandirigma kagaya ko na napwesto sa front line , limangpung metro mula sa aking pwesto .

Kahit na may kakisigan ang katawan nito ay maliit ito kesa saakin pag dating sa tangkad na kung susukatin ay masasabi kong nasa 5'4 lang ito pero dahil isa syang bayani ng Gatica ay ibigsabihin ay higit 20 taong gulang na ito , .

Hindi man naaayon ang tangkad nito sa edad nya ay hindi ko sya dapat maliitin kahit na mukha syang paslit sa digmaan dahil sa kanyang apat na plate badge sa bewang . Isa itong katunayan na apat na beses na syang ginawaran ng gobyerno ng medalya ng kagitingan .

Ginagawad lang ito kung may nagawang kabayanihan ang isang bayani na nararapat at pasok sa pamantayan ng opisyal ng gobyerno kagaya ng gobernador .

Isa rin syang mandirigma na sumama sa paglikas at kagaya ng iba kong mga kasama sa hangganan ay balot din sya ng mga benda sa braso at binti dulot ng pakikipaglaban .

Hindi ko sya kilala at tila wala na akong balak kilalanin pa sya dahil alam ko at natitiyak ko na ngayong gabi sa labanan na magaganap ay mamamatay sya dahil sa kanyang miserableng kalagayan .

Kung tutuusin masakit sa mata makita ang kalagayan nya dahil sa awa , hindi ko alam kung bakit nagagawa nya pang maglakad lakad sa kabila ng kanyang pinsala sa katawan na tila namamasyal lang at ubusin ang natitirang enerhiya imbis na magpahinga .

" Napakaganda ng takip silim mula sa malayo , hindi ba? "

Hindi ako nakatugon dito at muling tumalikod sa kanya upang muling pagmasdan ang kabundukan .

Humakbang ang lalaking ito palapit sa pwesto ko hawak ang isang sibat na ginagawa nyang tungkod habang paika ikang lumalapit saakin .

" Wow , talagang kamangha mangha ang tanawin tuwing takip silim , Hindi ba ? Dahil dito masasabi kong pwede na akong mamatay . " Pabirong sambit nito habang nakangiting nakatingin sa malayo .

Ilang sandali pa ay itinaas nya ang braso nya na tila inaabot ang araw mula sa kabundukan katulad ng ginagawa ko kanina .

Sandaling nanahimik ang buong paligid kasabay ang paghampas nang malakas na hangin saaming dalawa habang magkasama naming namamalas ang ganda ng tanawin ng mga sandaling iyon .

" Alam mo binibini , ang takip silim ang pinakapaborito kong sandali sa bawat araw " Sambit nito.

" Dahil sa mga sandaling ito kung saan nasasaksihan ng tao ang kagandahan ng haring araw gamit ang kalikasan na syang nagbibigay ng buhay sa maraming nilalang sa planeta . " Dagdag nito .

" Maliban pa sa ito rin ang nagsasabi na malapit na ang hapunan at pahinga ngayong araw hahaha . " Pagbibiro nito.

Kapareho ng aking reaksyon noong una ay wala akong naging tugon dito na tila ba walang naririnig . Gayumpaman , hindi ito binigyan ng masamang kahulugan ng lalaki kahit na napapansin nya ang pag bale wala ko sa kanyang mga sinasabi .

" Sandali ? pipi ka ba o sadyang wala ka lang sa mood makipag usap ? " Tanong nito.

Masyado syang madaldal kaya naman hindi ko naiwasang pag sungitan sya upang umalis sa aking harapan . Siguro naging ugali ko na ito sa bawat lalaking makakasalamukha dahil sa pagiging presko at mayabang ng karamihan sa katulad kong babae .

" Hm... Alam mo hindi maganda sa isang tao ang hindi pagtugon sa kausap lalo na sa kapwa bayani . " Sambit nito.

" Normal sa tao ang hindi makipag usap sa mga tao na hindi naman nila kilala at sa tingin ko wala naman akong responsibilidad na tugunin ang mga sinasabi mo lalo pa hindi naman ito isang tanong ." Masungit na tugon ko rito.

Nakita ko sa mukha nya ang pagkabigla sa mga narinig sa labi ko pero agad iyon napalitan ng ngiti sa kanyang labi kasabay ng pag hingi nya ng tawad saakin .

Wala akong ideya sa mga iniisip nya pero tila kinatutuwaan nya ako at nagsisimula na akong mainsulto dahil doon .

" Pero normal sa tao ang makibagay at ang pagbale wala sa taong nasa paligid nya habang ito ay nagsasalita ay isang kawalan ng respeto at nakakasira sa tao . " Tugon nito .

" Sa tingin mo ? " Pagsusungit ko sabay paghakbang ng paa ko paalis .

" hmm.. Oo , sa tingin ko " Mabilis na tugon nya .

" Kung ganun ay pasensya na at wag mo personalin ginoo ang inaasal ko dahil ginagawa ko ito sa lahat. "

Dito ay bigla nya akong tinanong kung galit ako sa mga lalaki kagaya ng ibang kababaihan at magalang na humingi ng tawad saakin .

Ang totoo Hindi sa ayaw kong makipag usap sa tao sadyang hindi lang ako interesado lalo pa wala akong mapapala sa kanila upang pansinin sila .

Alam ko sa sarili ko na masyado akong naging bastos sa pagpapakita ng kagaspangan ng ugali ko pero ganito ang nakasanayan kong pakikitungo sa lahat at wala akong balak baguhin ito maging sino man ang kaharap ko .

Gayumpaman , sa gitna ng pagiging masungit ko kanya ay sya namang giliw ng tono nang pananalita ng binata .

" Alam mo lalo akong nagka interes sayo binibini maliban sa bihira ang isang babae na humahawak ng armas ay may kakaiba kang personalidad na bihira sa kagaya mo . " Sigaw nito.

Nagpatuloy ako sa paglakad habang patuloy syang nagsasalita hangang sa .
" Tunay na napakaganda ng simbolo ng Red lutos, hindi ba? " Biglang sambit nya .

Sa mga sandaling iyon ay napahinto ako sa paghakbang paalis nang marinig ko ang mga nasabi nya , Iilang tao lang ang nakakaalam ng simbolo na nasa aking suot na coat .

Ang simbolong iyon ay mula sa isang grupo ng mga mandirigma na mula sa central city o kabisera ng kaharian na halos ilang milya mula sa bayan ng Galiga . Ang grupo na kinabibilangan ng nasira kong ama .

Agad ko syang nilingon at nais tanungin sa kung ano ang kanyang nalalaman tungkol sa grupong iyon pero bago pa ako makapag salita ay sumalubong na ang mga ngiti nya sabay banggit na .

" Nakuha ko na ba ang atensyon mo binibini ? "

Nais ko itong tugunin pero nangibabaw saakin ang pride ko lalo pa naiinis ako sa mga ngiti ng lalaking ito na tila pinagkakatuwaan ako .

" Maaari bang kahit saglit ay makipag kwentuhan ka saakin, Alam mo kasi halos limang araw na akong nababagot sa lugar na ito at walang ibang kausap maliban sa sibat na hawak ko ."

Alam ko ang kanyang pakiramdam dahil narin sa kakulangan sa tao ng aming hanay ay kailangan naming mapwesto sa frontline ng mag isa upang magbantay ng maigi.

" Pasensya na ginoo pero hindi ko gustong makipag usap o magkaroon pa ng kahit anong ugnayan sa isang taong patay ." Sambit ko rito.

Halatang nagulat ang lalaki sa nasambit ko at ilang segundong nanahimik sa kinatatayuan nito . Dito ay lumingon sya sa kanyang likod at paligid na tila may hinahanap sa lugar sabay banggit na.

" Teka miss , Ako ba ang tinutukoy mo o sadyang may ibang nilalang kang kausap na hindi nakikita ng normal na taong gaya ko ? " Pabirong sambit nito .

Dito ay derekta ko syang tinukoy na isang taong patay dahil na rin sa taning ng oras na nalalabi bago ang susunod na laban . Hindi ako natakot na pagsalitaan sya at tapatin na ngayong gabi ay mamamatay sya sa laban dahil na rin sa kanyang kalagayan .

Sa kalagayan nya ay miski ang tumakbo sa halimaw ay malabo nyang magawa kaya ano ang pwede nyang gawin sa frontline sa oras na lumusob na ang daan daang halimaw.

Hindi ako ganun kalupit na tao pero bilang mandirigma ay kailangan namin tangapin nang maaga at matapang ang aming realidad , ang katotohanan tungkol sa aming nalalabing kamatayan .

Pero iba sa inaasahan kong tugon sa kanyang mga mukha ay wala itong bahid ng pangamba at pagkabalisa na tila ba hindi natatakot sa kamatayan .

" Alam mo masyado kang advance mag isip , Buhay pa ako pero tinuturing mo na akong patay dahil lang sa nakikita mong kalagayan ko . " Sagot nito na tila nagbibiro pa .

Muli syang tumingin sa malayo upang pagmasdan ang ginto at lilang kalangitan dahil sa palubog na araw at nakangiting winika .

" Naniniwala ka ba sa tadhana ? Ako kasi ay Oo at alam ko na hindi pa ito ang araw na itinakda ng diyos na lisanin ko ang mundong ito . " Sambit nya .

Tumingin sya saakin at biglang ngumiti kasabay ang pagbanggit na
" Alam mo sa tingin ko pinag tagpo tayo ng tadhana. "

Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing makikita ko ang mga ngiti nya , hindi ito kagaya ng mga ngiti ng ibang lalaking nakakasalamuha ko noon .

Ibang iba sa mapanghusgang ngiti at mapagmataas na tingin ng mga lalaki na natatangap ko .

Hindi ko maipaliwanag pero para syang bagay na dapat kong ikatuwa pero ayokong makita, nakakainis ang pakiramdam na ito ngunit hindi ko maiwasang mapatingin dito .

Ewan pero siguro naguguluhan lang ako , marahil nagtataka lang ako dahil sa gitna ng kanyang sitwasyon at haharaping kamatayan ay nagagawa nyang ngumiti ng totoo sa harap ko . Isang ngiting buhay na buhay at panatag na walang bahid ng takot at pangamba .

Bakit ganito ? Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko . Ah tama , siguro marahil ang nararamdaman ko ay ang pakiramdam ng pagkainggit dahil sa mga ngiting iyon.

Oo , Ganun nga iyon dahil kung hindi ay ano itong nagpapakabog sa dibdib ko? Ano ang gumugulo ngayon sa loob ko tuwing makikita ang mga maaamong ngiting iyon ?

.


~~~~~~~~ Part 1 / Part 2 ~~~~~~~

undefined


 

Alabngapoy Creator

DIARY NG OTAKU EXTRA