-----------------------------------------part 2 / part 2 ---------------------------------------

Gusto kong umangal at ipagtanggol ang sarili ko pero para saan pa ang mga pagpapaliwanag ko sa nangyari gayung wala syang balak pakinggan ako .

" Hoy ! Bawiin mo ang sinabi mo , sinisira mo ang magandang imahe ko ."

" Malinis akong tao at hindi ako gagawa ng kalokohan at ni hindi nga ako humahawak ng mga bastos na magasin ." Dagdag ko.

Pero habang nagaganap ang diskusyon naming tatlo at pagdepensa ko sa sarili bilang malinis na tao ay tahimik namang naka upo si Lea habang nagbabasa ng mga Yaoi manga .

Dahil sa nakita ko ay agad akong tumakbo sa tabi ni Lea at hinablot ang dala dala nyang manga upang itago sa paningin ng kapatid ko.

" Waggg , Ibalik mo yan !! "

Bigla ko syang hinila na halos magkauntugan ang mga noo naming dalawa habang binubulungan .

" Itabi mo yan , hindi yan dapat nakikita ni Nikki " Bulong ko rito habang nagliliyab ang mga mata na nakatitig sa kanya.

Dito ay agad syang tumigil at nanahimik na bumalik sa pagkaka upo sa sofa na tila batang napagalitan ng magulang .

" Sandali , wala ka bang gagawin ? Harap harapan kang pinagtataksilan ng nobyo mo . " Sambit ni Nikki kay Lea.

" Huh ? Ah.. Eh .. Nature na nya yan madalas nyang gawin yan sa ibang babae sa labas kaya nga minsan hinahayaan ko na lang sya bilang maunawaing babae." Sambit nito.

Nasabi nya yun nang tila hindi iniisip na gusto kong pangalagaan ang reputasyon ko sa paningin ng kapatid ko bilang matinong tao .

" Hoy bawiin mo yan , hindi ako ganyang tao " Sambit ko habang pinipisil ang mga pisngi ni Lea .

Hindi ko alam kong may pwede pa akong idahilan sa kapatid ko dahil parang pinapatotoo ng fujoshi na ito ang malisosyong kasinungalingan na iniisip ng kapatid ko tungkol saakin.

" Naaawa ako sayo at sa daming matinong lalaki dyan ay ang kuya ko pa ang napili mong pakasalan ." Bulong ni Nikki.

" Hoy narinig kita! Mabait ka lang talaga kapag nanghihingi ka saakin. " Sigaw ko dito.

Agad na inilapag ni Nikki ang mga binili nyang chichirya sa lamesita sa sala at alukin ang lahat na kumain . Hindi naman iyon tinanggihan ng dalawa lalo na sa makapal kong kapit bahay .

" Dali maglaro tayo ng Scrabble na may Crimson rules , may time limit ang bawat pagtira ng player at legal ang manakit ng pisikal ,mental at ispiritwal ng bawat isa . " Sambit ni Lea hawak ang patpat .

" Teka , Wag mo ngang idamay ang kapatid ko sa kalokohan na yan " Pag angal ko

Dali dali silang umupo sa sala at nagka-ayaan mag laro ng mga game board . Hindi ko alam kong pwede pa akong tumanggi para lang iwasan ang ano mang gulo na maaaring maidulot ng pagsasama sama nila .

Bakit ko nasabi ?

Ang ideyang pagsamahin sa iisang kwarto ang isang Fujoshi , Kpoper , normie habang naglalaro ng pausong laro kung saan legal ang mag asaran at manakit ay isang delubyo .

" Dali na Daniel , sumali ka na at bumunot ka na dito."

Nakangiti sila saakin na tila nag aabang nang isasagot ko sa alok nila . Hindi maganda ang kutob kong magiging resulta ng larong ito pero kahit tumanggi ako ay magpapatuloy sila sa paglalaro kaya naiisip kong mabuti na rin na kasali ako .

Napabuntong hininga na lang ako habang bumubunot nang pyesa ng laro upang sumali kahit na labag ito sa loob ko . Naiisip ko sa mga oras na iyon na hindi ako mag eenjoy sa larong ito pero kailangan ko itong laruin .

Tama , kahit sa buhay ko ay may mga bagay akong ginagawa na hindi ko naman binabalak gawin at alam kong hindi ako matutuwa doon pero kailangan kong gawin parin dahil ito na ang buhay na tinatahak ko .

Hindi ko malaman kung kaya ko pang baguhin ang takbo ng buhay ko dahil sa totoo lang hindi ito ang inaasahan ko mula nung subukan kong baguhin ang buhay ko.

Kung iisipin ang nabago lang sa buhay ko ay ang pag alis ko sa pagiging tambay na NEET at magkaroon ng boring na trabaho at komplikadong sitwasyon.

Ang katotohanan na nagpapatuloy parin ako sa pagharap sa araw araw na problema ng realidad ay hindi maaalis at mababago .

Ang pagkakaroon ng bruhang kapit bahay , Walang respetong kapatid at ngayon nadagdagan pa ng baliw na babae na adik sa mga naglalampungan na lalaki .

Ayos na sana ang ideyang mayroon kang kababata ,kapatid at nobya sa paligid mo na bumubuo ng mga araw mo gaya ng mga napapanuod sa Anime pero ayon kung ang bawat isa sa kanila ay may malaking pagmamahal at pagpapahalaga sayo .

Hindi ito katulad sa mga Comedyo Romance Drama na napapanuod ko kung saan may masayang tagpo ang bida sa piling ng mga side character . Hindi ganun ang kwento ng buhay ko at kailangan kong tanggapin iyon .

Nakakasawa , pero ano pa ba ang magagawa ko? Sana lang kung may pangalawang pagkakataon na humiling sa dyos ay gusto kong mabago ang lahat ng ito sa mas maganda at exciting na buhay .

" Sana mabago naman ang buhay ko "

Sa gitna ng pagkalumbay ko habang nakayuko at nakatitig sa mga piyesa ng game board ay biglang may tinig na nagsalita .

" Kung ganun bakit hindi natin ito baguhin ? "

Biglang may isang malambing na tinig ng babae na pamilyar saakin at nanggagaling yun sa harapan ko. Unti unti kong itinaas ang ulo ko mula sa pagkakayuko at dahan dahang nasisilayan ang mahahabang dilaw nitong buhok at mga puting ribon sa kanyang bistida.

" Kamusta ka Daniel ? Mali , dapat ang itawag ko sayo ay lubos na pinagpala . "

Laking gulat ko na lang at muling matulala nang masilayan ko muli ang nilalang na nagpakilala noon saakin bilang anghel ng dyos. Hindi ako makaimik upang sagutin sya siguro dahil maraming pumapasok sa utak ko ngayon tungkol sa kung bakit sya naroon at kung ok lang na makita sya ng iba maliban saakin.

Nakaupo sya sa pagitan nila Lea at Elisa na ngayon ay nagtataka rin sa biglaan nyang pagsulpot mula sa kawalan .

" Teka sino sya kuya ? "

" Paano sya nakapunta dyan na parang multo ? "

Dito ay mahinahon syang umiinom ng tsaa sa tasa na hawak at muling pinapakalma ang mga kasama ko sa sala . Dito ay sya mismo ang nagpakilala sa sarili bilang anghel ng dyos .

" Teka isa kang anghel ? "

" Kung anghel ka diba dapat may pakpak ka ? At yung bilog sa ulo . " Tanong ni Lea dito.

" Hm.. Ang totoo hindi namin kailangan ng pakpak gaya ng ibon upang makalipad kami, ang lahat ng iyon ay isa lang ideya at pag aakala na ginawa ng mga tao." Sambit nito.

Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nya na tila napakahinahon na nilalang habang nakikipag usap sa mga kasama ko .

" Bakit ka nandito? " Agad na tanong ko .

Sa pagkakataon na iyon ay ibinaba nya ang hawak nyang tasa at unti unting inabot ang isang pulang libro .

" Narinig ng Dyos ang iyong mga hiling at nandito ako upang tuparin iyon . "

Nabigla ako sa kanyang mga nasambit tungkol sa pagbibigay muli ng libro dahil ang alam ko ay tinanggihan ko na ang tyansang ibinigay ng dyos saakin pero heto sya at muling inaabot saakin ang pulang libro ng buhay.

" Ang totoo ginawa ako ng dyos upang ibigay ito sayo at wala akong kakayahan at katayuan na ipagkait sayo ito . Sa makatuwid mapapasayo ito sa ayaw at gusto mo ." Sambit nya .

" Sa nakalipas na buwan ay binantayan kita upang lubos na makilala at malaman ko kung nararapat kang humawak nito . "

" Oh ... Kung ganun kaya ka nandito dahil napatunayan mo na karapatdapat ako na tanggapin yan ? . "

Hindi sya tumugon sa sinabi ko kasabay ang pag iling sa gilid nya , hindi ko alam kung para saan yun pero muli syang humarap saakin at ngumuti na parang walang nangyari . Dito ay muli nyang hinawakan ang tasa ng tsaa habang nakikipag usap .

" Magtungo na tayo tungkol sa libro . " Sambit nya .

" Teka sagutin mo muna ako ." Pag anggal ko.

" Hindi ko pwedeng kwesyunin ang dyos sa pagbibigay sayo ng makapangyarihang bagay na ito kaya muli akong makiki elam alang alang sa balanse ng lahat ."

" Nandito ako para gabayan ka sa pag gamit sa libro at tulungan kang makuha ang matagal mo nang gusto ."

" Matagal ko nang gusto ? " Pagtataka ko.

Dito ay tinukoy nya ang kakayahan ng banal na libro na ibinibigay nya na kung sino man ang magkamit ay pwedeng maihalintulad sa isang dyos na sa isang iglap ay kayang magtakda ng mga bagay bagay, maglikha mula sa wala at magbura ng mga pag iral .

Humigop sya sa tasa ng tsaa at mahinahon na inaabot ang libro sa kamay ko habang sinasambit ang pag gagawad dito .

" Bibigyan kita ng pagkakataon na magpunta sa ibat ibang lugar , panahon at demensyon sa mahiwagang mundo ng Anime . "

" Daniel Muntingbato , mula ngayon isa ka ng dyos . "

" Huh ?! " Tugon naming apat .

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko na tila isa lang uri nang pagbibiro dahil napakahirap paniwalaan na ang isang simple at malas na tao na gaya ko ay bibigyan muli ng pagkakataon ng dyos na magkamit ng bagay na babago sa buhay ko.

Isang bagay na iilan lang sa sampung bilyong tao ang pwedeng magkamit .

" S-S-sa-sa-san-sandali , H--hin-hindi ka ba nagbibiro ? " Pagtatanong ko .

Hindi na ito tumugon at mahinahon lang na uminom sa tasa ng tsaa na hawak kasabay ng pag ngiti saakin na tila nagpapatunay na seryoso itong matangap ko ang libro .

~~

Naniniwala ka ba dyos ? Isang makapangyarihang nilalang na kayang gawin ang lahat sa isang kisap mata at gumawa ng mga himala na lagpas sa limitasyon ng lahat lohikang paliwanag ng agham at kayang sumalungat sa realidad ng mundo .

Paano kung isang araw ay bigyan ka nito ng pagkakataon na mabago ang buhay mo ?

Tatanggapin mo ba?

Ako si Daniel Muntingbato, 25 yrs old , isang Otaku na minsang nangarap ,nagsumikap at nabigo sa buhay hanggang sa talikuran ang mundo at maging NEET ng mahabang panahon .

Sinubukang magbago at iakyat ang sarili ko mula sa kinalulokmukang dilim dulot ng depresyon . Naging mahirap at boring ang mga araw ko sa tila pauli ulit na ginagawa ko sa araw araw . Alam ko na hindi umaayon ang lahat sa dapat na mangyari tungkol sa pagbabago na ginagawa ko upang guminhawa ang buhay ko.

Nagsimulang maging bukas sa pakikitungo sa mga tao hanggang makilala ko ang isang dating kaibigan na lalong nagpakomplikado sa mahirap na sitwasyon ng buhay ko .

Naipit sa isang kasunduan nang pagpapakasal at ngayon ay nangangamba sa magulo at hindi tiyak na kasiyahan sa hinaharap kasama ang pasaway na babaeng si Lea .

Muli kong binuksan ang sarili at tanggapin nang buo ang kabiguan ko noon upang tuluyan na akong kumawala sa itim na kadenang gumagapos saakin pabalik sa madilim na nakaraan sa tulong na rin ng aking kaibigan na si Elisa .

Hindi naging patas para saakin ang kapalaran na dapat ay makulay kong tinatahak kagaya ng maraming tao sa mundo pero ganun pa man ay nananatili akong nabubuhay hindi dahil sa natatakot akong mamatay kundi dahil nananatili akong umaasa sa mga matatamis na salita at pangako ng dakilang lumikha .

Naniniwala ka ba sa dyos ?

Kung ako ang tatanungin ay wala kong pag aalinlangan na sasagot ng Oo.

Gaano ba akong nagtitiwala sa isang himala, hiwaga at pag iral nya ?

Syempre isa akong Otaku at ang himala , hiwaga at mga imposibleng bagay kaya kong isa-isip, paniwalaan at tangapin bilang isang katotohanan .

At dito nagtatapos ang buhay ko bilang talunan tao na ngayon ay patungo na sa mas exciting at makabuluhang tagpo at pakikipagsapalaran sa buhay .

End .

~

Alabngapoy Creator