Chapter 12 part 1

Madalas may mga bagay tayong nararanasan na hindi natin inaasahan at wala tayong ibang magagawa kundi harapin ito at subukan na solusyunan ng buong tapang.

May mga bagay din na kahit hindi natin gusto mangyari ay nagaganap at minsan pa nga ay sa hindi tamang panahon at pagkakataon. 

Karaniwang saatin na kapag naroon na tayo sa masamang sitwasyon na iyon ay nag iisip na agad tayo na tila ba sinusubok tayo ng diyos at pinahihirapan pero kung iisipin mong mabuti ay tama lang ba na sisihin natin agad ang diyos natin sa mga bagay na iyon? 

Ang masamang sitwasyon na nangyayari saatin ay bunga lang ng napakaraming aksyon at minsan pa nga tayo mismo nag dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng problema.

Pwera na lang kung katulad ng nangyari saakin ngayon. Tama, minsan kong hiniling noon pero hindi ito ang eksaktong sitwasyon na gusto ko.

Bago ang lahat ng nagyari saakin ay sa pagkakatanda ko ay pumasok ako sa aking kwarto, kumuha ng unan at kumot at inilatag sa kama ko.


Ang pagtulog sa gabi ang pinaka magandang bagay na mangyayari sa araw ko dahil sa wakas makakapagpahinga ang katawan at isip ko.

Gayumpaman nung ilatag ko na ang katawan ko sa kama at dinadama ang malambot na higaan, habang inaamoy amoy ang mabangong pabango ng aking kumot at unti unting dinadalaw ng antok ay biglang may hindi ako inaasahan na mangyari.

Kasabay ng pagpikit ko para matulog ng mahimbing ay bigla kong naramdaman ang kakaibang bagay sa katawan ko.

Hindi ko alam pero parang hindi komportable ang katawan ko sa pwesto ko, Nakaririnig din ako ng kakaibang tunog na para bang nasa labas ako.

Alam ko na may mali sa paligid ko kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na dumilat at bumangon.

" Anong? Ano nanaman ang kalokohan na ito?" 

Hindi ko alam kong nananaginip na ba ako pero hindi ako makapaniwala ng makita ko ang sarili ko sa isang kwarto na nakaupo. Sa porma ng kwarto na iyon ay isa itong napakalaking School room dahil sa pwesto ng mga upuan na inuupuan ng mga kabataan at malaking pirasa sa harap.

Agad akong tumingin sa paligid at nakita ang ibnag tao na kung titignan ko ang mga kasuotan nila ay para silang mga estudyante. 

" Ok daniel, huminahon ka, wag kang mag papanik ." 

Pilit ko pinapakalma ang sarili ko at hinampas ang mukha ko ng dalawa kong mga kamay dahil baka sakaling nananaginip lang ako. sa paghampas ko sa mukha ko ay nagtinginan ang mga tao na naroon dahil hindi nila alam ang ginagawa ko sa sarili ko.

Pero sa muli kong pag dilat ay naroon parin ako at nararamdaman ko ang sakit ng pisngi ko dahil sa pagkahampas ko, alam ko na hindi lang ito basta panaginip at punong puno ako ngayon ng takot,kaba at kalituhan.

" Ano bang nagyayari dito?!" 

Sigaw ko Kasabay ng pag tayo ko para lumabas ng kwarto na iyon. Ang totoo hindi ko alam kong saan ako pupunta pero wala na akong paki kung saan man ako dalhin ng mga paa ko dahil sobra na akong nababahala sa sitwasyon ko.

Ang mapunta sa ibang lugar na wala kang alam at kakilala na sino man ay talagang nakakabahala at hindi ko nga alam kong bakit ako naririto ng walang pasabi man lang.

Pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko at sobra akong nahihiya sa mga batang ito. Nasa eskwelahan ako ng mga high school student.

Dahil sa pag ilang ko sa mga tao ay agad akong nagpunta sa Cr ng mga lalaki at maswerte naman na walang ibang tao ang naroon.

Sobrang nagpanik ako at hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.


" Ano bang nangyayari bakit nasa eskwelahan ako ng mga high school?" 

Naguguluhan ang isip ko kaya naman dumeretso ako sa gripo at agad na  maghilamos para mahimasmasan.

Sa pag saboy ko ng tubig sa mukha ko ay may bigla akong napansin na nakita ng mga mata ko. Tama, napahinto na lang ako nang bigla kong nasilayan ang itsura ko sa salamin.

Hindi makakatotohanan ang biglaan kong pagpunta sa lugar na ito pero may mas matindi pa palang nangyari saakin na mas dapat kong ikabigla.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sa salamin ang repleksyon ko at doon nalaman ko na nagbago mag itsura ko. Bumata ako at nagbalik sa pagiging teen ager at kagaya ng ibang mga estudyante ay nakasuot ako ng uniform.

Hindi ko maintindihan at malaman ang nangyayari kaya naman kinapa ko nag mukha ko habang nananalangin na sana isa lang itong panaginip.

Sa mga sandaling nagpapanik ako ay biglang may nagsalita sa likuran ko.

" Kamusta, nagustuhan mo ba ang bago mong katawan?" 

Agad kong nilingon ito at doon ko nakita ang anghel na si momo, naka upo sya sa isang upuan na may mesa habang umiinom ng tsaa at kalmado lang na nagsasalita saakin habang binabati ako.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa pagkakataon na iyon dahil sa totoo lang walang ibang paliwanag sa bagay na naganap saakin kundi ang pag dala saakin ng anghel na ito gamit ang kapangyarihan nya.

Pero hindi ko alam kong dapat ba akong magtanong tungkol sa nangyari saakin o mas una kong tanungin dito ay kung bakit nagagawa nyang  magdala ng lamesa at kalmadong mag tsaa sa loob ng banyo ng mga lalaki.

" Sabi ko na nga ba ikaw ang may gawa nito saakin, anong ginawa mo saakin at bakit ako nandito?" Tanong ko rito.

" Ginawa ko lang ang gusto mong mangyari sa paraan na pwede kong pangalagaan ang balanse at kaayuaan ng lahat." Sagot nito saakin.

Ipinaliwanag saakin ng anghel na dahil hindi nya maaaring hindi ako pagbigyan sa mga ninanais ko ay binigyan nya ako ng pag kakataon na maranasan sa realidad ang pantasya na gusto ko.

Ipinakilala nya ang mundong kinaroroonan ko na Earth na isa sa bilyong version ng realidad. Para mas mainitindihan ko ay pinasimple nya ang bagay na iyon.

Ang mundong ito ay bunga ng napakaraming pagkakataon at hinaharap. Sa mundong ito na malayo sa pinang galingan ko ay hinayaan ng diyos na mag taglay ang mga tao ng kapangyarihan.

Umiiral ang mundong ito sa ibang dimensyon na malayo sa pinangalingan ko at ayon sa kanya ay dinala nya ang kamalayan ko sa katawan ng nilalang na si DD. Ang Daniel sa mundong ito.

Gayumpaman kahit nauunawaan ko ang sinabi nito tungkol sa kung nasaan ako ay agad ko naman natanong kong ano naman ang mapapala ko sa lugar na iyon.

" Kagaya ng nabangit ko ay pinayagan ng diyos na magtaglay ng kapangyarihan ang mga narito kaya naman nung nakita ko ito ay naisip ko na dito ka nababagay na mundo. Atleast dito mararanasan mo ang iyong kabaliwan sa mga weirdong bagay." 

Hindi ko makuha kung ano ang ibig nyang sabihin sa mga weirdong bagay na kinababaliwan ko pero medyo pumapasok naman sa ulo ko ang paliwanag nya.

Inilagay nya ako dito para maranasan ko ang mga bagay na hindi ko pwedeng gawin sa earth na pinangalingan ko.

" Ok, nakuha ko na so nag eexist ang magic at kapangyarihan sa lugar na ito ibigsabihin may kapangyarihan ako dito?" 

" Tama,  sa mundong ito lang kita pwedeng gantimpalaan ng kapangyarihan." Sambit nito.

Lumutang ang isang litrato kung saan nagpunta ito saakin. Dito nya ipinakilala ang isa sa mga dakilang bayani noon na nabuhay isang libong taon ng nakakalipas.

Ito si Freedom at kilala sya bilang tagapagligtas noong unang siglo dahil sya ang naging susi para manalo ang lahi ng mga tao sa mga halimaw at maitatag ang mga bansa.

" Oh.. ano naman ang kinalaman nito saakin?" 

" Ang lahat ng kapangyarihan, nalalaman at kakayahan nya ay tataglayin mo sa mundong ito." Sagot nito saakin.

Mukha namang namangha mangha pero hindi ko magawang matuwa o maexcite man lang siguro dahil nagtatanong sa isip ko kung ano ba ang kaya nitong gawin o ano ba ang pwede kong magawa kapag tinaglay ko na ang kapangyarihan nito.

Muli syang humigop ng tsaa at ilang sandali pa ay nagpapaalam na saakin dahil para sa kanya ay nagawa nya na ang misyon nya. Pinaalala nya na ilang oras mula ngayon ay papasok na sa ulo ko ang ala ala ng daniel  sa mundong ito at tuluyan ng magsasanib ang katauhan namin. 

Nagulat naman ako sa pagpapaalam nya at bigla itong pinatigil sa pag alis

" Ok nakukuha ko na pero sa totoo lang hindi ko alam pero sa tingin ko may kulang sa nangyayari." Sambit ko rito.

Nagtaka ako dahil ipinunta nya ako sa lugar kung saan ko mararanasan na magkaroon ng kapangyarihan at  binigyan ng malakas na kakayahan pero bakit wala syang ibinigay na gagawin ko sa mundong ito.

" Anong ibig mong sabihin?" Tanong nito saakin.

" Mga exciting na misyon o dakilang bagay, Anong dinala mo lang ako sa mundong ito tapos bahala na ako mabuhay at huminga na wala man lang akong gagawing magandang bagay ." Sagot ko rito.

Sandaling tumahimik ang lugar sa hindi nya pag sasalita at hindi ito kumikibo habang patuloy lang na humihigop ng tsaa.

" Teka talagang wala kang balak na bigyan ako ng misyon o goal man lang? Para ka lang nagtapon ng aso sa gubat tapos hayaan na dumiskarte na mabuhay doon. tanong ko ulit dito.

Bumuntong hininga lang si Momo at nagreklamo tungkol sa dami ng demand ko sa kanya at para sa kanya ay hindi ko na kailangan gawin komplikado ang lahat, ayon sa kanya mas simple kong manatili akong mabuhay ng payapa at humihinga sa mundong ito hangang sa tumanda at malagutan ako ng hininga.

" Hindi mo dapat sinasabi ang mga bagay na yan na para bang isa lang akong bagay na papalipasin lang. Bigyan mo naman ng saysay ang buhay ko." Galit kong sambit.

Napailing ito at ngumisi na tila ba nadidsmaya, hindi ko alam kung para saan ang ginawa nyang iyon nung marinig nya na gusto ko na magkaroon ng saysay ang buhay ko pero talagang nakakainsulto iyon.

Ilang sandali pa ay ibinaba nya ang tsaa nya at nangako saakin na pag iisipan ang mga hiling ko.

Ipinaliwanag nya na hindi nya basta basta pwedeng gawin ang mga bagay ng isang iglap lang na hindi ikinokonsidera ang magiging epekto nito sa balanse ng mundo.

" Sa ngayon kailangan mo munang gawin ang mga ginagawa ni Daniel sa mundong ito habang nag iisip pa ako kong paano ba magkakaroon ng saysay ang buhay ng kagaya mo" Sambit nya saakin.

Masama sa pandinig ang huling sinabi nya na para bang minamaliit nya ang pagkatao ko kaya hindi ko naiwasan matanong kung may nagawa ba akong mali sa kanya at napakasama ng pakikitungo nito saakin.

Habang nag uusap kami ay unti unting sumasakit ang ulo ko na tila ba may migraine ako kaya naman hindi ko naiwasang mapayuko at hawakan ito sa sobrang sakit.

Dito sinabi nya na nagsisimula na ang pagsasanib namin ng katauhan ni DD at sa oras na mangyari iyon ay mapupunta saakin ang nalalaman, alaala at ang buhay ng daniel na nasa mundong ito.

Hindi ko na maunawaan ang mga huling sinasabi nya dahil umiikot na rin ang paningin ko at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong nanlambot at napaupo sa lapag.

Hindi ko gusto ang nararamdaman ko pero kahit na pigilan ko ay unti unting pumipikit ang mata ko at hindi nag tagal ay nawalan ako ng malay tao.

" Anong nagyayari saakin ?" 

Sa muli kong pag gising ay nasa School clinic na ako at nakahiga sa isa sa kama nito.

Agad kong pinagmasdan ang paligid at nakita ang magandang mga kagamitan sa loob nito.

" Aray ko, teka anong oras na?" Tanong ko.

Nakita ko ang orasan sa itaas ng dingding nito at bigla akong nagulat at napatayo para magmadali.

" Naku alas dyes na ng umaga mahuhuli na ako sa klase ko. "

Sobrang nagpanik ako at napatayo pero bago pa ako makalayo sa higaan ko ay bigla na akong napatigil. Naguluhan ako at labis nag taka sa ikinilos ko.

"Sandali? Mahuhuli? Teka saan? Bakit parang may bigla akong dapat puntahan." Sambit ko.

Dito ay biglang sumakit ang ulo ko at napapikit na lang hangang sa nagulat ako dahil naaalala ko ang tungkol sa mundong ito.

" Tama, nagsanib na kami ng daniel sa mundong ito at malamang sa kanya ang alaala na ito." 

Nalaman ko na kailangan kong pumasok sa subject na pinapasukan ko at napaka importante na mapasukan ko ito dahil malapit na ang exam.

Hindi ko alam kung bakit nag aalinlangan ako siguro dahil matanda na ako at nasa katawan ako ng isang teen ager  at papasok ako sa paaralan muli pero naisip ko rin na wala rin naman akong ibang magagawa kundi pumasok doon dahil sa totoo lang kagaya ng ibang eskwelahan ay nakakulong kami sa loob hangang matapos ang araw ng klase.

Nagmadali na akong lumabas at agad na dumeretso sa silid kung saan natatandaan ng katawan ko kong nasaan ang klase ko.

habang naglalakad ako ay bigla kong naalala ang patakaran ng eskwelahan na pinapasukan ko at sa totoo lang ay may hindi patas na sistema na tumatakbo sa lugar na iyon.

Ang aixan School of art and magic ay isang pangunahing paraalan ng kaharian kung saan nag aaral ang karamihan sa piling eatudyante sa bansa.

Nahahati ang antas ng mga estudyante sa limang na rank, Rank A, rank B, rank C, rank D at Rank E.


nakabase ito sa final grade nila na may grado na 100- 95 para sa rank A, 


94-90 sa Rank B


89-85 sa rank C 


84- 80 sa Rank D


 at ang huli ay 79- 75 sa rank E.

Ang mga rank A ay mga estudyante na pasok sa mataas na pamantayan ng eskwelahan at nakakuha ng mataas na grado sa semester exam. 

Kadalasan din sila na nagmula sa mayayamang pamilya sa lungsod at mga anak ng mga maharlika sa kaharian.

Nahahati sa apat na uri ang Exam, dungeon. written, Battle at magic craft. Lahat ng iyon ay kailangan mong maipasa kada tatlong buwan kundi patatalsikin ka sa eskwelahan na ito.

Napakasimple kung ipapaliwanag pero hindi ito madaling gawin  dahil may ibat ibang kakayahan ang mga tao at hindi lahat ay kaya mong gawin kahit na gusto mo at sa kamalas malasan pag kakataon ay hindi ko malaman kung bakit ako nahahanay ngayon sa Rank E.

Hindi masaya malaman ito dahil iba ang pagtrato sa mga nasa Rank E sa lugar na ito pero hindi ko rin naman masisisi ang daniel sa mundong ito dahil base sa naaalala ko ay kahit magsumikap ako ay hindi ko talaga kaya ang ibang pinapagawa nila.

Kagaya lang ito ng dati kong mundo na hindi lahat ay kaya mong gawin lalo na wala ka namang talento at wala kang magagawa kundi sumabay na lang sa agos.

Base sa alaala ko ay hindi ako para sa ganitong bagay dahil sa hina ng katawan at mahika na taglay ko pero kailangan kong makapagtapos sa eakwelahan na ito para magkaroon ng maayos na trabaho.

Napipilitan na lang pala ang dating Daniel na pumasok dito at wala rin yun pinagkaiba saakin noon nung nasa earth ako dahil kaya lang ako pumapasok para makapagtapos agad para makakuha ng trabaho.

Kasamaang palad ay kagaya nya pareho kaming walang talentong taglay at hindi magtatagal ay mabibigo rin sya kagaya ko.

Hinawakan ko ang rank E badge sa uniform ko at naiisip na hindi ko pwedeng hayaan na maulit ang pagkabigo ko sa buhay. Isang bagay na labis kong pinagsisihan noon nung nasa earth ako.

Pumasok ako sa isang silid kung saan ang klase ko para sa subject ko.


Sa ekwelahan na ito ay magkakasama ang mga estudyante kahit magkakaiba sila ng antas depende sa subject at guro na may hawak sayo.

Sa pag pasok ko sa silid ay nagtinginan agad ang mga kasamahan ko at natigil ang pagtuturo ng guro ko at sa tingin ko nakuha ko talaga ang atensyon nila.

Hiyang hiya ako na nagkayuko habang pumapaaok sa classroom namin, hindi ko talaga kaya ang mga ganung sitwasyon pero mabuti na lang at nasa likuran ang upuan ng mga rank E kaya hindi masyadong marami ang taong nananatiling nakatingin saakin.

Hindi ko alam kong dapat ko ba talagang ikatuwa na nasa lugar ako ng mga rank E dahil kung tutuusin nahahanay ako sa mga mababa at mahihina.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakakasabay na ako sa mga pinag aaralan at hindi naman ako nahihirapan dahil sa kaalaman ng Daniel na nakuha ko.

Hindi ko alam kong mag eenjoy ba ako pero habang binabasa ko ang libro ko ay inaantok agad ako at naaalala ko lang kung bakit ayaw ko ang pag aaral.

Alam ko naman na mahalaga ang pag aaral pero sobrang nakakabagot ito pero siguro dahil boring ang naging kabataan ko noong nag aaral pa ako.  

Dahil sa kaisipan na iyon ay unti unti kong naisip na kung naging  walang kabuhay buhay ang buhay ko noong kabataan ko ay magiging boring din kaya ang magiging buhay ko rito sa panibago kong mundo?

Ang totoo hindi ko alam at sino ba ang makakapag sabi ng hinaharap? Alam ko na may dapat akong baguhin , mga bagay na kailangan na mangyari na  hindi ko sinubukang gawin noon.

Hindi ko alam kong paano iyon gagawin pero sisiguruhin ko na hindi ko na muling gagawin ang mga pagkakamali ko noon na naging dahilan kung bakit ako humantong sa pagiging talunan at mag isa


end of part 1


Alabngapoy Creator

Part 1