Cbapter 16 part 2

Lumipas pa ang ilang araw ay naging laman ako ng library at naging nerd sa pag babasa ng mga libro. 

Dahil nga kayang umalala ng maraming bagay na napag aaralan ko ang isip ko ay sinulit ko ito at kahit ang ibang tapos na pag aralan ay binabasa ko ulit.

Dahil rin sa pagiging nerd ko sa pag aaral ay maraming nakakapansin na mga estudyante na nagpapakabusy na ako sa pag aaral. Tingin ko rin naglalaho na ang tsismis tungkol saakin na isa akong sangano na mahilig sa gulo.

Maganda sana kung ang labat ng tsismis ay mawala na pati nag tungkol sa confession  ko kay elisa.

Habang nasa Library ako ay bigla kong naisip na muling kumuha ng libro na bago kaya naman tumayo ako sa upuan at nagsimulang maghanap ulit.

Libo libong libro ang nandoon at hindi ko naman pwedeng lahat iyon ay basahin kaya naman kaikngan ko lang pumili sa pwede kong mapakinabangan.

habang naglalakad ako sa gitna ng mga naglalakihang mga bookshed ay nadaanan ko ang isang babaeng nasa itaas ng hagdan at kumukuha ng napakaraming libro. 

Ito ay may maikling brown na buhok at hindi ko masyadong makita ang itsura nya dahil bigla akong nailang ng makalapit ako kunti sa kanya.

Ang babaeng ito ay may maikling paldang sout kaya naman hindi talaga akma para sa kanya na umakyat sa hagdan dahil masisilipan sya pero parang hindi sya aware sa ganung bagay.

Para hindi na ako magkasala at mapagbintangan na maninilip ay umatras na ako sa paglalakad para umalis pero hindi ko inaasahan na mapapansin nya ako at agad na tumingin sa ibaba.

" Oh.. sandali tulungan mo naman ako."

Nagpatulong ito dahil nga sa pag buhat nya ng mga libro ay nahihirapan syang makababa at nag aalinlangan na humakbang pa.

Bilang maginoo ay hindi ko naman kayang basta pabayaan ang babaeng iyon kaya muli akong lumingon sa kanya at nagulat ako sa nakita ko.

Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman koat halos mapatulala na lnag sa kanya.

Ang babaeng nasa itaas ng hagdan ay kamukhang kamukha ni Lea at kahit na maikli ang buhok nito ay hindi ako pwedeng magkamali sa porma ng mukha nito.

" Lea? Ikaw ba yan?" 

"Huh?" 

Nagtaka ang babae sa naging reaksyon ko sahil hindi ako nagsasalita at nakatitig lang hangang sa magsalita na sya at humingi ng tulong.

" Ah.. eh.. hindi ko alam kong ano ang sinasabi mo pero pwede mo na ba ako tulungan?" 

Nangawit ang kanyang mga binti at dahil nakahawak ang mga kamay nya sa mga libro ay hindi nya nagawang makakapit kaya naman nung madulas ito ay dumeretso lang ito sa pagkahulog.

Agad naman akong tumakbo para saluhin ito sa pagkakahulog at para umabot dito ay lumundag na ako.

Maswerte naman at nakuha ko sya sa huling mga segundo bago pa sya tumama sa sahig pero tumama saamin ang mga libro na bumaksak din kasunod nya.

" Aray ko, ayos ka lang? " Tanong ko.

Nakaupo ako habang buhat ko sya at hindi parin ito kumikibo habang nakapikit na tila ba takot na takot.

" Ah.. ok na ligtas ka na lea." 

Pagdilat nya ay bigla syang nagulat at tila ba hindi makapaniwala. Hindi ko alam kung bakit parang mas nagulat pa sya kesa saakin gayung hindi parin ako makapaniwala na makikita ko si Lea.

Gayumpaman nung tawagin ko ulit sya sa pangalan nya ay hindi ito umiimik kaya bigla kong naisip na baka kagaya ni Elisa ay hindi nya rin ako kilala sa mundong ito.

" Ayos ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" 

Nag alala ako dahil hindi ito umiimik at nakita ko rin na may mga tama ito sa ulo ng libro dahil sa mabibigat ang mga ito at may matulis na bahagi kaya kinabahan ako nung may nakita akong sugat sa kanyang noo.

Binuhat ko sya agad at hindi na ako nag aksaya pa ng oras at dinala ito sa clinic. 

" Kailangan mo agad magamot, dadalhin kita sa  clinic." 

Gulat na gulat ang ilang mga estudyante na nakakita saamin at nagbubulungan, hindi ko marinig ang bulungan nila pero nagtataka ako kung bakit mas gusto pa nila na makipagtsismisan kesa tulungan kami.

Sa paglabas ko ay naaalubong ko ang mas maraming estudyante at habang naglalakad palayo ng library ay bigla akong hinarang ng ilang estudyante na may bandana sa braso at hindi ko alam ang trip nila pero ayaw nila akong paraanin.

" Teka anong ginagawa mo sa kanya? Bitawan mo sya lapastangan." 

" Teka ano bang sinasabi nyo? Dadalhin ko lang sya sa clinic kaya bakit ba kayo nagagalit?" 

Galit ang mga ito at gustong pabitawan saakin ang babae na oara bang may mali akong ginagawa at kahit na nag papaliwanag ako sa kanila na nais ko lang tumulong ay hindi nila ito tinatangap.

" Hangal ka, wala ka bang utak. Ang babaeng hawak mo ay isang princesa ng kaharian." 

Nagulat ako sa nalaman ko at hindi makapagsalita. Ilang sandali pa ay kusang bumaba sa bisig ko ito at pinatigil ang mga estudyanteng sumisigaw saakin.

" Tama na yan, gusto nya lang tumulong."  Sambit nito.

" Princesa Aliya ayos lang ba kayo?" Tanong ng estudyante.

" Kunting sugat lang ito hindi ako mamamatay dahil dito." 

Bigla akong hinaltak ng isa sa mga ito na para dumistansya sa kanila. Dito pinagsabihan ako na wag maging mapangahas sa harap ng princesa.

Ipinakilala nila ito ang babae na si Aliya lionheart ang ika Apat na princesa mula sa ikalimang asawa ng hari at sinabihan  nila ako na hindi pwedeng lumapit kay Lea ang mga tulad kong dukha at nabibilang sa Rank E.

Hindi ako makapaniwaka na isa ring princesa si Lea sa munding ito at talaga pambihira ang pagkakataon dahil nagkita kami sa hindi inaasahan na sitwasyon.

Gayumpaman kahit na galit na galit ang mga tauhan nya dahil sa paglapit ko dito ay nagpasalamat ito sa pagtulong ko sa kanya." 

" Pasensya ka na sa mga tauhan ko dahl ang OA nila pagdating sa protekayon ko pero nagpapasalamat ako sa ginawa mong pagliligtas saakin."  Sambit ni Lea.

" Walang anuman lea, teka kamusta ang sugat mo? Kailagan mong magpunta agad sa clinic." 

Bigla itong napangiti at baghang tumawa dahil masyado akong nag aalala gayung galos lang ang natamo nya.

Sinabi nya saakin na kahit isa syang princesa ay isa syang mandirigma kaya normal sa katulad nya ang masaktan o masugatan. Hindi ito big deal at ang totoo para aa kanya ang mga sugat ay simbolo at tanda ng pagsisikap at dangal.

" Pero sa tingin ko kailangan mo parin mag ingat, Nagdurugo na ang sugat mo." Sambit ko dito.

" Teka hindi mo ba ako nakikilala? Hindi lang halata sa itsura ko ay malakas ako at  sanay na lumaban kaya bale wala saakin ang sugat na ito." 

" Hindi naman ito tungkol sa kung malakas ka o isa kang Rank A Isa ka paring babae  at kailangan mong alagaan ang sarili mo." 

" Teka minamaliit mo ba ako dahil sa isa akong babae?" 

Pakiramdam ko nainsulto ito sa sinabi ko kaya naman agad kong binawi ito at ainabi ang gusto kong iparating na para saakin kahit na malakas ang isang babae ay dapat na marunong itong alagaan ang sarili nila.  

" Lahat ng bulaklak ay dapat palaging maganda at maayos kahit na saang lugar sya tumutubo." 

Bigla itong namula at sa hindi ko inaasahang pag kakataon ay may apoy na nagliyab sa kanyang ulo.

Nagpanik ako sa nakita ko at akala ko talaga nasusunog ang ulo ni lea. Hindi ko alam ang gagaein ko kaya naman bigka akong nag cast ng magic circle.

" Naku sandali lea nasuanog ang buhok mo. Sandali wag kang gagalaw." 

Gumamit ako ng water magic at  bumuhos ang tubig sa ulo nito para patayin ang apoy.

Gulat na gulat ang mga naroon at halos magsisigaw sa galit saakin.

" Anong ginawa mo sa princesa?!" 

" Huh? Nasusunog sya hindi nyo ba nakikita?" sambit ko rito.

Basang basa si Lea at bakas sa mukha nya ang matinding pagkabigla at untu unting nag aapoy sa galit.

Sumiklab ang apoy sa paligid nito kasabay ang pag angat ng kanulyang mga buhok at naging tunay na apoy.

Hindi ako makapaniwala sa nakikta ko dahil ngayon lang ako nakakita ng nag aapoy sa galit.

" Teka nag aapoy ka, ayos ka lang ba lea?" 

" Napakalakas ng loob mo gawin iyon saakin. Pagbabayaran mo ito." 

Biglang nagliyab ang kanyang mga kamay at dali dali akong sinutok sa mukha.

Habang naka higa ay nabalot ako ng apoy at nasusunog. Mabuti na lamang at nakapag cast agad ako ng water magic para patayin ang apoy.

" Aray ko, saan galing yun? Teka bakit ka nagliliyab?" 

Hindi parin ako makapaniwala dahil patuloy na nagliliyab ang buhok ni Lea at base sa alam ko ay hindi normal na nanatili ang apoy sa katawan ng tao kahit sabihin pa na gumagamit ito ng fire magic.

" Napaka bastos mo, sino ka para basain ako sa harap ng maraming tao." 

Patuloy syang nagagalit at dahil doon ay humingi ako ng tawad dito at sinabing hindi ko sinasadya ito dahil natakot lang din ako na masaktan sya sa apoy.

" Wala talaga akong intensyon na masama at isa pa akala ko talaga nasusunog nag buhok mo kaya nag aalala lang ako na masaktan ka." 

Bigla itong napatahimik at biglang kumalma ang apoy na buhok sa narinig nya at para lalo pa itong kumalma ay sinubukan ko na magbiro dito.

" Pero wala naman masama sa nangyari dahil talaga namang dinidiligan ang mga bulaklak na gaya mo." sambit ko.

" Dinidiligan? Niloloko mo ba ako? Sinasabi mo bang hindi ako naliligo?" 

Minasama nito ang pagbibiro ko n parang bata At muli itong nagalit saakin, hindi ko alam kong saan galing ang sinasabi nya pero bigla na lang syang lumusob at gusto makipaglaban.

Gayumpaman dahil sa biglang pagbagal ng oras ay naging madali saakin ang pag ilag dito at palayo.

" Makakatikim ka talaga saakin." 

" Sandali, huminahon ka, bakit ka na gagalit? pwede b aayoko ng gulo dahil hindi ko gustong saktan ka."  sambit ko.

" Saktan ako? Isang rank E ang nagsasabing saktan ako? Mayabang ka." 

Bigla kong naalala ang itsura ni Lea kaoag nagagalit at hindi ito nagbago kahit nasa iba kaming mundo kaya naman nakaramdam ako ng biglaang pagkatuwa.

Napangiti ako dito at napabulong sa hangin.

" Ikaw nga yan, lea." 

Gayumapan hindi natuwa ang babaeng ito sa pag ngito ko at inisip na pinag kakatuwaan ko sya at minamaliit. Nainsulto ito dahil isa lang akong rank E pero naoakalakas daw ng loib kong pagtawanan sya.

" Teka hindi naman kita pinagtatawanan, bakit ba masyado mong minamasama ang ginagawa ko?" 

Lalo itong nagalit  at nagsimula muling atakehin ako ,  pinilit nya na matamaan ako pero hindi naging epektibo ang mga atake nya at ilang sandali pa ay gumagamit na sya ng apoy at kahit hindi ako tamaan nito ay nararamdaman ko na napakainit nito.

" Sandali, bakit ka gumagamit ng mahika ? Pinagbabawal yan ng school." 

Dahil sa mahika ay nagagawa ko pang protektahan ang sarili ko sa pagkasunog pero nararamdaman ko parin na napakainit nito tuwing dadampi sa balat ko.

Hindi ito nakinig saakin at para bang natutuwa ito sa ginagawa nyang pakikipag laban saakin. Bakas aa mukha nya ang kasiyahan habang patuloy na nakikioag laban saakin.

Wala akong magawa kundi sumalag at umilag dahil hindi ko kayang sapakin ko sipain man lang ito dahil nga sa isa itong babae.

Habang naglalaban kami ay padami ng padami ang mga tao sa paligid at nakakatiyak ako na malalagot nanaman ako sa komisyon na ito. Ayoko ng maparusahan pa at masermunan dahil sobrang nakakahiya na.

" Ang kulit mo talaga, pinipilit mo akong saktan ka." 

Nang makailag ako sa sipa nya ay bigla ko syang dinakma at binuhat si lea. 

" Teka anong ginagawa mo?" 

Alam ko na ilang sandali lang ay paparating na ang mga gwardya kaya naman agad akong tumalon paakyat sa 2nd floor.

" Hoy sandali lnag ano bang ginagawa mo?" 

Gamit ang enhancer ay nagawa kong palakasin ang katawan ko at dahil nga sa kaalaman ni Freedom ay nagagawa kong makaakyat sa gusali gamit lang ang pag takbo sa pader nito.

" Hoy saan mo ako dadalhin. Manyak ka bitawan mo ako." 

Sinubukan ko na makalayo sa mga tao para iwasan pa na may makakita saamin at maka alam sa mga nangyari pero sa pagtalon ko sa susunod na gusali ay hindi ko inaasahan na mapupunta  pala kami sa gusali ng mga guro.

Doon nakita nila ako mula aa bintana habang buhat buhat si lea at hindi makapaniwala. Nakita ko rin doon ang ilang mga estudyante kasama na si Elisa na tila nag pupulong sa kwartong iyon.

Alam ko na sa mga oras na iyon ay malalagot ako sa kanika kaya naman ngumiti na lang ako sa kanila at sinimukan ulit tumakbo sa bubungan ng gusali.

" Napaka malas naman na araw ito." 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta at natatakot na rin ako sa pwedeng mangyari saakin pagkatapos nito. Ayokong mapatalsik sa school na ito dahil masasayang lahat ng pinagpaguran ko pero patuloy akong nakakagawa ng paglabag.

" Hoy bitawan mo nga ako. Ano ba, saan mo ako balak dalhin?" 

Nagpupumiglas ito habang inuutusan na bitawan ko sya at hindi ko alam kung aware ba sya na nasa itaas kami ng bubong kaya hindi ko aya pwedeng basta bitawan.

Dahil sa nasasaktan na ako sa pagpupumiglas nito ay nag aaway na kami kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko na lalong higpitan ang hawak sa kanya at tumalon ng napakataas.

Hindi ko akalain na kaya kong tumalon ng napaka taas sa halos 50 metro mula sa lupa. Kahit ako ay nabigla at sandaling natakot sa pagtalon ko.

Tanaw na tanaw ko ang kapaligiran mula roon.

Naisip ko na epekto ito ng mahika ni Freedom na biglang napagana dahil sa pag iisip ko at kagustuhan na makatalon.

Pinilit kong kumalma dahil alam kong maaari kaming mamatay sa oras bumagsak kami sa ganun kataas na lugar.

Todo naman ang pagkapit saakin ni Lea at patuloy na sumisigaw dahil sa takot.

Hindi ko alam ang gagawin ko pero mabuti na lang lumabas si Fufu para tulungan ako. Nabalot ako ng awra nito at lumutang sa ere.

Nanatili kami na lumutang habang pinagsasabihan ako ni Fufu na wag maging padalo dalos sa pag gamit ng kapangyarihan.

" Pasensya na pero kahit ako hindi ko alam na gagana iyon bigla." 

Unti unti kaming bumaba sa lupa at matagumpay na lumapag sa gitna ng plaza ng Eskwelahan.

" Ayos ka lang? Ligtas ka na." 

Ibinaba ko si Lea na hangang ngayon ay patuloy na naginginig dahil sa takot. Hindi ito maka imik dahil sa naranasan nito at nalilito narin tungkol saakin.

" Sino ka ba talaga? " Tanong nito.

" Huh? Ah .. eh ako si Daniel at isa akong rank E ." 

Habang nasa gitna kami ng plaza ay  pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid at  ilang saglit pa ay biglang na lang pumito ang mga gwardya at nagmadaling hulihin ako. 

Pilit akong nag mamakaawa sa kanila at nagpapaliwanag pero hindi sila nakikinig.

Sapilitan nila akong kinuha at dinadala muli sa opisina.

"  Wag kang makulit at sumunod ka na lang, " 

" Wala naman akong ginagawang masama , sandali lang manong." 

chapter 16 part 2

Alabngapoy Creator

Chapter 16 part 2