Chapter 21 part 2

Kinabukasan nag aimula na ang dungeon quest at magtatagal ang dungeon test ng tatlong araw.

Ang dungeon test ay may tatlong pagsubok at mangyayari iyon sa loob ng tatlong araw.

Kinakailangan matapos ng isang estudyante ang pagsubok at bibigyan sila ng mga grado depende sa kanilang performance.

Hinati hati ang batch ng mga estudyante depende sa kanilang taon, at hinahati rin ang mga estudyante base sa kanilang section para hindi magsabay sabay sa pag gamit ng dungeon  kagaya sa 3rd year na may isang libong estudyante ay hinatin ito sa isang daan at isa isang sasalang bawat batch sa pagsubok.

Habang nag aantay ng pagsalang ang mga estudyante ay pinapasok sila sa loob para doon mag antay.

Dahil unang araw lang ito ay magsimuka ang dungeon quest sa pangungulekta ng mga item sa ika una at ikalawang gate.

Ang gate ng dungeon ay isang napakalaking pinto ng portal kung saan ito lang ang daan papasok sa isang lupain na halos may lawak na isang daang hektarya na isla.

Nabubuhay ang mga kakaibang halman at hayop doon at iba iba ring mga bagay ang naroon.

May iilang halimaw din dito na nabubuhay pero mga class DAt C lang ito na kadalasan ay hindi agresibo kaya naman nag lagay din ang eskwelahan ng mga magical item kagaya ng puppet at patibong upang makaharap ng ilang eatudyante makakasalubong nito

Ipinaliwanag sa kanila n asa loob ng isang oras ay kaikngan nila makumoleto ang sampung materyales na galing sa dungeon at ilagay ito sa sampung magic Bag.

Ang bawat makukuha nila ay may katumbas na puntos Depende sa halaga at rarity at dito magmumula ang kanilang score.

Hindi kinakailangan ng mga kalahok na makipag laban dahil maaari silang lumabas sa dungeon kung tapos na mag pangungulekta.

Kahit na marami ang kalaban nya sa pag kuha ay hindi naman nangangamba si Daniel dahil nga alam nya ang mga detalye ng mga item na matataas ang grado dahil sa mga libro nyang nabasa.

Napaka laking advantage din na kasama nya si Fufu na maraming alam sa dungeon dahil ang dungeon ay misan naging tahanan ng mga diwata aa haloa isang libong taon.

Habang naglalalad ay nasalubong ni Daniel ang grupo ni Elise at agad na lumapit dito para batiin ito.

" Magandang umaga Elisa, Nakuha mo ba ang binigay kong eggpie? Masarap ba?"  Tanong nito.

Bigla syang hinarangan ng mgabtauhan nito bago pa sya makalapit at pinapalayo. 

" Napaka over protective nyo naman, gusto ko lang bumati kay elisa." 

Ilang segundo rin tahimik na tinititigan ni Elise si Daniel na tila sinusuri ito kaya naman agad na nagtanong si Daniel kung may nagawa nanaman itong mali.

Ilang saglut pa ay mismong si Elise na ang lumapit sa binata at nagtanong kung ano nga ba talaga ang pakay ni Daniel sa kanya.

Hindi normal ang ipinapakita ni Daniel at masyadong kahinahinala na ipinagpipilitan nito ang sarili nya kay Elisa sa kabila ng alok ni Aliya.

" Teka hangang ngayon hindi ka pa rin naniniwala na gusto ko talagang makipag kaibigan sayo?" 

" Tigilan mo ako sa kalokohan mo. Isa akong Maharlika at sa tingin mo talaga tatangapin ko maging kaibigan ang katulad mo?"  Sambit nito.

Napaisip ang binata na talagang napaka hirap nito pakisamahan pero inunawa ito ng binata dahil nga sa naiiba ang kinalakihan nitong kasanayan at itinuturingbna banta ang lahat ng nasa paligid nya.

Dahil sa komosyon ay muling nabaling sa kanila ang atensyon ng marami. Nagbulong bulungan ang mga ito at dahil doon ay naiilang si Daniel lalo na nakikita nyang nagkakaproblema sya kay Elisa.

" Hindi ko alam kung ano ang binabalak mo pero dahil mukhang may pakinabang ka ay sige tutal ang mga tuta ay hinahabol ang master nila ." 

Napabuntong hininga si Daniel para pakalmahin ang sarili nya at ngumiti lang na nagbibiro dito. 

" Mas ok na tawagin itong isang knight na nagsisilbi sa kanyang princesa." 

" Knight? Hahaha. Interesante pero kung gusto mong maging knight ibigsabihin handa kang mamatay para saakin?" 

Lalong nagmaldita si Elisa at sinabing ang mga kagaya ni Daniel nanisang mahirap at mababa ang estado sa buhay ay mga walang dangal.  Ang kanilang katapatan ay nakadepende sa ano ang makukuha nila. 

Sa oras na nalaman na nila na hindi sila makikinabang at hindi na nila kayang gawin ang pinapagawa nila ay aalis at aalis sila at mag hahanap ng panibagong amo.

Sinabi ni Elise na wala syang intesyom na mag alaga ng tuta sa kanyang bahay at wala rinsyang intensyon  maging katawa tawa sa ibang mahralika dahil lang nagpapasok sya ng palaboy sa kanyang lugar.

Kahit na nilalait ay walang naging reaksyon si daniel kundi ang magtaka sa dalaga kung bakit kailangan nyang sabihin ito kay daniel.

Sumagot ang binata kay Elise na unang una kahit sabihin pa na isa syang nagmula sa pamilya na nasa mababang antas ng pamumuhay ay malinaw na nakapasok sya sa eskwelahan dahil may abilidad sya kagaya ng iba.

" Sinabi ko na rin noong una na wala akong balak na maging tuta mo dahil nandito ako para makipagkaibigan sayo." 

" Pero tama ka naman na hindi ko gustong mamatay para sayo sa oras ng panganib dahil wala naman akong balak mamatay hindi ko yun maipapangako sayo pero tandaan mo na hangat nandito ako at nananatiling kaibigan mo hinding hindi kita hahayaan mapahamak." 

Nagulat ang lahat sa binitiwan na salita ni Daniel at lalong nagbulongbulungan.

" Mapangahas ka talagang magsalita pero hangang saan ka kaya tatagal? Hangat hindi mo nagagawang maging Rank B ay para saakin ay wala kang kwenta." 

Ipinaalam ni Elisa na walang hakaga para sa kanya si Daniel hnagat wala itong napaoatunayan at harap harapan na sinabi na kailangan nyang makita kung pakikinabangan nyaang binata.

Ipinaalala nya na kilala syang sakim, walang  paki elam sa iba at mapagmataas kaya naman hindi makakaranas si Daniel dito ng kahit konting pakinabang. 

" Sana alam mo ang mga bagay na iyon bago mo sabihin na handa kang magpagamit saakin dahil iyon ang uri ng tao na gusto mong kaibiganin." 

Sandaling tumahimik ang lugar sa hindi pagsagot si Daniel habang nakayuko lang ito na nag iisp

Para sa binata ay mula simulat simula ay inaasahan nya na magiging magulo ang buhay nya sa pagpili sa dalaga na makasama.

Kahit sa dating earth ay hindi naman naging totoong mabait talaga si Elisa at malaging nagmamaldita. Gayumpaman nasanay na sila sa isat isa at kahit sa kabila ng kanilang pag kakaiba sa hilig at mga nalalaman ay tiangap nila ang bawat isa at kinikilala na isang kaibigan.

" Walang problema saakin na pakinabangan mo ako kahit papaano dahil tungkulin ko makatulong sa kaibigan ko at tungkol naman sa ugali mo ay masasabi ko ngang napakasama ng ugali mo." 

"  Sinusuyo kita pero imbis na tangapin ako ay lagi mo akong pinagtayabuyan at lagi mong iniisip kong ano ba nag mapapala mo saakin. Nagpakahirap din akong akong magregalo sayo pero hindi ka man lang nagpasalamat at yung panlalait mo sa pagkatao ko ay talagang nakakapanliit saakin." 

Dito ay humakbang palaput si Daniel habnag sinasabi na wala naman naman syang magagawa kundi tangapin na lang ang masasamang ugali ng dalaga dahil naniniwala syang kaya ganun ang ipinapakita nito ay dahil sa kanyang nakasanayang paligid.

Naniniwala syang ginagawa ito ng dalaga dahil kailangan nyang mabuhay sa pamantayan ng lahat at manatili aa posisyon na meron sya at oara sa binata ay dapat lang iyon.

Gayumpaman hindi sya naniniwala na kailangan maging malungkot at nag iisa ang dalaga habang pinanatili ang kanyang posisyon at katayuan. Gagalangin sya ng tao kahit hindi nya ito tinatapakan, susundin sya ng mga ito kahit hindi nya ito pinagbabantaan at makakaasa sya na sasamahan sya sa lahat bilang kaibigan kung hindi nya ituturing ang lahat na basta alipin lang .

" Ang ibig kong sabihin hindi ka nga pwedeng mag saya kagaya ng iba pero kaya mong maging maligaya katulad ng normal na tao kung bubuksan mo ang puso mo oara sa iba katulad ng ginagawa ng lahat.." 

" Maikli lang ang buhay para ikulong ang sarili mo sa kalungkutan at sa obligasyon." 

Inabot nya ang kamay nya kay Elise habang sinasabi na hindi nya kailangan maging mag isa sa laban ng buhay at kung gusto nitong may maging tapat sa kanya ay matuto syang magtiwala.

Bakas sa mukha ni Elise ang pagkabigla at nalilito ito kung dapat nya bangbtangapin ang kamay na inaabot ni Daniel dahil para sa kanya ay may punto ang mga sinasabi nya.

Nabuhay sya mag isa dahil lang sa paniniwalang lahat ng sa paligid nya ay aagaw at kukuha sa mga gusto jyang maabot at wala syang kayang pagkatiwalaan dahil lahat ng ito ay mga tautauhan lang ng iba.

Gayumpaman kahit minsan sa buhay nya ay wala pang naglakas loob na mangaral sa kanya sa ano ba ang dapat gawin at kung paano ba ang tamang paraan sa pag pili ng mga makakasama.

Lumaki sya na nasa isip na sya ang dapat pinaglilingkuran at sinusunod kaya naman napakataas ng tingin nito sa sarili. Itinuturing nya lang na tauhan ang mga taong dumidikit sa kanya  hangang sa isang araw ay napapansin nya na isa isang nawawala ang mga nasa paligid nya at sumasama sa ibang maharlika para maglingkod  doon nha nalaman na walang totoo sa mga kasama nya .

Hindi iti naging tapat sa sinumpaan nila at lahat ng ito ay purong pagpapangap lang para manatili ang kanilang pakinabang sa kanya. Dahil  doon iniwas nya ang sarili sa mga taong nais lang gamitin ang posisyon nya.

Mas naging mas maoagpataas pa sya hangang sa wala ng syang ibang pinagkatiwalaan maliban sa sarili nya.

Gayumapaman nasabi ng lalaking naaa harao nya ang eksaktong daoat nyang malaman at kulang sa kanya. 

Sa tinagal tagal ng panahon na mag isa syang lumalaban sa buhay ay walang taong nag paalala kung oaano magkaroon ng mga kasama na pagkakatiwalaan.

" Hindi alipin o tuta ang kailangan mo para maging kumpleto kundi kaibigan at handa akong maging isa sa mga iyon. Elisa."  Nakangiting sambit nito.

Hindi makapagsalita ng dalaga sa bigla nyang naramdamang kaba habang tinititigan ang mga ngiti ng binata sa kanya.

Hindi sya sigurado kung ano ang tamang gawin pero may kung ano sa kalooban nya na gusto nyang subukan ang bagay na sinasabi ni Daniel. Nais nya hawakan ang mga kamay nito at magsimulang magtiwala.

Sa pagkakaton na iyon ay unti unti nga iginalaw ni Elise ang kanyang mga kanay para abutin ang kamay ni daniel.

Habang naman nagaganap iyon ay biglang sumalubong nag sipa ni Aliya sa likod ni Daniel dahilan para mapatumba ito at gumulong sa lapag.

Nagulat ang lahat sa biglang sumulpot si aliya at galit na sinisigawa si daniel.

" Aray ko! Bakit mo ginawa yun?!" 

" Ang lakas ng loob mong gumawa ng eksena at bilogin ang ulo ng kapatid ko habang may kasunduan tayo "  

" Teka may kasunduan nga tayo oero wala ka naman kinalaban dito at bakit kailangan mong manakit?" Galit na sambit nito.

Bigla syang nilapitan ni aliya at kwinelyuhan at galit na sinasabihan ito na walang isang salita. Tinatanong nya rin ito kung bakit hindi sya binigyan ng mga itlog ng red sparrow.

Agad naman nagdahilan si Daniel na wala naman syang responsibilidad na bigyan ito gayung hindi pa sya myembro ng guild.

Gayumpaman para kay Aliya dahil sa malapit na itong maging tauhan nya ay dapat lang na maghandog ito ng maganda sa prinsesang kagaya nya.

" Teka parang pinipilit mo akong magbigay sayo, hindi ba yan uri ng paninikil? " 

Bigla syang sinakal gamit ang braso ni aliya habang sinasabihan ito na walang modo. Isang karangalan ang maglingkod sa katulad nya at dapat magbigay ng naratapat na regalo ito para mapasaya ito.

Dahil sa pagkakasakal ay walang nagawa si Daniel kundi pumayag dito at nangako na bibigyan ito upang itigil nito ang pagsakal sa kanya.

" Oo na, kukuha ako kapag nasa ikalimang gate na ang exam, may iilang itlog pa naman natitira sa bangin. "

" Ayoko na ng itlog gusto ko yung mas may pakinabang." Pagmamaldita nito.

Napa iling naman si Daniel at bumulong sa hangin para magreklamo aa pagiging mapili at demanding ni Aliya. Para sa kanya ay hindi dapat humihingi ng malaking pabor ito at dapat tangapin na lang kung ano ang pwedeng ibigay sa kanya

Dahil wala naman syang magagawa ay tinanong na kang nya kung ano ang gusto ng dalaga makuha. Hindi nangangako ang binata pero pipiliitin nyang makapagbigay dito.

" Gusto ko yung mas mataas na preayo. Paano kaya kung ang puso ng phoenix?" 

" Paano ko maman makukuha ang puso ng isang ibon na sa susunod na isang libong taon pa lalabas?" 

" Eh kung ang isang millenium pearl?" 

" Ok ka lang? Nasa ilalim yun ng dagat na napupuno ng halimaw na isda. Hindi nga ako marunong lumangoy tapos gusto mo akong sumisid doon?" 

" Paano kung ang maalamat na Excalibur na lang?" 

" Isa lang yung gawa gawa at kwentong pambata kaya paano ko naman ibibigay yun?" 

" Tsk, wala ka bang kayang gawin lahat ng hilingin ko hindi mo kayang ibigay." 

" Bigyan mo ako ng bagay na posible kong maibigay at hindi galing sa mga nababasa mo sa mga librong pambata." sigaw nito.

Habang nagtatalo ay biglang tumalikod si Elise at naglakad paalis. Nairita ito sa nakikita nyang pakikipag usap ng kapatid nya kay daniel.

Nabahala naman ang binata sa pag alis nito kaya naman agad nya itong tinanong.

" Teka elisa, ikaw, wala ka bang gustong regalo? Hindi sa gusto kong iispoil ka o suhulan ka pero gusto ko kahit papano ay may maibigay sayo."  Tanong nito.

Napahinto ang dalaga at muling humarap dito habang sinasabi na hindi nya gusto na mang hingi dahil kaya nya rin makuha ang mga bagay na kaya ni daniel na makuha.

" Nasaakin na ang lahat ng bagay at kaya ko rin makuha nag ano mang kaya mong kunin? Kung desidido ka na na bigyan ako ng regalo ay dapat yung mga bagay na wala pa ako."  Nagmamalditang sambit nito.

Napangiti naman ang binata at nagbiro na wala syang naiisip na bagay na wala si elisa maliban sa magandang pag uugali.

" A-an-anong sabi mo.? Gusto mo bang maparusahan sa oanglalait sa isang maharlika?" 

" Teka nagbibiro lang ako, kung yan ang gusto mo ay susubukan kong magbigay ng bagay na may mataas na halaga." 

Muli naman nailang si Elisa dahik sa mga ngiti sa kanya ng binata kaya naman tumalikod ito at nagpatuloy sa paglalakad paalis ng walang sinasabi.

Habang naman nakatingin si Daniel sa pag alis ni Elisa ay sinipa ni Aliya ang paa nito para muli syang oansinin ng binata.

" Bakit kapag ang kapatid ko ang naghihingi ay agad na pumapayag ka? Hindi yun patas ." 

" Aray ko, kanina ka pa nananakit kababae mong tao. obvious ba? eh sya yung sinusuyo ko para makapasok sa guild nya." Sigaw ni Daniel.

Napa pout na alng si Aliya habang naiinis pero alam nya na kinakailangan ni Daniel iyon para makuha ang loob ni elisa.

" Dapat ako ang mas binibigyan mo ng atensyon hindi ang kapatid ko." 

Narinig naman ni daniel ang pag bulong nito ng pagkadismaya dahil sa pagbibigay ng atensyon kay elisa.

Dito naisip ni Daniel na dahil masyadong ma pride ito at naiinis sa kapatid ay nakakaramdaman ito ng insulto lalo pa mas nagiging pabor ang lahat kay elise at hindi sa kanya.

Napabuntong hininga si Daniel at inunawa ang ugali ni lea dahil sa ayaw nitong nalalamangan ng kapatid.

" Ok ok, babawi ako pag tapos ng exam kaya pwede ba wag kang parang bata kung magtampo." 

" At wag ka rin basta mananakit." 

Biglang napangiti si Aliya at nagsabi na inaasahan nya na tutupad sa pangako si Daniel. Ilang sandali pa ay tumalikod ito at inaya ang mga tauhan nya na umalis.

Lumipas ang ilang oras ay nagpatuloy ang kanilang pagsusulit sa loob ng dungeon at tagumpay na natapos ang unang exam para sa araw na iyon.


End of chapter 21 part 2

Alabngapoy Creator

Part 2 of chapt 21