Chapter 22 part 1 

Sa pagpapatuloy ng pagsusulit sa eskwelahan ay muling nagbalik ang mga estudyante  sa dungeon para sa ikalawang exam nila.

Dito ipinaliwanag sa kanila ang magaganap na dungeon quest para sa pagsusulit nila at ito ay isang karera.

Magmula sa ikatlong gate ay mag uunahan ang mga ito hangang sa makapunta sa dulo ng Ika apat ma gate pero kinakailangan nila  kumuha muna ng mga cristal at ilagay ang bawat isa sa mga basket . kinakailangan nilang madala sa Apat na pin point ang apat na bola hangang sa finish line.

Upang maging challenging ang mga magaganap na pagsubok ay iligllagay nila ang cristal sa mga puppet at naglagay din sila ng mga patibong sa daraanan ng mga ito.

Bago mag umpisa ang karera ay pinagbilinan ng mga ito na hindi nila kailangan ubusin ang mga puppet na haharang sa kanila at dumeretso lang sa finish line para makatapos.

Naka base sa ipapakita nilang husay at diskarte nakasalalay ang kanilang makukuhang mga score.

Ilang minuto pa ay dumeretso na papasok ang mga estudyante  upang makapagsimula at dito hinati sila sa dalawang daan.

Hindi naman nabahala ang binata dahil madali para sa kanya ang talunin ang mga puppet. May tatlong uri ng puppet at nakadesensyo ito na maging mabilis, matibay at mahusay sa pakikipaglaban.

Gayumpaman palagi nya lang itong natatalo sa pagsasanay nya kay V kaya mataas ang kompyansa nya na bale wala ang pagsusulit.

Nagsimulang mag sipaghanda ang mga estudyante sa starting line. Ilang sandali pa ay nagbigay na ng countdown ang napaka laking screen sa harap nila.

" Ready, go! " 

Nagsimulang magtakbuhan ang mga estudyante papunta sa mga naka abang na mga puppet.

Sa umpisa ay napakadali nilang nakukuha ang mga cristal pero habang papalayo ay nagsisilabasan sa lupa ang mga patibong at mga puppet na bumubulaga sa kanila.

Dahil nga sa lahat ng malapit na umaatake kay daniel ay bumabagal sa paningin nya ay walang kahirap hirap nito naiiwasan ang lahat.

" Ayos, napaka galing talaga kakayahan ni Freedom." 

Nagpatuloy pa sya sa pagtakbo pero hindi nya inaasahan na may tatama sa kanyang fireball kung saan napatalsik sya at gumulong sa lupa.

" Aray ko saan naman iyon galing." 

Huminto sa harap nya si Lea habang tinatawanan si Daniel at sinasabihan ng lampa.

Agad naman tumayo si Daniel at galit na tinatanong kung bakit sya inatake ni Lea.

" Oh.. bakit nga ba? Teka ay oo may pupoet kasi kanina dyan tapos inatake ko at  hindi ko sinasadya na patamaan ka." 

Agad na nagduda si Daniel sa nasabi nito lalo pa nakangito ito sa kanya na tila ba nag eenjoy sa ginawa nya.

Muli lang na itinatangi nito na sinasadya na ito at sinabi na wala syang sahilan para gawin ito.

Dahil sa hindi nya nagugustuhan ang tono ng pagsasalita ng dalaga ay pinagbitangan nya ito na sinasadya na patamaan upang mapatagal ang pagtakbo ng binata.

" Kung ayaw mo maniwala eh di wag pero ipapakita ko na rin sayo kung paano ako manadya." 

Umilaw ang lapag nya sa paglitaw ng magic circle kungvsaan nabalot ng apoy ang paligid ni daniel.

" Teka anong ginagawa mo?" 

" Hahaha, walang persolanan , trabaho lang." 

Unti unting lumalaki ang apoy hangang sa tuluyan ng makulong sa  bolang apoy si Daniel 

" Paano? Mauna na ako." 

Lumiyab ang buhok ni Lea at naglagablab ang paligid hangang sa bumubulusok na lang ito na parang bolang apoy paalis ng lugar.

Habang sa loob ay patuloy na nag iisip si daniel ng paraan kung paano aalis sa pag kakakulong.

" Napaka daya nya, balak nya akong matalo sa exam na ito para hindi ako makakuha ng mataas na grado. " 

Dito ay sinubukan nyang mag cast ng mahika pero agad syang pinagbawalan ni Fufu na gamitin ang kapangyarihan ni Freedom lalo na maraming taong madadamay sa oras na hindi nya ito makontrol.

" Alam ko naman yun kaya nga sinusubukan ko na mag isip ng teknik na hindi gaano malakas." 

Natuwa si Lea sa ginagawa nya at nakakasiguro na hindi na majakahabol ang binata at tuluyan ng babagsak sa pagsusulit.

Alam nya na kailngan ni Daniel na makakuha ng 90 na grade sa lahat ng exam para maging Rank b at kapag nangyari iyon ay magtatagumpay ito na makapasok sa guild ng kapatid nya.

Pero habang patuloy na tumatakbo palayo ay bilang may sumabog sa malayo kung saan nya iniwan si daniel.

Napahinto sya at nilingon ito at doon nya nakita ang pagbulwak ng water gaizer na alam nyang pumatay sa kanyang apoy.

" Teka water gaizer? Paanong nakapag cast sya ng water element magic? "

Ang pag gamit ng elemental magic ay nangangailangan ng elemental attribuite at dahil alam ni Lea na isa itong Earth magic user ay nagulat sya sa nakikita nito .

Ilang sandali pa nakita nya ulit na tumatakbo si Daniel para ituloy ang pagsusulit.

" Asar! Hoy kayo pigilan nyo sya." 

Naguluhan ang mga tauhan nya sa inutos nya at Sandaling nag alinlangan pero nagpumilit ito na hindi pwedeng makatapos ng pagsusulit si Daniel.

Kahit na nag aalangan ay sinunod nika ang utos ni Lea at nag sipagtabuhan pabalik para harangan si Daniel.

Gayumapaman mabilis lang para kay daniel na iwasan ang mga ito dahil umaatake ang mga ito ng malapitan.

Ang kahinaan ng kanyang kapangyarihan na pabagalin ang oras ay ang mga atake na magmumula sa labas ng kanyang teritoryo.

Namangha ang lahat sa ginagawang pag iwas ni Daniel habang tumatakbo. Hindi sila makapaniwala na may rank E na makakagawang lumaban sa grupo ng mga rank B.

" Ano ba kayo? Isa lang syang rank E talaga bang mag papatalo kayo sa kanya?" 

Nagpatuloy ang pag habol kay Daniel at upang mapigilan ito ay gumagamit na sila ng mahika.

Alam ni Daniel na hindi nya pwedeng basta iwasan ang mga ito kaya naman wala syang ibang nagawa kundi huminto at mag cast ng mahika.

" Masyado na kayong makulit." 

Umilaw ang kanyang lapag kasabay ang paglabas ng mga magic circle sa paligid.

Dito ay sabay sabay naglabasan ang mga malalaking aso na sumangpang sa mga ito.

Kahit na hindi sila kinakagad ay nagtakbuhan palayo ang mga ito dahil sa laki ng mga asong ito.

" Naglabas sya ng napakaraming summoning beast ? Paano yun naging posible?" 

Muling tumakbo ang binata at palusob kay Lea kaya naman nung mapansin ito ng dalaga ay nag alab ang paligid nito bilang pag hahanda.

" Pinapahanga mo ako pero akala mo ba matatakot mo ako basta basta?" 

Lumabas ang apat na magic circle aa tabi nya at lumitaw sa mga ito ang mga napakalaking fire ball.

Nagukat sila ng maglabas ito ng 4th grade fire magic at magtakbuhan palayo.

Napahinto naman si Daniel sa pag tajbo at nag alinlangan dahil alam nya na napaka lakas ng mahika ang sinusubukang gamitin ng dalaga.

" Balak nya ba talaga akong tustahin?" 

Dito pinaalalahanan sya ni Fufu na hindi nya kayang protektahan si Daniel kung matatamaan nito gamit lang ang barrier na ginagawa nya.

Mahina ang katawan ni Fufu sa kanyang anyo at hindi kayang itaas ang kayang gawing mahika. Muli syang nag paalala na pwede naman nya itong iwasan at takbuhan na lang.

Gayumpaman naisip ng binata na magandang ideya ang sinasabi ni Fufu kung hindi isang pasaway ang kanyang kalaban dahil alam nya na kahit tumakbo sya at tumakas ay hahabulin lang sya at hindi titigilan hangang sa hindi nagtatagumpay ang mga ito sa gusto nya.

Muli naman nag cast si Daniel ng mahika at unti unting nagyeyelo ang paligid nya.

Patuloy syang nag iisip kung ano ang gagamitin nyang kapangyarihan para pigilan ang atake.

" Daniel tandaan mo hindi maganda kung may mangyayari sa kanyang masama." 

" Alam ko at ginagawa ko ang makakaya ko." 

Nagsimula ayang lumusob habang nagyeyelo ang bawat tapakan nya sa pag takbo nya.

Nagbitaw naman ng isang fire ball si Lea kasabay ng paglusob ng binata sa kanya.

Nagulat ang lahat ng makita na binabalak sabayan ni Daniel ang malaking fireball na ibinato ni Lea.

" Yahhh!!!"

Sinugod nya ito at walang pag aalinlangan na sinuntok at kasabay ng pagtama ng suntok nya ay ang pag labas ng napakalaking ice spike na nagpayelo sa fire ball.

Gumawa ng pagsabog ang impact nito at naglitawan ang  bundok ng yelo na halos nasa 15 feet ang taas.

Habang naman naabbalot ng usok ang paligid ay biglang lumabas si Daniel at palusob papunta kay Lea.

Kahit na nagulat ay muling sinubukan ni Lea na atakehin ang binata para pigilan sa pag lusob.

Pinakawalan nya ang dalawa sa mga fireball at bumulusok palusob sa binata.

" Sige subukan natin ang husay mo dito." 

Nakita ni Daniel ang dalawang fire ball na papunta sa kanya pero hindi nya ito kinatakutan at muling nag cacast ng mahika.

" Talagang pinapahirapan mo akong babae ka!!" 

Kumalat pa lalo ang yelo sa katawan ni daniel at unti unting nagiging taong yelo habang tumatakbo.

Ilang saglit pa ako naglabasan ang mgay yelo sa katawan nya at unti unting nagiging dragon .

Dumeretso ito at sinalpok ang dalawang fireball na ibinato ni Lea.

Halos mag liparan ang lahat sa lakas ng impact at lalong kumalat ang yelo sa paligid at nabubuo na parang mga bundok.

Sa mismong bundok ng yelo ay lumabas dito ang dragon kung saan nakasakay ang taong yelo. 

Nagulat si Lea at hindi mapakapaniwala sa nangyari pero alam nya na kailangan nyang gumawa ng aksyon dahil papalapit na ang dragon sa kanya.

" Ano bang klaseng tao ka, paano napagsabay ang transformation at summoning magic na parang wala lang." 

Ibinato nya ang huling fire ball kung saan tumama ito sa dragon at gumawa ng pagsabog. 

Gayunpaman ay walang naging malaking epekto ito sa dragon at muling nabubuo ang katawan sa dati nitong anyo at muling lang lumusob.

Pero imbis na matakot ay napangiti si Lea at tila lalong nasasabik na hinahamon ito na lumapit pa.

Pumadyak sya sa lapag at lumabas ang napakalaking magic circle kung saan  nagliyab ang buong paligid nya at nilamon sya ng sariling apoy.

Dito ay nabalot ang buong katawan nya ng apoy na nagsilbing armor nya at nagkaroon ng mga pakpak, 

bumwelo ang dalaga para sabayan ang yelong dragon habang niyayabangan na inaaya itong umatake.

Nagulat naman si Daniel sa binabalak ni lea na sabayan ito. Isang 5th grade magic ang ice dragon at hangat may yelo ay mabubuo ito at wawasakin nito ang ano mang nasa harap nya.

" Seryoso talaga syang gusto nyang sabayan ang ice dragon?" 

" Baliw ka na talaga, hangang kelan mo ba ako pahihirapan!!" 

Dahil nga sa hindi rin sigurado ang binata sa gagawin nyang pag atake gamit ang nag yeyelong dragon ay ibinanga ni Daniel ang dragon sa lupa malapit sa harapan ni Lea.

Gumawa ng napakalakas na pagsabog ang atakeng yun at napatalsik si Lea sa lakas ng pwersa nito.

Ilang saglit lang lumabas naman sa makapal na usok si Daniel at sinalo sa Ere si Lea habang tumatalsik ito at binuhat papunta sa lupa.

" Sira ka talaga, Seryoso ka talagang sabayan ang napakalaking yelong yun?" 

" Ano? Hoy bitawan mo nga ako, ano bang ginagawa mo?" Pagpupumiglas nito.

Nagpatuloy sa pagtakbo si Daniel habang buhat si Lea. Pinagsasabihan nya ito na hindi dapat gumagawa ng mga padalos dalos na aksyon kagaya na lamang ng nangyari.

Hindi naman tinanggap ni Lea ang mga sermon nito at naniniwala na kaya nyang sabayan ang dragon. 

Ipinagmalaki nya sa binata na maraming beses na syang lumalaban sa mga malalaking summoning beast at wala syang nagiging problema.

" Ah talaga? Pero sana naisip mo rin na dapat ka parin mag ingat. Hindi ka ba natatakot mapahamak?" Sambit ni daniel.

" Teka talaga bang minamaliit mo ako? Isa akong prinsesa at ang may hawak sa flame mythical beast kaya bakit ako matatakot?" Pag mamaldita nito.

Tumalon ng napaka taas ni Daniel hangang sa nakarating  na sila sa malaking gate at ibinaba si  Lea.

Dito ay nagbuntong hininga sya at inilagay ang kamay sa ulo ng dalaga. Nainis naman ang dalaga sa ginawa ng binata at hinawi ang kamay nito.

" Ano bang ginagawa mo, bitawan mo nga ako." pagsusungit nito.

" Pwes ako natatakot, Alam ko na malakas ka pero natatakot akong masaktan ka at di ko alam ang gagawin ko kung mangyari iyon." Seryoso nitong sambit.

Para sa binata kahit na hindi naaalala ni Lea ang pinagsamagan nila ay sya parin ang lea na naging kaibigan nya at kasama kaya naman mahalaga sa kanya ang kaligtasan nito.

Biglang napatigil ang dalaga sa narinig sa binata at nag simulang mamutla ang mga pisngi. Hindi nya alam ang sasabihin dahil unang beses nyang mapagsabihan ng ganun mula sa isang lalaki. 

" A-an-ano bang sinasabi mo? A-ay-ayos lang ako at alam ko ang ginagawa ko."  Pagsuusngit ng dalaga.

" Sana nga at Mukha naman ayos ka lang kung ganun mauuna na ako." 

Ngumiti ang hinata habang Hinahawakan ang dalaga sa balikat nito at biglang lumitaw ang magic circle sa kanilang tinatapakan.

Dito ay biglang lumubog ang mga paa ni Lea hangang tuhod sa lupa na parang naging putik ang lapag.

Dahil sa na trap ang dalaga sa lupa ay hindi sya makasunod kay Daniel na nagpupunta na sa basket para ilagay ang cristal.

" Hoy! Pakawalan mo ako dito! Sandali lanh." 

Hindi na nag aksaya pa ng oras si Daniel at pumasok na agad ito sa gate palabas ng lugar upang ituloy ang pag susulit habang galit na humihiyaw naman si Lea sa galit.

Ikang sandali pa ay nagdatingan na ang mga tauhan nya at lumapit sa kanya.

" Ano pa bang tinitingin nyo? Aino sainyo ang may alam sa earth magic para mai ialis ako dito.!" 

Habang sa Labas naman ng Dungeon kung saan napapanuod  ng lahat ang mga nangyayari sa pagsusulit.

Namangha sila pinapakitang kakayahan ni daniel at hindi makapaniwala.

Marami ang nabbibigla gayumpaman ay maraming nagbubulong bulungan na nakikita nila ang binata na talagang nagsusumikap mag sanay.

" Pero napaka imposible naman na lumakas sya sa napaka ikling paraan." 

" Oo nga halos magkasama lang kami noon sa exam at napakalampa nya." 

Napabuntong facepalm naman si Julian sa ginagawa ni Daniel dahil para sa kanya ay kumukuha ng napakaraming atensyon ang binata at hindi ito maganda para sa kanya.

" Hindi nya ba naisip na mahihirapan na syang itago ang pagkatao nya sa marami?" 

Nababahala sya na hindinnila kayang tulungan ang binata lalo na kung papasok na ang mg amahaharlika sa eksena dahil hindi nila ito pwedeng pagbawalan o galawin sa mga bagay na labas sa panuntunan ng eskwelahan.

Napabuntong hininga na lang si Celly at inamin na matigas ang ulo nito at palaging sumusuway sa bilin.

" Pero nauunawaan ko naman na wala syang magagawa sa sitwasyon nya lalo na kasama nya ang mga prinsesa kaya hindi nya maiiwasan ang gulo." 

" Teka Kaisen, bakit parang pinagtatangol mo pa sya?" 

" Hindi naman pero alam ko kung ano ang pakiramdam na  wala ka ng magawa kundi mapasok sa gulo kapag kasama ang dalawang pasaway sa buhay mo."

Bigla syang pinalo sa braso ni julian dahik sa pagpaparinig nito.

Gayumpaman seryosong binangit ni Celly na hindi maiiwasan na magamit ni Daniel ang kapangyarihan nya sa pagsusulit at natatakot sya dahil baka may mangyaring masama.

Ngayon na nakukuha nya ang atenayon ng lahat ay maraming magtatangkang subukin sya lalo na ang mga nasa kapangyarihan.

Dito pinagmasdan nya ang mga leader ng guild at Mga maharlika na inaasahan nya na nanaisin na makuha nila ang binata para maging tauhan at gamitin.

Nakaktiyak sila na hindi palalagpasin ng mga ito ang pagkakataon na magkaroon ng magagamit na tauhan upang maging mas malakas.

Nakikita nila celly na sa mga ngiti palang ng mga ito ay Alam nila na may binabalak na ang mga itong mga hakbang para makuha ang binata.

" Malaking problema ang pinasok mo." 

Habang kay Elise naman, patuloy syang namamangha sa kayang gawin ng binata at naiisip na malaking bagay kung mapupunta ito sa kanya gayumpaman may bumabagabag sa kanya.

Iniisip nya na napakalaki ng pinagbago nito sa loob lang ng ilang buwan na pagsasanay o baka hindi lang ito pinakita noon ang kanyang tunay na kakayahan.

Sa kanyang kakayahan ay napapabilang na sya sa mga rank A pero bakit hindi nya ito pinakita noon.

Nag guguluhan dim sya na kung ninanais ni Daniel ng labis na kapakinabangan na nararapat sa kanyang kakayahan ay hindi nito gagawin kakatawanan ang sarili at magsusumiksik sa isang guild.

Nababahala sya na may ibang motibo ito at hindi nakakasigurado kung totoo ang katapatan nito sa mga salita na binitiwan ng binata sa kanya.

Hindi rin nawawala ang sa isip nya ang posibilidad na may nag papagawa sa binata ng mga ginagawa nito at ang tunay na plano ay kunin ang tiwala nya.

" Hindi ako pwedeng magpalinlang." 

Gayumpaman bigla nyang naisip na hindi rin naman sya nakakatiyak sa mga hinala nya.  Bigla syang naguluhan kung babalewain nya ba ang binata o tatangapin ito.

" Maging kaibigan? Ano bang nasa isip nya talaga?" 

Kahit minsan sa buhay nya ay walang lumapit na ibang tao sa kanya para maging kaibigan at lahat ng mga tao sa paligid nya ay yumuyuko at iniiwasan sya.

Nasanay syang paglingkuran at kung hindi mga alipin ay mga mayayamang tao ang nakakasalamuha nya na wala naman talagang paki sa nararamdaman nya.

Hindi nya kailan man alam kung paano magkaroon ng kaibigan at kung ano ba talaga ang ibig sabihin noon gayung ginagawa naman ng iba ang gusto nya.

Pumapasok sa isip nya bigla na kung ano ba talaga ang mangyayari kungbsa kaling magkaroon sya ng kaibigan.

Tumingin sya sa mga tauhan nya na masayang nagkukwentuhan at halata sa mga ito na nag eejoy sila kasama ang isat isa.

" May problema po ba? Gusto nyo bang patigilin ko sila?" tanong ni mirai.

" Hindi, hayaan mo sila." 

Napaisip ito na kung sakali ba na magkaroon sya ng kaibigan ay mararanasan nya bang ngumiti at tumawa dulot ng saya kagaya ng iba.

Pumasok sa isipan nya na kahit kailan ay hindi nya naranasan ngumiti kasama ng iba na puno ng kasiyahan at hindi sya naging komportable sa mga taong nasa paligid nya

" Mirai, ano ba ang kaibigan?" 

Biglang naguluhan si Mirainsa tinanong ni Elise at hindi masagot ito gayong wala syang ideya kung ano ang gustong marinig ni elise.

" Ah.. eh.. hindi ko po alam kung ano isasagot ko kamahalan, kung ang tinutukoy nyo ay kung ano ang ibigsabihin nito o ano ang personal na opinyon ko tungkol dito." 

Napa buntong hininga na lang si Elise habang sinasabihan ang tauhan nya na kalimutan ang mga nasabi nya.

" Hindi naman na importante iyon." 

 

Alabngapoy Creator

Part 1 chapt 22