Chapter 22 part 2

Kinabukasan para sa pangatlong araw ng dungeon exam.

Muling nagtipon tipon ang mga estudyante para maghanda sa exam.

Dito lahat sila ay nasa ika limang isla na halos dalawang ektaryang lupain.

Ang isla na iyon ay pinamamahayan ng maraming malalakas na halimaw lalo na sa mga danger zone.

Pinagsama sama ang lahat ng 3rd year sa lugar na yun at ipinaliwanag sa lahat ang gagawin para sa pagsusulit.

Ang bawat estudyante ay kailangan makakuha ng mga item sa dungeon hangang sampu at madala ito sa loob ng dalawang oras sa pin point. Ang mga materyales na ito ang magbibigay sa kanila ng puntos.

Ang mga naipon nila sa Dungeon na ito ay itatago para magamit nila sa crafting magic exam. Kinakailangan na alam nila ang materyales na kinuha nila dahil ito lang ang kanilang pwedeng gamitin sa pag gawa ng magic item.

Nagkaroon ng patakaran ang pagsusulit na maaari lang magkaroon ng sampung myembro ang isang grupo upang hindi ito masyadong makontrol  ang mangungulekta ng malalaking guild.

Dahil nga sa pinagsama sama ang lahat ay nagkatipon tipon ang mga 3rd year na myembro ng guild.

At dahil nga sa kailangan nila ng magandang item ay kailangan nila pumasok sa danger zone at may advantage kung may kasama sila.

Dahil doon ay gustong maghanap ni Daniel ng makakasama gayung kahit nagtataglay sya ng malakas na kapangyarihan ay alam nya na limitado lang sa limang beses nya ito pwedeng gamitin.

Nakita nya agad si Elise ay nilapitan ito at magiliw na binati habang pinakiki usapan na isama ito sa grupo nila.

" Baka pwede naman na isama mo ako sa grupo mo elisa, pangako gagawin ko lahat para makatulong." 

Tinignan lang sya ng dakaga mula ulo hanggang paa habang iniisip na malaking nag maitutulong ng binata kung mapupunta ito gayumpaman tumangi ito.

" Bakit mo naman naisip na papayag ako na sumali ka saamin? Hindi ka naman myembro ng guild ko." Pag tataray nito.

Dito ipinaliwanag nya na kahit may ipinakita itong magandang katangian ay mas priority ni Elise ang kapakanan ng kanyang mga myembro at dahil puno na ang grupo nila ay hindi nya maisasali ito.

Napakamot na lang sa ulo si Daniel at tinatanong ang dalaga kung bakit parang galit nanaman ito sa binata.

Nakita naman nyang dumaan ang grupo nila Lea at kahit na alam nya na pasaway ito ay napilitan syang harangan ito at kumbinsihin na isali sya sa grupo.

" Huh? Nagpapatawa ka ba? Bakit naman kita isasali?" 

" Bakit hindi? Ikaw itong may gusto n asumali ako sa guild mo kaya hindi ba dapat lang isinasali mo na para matulungan ka ngayon palang" 

" Tama, gusto nga kita sumali sa guild ko kaya nga inutos ko sa mga tauhan ko na pigilan ka sa huling exam sa dungeon kaya sa tingin mo isasali talaga kita?" 

Bigla naman napasigaw si Daniel at pinapatigil si Lea sa ginagawa nitong kalokohan at lumaban ng patas.

Ipinaliwanag nya na hindi nito kailangan na harasin ang binata at pahirapan pa ito sa pagsusulit para lang maging myembro.

" Wag mong gawin komplikado ang pagkuha ko ng exam." 

" Hindi ito magiging komplikado kung sa una palang ay pumapayag ka na." 

" Maraming pwedeng paraan para makumbinsi sa isang tao kaya bakit hindi mo ito daanin sa normal na paraan." 

Bigla itong ngumisi at sinabi na hindi magiging masaya kung magiging simple ang lahat at para sa kanya ay mas nakakalibang kung unti unti nilang inienjoy ang kanilang kabataan sa pag susulit sa dungeon.

Hindi naman naging sang ayon si daniel dito dahil tanging si Lea lang ang kayang mag enjoy sa ginagawa nitong pagpigil sa kanyang pag pasa.

Walang nagawa si Daniel kundi maghanap ng mga kagrupo pero iniiwasan sya ng mga ito at tinatangihan.

natatakot ng ilan na kung isasama nila sa grupo si Daniel ay aatakehin sila ng mga tauhan ng prinsesa.

" Pahamak ka talagang babae ka!" galit nyang bulong.

Napangiti naman si Lea sa kanya na tila ba inaasar pa ang binata sa paglayo sa kanya ng mga estudyante.

Ilang sandali pa ay biglang may lumapit sa kanya ay nag alok na samahan sya.

" Kung wala akng makitang grupo ay pwede kitang kunin." 

Nagulat si Daniel sa nakita nito at nasaksihan dahil sa paglapit sa kanyan ni Kiki at pag aalok nito ng tulong.

Hindi sya makapagsalita sa nakikita nya dahil kahit mas may edad ito sa nikki sa dati nyang mundo ay kamukhang kamukha nya ito. 

" Nikki? Ikaw ba yan?" 

" Huh? nikki? Teka wag mong sabihin hindi mo ako kilala? " 

Nagpakilala ito bilang ika apat na princesa ng kaharian at leader ng guikd ng dancing star at inaya nya ito na sumama sa kanyang guild.

Nag alok ito na kung sasali sa kanyang guild at susunod sa kanya ay maaari nya itong gantimpalaan ng pera at mga kagamitan.

Hindi parin makapaniwala si Daniel at gusto itong hawakan sa sobrang tuwa pero bigla nyang naalala na katulad nila lea ay wala itong alaala sa dating mundo.

Bigla naman hinila ni Lea sa damit si Daniel at humarap sa kanyang kapatid.

Minaldiitahan nya ito at itinataboy palayo kay daniel.

" Hoy sandali, pwede ba wag ka ng maki gulo dito. Hindi mo pwedeng kunin sa guild ko ang lalaking ito."

Bigla naman itinangi ni Daniel na hindi sya kasali sa guild ni Lea at wag umasta na parang pag mamay ari sya ng dalaga.

Unti unting lumapit si kiki habang sinasabi kay Daniel na kaya syang bigyan nito ng bahay na titiran sa syudad, binangit nya na ayon sa report sa kanya ay wala itong bahay na tinitirahan at nag tatrabaho para lang makabayad ng renta.

" Kapag pumayag kang maging tauhan ko ako na rin ang magbibigay sayo ng pag kain habang narito ka sa eskwelahan, ano sa tingin mo?" 

" Madaya ka, ginagamit mo ang pera mo, lumaban ka ng patas babae ka !" Sambit ni Lea.

Maraming tao ang gusto ng katayuan,kayamanan at kapangyarihan at sa tingin ko hindi mo lahat iyon makukuha kung pipiliin mo ang dalawa kong kapatid.

" Alam naman ng lahat na kahit pare pareho kaming mga maharlika ay mga titulo at kayabangan lang ang meron silang dalawa." 

Sobrang nainsulto ang  dalawa at napahakbang pasulong pero biglang nagsalita si Daniel at tinangihan ito.

" Ayoko." 

Nagulat si kiki sa sagot ng binata at napangiti habang iniinsulto ito na tila ba hindi na sya nag iisip ng mabuti para sa sarili. Ang pamilya nya ay higit na mayaman at may kapangyarihan. 

Hawak nila ang mga lupain at negosyo sa pinakamalalakaing bayan sa bansa. Ang estado nya bilang mayamang princesa ay katumbas sa ikaunang princesa ng kaharian kaya naman kung may dapat na piliin na paglingkuran na prinsesa ay sya na yun at wala ng iba.

" Sandali, hindi ko maintindihan bakit mo ba yan sinasabi?" Sagot ni Daniel.

" Sinusubukan mo ba akong suhulan?" 

Napakunot na lang ng noo si Kiki dahil sa pag kairita at binangit na talagang mahina ang ulo ng binata na umintindi pero bilang pag lilinaw sa gusto nyang mangyari ay pinapili sya ng dalaga.

" Gusto kong maging tauhan ka at lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. " 

" Kaya Mamili ka, kusa kang sasama saakin o kailangan pa natin idaan ito sa marahas na paraan. " 

Napangisi na lang Si daniel dahil hindi nya inaasahan na ibang iba si Nikki ng mundong ito sa kapatid nya at hindi nya alam kong nagbibiro ba ito sa pag babanta nya.

Napatawa lang sya at sinabihan ito na hindia maganda sa dalaga na magbanta lalo pa pareho silang nasa eskwelahan at estudyante.

" Wag kang mag alala hindi naman kita sasaktan dito sa loob ng eskwelahan pero ewan ko lang sa pamilya mo na nasa labas ng central." 

Hindi naging maganda sa pandinig ni Daniel ang sinabi nito at matapang na nagbanta dito na wag magbibiro tungkol sa pamilya nya at ipinaalala na nirerespeto nya ang pagiging prinsesa nito ngunit hindi ang masasamang aksyon nito.

Napatawa naman si Kiki dahil harap harapan syang sinasagot ni Daniel na tila hindi nito kilala ang kausap nya.

" Aba, napakalakas ng loob mo na kausapin ako ng ganyan pero wag kang mag alala hindi pa naman ako ganun kadesperado." 

" Madali saakin ang maglikpit ng mga insektong walang pakinabang saakin, oo at may nakikita akong potensyal sayo pero ano nga ba ang kaya mo pang gawin maliban sa makipag laro sa mga kapatid ko?" 

Dito ay bigla syang nakaisip ng paraan upang mas makita nya ang kayang gawin ni Daniel gamit ang dwelo sa pagitan nilang dalawa. 

Inaya nya itong makipagdwelo sa kanya sa dungeon uoang masubukan ang kakayahan na ito.

" Pasensya na pero wala akong interes na labanan ka at isa pa wala akong dahilan para gawin iyon." 

" Mali, marami kang dahilan para gawin ito at wag mong antayin na sabihin ko pa kung ano ang kaya kong gawin sa mga tao sa Revun village upang mapilitan kang pumayag sa hinihingi kong dwelo." 

Seryosong nakatingin lang si Daniel sa malabruhang ngiti ni Kiki at alam nya na sa ugali nito bilang maharlika ay pwede nyang gawin ang mga sinabi nya.

Kahit na nakakagalit si Daniel sa ginagawang panghaharas sa kanya ni Kiki ay hindi nya kayang patulan ito o pagsalutaan ito ng masama lalo na isa itong prinsesa dito at alam nya na mas makakasama sa kanya kung may gagawin syang hindi nararapat sa harapan ng iba.

" Aasahan ko na gagawin mong exciting ang araw ko." 

Tumalikod ito para umalis habang sinasabi ang lugar kung saan sila magkikita at itinakda nya ito kalahating oras bago matapos ang pagsusulit.

" Hoy ! Lokong babae ka ah di pa tayo tapos !!" sigaw ni Lea.

Pinigil naman ni Daniel si Lea gamit ang paghaltak nito sa damit nito at napatigil dahil sa pagkakasakal. Nagalit ito sa binata at hinawi ang mga kamay nito habang nagagalit ito.

" Aray! Ano bang problema mo?" 

" Kapag pinatulan mo sya tiyak lalo lang kayong mag aaway ng kapatid mo." 

" Wala naman bago dun, Maldita ang babaeng yun at walang modo saakin kaya ayoko talaga sa kanya."  Sagot nito

Napabuntong hininga na lang si Daniel dahil sa nakikita nya ay wala talagang pag asa na may makasundo si Lea sa mga kapatid nya. Dahil sa pag kadismaya ay tumalikod sya para umalis sa lugar habang tinatanong kung bakit ba sya pinaparusahan ng kalangitan.

Agad naman syang sinundan ni Lea at tinanong kung ano ang balak ng binata sa pag hamon sa kanya at sinabi na hindi nya kailangan na labanan ito kung ayaw nya.

Inamin ni Lea na may pambihiramg kakayahan si Daniel pero hindi lang ito basta tungkol sa Kaligtasan ng binata dahil may katotohanan ang sinabi ni Kiki na mayaman at makapangyarihan ang pamilya nya sa loob at labas ng central at kaya nitong galawin ang pamilya ng binata.

" Sandali, kung sasali ka sa guild ko ipinapangako ko na poprotektahan kita sa Malditang babaeng yun." 

" Pwede ba, tigilan mo muna ako at kung gusto mong makatulong saakin ay pakisabi sa mga tauhan mo tigilan nila ako." 

Ilang minuto pa ang lumipas ay binigyan sila ng tatlong minuto para pag isipan ang kung saang parte ng isla mangungulekta.

Sa paglipas pa ng mga minuto ay nag umpisa na ang pangungulekta ng mga estudyante.

Naging payapa naman ang pangungukekta ni Daniel sa lugar at pinupuntahan ang gitna ng masukal na gubat ng mag isa.

" Nakakatakot naman mag isa pero mas ok na rin siguro ito. " 

" Wag kang mag alala daniel kung dadaan ka sa may ibaba ng bangin ay wala kang makakasalubong na halimaw. Nararamdaman ko ang kanilang mga presensya kaya makakaiwas tayo sa mga teritoryo nila." Sambit ni Fufu.

Habang nag lalakad ay biglang nabangit ni Daniel na ang babaeng prinsesa na nakausap nya kanina ay ang katauhan ng kapatid nya sa dating nyang mundo.

Naguguluhan ito kung bakit hindinsila magkapatid na dalawa at bakit iba rin ang edad nito sa nikki na kilala nya.

Wala naman maisagot si Fufu dahil wala syang alam tungkol sa mga komplikadong bagay kagaya ng ibang mundo at sinabi na ang tamging makakasagot lang ng tanong nya ay ang anghel na si momo.

Gayumpaman alam ni Fufu na hindi basta basta ang pagbabanta ng prinsesa at posible nito gawin ang mga sinasabi nito kaya hindi makaka iwas ang binata sa pag harap dito. 

" Alam ko naman yun, hindi naman ako natatakot para sa sarili ko pero nag aalala ako na baka hindi ko makontrol ang kapangyarihan ni freedom." 

Habang naglalakad ay bigla nyang nakita ang isang lawa at nakita ang kumikislap na bagay. Hindi nya alam kung anong bagay ang nakita nya pero lumapit sya dito.

" Ano naman ang bagay na yun?" 

Unti unting may gumagalaw tubig sa lawa at ilang sandali pa ay umahon ang isang bato na may pinto.

Nagtaka ang binata sa nakita at nasaksihan kaya naman agad nya tinanong si Fufu kung bakit may pinto sa bato.

Dito sinabi ni Fufu na isa yung lagusan ng isang templo sa ilalim ng lawa na ginagawa noon ng mga diwata na nakatira doon.

" Teka ibigsabihin may diwata dito sa dungeon?" 

Ipinaliwanag ni Fufu na iaang libong taon na nung iniwan ng mga diwata ang dungeon pero hindi ibigsabihin nito ay wala ng natitira dito.

May iilan na gusto parin manatili sa lugar na ito sa kabila ng panganib na meron sa lugar na ito. Ang enerhiya sa lugar na iyon ay nababalot na ng hindi balanseng enerhiya at hindi na payapang tirahan dahil sa mga halimaw kaya nila nilisan ito.

Binangit nya rin na marahil naramdaman ng diawat sa loob ang presensya ni Fufu kaya nais nito na pumasok sila.

" Oh.. kung ganun papasok tayo dyan?" 

" Hindi kailangan, wala akong espesyal na koneksyon sa mga diwata sa lugar na ito pero ikaw parin ang bahala kung gusto mo syang makita." 

Muling tumingin si Daniel pinto at patuloy na nag iisip kung tutuloy sya o hindi. Bigla naman nya tinanong si Fufu kungbsa kaling hindi sila tumuloy ay hindi magagalit ang diwata na nandoon.

" Ang mga diwata ay hindi masasama at marahas, maliit na bagay lang kung hindi natin tatangapin ang kanyang imbitasyon." 

ilang sandali pa ay lumutang sa lawa ang mga bato na nagsisilbing daanan papunta sa pinto.

Nag aalinlangan ang binata kung tatangapin nya ang imbitasyon gayumpaman naisip nya na hindi naman sya talaga nag mamadali para matapos ang pagsusulit.

Humakbang sya sa mga bato at pumunta sa pinto kung saan mag isa itong bumukas. Sa pagpasok nya sa pintongbiyon ay bigla na lang itong sumara at kumalat ang dilim sa paligid na para bang napunta sya sa kawalan.

ilang saglit pa ay nagbukas ang mga ikaw na nagmumula sa kristal sa pader.

Nagbigay ito ng liwanag sa daan na kanyang nilakaran.

Ilang sandali pa ay nagpatuloy sya sa  pagbaba sa mahabang hagdan hangang makarating sa pinakaibaba.

Dito masisilayan nya ang napakalaking kweba na may napakagansang lawa sa gitna katabi ng napakalaking puno na umabot sa tatlongpung metro.

" Teka paanong nagkaroon ng napakataas na puno sa ilalim ng lupa?" 

" Daniel simula nung pumasok ka sa loob ng pinto ay napunta ka na sa kanyang inilagay na demensyon." 

" Kung ganun bakit pa ako bumaba ng pagkahaba habang hagdan?" 

Habang naglalkad pa papunta sa puno kung saan naroon din ang bahay ng diwata ay bigla nyang napansin ang lalaking nangingisda sa lawa.

Nilapitan nya ito at binati para kamustahin pero tinignan lang sya nito mula ulo hangang paa.

May mahabang puting na buhok ito at manipis na lumang kasuotan.

" Teka, kayo ba ang diwata na nagpapasok saamin?" 

Nanlaki ang mata ng lalaki at napatayo sa sobrang gulat nito. Napalakad ito paatras at dahil doon hindi nya napansin ang bato sa paahan nya dahilan para mapatumba sya at mahulog sa lawa.

Agad naman syang tinulungan ni Daniel at iniahon sa tubig.

" Ayos ka lang ba?" Tanong nito.

" Teka bakit may tao dito? Paano ka nakapasok? "

" Huh? Pero hindi ba ikaw ang nagpapasok saamin?" 

Nagtaka ang lalaking ito at itinangi ang sinabi ng binata. Dito biglang lumabas si Fufu sa damit ni Daniel at sinabi sa binata na isang normal na tao lang ang kaharap nya.

nagukat naman si Daniel sa nalaman at nagtanong kung sino ang lalaking kaharap nila.

" Ako si Kaz, dito ako nakatira kasama ang nanay ko." 

" Nanay mo?" 

Habang nag uusap ay napansin ni Kaz na nasa itaas ng biranda ang kanyang tinutukoy na ina at kinawayan ito.

Alabngapoy Creator

Episode 22 part 2