Isang uri ng japanese doll "LICCA CHAN"

noong bata pa si beatrice mahilig siya mangolekta ng mga manika.
kada birthday's o anu mang occasion ay hinde mawawala na regaluhan siya ng mga manika.
at isang Napakagandang manika na binigay ng lola niya, bago mamatay.

ang sabi pangalang ng manika Licca chan.

"hi !!!! ako si Licca chan at gustu ko maging magkaibigan tayo!"
ani ng manika na nagsasalita. at paulit ulit itong sinasabi,
habang pinipindot ang likuran nito.

"oo magkaibigan tayo magmula ngaun!!!"ani ng bata.


At sa lahat ng laruan niya ay iyon lamang ang palage niyang kasama.
paborito niya talaga ang manikang iyun. pero nang lumaki na si beatrice.
iba na ang kanyang mga hilig, kaya hindi na siya naglalaro kaya naman tinapon nya na sa basurahan
ang lahat ng mga manikang pinaglumaan niya kasama si Licca chan.


1 taon na rin nakalipas simula ng lumipat silang kamag-anak sa isang syudad.
mula sa isang tahimik na subdivision.

at lahat ay naging ordinaryong buhay para kay beatrice,
hanggang sa nakatanggap siya ng tawag mula sa telepono.
Sa mga oras na iyon, nagiisa siya sa bahay ng gabing iyon sa kuwarto niya.


"hello? sinu ito?" Ani niya.

"hi !!!! ako si Licca chan at gustu ko maging magkaibigan tayo!".


...


nagulat ang dalaga. naisip nya na baka may nang trip lang sakanya sa telepono.
at agad binaba sa gulat. pero muli itong nag ring.

"hi ako si Licca chan, at nasa basurahan ako!"


at binaba nya naman ulit ang phone this time kinabahan na siya.
naisip niya na talagang may nang trip sakanya
at agad sumagi sa isip niya ang dati niyang manika na bigla niyang nalala.
muli ulit nag ring ang phone, at agad nya tinaas.

"hi ako si Licca chan at nasa train station na ako!"

binaba muli ni beatrice matapos narinig iyun at nakaramdam sya ng labis na nyerbyus at kaba.
ng nag ring muli tinaas nya ulit.

"hi ako si Licca chan at nasa kalye ninyo ako!"

at ngaun binaba nya natakot na siya.
at sumunod nun ulit ang mga nangyare.

"Hi ako si Licca chan at nasa pintuan ng bahay mo ako ngaun!"

Sa sobrang nangilabot si beatrice bumaba siya dala'y golf cub
at sinilip sa peephole pero wala namang tao. agad niya nilock lahat ng mga bintana sa bahay at pinto
-- at nag kulong sa kuwarto, kandado ang lahat na sinigurado niya.

Hawak ang golf cub nakarinig muli siya ng ring at this time.
nasa cellphone niya na ito at sinagot niya.



"HI AKO SI LICCA CHAN, ... at NASA LIKOD MO AKO NGAUN!"







WAKAS.