Kuwento ito ng isa sa matalik kong kaibigan na si Simeon.

bale tatlo kami si Margo at ako naman si Kael.

magkababata kami tatlo, madalas kami magkasama at pati sa mga trip.

hanggang sa nag kolehiyo na kami, nagkikita parin naman kami kaso
habang tumatagal kumokonti ang oras ng bonding namin.


Si Simeon ay isang matalino at magandang lalaki na kinababaliwan ng mga babae.
isang ring masayahin at mabait na kaibigan na malalapitan mo.

at kumukuha siya ng kursong I.T. (Information Technology)

kahit hindi kami nagkikita , nanatili parin kami may kuneksyon sa isa't isa.
(via text or email or chat)

ngunit sa kasamaang palad, na balitaan ko na lang na nawala nalang siya matapos,
isang karumal dumal na pangyayari , nang malaman ko.

Nagsimula iyon Isang buwan na nakalipas, bago siya nawala.


***


natatandaan ko pa nang nag kausap kami sa phone lagi (normally)

Si Simeon ay kasalukyan nagboboard sa isang malaking apartment
na nakuha niya sa murang halaga na upa.

minsan napunta kami sa kuwarto niya na nagiiuman or movie trip.
masaya talaga kasama si Simeon.

at noong gabing iyon nag natambay kami sa kuwarto niya nagkukuwentuhan kami.

"pare, kung ako saiyo ginagamit ko na yan kagwapuhan ko para makahanap ng love life! sayang eh!"
sabi ko.

"oo nga naman,tagal mo nang single e! isa pa lapit na nang valentines day
wala ka pa bang napupusuan?" dagdag pa ni Margo.

"hoy kayo ngang dalawa'y tantanan ninyo ako, pinagtutulungan nyu nanaman ako ahh! 'wag ako oi!"

"nagaalala lang kami, baka kase tumanda kang binata mahirap na magisa nuh?" sabi ni Margo.

"hahaha! baka mga libro ang pakasalan mo ah ? well hindi na ako magugulat." asar ko sakanya.

"hassyt!!! kung hindi ko lang kayo kaibigan! anyway, who knows, hindi natin masasabi
pero sa ngayun ang importante masaya ako ngayun sa buhay ko at pati kayo nakakasama ko." sabi ni Simeon.

"aww! so touching naiiyak ako... hahhaha!" sabi ni Margo.

"o siya tama na yang drama tagay na... CHEERS! para sa forever friendship natin!" sabi ko.

"ahem!"

"ahehehe! and also HAPPY BIRTHDAY Simeon!"

"CHEEERS!" (everyone)

habang nagtatawanan kami at sinasariwa ang amin nakaraang pagsasamahan.
biglang nag ring ang phone ni Simeon.

nang kinuha niya at tinignan niya ang phone,
napansin ko na tila wala sa sarili si Simeon.

"ah sino yan pre? ang seryoso mo naman?" sabi ko.

"ahh! wala ito hehehe!" sabi niya. sabay patay niya agad ang phone
na tila tumatawag sakanya. (napakamot ulo)

nung una hindi ko pinansin iyon pero...

"pre? sino ba yang, tawag ng tawag saiyo sa phone?" sabi ni Margo
na nagsisimula nang mairita. "maya't maya nalang ahh?"

"oo nga at bakit ayaw mong sagutin?" sabi ko.
"...may problema ba?"

nakita namin ang masayahing mukha ni Simeon na naging seryoso.
dahil bawat ring ng phone niya pinapatay niya kaagad.

at natahimik kami nang nag ring muli ang phone niya matapos
ng ilang minuto sa pagkakapatay niya nito,


(PHONE RINGTONE EFFECTS)
[audio mp3="/media/webkom1/2020/10/Sony-Ericsson-Original-Ringtone-Sony-Ringtone-Original-2020-Sony-Ericsson-Default-Ringtone.mp3"][/audio]




natigilan kami at nagkatitigan kami ni Margo na nakaukit sa mga mukha namin ang pagtataka.
sabay tingin kami kay Simeon na tulala na tila bahagyang bakas sa mukha nya ang kaba.

"Si...Simeon? o-ok ka lang pre?"

bigla niyang kinuha ang phone niya na nanginginig ang mga kamay niya
at pinatay niya (power off mode) tapos tinanggal niya ang battery.

at tapos nakahinga siya nang maluwag, sinubukan niyang kumalma.

"o-ok lang ako, nakakaasar lang ang mga babaeng txt ng txt sakin hahhaa!"
sabi niya na bahagyang tumatawa na pinapakita niya samin na ok siya kahit hindi.

"yan ang ayaw ko saiyo eh, masayado mo sinasarili ang problema mo." sabi ko na nagaalala ako.

"oh baka stlaker mo yan, hindi na ako magtataka kung may istalker ka sa artistahin
mong mukha ba at siguro isumbong mo na yan sa pulis ano ?" sabi ni Margo.

dahil kilala ko si Simeon na matulungin na kaibigan pero ang problema sinasarili.
at mahirap din mahulaan ang kanyang iniisip pero kung minsan din
humihingi rin siya ng tulong samin (kapag badly needed na)

"kaya ko pa naman huwag kayong magalala, maayos ko din itong problema." sabi niya.

"well ayan nanaman siya. matalino ka e kaya mo nayan." sabi ni Margo na nagtatampo.

"whoa! chill, pagpasensyahan mo na Margo, hayaan na natin muna si Simeon dyan.
and Simeon, kapag kailangan mo ng kausap tawagan mo kami ahh!" sabi ko.

"I'm sorry guys!"

"don't be its also your day right, enjoy and kalimutan mo muna yang prob mo,
tara i-inum mo nalang yan." sabi ko. para mawala ang tensyon.


***

iyon ang unang napansin ko kay Simeon pero akala ko nung una
isa lang sa mga babaing nababaliw sa kanya.

hanggang sa isang linggo na napansin ko na wala akong kontak sa kanya natanong
ko din si Margo about kay Simeon ang sabi niya kahit din sakanya wala din text.

kilala namin si Simeon kahit tambak ang mga projects niya sa school pero
nagagawa niya parin kausapin kami. pero sa nangyayari sakanya na hindi namin malaman nagsimula kami magalala,
kaya naman pinuntahan namin siya sa apartment niya.

"pre? andyan ka ba?' sabi ko matapos ko katokin ang pinto niya ng tatlong beses.

pero walang sumagot.

"ganyanan ah! anung nangyayari saiyo?! ni wala ni 'HI' ni 'HO'?!!! "
sabi ni Margo na nagagalit (may bad temper siya)

"shhh...chill Margo baka siguro wala siya sa loob..."

hindi pa ako tapos sasabihin ko biglang nakarinig kami ng boses mula sa loob.

"ahh... kayo p-pala... s-sige pasok." sabi ni Simeon.

sabay binuksan ang pintuan niya, hindi pa tuluyan binuksan ang lock
sinilip kami ng bahagyang nakabukas ang pinto.

nang binuksan niya nang tuluyan nakita namin ang mukha ni Simeon na tila walang tulog,
lubog ang mga mata ang magulong ayos niya.

"whoa! dduude? what happen?! ano nangyari at naging mala zombie ang itsura mo?" asar ni Margo.

"hi-hindi lang ako makatulog ng maayos ng mga nakaraang araw,
and sorry kung wala akong time na kausapin kayo." paliwanang ni Simeon.

nang pumasok kami sa kuwarto niya, na napakakalat.
at hindi siya ganung taong nakilala ko, dahil mahilig siya maglinis.

mga kableng buhol buhol na nagkalat sa buong paligid at
mga pinagbalatan niyang pagkain ng noodles, drinks, chip atbp.

at ang pinaka kapansin-pansin ay may mga CCTV camera na nakatago
sa bawat sulok ng malaki niyang kuwarto.

"sorry din dahil makalat. at hindi ko kayo mapaghahandaan ng pagkain wala kase..." sabi ni Simeon.
habang bumalik siya para umupo siya sa tapat ng PC niya at nagsimulang mag type. (tila may ginagawa sa PC)

"...t-teka muna anung nangyayari saiyo?!" putol ni Margo.
"parang hindi ikaw ito? anu ba kasing problema?"

biglang natigilan si Simeon sa kanyang ginagawa.

"Pre, kaibigan mo kami makikinig kami saiyo kahit anung mangyari.
almost 1 week na wala kaming alam saiyo." sabi ko.

dahan dahan siyang humarap samin matapos iikot niya
ang upuan niya paharap samin. at nagsalita.

"t-there's someone..."

"what?"


TO BE CONTINUE TO PART 2