"merong ngang nag iistalk sakin..."

natigilan kami saglit.

"bakit parang naninibago ka yun lang naman pala,
e di ba lagi namang nangyayari saiyo?" sabi ko.

"no, no.. not this one its really serious..."

"sinung man yan napakadespirado saiyo tara iharap mo sakin
nang mabanatan ko eh! nang tantanan ka na!" ani ni Margo.

"pero pinagbigay alam mo na ba ito sa mga pulis?" sabi ko.

"ginawa ko yun nung una pero, hindi naniniwala sakin ang mga pulis
naisip pa nila na nagbibiro ako o nababaliw." paliwanag ni Simeon.

" eh sinu nga bang babae na iyon?" sabi ni Margo.

"mahirap ipaliwanag pero, ni hindi ko siya kilala, then one night.
out of nowhere may unknown messages ako natanggap sa inbox ko sa social account ko wala siyang profile pic
at tila new account no pictures kung di plain red color ang photos niya at weird iyun." paliwanag ni Simeon.

nanatili kami nakinig mabuti sa kuwento ni Simeon.


(salaysay ni SIMEON)

"at ang sabi niya, nabigla ako nang sabihin niya kaagad nang una gusto niya makipagkita matagal niya na ako sinusubaybayan
at nagconfess siya na gusto niya ako, noong 3am na ng madaling araw iyon naganap,
at tumangi ako ng maayos sa kanya agad kase gawa nang maaga pa ng pasok ko
at habang sa isip ko na hindi ako nakikipagkita sa hindi ko kakilala."

"bigla siya nag reply sa chat... 'sige tatawagan nalang kita.'"

matapos ko mabasa ang msg niya sa chat box, biglang saktong nagring ang phone ko.
nakaramdam ako ng kaba ng konti at asar dahil naisip ko din
na maaring nantritrip lang ito kung sino man siya.

dahil pinangunahan ng curiosity , sinagot ko kaagad kahit kinakabahan ako
at isa sa tanong din na nagtatakang paano niya nalaman ang phone number ko.

maya maya matapos ng ilang segundong tahimik sa kabilang linya
nakarinig ako ng magaspang na boses.

"SIMEON... NAMIMISS NA KITA, NASA LABAS AKO SA TAPAT NG APARTMENT MO."

paano niya nalaman kung saan ako nakatira at sino ba talaga siya.
nakaramdam ako ng takot.

"NAKIKITA MO BA AKO? TUMINGIN KA SA BINTANA."
sabi ng babae sa kabilang linya.





nang dahan dahan ko binuksan ang bintana, nakita ko ang tila itim na imahe
na dahan dahan lumabas sa kadiliman na bahagi. sa takot ko sinara ko ang bintana at nilock.

at doon nag simula ang hindi pagtulog ko ng maayos.
at kahit sa school palagi siya natawag! at mula noon hindi ko na siya kinakausap
at hanggang sa PC ko nag message siya.

"BAKIT MO KO INIIWASAN? NASASAKTAN AKO. KAPAG HINDI MO KO PINAPANSIN,
SIGE PUPUNTA NALANG AKO DIYAN."

***


"yun ang huling mensahe niya, kaya ako naglagay ng mga CCTV sa paligid,
at yun din ang dahilan kaya hindi ko na kayo makontak dahil pinatay ko lahat ng
communication na ginagamit ko sorry guys."paliwanag ni Simeon.

"grabe pala, pero I think hindi ka naman sasaktan nun siguro. masyadong patay na patay saiyo pre." sabi ko.
dahil nung una sa kanyang kuwento ay normal lang talaga may mang istalk sa kanya.

"I dont know Kael, baka nga, pero after that message simulan ko nang pinutol
ang lahat ng communcation devices ko kahit account ko dinilete ko na din. wala na akong
nararamdaman na prisensya niya hindi niya na ako ginambala, halos 2 linggo na din halos nakalipas." sabi ni Simeon.

"yun naman pala, there's no need to be over react." ani ni Margo.

"you'll be fine " sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

makalipas ng ilang nagdaang linggo pa , bumili ng bagong phone si Simeon kaya
nagkaroon kami ng komunikasyon, tulad ng dati normally as always naging maayos muli kami tatlo.

at ang akala ko ay natapos na ang lahat ng problema niya,
pero malalipas ng 3 araw na wala nanamang reply ni Simeon. tinext ko muli si Margo
na balak bisitahin si Simeon ulit kung anung problema nanaman.
iniisip namin nung una baka busy siya at supresahin nalang sana namin na bisitahin siya.

nang nakarating kami sa apartment niya kumatok muli kami
pero napansin namin na tila bukas ang pinto. nang buksan namin ng maigi

... kami ang nasupresa.

nagkalat sa buong kuwarto niya ang bahid ng dugo! at kasama ang gulo ng kwarto niya.

napasigaw kami sa takot tumakbo si Margo para humingi ng tulong.
at ako naman ay pumasok na naginginig ang buong katawan na naglakas
loob ako para malaman kung nandito pa si Simeon.

pero nilibot ko na halos ang buong sulok kuwarto niya umaasang makita pa siya ngunit.
ni walang bakas naiwan sakanya kahit bangkay wala--tila sadyang siyang nawala.

nang dumating ang mga pulis sa apartment niya at kasalukuyan iniimbestiga
ang mysterosong pagkawala ni Simeon. tinanong kaming dalawa at si Margo ay walang tigil sa kakaiiyak.

at hanggang sa malaman namin ang resulta, pinakita samin ng pulis
ang isang CCTV camera sa kuwarto bahagi ni SImeon (bedroom)

nakikita sa video na tila naglilinis si Simeon ng bahay niya ng gabing iyon
at tila isa isa niya tinatanggal ang mga CCTV cam.


nang nahanap niya na ang huling CCTV na nakaharap sa paanan ng kama niya
para alisin (nakasagay sa bookshelf niya ang cam)

at makikita ang lawak nito (bedroom pa lang) sa tabi nun
sa isang sulok ay may isang malaking cabinet na kasya ang tao sa laki.





napansin namin na sa video na dahan dahan bumukas ang cabinet
at fast forward namin ang video nakikitang nakatalikod si Simeon mula sa cabinet.

at nang umalis saglit si Simeon para kunin ang screw driver
(aalisin niya na ang CCTV na nagrerecord parin.)

nang wala na si Simeon, nangilabot kami nang makita ang isang babae
na lumabas mula sa cabinet dahan dahan gumapang palabas.

magulo ang buhok madumi ang kasuotan na may tila ilang bahid na dugo
sa kanyang kasuotan o putik? at ang kagimbal gimbal pa ay may hawak siyang kitchen knife!

at pumasok ito sa ilalim ng kama ni Simeon.

walang kaalam-alam si Simeon nang bumalik siya para tanggalin ang CCTV.
tsaka doon nalang namatay ang cam (natanggal niya na)

at hanggang ngayun nanatiling mysteryoso ang pagkawala ng kaibigan ko.


WAKAS.