“may mga bagay ng nakaraan, na hinde na dapat pang ungkatin …
kase ang pagsisi ay nasa huli…CURIOSTY KILL THE CAT ika nga?”


***

Si Andy 18 ang kaisang isang anak at kasama niya ang mama niya na nagaayos ng pamigayin na gamit na
hindi na nila kailangan, para I donate sa mga taong nasalanta bagyo.

At ng nag gegeneral cleaning sila… at tumutulong siya sa mama nya sa pag bubuhat ng mga kahon
At habang nag kakalkal si Andy, napansin niya ang isa sa isang kahon.

At ng nahalungkat niya ang isang lumang camera
at ang plastic na puno ng mga litrato nito. Nakalagay sa camera ay ANDY’S CAMERA.
Nakasulat ito at ang tatak ng camera ay nikon.

Hinde sariwa sa alaala nya na may camera siya , (hinde niya maalala) kaya nagtaka siya.
Binuksan niya ang plastic ng mga litrato at nakita niya ang mga litrato ng mga hayop
iba’t ibang klase lalo na ang mga uri ng mga ibon at mga magagandang tanawin sa iba’t iba rin lugar,
nakikita niya tila nag out of town sila, kaya tinanong niya ang mama niya.

Ang sabi ng mama niya na mahilig siya manguha ng mga litrato nong bata pa siya.
Pero hinde niya maalala ng linaw tungkol sa kanyang kabataan
, kaya naman naisip niya na ang mga litrato na ito ang nagsilbing alaala ng Masaya niyang kabataan…
Inisa-isa niya ang mga litrato at karamihan doo’y mga litrato ng mga ibon mahilig siya sa ibon.

Sa dami nun hanggang sa bago siya matulog, iniisa isa nya ang mga litrato
sumunod nun ang mga pic ng pamilya nya at siya lahat iyun ay may petsa
at pamagat banda sa likuran ng bawat litratong nakuha.

“Anak Andy? Huwag mo kalimutan inumin ang gamot mo, bago matulog!” ani ng mama niya.
(dahil sakitin si Andy)

“opo” ani nito at patuloy sa pagtingin ng litrato sabay nun ang pag inum niya ng kanyang gamut,
habang iniinum niya ang tubig iniisa isa niya pa rin ang litrato
hanggang sa nakita niya ang litrato ng bahagi ng kuwarto niya, natigilan saglit si Andy at tinitigan mabuti ang litrato.





Naka night mode ang pagkuha nito sa malaking closet niya nakunan
at black and white ito marahil madilim. Napatitig siya ng matagal sa litrato napansin niya na
nakabukas ng kaunti ang pinto ng closet. At may blurred na puting imahe sa bandang ibaba sa loob ng closet.

Napansin nya ang pamagat ng litrato “ANG BESTFRIEND KO!” ang nakalagay.

Nagtaka siya , kaya kinaumagahan tinanong niya sa mama niya sa weird na litrato.
Ng ipinakita nya ito, na shock ang mama niya.

“saan mo ‘to nakita?!, huwag na huwag mo na ito titignan muli anak, pakiusap!” sabi ng mama niya na bakas ang takot at labis na pagaalala.

Tinanong ni Andy kung bakit ganon na lang ang reaksyun ng mama niya-
pero wala na siyang ibang sinabi sa halip na iwasan niya tignan ang litrato na iyun.

…pero sa pangamba ng mama niya ang na udyok sakanya na lalong alamin
ang msyteryo sa litrato na iyun at kung anu o sinu ang tinatawag niyang kaibigan?

Kaya naman ng gabing ulit iyun nag lakas loob siya para malaman dahil hindi siya
makatulog sa kaiisip kung anu iyun kaya dahil sa curiosity niya kaya niya sinuway ang mama niya,
at kahit pa’y kinakaban itinuloy niya pa rin.

Ini-scan niya ang litrato na iyun at in-edit (para Makita ng malinaw)
Ng malinaw na (nacontrast) tapos zinoom niya. Nangilabot siya sa nakita niya…

… isang kakaibang nilalang, na nakasilip pula ang bilugan na mata
at may matatalas na kuko. nakangiti ito sa kanya.

Bigla niya na close ang inedit niyang litrato sa laptop niya,
tapos may gumulat sakanyang nabasa sa pangalan ng litrato na nai-scan niya(hinde niya pa napapangalan o na rename)

“KAMUSTA?” ang nakita niya.

Sa takot niya halos masira niya ang laptop sa biglaang patiklop nito,
sa takot niya…. Kaya naman abot abot ang pagsisi niya na sana nakinig na lang siya
sa mama niya noong binalaan siya tungkol dito.

Kaya agad siya pumunta sa kuwarto ng mama niya (dahil sa takot, hinde na siya nakatulog ng ayus)
at ayaw niya nang matulog mag-isa ng gabing iyun.

Sinabi niya na sinuway niya siya, kaya naman nagalala lalo ang mama niya sa nalaman,
Tinanong ulit ni Andy kung anung klaseng nilalang ang nandoon sa kanyang closet.

“kase anak , noong bata ka pa , kakaiba kang bata,ikaw kase ang tipong noon na hindi ka nakikipaglaro sa mga ibang bata
at mas gusto mo nakukulong sa kuwarto. Wala naman kaming problema doon sa ugali mo noon
kaya binigyan ka ng papa mo ng camera kase hilig mo nga kumuha ng mga litrato kaya at least kahit tayo lang magkakasama
nakakalabas ka sa bahay, at kinukuhaan mo ng litrato ang mga gusto mong kuhaan –naging Masaya ka naman.
, pero ng nalaman namin ng papa mo na may kinakausap kang kaibigan ang turing mo sakanya
at gabi gabi nagpapakita siya saiyo naisip naming na sa una natural lang sa bata ang nag iimagne na may kaibigan sila pero…

Nangamba na natatakot na kami, kase hindi ka na kumakain ng ayos o makatulog noon at ayaw mo talaga lumabas ng kuwarto tumatawa ka na magisa
at ang malala-- ng iniiyakan mo siya kapag pinagbabawalan ka naming na kausapin siya
at pinagpipilitan mo pang totoo siya "Ang Bestfriend mo daw siya…” kuwento ng mama niya.

“kaya kumunsulta na kami sa isang psychiatric pinayuhan kami na inumin mo ang mga gamot para makatulog ka
at makalimutan mo ang sinasabi mong kaibigan, kase natatakot kami na lumaki ka ng nasisiraan ng bait.
Sa una hindi kami naniniwala sa sinasabi mong kaibigan pero,
nang dahil sa litrato na iyun…”patuloy ng mama niya.

“…tama na po ma!" pulot ni Andy.
"kaya pala wala akong maalala! at tsaka bata pa po ako noon, bakit ako nagtanggap parin ng gamot na ito?
baka naman na ooverdose na ako at dahil sa gamot kaya ako naghahallucinate!
– mag mula ngayun hindi na ako iinom ng gamot!” galit na sabi ni Andy.

*at ayoko maging drug dependant habang buhay,
ngayung wala naman pala akong sakit!* sa isip nitong dahilan.

kaya ng kinaumagahan walang tulog si Andy, at kahit pa nakainum siya ng huling gamot
bago matulog hinde na iyun nakatulog sakanya para makatulog
--- salamat sa weird na litrato na iyun.

Dahil sa umaga naman at may liwanag, kaya hindi siya masyadong natatakot
--- na maglakas loob muli tignan ang litrato, ng Makita niya sa laptop niya.
Nawala na ang inedit niyang litrato kagabi. Nagtaka siya kase sariwa pa sa alaala niya
na hindi niya naman binura iyun dahil pinatay niya lang bigla ang laptop nun.

Sa halip mag hanap sa buong system ng laptop siya (I search),
kinuha niya na lang ang litrato nito ulit sa drawer niya kasama ang iba pang litrato nahalo.
Nakita niya na nakataob ito at ang nakasulat ang gumimbal sa kanya…

“KAMUSTA?”

At ng hinarap niya, nakita niya ng malinaw ang mukha ng kakaibang nilalang sa closet niya
nakasilip ang animo’y imahe pulang bilugan ang mga mata nakalabas ang matatalas
at mabababang kuko, at may nakapangingilabot na ngiti na sakop ang buong mukha.

Sa takot niya nabitawan niya ang litrato, at this time dalangdala na siya.

“Susunugin ko na ang litrato na ito ayaw ko na!” ani niya.

At yun nga ang ginawa niya, para matapos na ang bangungot ng nakaraan.

Habang pinagmamasdan niyang nasusunog ang litrato,
bahagya siyang nakahinga ng maluwag.pero may kalahati’y tila hindi siya mapakali.

Naisip niya na baka tama nga ang mama niya, (nasanay kase siya sa gamot)
na baka may sakit na nga siya, kaya hinde maganda ang pakiramdam niya,
ng umagang iyun. Pero nag mamatigas pa rin siya na ayaw niya nang uminum ng gamot kahit ano pang mangyari.

Pero hindi siya makatulog kahit anung pilit niya,
dahil naalala niya pa rin ang tungkol sa litrato.

at napatingin bigla sa closet niya ng gabing iyun, dahan dahan siya lumapit.
Dahil napansin niya na bahagya na bukas ang closet niya hindi
niya rin maalala kung iniwan niya ba itong nakabukas o hindi.





“IM SURE!!! TALAGA SINARA KO ITO!” ani niya sasarili habang hawak niya ang pintuan ng closet niya.

Bigla niyang binuksan sa walang dahilan, naprapraning na siya
at iniisip pa rin tungkol sa kakaibang nilalang na iyun.
—pero walang laman kung hinde ang magulo niyang damitan.

“ANU KA BA ANDY, MOVE ON KALIMUTAN MO NA IYUN, ISA PA DAPAT NA SIGURO AKO MAG LINIS…”
Tawa nito sa sarili” ahahaha sino ba niloloko ko !!!” sabay sinara ang pinto ng closet.

at nakahinga ng maluwag, at tumalikod sa closet (pabalik sa higaan)
at iniisip subukan muli matulog—

sana ng bigla siyang makarinig ng matinis na pabulong na boses sa likuran niya.


“KAMUSTA? KAIBIGAN? NAKALIMUTAN MO ANG GAMOT MO…”


Kaya simula ngayun hindi na umalis si Andy sa tabi ng mama niya.


WAKAS.