Ako si Rick 19,
Independent and a working student ako at nag-aaral sa pribadong unibersidad (college).
Malayo ang bahay ko mula sa trabaho kaya naman naisipan
ko na umupa para less gastos sa pamasahe.
Habang naghahanap ako ng bagong mauupahan thru online,
at nasa laptop ako ng mga oras na iyon.
Sa
aking
paghahanap, napansin ko ang isang litrato ng lumang apartment.
Pinakita din nito ang loob na napaka simple lang
may tamang espasyo sa murang halaga kada buwan.
Hindi na ako nag dalawang isip kaya naman nung araw na iyon
ay pinuntahan ko ang nasabing lugar. At
nang nakarating ako napansin ko na may kalumaan ang istraktura
ng gusali sa labas na may apat na
palapag na taas,
ngunit nagpatuloy parin ako pumasok at tinitignan ang bawat paligid.
May kasikipan ang hallway tila pang 2 tao lang ang daanan.
At sa dulo nito ang aking kuwarto sa 3rd
floor.
"Naku! Kailangan na siguro nito nang matinding renovation."
Ani sa sarili ko. Habang pinagmamasdan ko
ang loob ng magiging kuwarto ko.
"Pero. Pwede na 'to kesa wala, mahirap na maging choosy pa.
Isa pa malapit lapit na rin ito sa
pinag tratrabahuan ko."
***
Sa unang araw.
Normal naman ang lahat. Naglinis lang ako saglit ng kuwarto ko
habang sumasagi sa isip ko na kakaunti
lang ang mga tulad ko na ibang residente na nangungupahan dito.
Kaya hindi na iyon naging hadlang para
mawala ang focus ko sa mga plano kong gawin.
Ang daily routine ko ay sa umaga pasok sa school tapos sa hapon trabaho at ang uwi ko
ay minsan ay
madaling araw na mga bandang 1am.
Ngunit, isang hinding inaasahang pangyayari ang aking masasaksihan.
1 buwan na nakalipas simula ng unang kong pagtira sa apartment.
Isang araw ng umagang iyon wala
akong sapat na tulog kaya medyo lutang,
may kadiliman pa ang paligid 5:00am na nang madaling araw nag
OT kase (overtime).
Habang nag aantay ako sa waiting shed ng masasakyan,sa kabila ng katahimikan ng paligid.
Napansin ko
ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng street light na halos walang galaw.
At tila nakatingin ito sa
akin mula sa tapat ko na may di kalayuan na pagitnaan kami ng malawak na kalsada.
Hindi ko maaninagan ng malinaw ang kanyang mukha dahil naka hoodie siya at nakacover ang kanyang ulo.
Sa una hindi ko ito pinagbigyang pansin, pero nang pagsakay ko ng jeep na ako lang ang pasahero
tinignan ko muli siya
habang papalayo na ako mula sa kanya (hinabol ko ng tingin) bigla itong kumilos
at humarap na patingin sa kin sa malayo.
"A-ang weird! sino ba yun?!"
ani sa sarili ko na bahagyang kaba.
***
Hindi pa iyon nagtatapos.
Isang madaling araw muli sa kadiliman ng paligid 2am,
normal na nagaantay ako ng masasakyan.
Nakita ko nanaman ang lalaking naka itim na hoodie
sa may street light muli at tila parang inaabangan ako.
Sinubukan ko na lang na magpatay malisya sa mga oras na iyon
at huminga ng malalim upang ikalma ang sarili.
Ngunit habang tumatagal napapansin ko na palagi siyang naandun sa parehong posisyon
at ang aking pamumuhay na normal ay naging isang bangungot araw araw.
Kaya naman apektado talaga ang performance ko sa mga gawain ko.
At nang isang araw ay restday ko nun. Halos hindi ako mapakali dahil nararamdaman ko
na talagang ako ang pakay niya at hanggang sa sinundan niya na ako hanggang sa apartment!
Hindi ako makalabas sa sobrang takot ko. Natatanaw ko siya mula sa bintana ko
at nasa labas siya sa baba nakatingala pataas na tila ako tinitignan!
Kaya nag isip na ako na paraan para matapos na ang ganitong nangyayari sakin kaya tumawag ako mula sa hotline ng pulisya.
Pero bago muna iyon naglakas loob ako kumuha ng ilang litrato
ng istranghero sa labas para ebidensya gamit ng cellphone ko.
Tsaka ko sinara ang bintana at siniguradong nilock ito pati ang pinto.
Agad ko inuplod ang mga nakuha kong litrato (inilipat sa laptop ko).
Nireview ko ang mga litrato isa- isa.
Hindi parin malinaw na makita ang mukha ng misteryosong lalaki
pero ng bandang huli ng litrato napansin ko na tila nanlilisik ang mga mata nito.
Napalayo ako mula sa laptop ko sa sobrang pagkabigla.
Kahit na nanginginig na ako sa takot.
Naghugot pa rin ako ng lakas na matignan muli ang lalaki sa labas,
dahan dahan ako lumapit sa bintana at sumilip.
Nawala na ang lalaki.
Sinuri ko ang buong paligid ngunit ni isang bakas walang naiwan ang lalaki.
Kaya naman matapos ang insidente na iyon ay pansamantala
ako napilitan na umuwi sa pamilya ko. (for peace in my mind of course).
Kahit na wala na ako sa apartment na iyon at ilang araw din
naging balik normal ang buhay ko simula ng umalis ako doon.
At nang naging okay na pakiramdam ko bumalik muli ako sa apartment
at muli bumalik ulit sa ayos ang daily routine ko.
At halos nakalimutan ko na ang insidente ng nangyari sa akin na bangungot---
na akala ko na tuluyan na mawala sa aking isipan.
***
Isang gabi.
Wala na naman akong gagawin kaya sa wakas may oras na ako makapagpahinga mabuti,
dahil advance ko kasi tinapos ang mga gawain ko.
Kaya sinubukan ko this time na maaga makatulog.
Pagod na aking nararamdaman (nagaadjust ng tulog, pinilit matulog ng maaga)
nakapikit na ako at nakataklob ng kumot, ng biglang may narinig ako na tunog sa aking laptop.
Sa labas ng kwarto ko.
Nakikita ko na may tila tao sa labas (dahil iniwan ko pala bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwarto)
sa bandang living area iniwan ko ang laptop ko doon.
Sa living area may study table at doon nakapatong ang laptop ko.
Dahan dahan ako bumangon at pasilip sa pintuan ko.
Naaninagan ko mula sa liwanag ng laptop ko.
Ang misteryosong lalaki ulit! nakaluhod ito,
nakatalikod mula sakin habang naririnig at nakikita ko
na nag ta-type siya sa laptop ko habang nakayuko. (hindi siya nakatingin sa screen)
Bigla siyang natigilan sa kanyang ginagawa ng ilang segundo.
Habang naka diin ang kanyang mga kamay sa keyboard.
Nakarinig ako ng tila nababaling buto, at umikot ang ulo nito patalikod paharap sa akin--
na walang mga mata (black hollow sockets) at nakanganga tila
parang naisigaw pero wala kang marinig na boses nito.
Hindi ako makasigaw o makagalaw.
Pumikit lang ako at manalangin na lumipas ang bangungot na ito.
Nang maka lipas ng ilang minuto,
sinubukan kong dumilat matapos huminga ng malalim.
Wala na ang lalaki.
***
Kinabukasan din.
Ang umagang iyon kahit walang tulog.
Hindi na ako nag dalawang isip na umalis na sa apartment na iyon.
Kaya na desisyon na ako na umuwi na lang
kahit na hindi pa ako bayad sa inuupahan ko.
Ayon daw sa kuwento ng mga dating nakatira sa lumang apartment.
Nabalitaan ko na lang na meron palang dating nakatira sa kuwarto na tinutuluyan ko.
Isang binatilyo daw na nagbigti dahil naging biktima siya ng cyberbully.
At ang kapansin pansin pa doon ay nawala na ang mga litrato sa laptop ko.
WAKAS.