Sa isang hindi inaasahang pangyayari ang biglang dumating sa buhay ni Bryan. at nagsimula na ang
kanyang kalbaryo. ang kanyang masayang buhay ay nasira sa isang insidente. matapos niya malaman sa mga
pulis ang nangyari hindi niya matanggap ang biglang pagkamatay ng kanyang asawa.
"natagpuan po namin ang asawa ninyo, ang bangkay niya na nasa washing machine
na durog durog ang buong katawan. hanggang ngayon inimbestiga pa namin
ang totoong nangyari." ani ng isang pulis na nagsabi sakanya.
"alamin ninyo sino ang PUMATAY SA ASAWA KO!!! PLEASE!!!" sigaw at
hagulgol ni Bryan. sabay hila sa kuwelyo ng pulis.
"pasensya na Sir gagawin namin sa aming makakaya. huminahon kayo.."
ani ng isa pang pulis na pumipigil sa kanyang pagwawala.
***
naalala bigla ni Bryan ang sinabi muli ng matanda na madudusa siya. at kahit alam niya na maaring
mangyari iyun hindi niya parin matanggap ang nangyari sa biglang pagkawala ng kanyang
pinakamamahal na asawa.
hanggang sa araw araw siya na pabalik balik sa istasyon ng mga pulis.
at nangungulit na ipaimbestiga ang kaso na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang asawa.
"nababaliw na ata itong lalaki na to... 3 linggo na nakalipas
imposible na malutas ang kaso na yan?" ani ng isang pulis.
<
"ipinalabas ninyo na nagpakamatay ang akin asawa?! HINDI TOTOO NA NAGPAKAMATAY ANG AKING ASAWA
...PINATAY SIYA ! MAY PUMATAY SA KANYA BAKIT AYAW NINYONG MANIWALA SAKIN?!"
ani ni Bryan na nagwawala sa istasyon ng pulis.
ngunti walang naniiwala sa kanyang sinasabi... itinulak siya ng mga pulis palabas sa istasyon.
at napaupo siya sa lupa at dahan dahan tumayo. maya maya dumating ang kanyang anak.
"papa... ok po ba kayo?' ani ng kanyang anak nahinihila ang kanyang laylayan na damit niya. na ang edad ay 5 years old.
natigilan si Bryan at tinignan mabuti ang kanyang anak.
na kamukhang kamuha nito ang kanyang yumao na asawa.
"ok lang si papa... tara anak uwi na tayo."
pilit na ngiti ni Bryan.
"opo."
at nang nasa bahay sila ng gabing iyon.
nakita niya na nagbabasa ng librong pambata ang kanyang anak na nasa kuwarto nito.
"galing naman ng anak ko ... sipag magaral."
"opo papa." ngiti ng kanyang anak.
"kamukha mo talaga mama mo."
"hehehe I love you papa! pwede po ba ninyo basahin po ito sakin?"
"sorry anak ... iiglip lang si papa sobrang pagod na pagod na eh."
"okay po goodnight po!"
***
kinabukasan ng umagang iyon madilim parin dahil sa maulan at
natatakpan ng mga makakapal na ulap ang buong langit.
nagising nalang si Bryan ng umagang iyon.
naghahanda ng agahan si Bryan ng napansin niya hindi pa rin bumababa ang kanyang anak.
tinawag niya ang pangalan ng kanyang anak ng paulit ulit ngunit hindi ito sumasagot
hanggang sa pinutahan niya ito sa kuwarto nito.
pero natigilan siya ng nakita ang isang mapulang likido sa sahig na nagmumula
sa loob ng kuwarto ng kanyang anak.
agad niyang binuksan niya ang pintuan at sa kanyang nakita ay ikinagimbal niya ang kanyang nasaksihan.
nakita niya ang duguan ang buong sahig at ang mga nagkalat na libro ay nabahiran ng dugo
at patuloy niya sinundan ang bakas nito hanggang napansin niya na tila nasa bintana ito naputol.
nangtinignan niya ang bintana nanginginig siya at dahan dahan na tumingin
sa bandang ibaba ng bahay (nasa 2nd floor siya) nakita niya ang bangkay ng kanyang anak na nasa lupa.
"UGH! UGGGGH! AAAAAAKKK AHH!, AHHH!" sigaw ni Bryan.
*hindi maari! ANG ASAWA AT ANG ANAK KO!!! N-NAWALA... BAKIT?! BAKIT?!!!* sa isip ni Bryan.
at sa libing ng kanyang anak. maulang panahon. naririnig niya
ang mga usap usapan ng mga tao sa paligid niya.
"napakamalas naman ang buhay niya."
"ang magandang niyang asawa at pati ang ang anak nila
ay sunod-sunod ang misteryosong pagkamatay!"
"I feel so sorry for him... lalo na sa babae napakamalas niya
dahil napangasawa niya ang lalaking yan."
...
sa tindi ng trauma niya halos 1 linggo siya nagkulong sa bahay niya na hindi kumakain
at sinasariwa at inaalala ang lahat ng mga nangyari at hindi niya maintindihan ang mga nang yayari.
ng bigla niya naalala ang misteryosang matandang babae sa tulay noon.
"OO TAMA! ANG WALANG HIYANG MATANDANG HUKLUBANG IYON SIYA ANG MAY KAGAGAWAN NITO SAKIN!!!
AT SIYA ANG NAG SIMULA NITO ANG LAHAT NG PAGHIHIRAP KO! HUMANDA SIYA SAKIN!!!"
Nang nakarating siya sa lugar ding iyon kaagad sa tulay
kung saan niya nakita una ang matanda.
"LUMABAS KA! MAGPAKITA KA SAKIN MATANDA KA!!!" sigaw ni Bryan.
makalipas ng ilang minuto na pagsisisgaw niya sa kabila ng katahimikan at kadiliman ng paligid.
biglang umihip ang malamig na hangin napapikit si Bryan saglit at gumulat sakanya ang matanda na
biglang nagpakita sa kanyang harapan.
"ANONG GINAWA MO SAKIN?!"
sigaw ni Bryan.
"Anong bang pinagsasabi mo kekeek!?" ani ng matanda.
"hindi ito ang pinagkasunduan natin!" ani ni Bryan.
"ang sabi mo sakin MAGDUDUSA AKO NG ISANG BESES PERO HINDI DALAWANG BESES ANG NANGYARI SAKIN!
"tinupad ko ang iyong kahilingan at pati ang pagdurusa mo...
MUKHANG IKAW ATA ANG NAKAKALIMOT? hindi mo ba naalala? kekeke!"
"anong ibig mong sabihin?!"
"kekeke!"
***
matapos nun umuwi si Bryan na luhaan matapos malaman ang mga totoong nangyari
sa likod ng misteryosong pagpatay sa kanyang pamilya.
nang nakarating na siya. sumalubong sa kanya ang isang lalaki.
Si Henry na nagaantay sakanyang pauwi sa tapat ng bahay niya.
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Mr. Nieverro. maari ba tayong magusap?"ani ni Henry.
nagusap silang dalawa sa loob ng bahay niya nagpakilala mabuti si Henry
at ikinuwento ang totoong nangyari.
Si Henry ay isang Psychologist. at pinaliwanag niya ang nangyari
sa paguusap nila kanyang asawa bago ito yumao.
FLASHBACKS
"Please huwag mong sasabihin sa asawa ko na ganito ang kanyang kundisyon.
sa ngayon mas mabuti nang hindi niya muna malaman dok.
ayaw kong magalala siya, he's been too much." pakiusap ni Serenity.
at matapos nun ay hindi namapigilan ang buhos ng mga luha ni Bryan
matapos niya malaman ang huling sinabi ng kanyang asawa.
at sa kanyang anak habang nakikita niya ang asawa niya sa mukha ng kanyang anak.
*kahawig mo talaga ang mama mo at kasing ganda mo din siya at sigurado lolokohin mo din ako katulad niya kaya dapat sa mga tulad ninyong manloloko ay...* sa isip ni Bryan
bago niya mapatay ng tuluyan ang anak niya tinadtad niya ng saksak habang natutulog ng gabing iyon
at tapos tsaka ihinulog ang bangkay mula sa kuwarto ng binata nito.
at maya lang nakarinig siya ng mga tunog at ingay ng mga sirena sa labas.
Inaresto agad ng mga pulis si Bryan sa salang pagpatay sa kanyang sariling mag-ina.
hindi na nagpumiglas si Bryan kaya naman ikinulong siya habang pinagaaralan
ng mga doktor ang kanyang kundisyon ang pagiging baliw.
hindi na maalala ni Bryan ang kanyang mga nakaraan.
natagpuan niya nalang ang kanyang sarili na nakatali ang buong katawan sa higaan.
habang tumatawa...nagagalit...umiiyak. ng paulit ulit.
***
"kahit anong gawin mo hindi mo na mababago kung ano na maaring mangyari sa buhay mo
... meron talagang mga taong hindi marunong makuntento sa buhay... kekeke!"
-WAKAS