3:00 AM (sa opisina)
Napatingin na lang ako sa sa wall clock sa ding ding.
"Madaling araw na pala."
Dahil sa hinahabol ang amg mga deadlines na worth it naman natapos ko ngayon
at kailangan ko ngayun
na umuwi.
Sumakay ako nang elevator. Hindi pa tuluyang nag sasara ang pinto nito, isang kamay ang biglang pumigil nito
isang lalaki na hindi pamilyar na mukha ang sumabay sakin sa elevator.
Ang ayos niya ay may 6'5 ang tangkad, 30+ and edad, payat ito, naka itim na buong damit (suit)
at ang mukha niya tila maputla malubog ang kanyang mga mata (marahil sa puyat?) walang emosyon na mukha
at ang mga mata niya tila diretso lang ang tingin sa harap niya.
Sinubukan ko siyang batiin, para mabasag ang katahimikan.
Ngunit hindi ito umimik at tila umasta siya na parang hindi niya ako nakita.
*Ang weirdo naman niya?* sa isip ko na lang habang natahimik na rin ako. *Bago lang ba siya dito? Sino ba siya?*
Hindi ako naging komportable nang nakasabay ko siya sa elevator
at nang marating namin ang Lower ground flr (parking lot) nakahinga ako ng maluwag
at pag bukas ng pag bukas ng pinto ng elevator tsaka ako pasimple na nagmadali umalis at naiwan siya.
Pero this time napansin ko na tila ang mata niya ay napatingin sakin!
Habang nagmamadali sa paglalakad papunta sa akin sasakyan.
Nakaramdam ako na tila may sumusunod sakin.
Pero tumingin ako sa bawat paligid ko wala namang tao.
Nang nakita ko ang akin sasakyan agad ako pumasok at paandarin ang sasakyan.
Habang nanginginig ako na paulit-ulit ko iniistart ang engine nang sasakyan.
Biglang nagpakita sakin ang mysteryosong lalaki na nakasabay ko sa elevator!
kinakalampag niya ang sasakyan ko at pilit nabinubuksan ang pinto ng kotse ko.
Napasigaw ako sa takot at buti nalang ay nagstart na ang kotse
sabay humarurot paalis-- palayo sa
weirdong iyon. Nakita ko siya sa front mirror ko sa bandang likuran
na nakatayo lang siya at nakatingin pa rin sakin pero hindi niya ako hinabol.
***
Nakahinga ako ng maluwag nang nakalayo na ako sa building ng pinagtratrabahuan ko at nasa tahimik na daan na ako ng hi-way.
Pero nanatili pa rin sa isipan ko ang mukha ng weirdong lalaki. Naalala ko habang tinitignan ko siya sa front mirror
Ay napansin ko ang mukha niya na nanlaki ang mga mata nito.
*That freak!* sa isip ko. *Sino ba siya?!*
Nagdial ako sa phone para kausapin ang boss ko tungkol doon
kung may nadagdag ba na bagong empleyado. Ngunit habang nag aantay ako nang sagot niya sa tawag ko bigla ako natigilan nang
mapansin ko tila may ilaw galing sa headlight ng isang sasakyan mula sa likuran ko na papatay-patay.
"Ano ba yun?! SIRA ULONG DRIVER NA IYON? hindi niya ba
alam na nakakadisgrasya ang ginagawa niya?!"
ani sa sarili ko.
"kung nagmamadali siya puwede naman siya mag overtake!"
Sa inis ko binusinahan ko siya para signal na tigilan niya na ang trip niya na mag papatay patay ng ilaw.
Ngunit tinutuloy niya pa rin.
Mga ilang segundo bigla itong sumabay ang sasakyan sa likuran ko, sa bilis ko at tumabi sakin.
At binaba ko ang bintana ng kotse ko para makita ang sira ulong driber.
Pero hindi niya naman iyon ginawa nakasara pa rin ang kanyang bintana.
Makailang minuto bago makipagtigasan sakin ang bobong driver na iyon.
pero sa huli tila sumuko rin ito. Nakarating ako sa bahay ng ligtas-- sa wakas!
Pagbaba ko nang sasakyan, palakad ako papuntang apartment
na may ilang metro ang layo mula sa apartment building na inuupahan mula sa parking lot.
Pagsara ko ng pinto ng kotse ko, bahagya lang ako napatingin
sa side mirror ko nang makita ko sa di kalayuan ang mysteryosong lalaking naka itim! Napasigaw ako
at agad tumakbo parang sasabog ang puso ko sa halong kaba, takot, at hingal. bahagya ako napatingin sa likuran ko
and this time hinahabol niya na din ako. At sa kasamaang palad maabutan niya na ako!
Nang maabutan niya ako agad niyang hinablot ang pulso ko.
at agad na tinakpan ang akin bibig upang hindi ako makasigaw.
Malapit na kami sa entrance ng apartment building. Nagpupumiglas ako makatakas sa kamay niya
ngunit hindi ko kaya. Natigilan ako nang bigla siyang nagsalita, isang malamig na boses ang aking narinig.
"M-miss, Pasensya na." Ani nito. Nang mapansin niya na tumigil ako sa pagpiglas, tsaka niya ako binitawan.
Humarap ako sakanya habang laluluha at malamig na pawis na bumabalot sa aking mukha.
Kahit takot ako tila nakaramdam ako na mas nanaig ang aking pagtataka sakanya.
Tsaka siya nag paliwanag.
"P-pasensya na kung natakot kita, At hindi ko intensyon na saktan ka. Dahil ang totoo
sinadya ko talagang na sundan ka hanggang dito dahil sa loob ng kotse mo-- sa backseat--"
"May taong naka hoodie na itim kasama mo sa kotse." Salaysay ng lalaki.
Natigilan ako at nanlambot bigla ang aking mga binti tila pakiramdam ko na
nawalan ako ng kaluluwa tsaka ako natumba. Agad niya ako sinalo at sabay abot ng kanyang phone sa bulsa at tumawag siya ng pulis.
Dahil dagdag pa sa kanyang paliwanag sa mga pulis. Simula sa elevator nakita niya na may isang lalaki sa ilang distansya na sumusunod sa babae
naka itim na hoodie at may hawak na maliit na maso. Walang kaalam-alam na pumasok ito sa kotse ko sa backseat
at sinubukan niya ako palabasin sa kotse ko pero dahil sa hindi pagkakaintindihan umalis ako, hanggang sa Hi-way
muntik na raw ako mapatay ng lalaki sa backseat kung hindi niya pinailaw ang headlight ng kotse niya at hanggang sa tuluyan niya na ako sinundan sa bahay ko.
Samantala hindi na makita ang suspect sa kotse ko sa halip, naiwan lang ang mga
bakas ng sapatos nito pati iniwan nakabukas ang pinto.
Kinabukasan. Humingi ako ng pasensya at pasasalamat sa kanya...
WAKAS.