Ang kuwento ito ay tungkol sa kaibigan kong si Hannah.
Na kahit kailan hindi siya hinahayaan ng kanyang magulang na mag-isa sa bahay.
Naisip ko at naintindihan ko dahil baka over protective lang ang mga magulang niya
at bilang unica hija rin o kaisa-isang anak.
close ko rin ang mga magulang niya kaya
nagkwento ang mga magulang niya sakin ang totoong
dahilan kaya hindi nila hinayaang mag isa ang kanilang anak simula nang gabing iyon.





***

Noong 6 na taong gulang pa lang si Hannah,sa kanyang kaarawan niregaluhan siya
ng kanyang mga magulang nang isang alagang aso na breed chow-chow na malaki,cute, at mabalbon.
Kahit saan magpunta si Hannah lagi siyang sinusundan nito.

Matalinong aso na lagi naandyan para sakanya dinidilaan ang kanyang pisngi tuwing umaga,
dahil sa masyadong abala ang
mga magulang niya kanilang trabaho.

Kaya nasanay na si Hannah noon na mag-isa at kasama lang ang kanyang alagang aso.

Hanggang sa isang gabing iyon 8:00pm ng gabi.
Wala pa ang kanyang mga magulang sa bahay, nagising si Hannah saglit
para kumuha ng kumot at kumutan ang kanyang aso.

9:00pm na nang gabi naramdaman ni Hannah na dinidilaan siya ng kanyang aso sa kamay niya.
pero hindi niya ito pinansin at bumalik sa pag tulog ulit.

at makalipas ng 15 minuto ay naalipungatan siya na dinidilaan nanaman siya na iniisip niya marahil ang kanyang aso
sa kamay niya. Habang nakapikit siya na tinatamad dumilat sa antok hindi niya tinignan at bumalik sa pagtulog.

10:30pm nang bigla siyang nagising agad matapos marinig ang sunod sunod ingay na tahol
ng kanyang aso. At na pilitan siyang bumangon sa higaan upang sundan ang ingay mula sa kanyang aso.
habang patuloy niya sinusundan hanggang sa humantong siya papunta sa banyo.

Laking gulat niya pag bukas niya ng pinto ng banyo may mga kalat na bakas na dugo at sinundan niya
ng tingin kung saan nangggaling---

Nakita niya ang bangkay ng kanyang alagang aso na nakasabit sa shower curtain
na naliligo sa sariling dugo nito.





Sa insidenteng iyon ay nagbigay kay Hannah na malaking trauma sa kanyang pagkabata.
Ayon sa pulisya inibestiga kung ano ang sanhi ng msyteryosong nangyari sa bahay nila,
pero sa kasamaang palad wala silang makita na anu mang ebidensya.

Si Hannah ay 23 taong gulang na, pero hindi pa rin siya hinayaan ng kanyang mga magulang
na mag-isa...


WAKAS.