Kwento ito ng isang mag-ina. Na sina Rachel at Belle.

At pauwi na sila galing pa sa kanilang kamaganak na malayung lugar. Sa mga oras na iyon ay nagmamadali na Si Rachel ang ina, na umuwi dahil ayaw niyang maabutan nang dilim sa daanan (siya ang nag dridrive) kasama ang 16 yrs old nyang anak na babae na si Belle.

Nung hapon na iyon, nag handa na para umalis kaya nag paalam na sila sa lolo't lola ni Belle. At agad nag simulang byumahe.

Habang nag dridrive, hindi mapakali si Rachel, dahil sa ayaw niya maabutan ng dilim binilisan niya ang kanyang pagtakbo ng kotse. Samantalang katabi niya si Belle na may earphones sa tenga at nag soundtrip. 

"Mooom, can you please, slow down? parang naman may humahabol satin eh makakauwi din naman tayo po." Ani ni Belle.

"Mas delikado sa gabi mahirap makita ang daanan kaya dapat na kailangan na makauwi na tayo agad!" Ani ni Rachel. Habang nakafocus mabuti sa pa dridrive. "Hindi ko inaasahan na maabutan tayo nang gabi!"

"Bakit naman? di ba may shortcut naman? tsaka kahit pa madilim na ang daan mabilis din tayong makakauwi po." Ani ni Belle.

Hindi na sumagot Si Rachel, nanatiling nakatingin lang siya sa daanan.

Ang biyahe ay umaabot ng 30 mins bago maka uwi sa kanilang bahay, ngunit ang nasabing shortcut ay may malubak na daanan at napapaligiran nang mga puno sa bawat gilid ng daan, walang street light pag gabi kaya napaka dilim ang daan.

undefined

Sa kasamaang palad ay naabutan din sila ng takip silim sa daan.
Habang seryoso ang nababahala ang kanyang ina, si Belle ay natigilan nang napansin niya sa side mirror niya sa bandang likuran ng kotse na tila may tao- Isang batang babae na nakaupo sa gitna nang daanan at nakatalikod ito sa kanila. At agad na sinabi ito sa kanyang ina.

"Mom wait!"

"W-what?"

"Parang may tao dun sa likod natin, may batang babae? nakita mo ba?"

"Huh? batang babae?" ani ni Rachel para malinawan.

"May batang babae. at mukhang kailangan niya nang tulong Ma?"

Sa isip ni Rachel na ayaw niya sana iliko ang kotse para bumalik dahil mas nagaalala siya na habang magtatagal sila ay padilim nang padilim na ang paligid. Ngunit nangngulit ang kanyang anak dahil sa naawa sa batang babae na nagiisa sa gitna nang daanan mag-isa.

"Sigurado ka bang may nakita ka anak?" Ani ni Rachel na nag dadahilan para magpatuloy sa pag alis.

"Ma? talagang nakita ko may batang babae dun sa likod natin." Claro ni Belle. "at mukhang naliligaw e kaya, kailangan natin siyang tulungan!"

Naiinis man pero napilitan din si Rachel, na bumalik sa lugar kung saan nakita ni Belle ang sinasabi niyang batang babae. At nang balikan nila ang nasabing lugar kung saan nakita ay wala doon ang babae, kaya naman habang dahan dahan umaandar at kotse at sila'y tumitingin sa bawat paligid kahit na talagang madilim. Hanggang sa di kalayuan mula sa dating pwesto kung saan nakita sa kanan tabi nang daan nakita nila ang batang naka upo na nakayuko at kumikilos ito na paduyan habang nakahawak sa kanyang mga binti.

undefined

Nakita nila ang batang babae, ngunit hindi sila tumigil at bumaba nang kotse. 

"Daanan muna natin siya nang dahan dahan at kausapin kung kailangan nya nang tulong." ani ni Rachel.

Sumangayon ang kanyang anak at nilapitan nila ang msyteryosang batang babae. Pero nang nakalapit na sila nang sapat napansin nila mula sa kanyang pisikal ay tila hindi bata mala teenager ang kanyang ayus. At nang madaanan nila wala pa rin ito kibo para pansinin sila nito (na inaasahan nila sana) at patuloy pa rin sa kakaibang kinikilos nito.

Nang nakadistansya na sila sa babae ay nakaramdam bahagyang panlalamig at nginig ang mag ina. Dahil sa batang babae. 10 mtr na ang layo nila mula sa batang babae pero nang tignan nila sa kalayuan ay wala na sa pwesto ang babae. Sa dilim nang paligid hirap na si Rachel makita mabuti ang daanan kahit na may headlights. Nagtaka ang mag ina kaya bahagyang tinutok na pakaliwa't- kanan ang headlight ng kotse para hanapin ang babae -- ngunit bigo sila makita muli.

Kaya naman sumuko na sila sa paghanap nito at nagpatuloy lang si Rachel sa pagmamaneho na bahagyang mabilis ulit ang takbo.

Makalipas nang 15 minuto na 50 mtr na ang layo nila mula sa pwesto ng mysterosang babae. Nakarating sila sa isang intersection na may mga road signs sa gitna at bago pa man nila lumiko sa kanan -- nagulat si Rachel at ang kanyang anak, natigilan nang mapansin nila sa bandang kaliwang daan ay nandoon ang mysteryosang babae! nakaupo parin ito at nakatalikod mula sa kanila.

Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita habang na puno katanungan at pagkabahala sa kanilang isipan. Una sa lahat paanong sa ganung layo nila ay agad na makarating ang babae? Napaka Imposible!

Nagkatinginan sila sa isa't isa at sinubukan kumalma.

"Sa tingin mo? baka ibang babae yan tama ba?" ani ni Rachel.

Natahimik ng saglit si Belle at sinabing...

"H-hindi Ma... Siya pa rin yun babae kanina."

Napaisip at natahimik sila nang ilang segundo tapos biglang nag panik si Belle.

"MA! T-TARA NA UMALIS NA TAYO." ani nito. "Masama ang kutob ko dito, kaya huwag kang titigil mag drive lang po kayo."

Hindi mapakali si Rachel sa biglang bago nang mood ni Belle pero sa halip na makinig sa sinabi nito ay naisip ni Rachel na nakakapagtaka lang at isa pa kawawa naman yun batang babae baka nga kailangan nito nag tulong kaya nagpakita ulit ito sa kanila. Kaya naman lumiko at nag maneho palapit si Rachel sa babae para malaman ang problem nito. Samantalang hindi naman ito nagustuhan ni Belle ang disisyun ng kanyang ina kaya nagpupumilit itong pigilan siya habang nagpapanik.

At sa mga oras na iyon si Belle ay nabuo ang takot sa kanya at halos magmakaawa na huwag nang ituloy, habang si Rachel naman ay dahan dahan muli na daanan ang batang babae nakaupo. Nang nakalapit na siya tinigil niya ang kanyang sasakyan sa tabi ng babae, ngunit hindi nito pinansin sila at patuloy lang sa pag duyan sasarili habang nakaupo.

"Anak anu ba, hayss! puwede mo bang buksan ang bintana kakausapin ko lang." ani ni Rachel "Ako na kakausap kung ayaw mo."

Hindi sumunod si Belle nakayuko lang siya na nakapikit at tinatakpan ang kanyang mga tenga, habang naiiyak na sa sobrang takot dahil ayaw niyang makita ang babae.

"PLEASE MOM! LET'S JUST GO HOME!!!"

Hindi maintindihan ni Rachel ang ibig sabihin ni Belle, kaya naman siya na umabot para buksan ang bintana ng kotse para makita ang babae mabuti. At sa mga oras na iyon, yun lang ang naalala ni Belle, na napatingin siya paitaas dahil sa kanyang ina --sa lakas na sigaw nito napansin niya ang pagkakilabot sa mukha nito. Matapos nun ay agad tinapakan ni Rachel ang gas at halos paliparin niya ang kotse sa bilis na paalis nila.

"ANUNG NANGYARI MA?! MA?! ANUNG NAKITA MO? MAAAA!!!" ani ni Belle na halos mapatalon sa kinauupuan dahil sa bilis ng pagandar ng kotse.

Samantalang hindi makapagsalita si Rachel nagmaneho lang siya habang ang isang kamay ay nakatakip sa kanyang bibig habang humahagulgol sa iyak. Habang si Belle ay panik parin at paulit-ulit siyang tinatanong kung anung nangyari.

Pero nang ilang segundo sinabi ng kanyang ina kung anung nakita.

"WALA SIYANG MUKHA! KULAY ITIM, B-BLANKO WALANG MUKHA!"

Nang malaman ito ni Belle umiyak din siya. 

Makalipas nang ilang minuto nakarating din sila sa bahay at nagyakapan matapos at tumawag si Rachel nang pulis, ngunit hindi niya masabi o mapaliwanang nang ayus sa kanyang nasaksihan dahil maiisipan siyang baliw. Kaya naman sinabi niya lang na may babaeng minor de edad at ang kanyang kasuotan nito, na naliligaw sa kagubatan at sinabi niya din ang eksaktong location sa huling nakita. Mga pulis at ibang local na barangay ay sinuyod ang kagubatan at daanan, nakipagtulungan upang hanapin ang nasabing babae--- ngunit sila'y nabigo.

WAKAS

JanenajlaArts Creator

6th story of 2022