makalipas ng ilang buwan nasa isang tahanan na silang dalawa habang nanood ng T.V. nasa sala sila
magkatabi. at si Serenity ay nagdadalang tao na.

"hon?"

"what?"

"iniisip ko na sino kaya magiging kamukha ng baby? kay mama ba o ke papa? super na-eexcite na ako e!"
ani ni Serenity habang hinahawakan ang kanyang tiyan na 3 buwan na.

natigilan si Bryan. sa mga sinabi ng asawa niya bigla niyang naalala
ang sinabi sa kanya noon ng misteryosang matanda sa tulay.

"makakamit mo ang pinapangarap mong buhay pero kasabay nun ay madudusa ka rin ng 1 beses."
ani ng matanda * magdudusa?! ayoko magdusa kung kailan na nagiging maayos na para sakin ang lahat! at ayoko na
madanasan ng anak ko ang nangyari sakin huwag sana siyang lumaki na kagaya ko
ang ganitong itsura na kinasusuklam ko!" sa isip ni Bryan.

"hon?! are you alright natahimik ka?"ani ni Serenity.

"ahh w-wala to come again anu ulit ang sinasabi mo?"

"hmpft! naman e kanina pa ako nagsasalita, hindi ka pala nakikinig.
iniisip ko ang mga plano ko para sa magiging anak natin." bahagyang tampo ni Serenity na nakanguso.

"sorry... sorry na! ahaha! ikaw naman ohh. syempre excite din ang dad to be
and I hope na kamukha mo ang baby natin mom like ba?"

"hmmpft love you hon! your the best!" ani ni Serenity sabay sandal kay Bryan.
at himawakan niya naman ang balikat ni Serenity.

samatalang iniabot ni Serenity ang remote ng T.V. at inilipat ang channel sa isang comedy show kung
saan ang cast character ay may panget na itsura ang pinapanood nila.
sabay inagaw bigla ang remote sa kamay ng kanyang asawa.

"teka bakit yan ang pinapanood mo?! hindi maganda yan baka mapaglihian mo yan."
ani ni Bryan.sabay lipat sa channel ng magandang tanawin.

"huh? anung prob hon?" napansin niya na kakaiba ang asta bigla ni Bryan.

"basta ito nalang panoorin natin hehehe." biglang ngiti nito

"...ok?"

makalipas ng ilang buwan araw ding iyon nagmamadali si Bryan papunta sa ospital dahil nanganganak na
ang kanyang asawa. at nang pumasok siya sa isang kuwarto nadatnan niya na nakahiga na sa higaan
ang kanyang asawa kasama kalong-kalong nito ang isang sanggol na nakabalot sa kumot.

"hon! ang anak natin! tignan mo!" ngiti ni Serenity. sabay abot ang sanggol kay Bryan.

napalunok si Bryan dahil hindi niya matatanggap kung magiging kamukha niya
ang anak nila na lumaki na tulad niya na lumaking mahirap na buhay.

napapikit siyang habang dahan-dahan na binuksan ang kumot upang matignan ang anak nila.
Bigla niyang narinig ang mala anghel na tawa ng sanggol.

nang idilat niya ang kanyang mga mata, namangha siya sa nakita niya at nakahinga ng maluwag.
ang anak nilang babae na kamukhang kamukha ng kanyang asawa. at
tuwang tuwa si Bryan naguumapaw na kasiyahan na nabuo sa kanyang puso.

at hindi nagtagal nagpatuloy ang masayang buhay ng lalaki. isang masayang pamilya ang kanyang
pinapangarap ay natupad niya ngunit hindi parin niya maiwasan na magalala
sa nakaabang na isang bagyo na maaring biglang dumating sa buhay niya bigla. "magdudusa ka rin." ani ng boses ng matanda.

"UWAAAGGH!" biglang sigaw ni Bryan na biglang nagising mula sa kanyang pagkakatulog.

"hon?! ok ka lang binabangungot ka ata?"

"huh?"

napansin ni Bryan na sobrang pinagpapawisan siya.

"uhm oo masamang panaginip lang to..." ani ni Bryan.

ngunit nangangaba pa rin siya kung anu ang dapat niyang pagdusahan. ano ang maaring mangyari. kaya
naman mula nun hindi pa rin siya mapanatag sa kabila ng natamasa niya na ang lahat. bigla niya ding
naalala kapag kasama niya ang kanyang asawa at anak hindi pa rin maiwasan na
masabihan ng masama si Bryan sa bawat tao sa paligid niya.

"tignan mo itong pamilya na iyon ang pangit ang asawa ng babae oh."ani ng isang babae.

"oo nga buti hindi nagmana ang anak niya sa kanya."

"seriously ang nakakapagtaka lang buti pinatulan siya ng babaeng yun." ani ng isang lalaki.

"hon huwag mo nalang silang pansinin ang importante masaya tayo." ani ni Serenity.
habang himawakan niya ang bawat pisngi ni Bryan at tinapat lang sa mukha niya
para sakanya ang attensyon ni Bryan. pero isang araw.

"hon? I'm home." ani ni Bryan na pagod galing trabaho, habang pumasok sa pintuan.
natigilan siya na may isa pang tila pares ng sapatos na tila pagmamayari ng isang lalaki.
*may bisita?*sa isip niya.

habang sa hindi kalayuan naririnig ni Bryan habang papuntang sala ang dalawang taong nag-uusap
ang isa ay boses ng asawa niya at ang isa ay boses ng isang lalaki.

"please huwag mo itong sasabihin sa asawa ko." ani ni Serenity.

"uh pero?" ani ng lalaki.

natigilan ang dalawa matapos makita nila si Bryan.

"ano ito?" ani ni Bryan.

nakita ni Bryan na kausap ni Serenity ang isang lalaki na may magandang mukha at naka puting damit.

"uhm hon? nakauwi ka na uh... siya nga pala si Henry isa siyang..."

"magusap tayo." ani ni Bryan.

"uhm pasensya ka na." ani ni Serenity sa lalaki.

"A-ahh s-sige Misis mauna na ako pasensya na sa abala." ani ni Henry.
sabay yuko ng bahagya at umalis ng nakasara na ang pinto.

ang gabing iyon ay nagtalo ang mag-asawa.

"hindi totoo yang iniisip mo Bryan nagkakamali ka!" ani ni Serenity
na sinusubukan magpaliwanag sa asawa niya.

"hindi totoo? nakikita na mismo ng dalawa kong mata na nakikipaglandian ka sa Ha@#$% na yun?!
bakit dahil ba sa may itsura siya at ako ganito?"

"makinig ka mabuti Bryan ...ikaw lang ang minahal ko maniwala ka sakin."
ani ni Serenity.

"tsk!" sabay iwas ng tingin si Bryan kay Serenity.

maya maya lang natahimik ang paligid nasa kuwarto si Byran at nakahiga at nakatalukbo ng kumot.

"hon?" ani ni Serenity. "hon galit ka pa ba? I'm sorry na oh?"

ngunit hindi parin kumikibo si Byran pero palihim at tahimik lang siya
nakikinig sa sinasabi ng kanyang asawa. "mukhang tulog na ata...ang mahal ko." ani ni Serenity.
"pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita." malungkot na sambit nito.

matapos nito sabihin ni Serenity umalis na siya at
dahan dahan sinara ang pinto ng kuwarto.pero makalipas ng ilang oras.

*asan na siya? bakit hindi pa siya umuuwi? masayado ata ako naging harsh sa kanya.
I'm so sorry hon.* sa isip ni Bryan. na nagsisimula na magalala.

makalipas pa ng ilang oras. hindi niya namalayan na nakatulog siya. maya maya lang ng bigla siyang
nakarinig ng sunod sunod na katok sa pintuan at kasabay nun ang inagay ng mga sirena na tila tunog ng
ambulansya. madaling araw iyon nagising siya at pinagbuksan ang pinto nakita niya ang dalawang pulis.

"huh? sir? m-may kailangan po ba kayo?" ani ni Bryan.

"ikaw ba ang asawa ni Mrs. Serenity?"

"oho?"


TO BE CONTINUED TO PART 3 FINALE

***