Nag usap si Ray (nagpanggap na Shin) kay Liliana na kung saan
ang meet-up nila.



At hindi rin nagtagal makalipas ng ilang oras
9PM nang gabing iyon biglang tumunog ang doorbell.
at sa mga oras ma iyon ay naglalaro ng playstation ang dalawa.

"UGHHH!!! again!" ani ni Ray na natalo sa laro.

"Oh since natalo ka sagutin mo kung sino yun." sambit ni Shin.

"hayss! f-fine!"

natigilan si Ray pasilip niya sa peephole ng pinto.

"Sino ba yan?" ani ni Shin.

"Uhh! isang k-kaibigan?..."

"tumabi ka nga tignan ko."

"!!!"

"S-sino yang babaeng..." taka ni Shin.

"ah kase let me explain yan yun babaing..."

"Seryoso ka ba?!" ani ni Shin. "Sinabi ko saiyo wag na wag mo kong dadamay dyan!
at isa pa baliw ka ba para mag imbita ng babae sa ganitong oras?"

"SHH! Chill pre easy sasaglit lang naman at usap ganun?"paliwanag ni Ray.
"Isa pa nandito na siya nakakahiya naman kung paalisin mo lang baka malayo pa narating nung girl."

"UGH! sumusobra ka na talaga hayss!"

Binuksan nila ang pinto. At nakita nila ang babaing katulad sa litrato na sinearch nila sa dark web.

"H-hi miss." bati ni Ray.

Ngumiti ang mysteryosang dalagita sakanila sabay din ang
bati ng mahinhin na boses.

"Ako pala si Ray at ito naman si Shin."

"S-shin?" ani ng babae sabay lipat ng tingin kay Shin. "SHIN!"
ani nito matapos mamukhaan si Shin na ka chat niya. (ginamit ni Ray ang litrato ni Shin kay Liliana.)
kasunod nun biglang nalang niyakap ng babae si Shin, at pareho ang dalawa nabigla.
Nagkatinginan ang dalawa na natulala, ngunit bahagya ngumiti si Ray.

"Nice one pre!!!" pabulong na senyas ni Ray kau Shin.

"Yari ka sakin matapos nito! grr!" asar ni Shin habang hindi mapakali.

Nang bitawan siya ni Liliana sa pagkakayakap. Niyaya ni Shin ang dalaga na mag kape or anung drinks na
gusto at makipag kwentuhan. Ngunit tumanggi ito at nakiusap na maaring natili muna sa bahay niya.

Hindi naman makatanggi si Shin sa innosenteng mukha ng dalaga na nakikiusap at pumayag na umakyat
para Ihatid ang dalaga sa isa pa niyang bakanteng kuwarto.

"sus bkit di mo pa talaga samahan sa..."

"...puwede bang manahimik ka na lang! kasalanan mo to!" inis ni Shin sabay hagis ng hand bag
ng dalaga sa mukha ni Ray.

"Walang papasok sa kuwarto niya naintindihan mo, or kahit pa ako." ani ni Shin.
"Lagi nalang ako nag aayos ng mga kalokohan mo hayss!"

"FFFIIINNNE!" ani ni Ray."kill joy hmp!"


***

Mga oras na iyon 11PM na hindi makatulog si Ray. Kaya naman lumabas siya at
bumaba para kumuha ng maiinom.

At matapos nun bumalik siya papunta sa kuwarto niya, at nadadaanan niya muna ang kuwarto nang babae
bago kay Shin at sakanya ang sunod. Nang napa hinto siya nang maka rinig ng kaluskos
mula sa kuwarto ng babae. At tinapat niya ang kanyang tenga sa pintuan (out of curiousity) para
marinig kung anung nangyayari.

Nang bigla itong nag bukas at laking gulat ni Ray na si Shin ay nasa kwarto ng babae.

"Huh? anung ginagawa mo Ray?" ani ni Shin. na matamlay ang mood.

"Ahh! kumuha lang ako ng tubig sa baba, may problema ba? me problema ba sakanya?" taka ni Ray.
Nahindi makapaniwala na magkasama si Shin at ang babae.

Habang nakikipagusap siya kay Shin napansin ni Ray ang dalaga sa loob nakaupo at naka harap sa
salamin at dahan dahan sinusuklay ang buhok. Kasabay nun ang pakiramdam niya nang lamig nang bigla niya mapansin ang
mukha ng babae yun isang mata niya ay bahagyang ikot sa ibat ibang direksyon na hindi maipaliwanag na ayos.

"May kailangan ka pa ba? kung wala na ay umalis ka na."biglang sambit ni Shin.
sabay sarado nang pinto at nanatili parin si Shin sa loob.

*The HECK!!! ano yung nakita ko?! namamalik mata ba ako?! isa pa pinaka weird ay si Shin!
alam ko level ng sungit niya kilala ko siya pero never siya naging ganito sakin.* sa isip ni Ray.

*Pero-- just to sure lang yun babaing iyun.*

Buo na sa isip ni Ray na magimbestiga tungkol sa mysteryosang babae, kaya binuksan niya
ang video mode sa phone niya na naka record on.

1am na nakalipas nang oras na iyon habang nirerecord ang sarili naistorbo si Ray sa pag tunog ng ingay
nang pag bukas ng pinto at pagsara nito. Dali dali at dahan2x naman ang pag labas ni Ray mula
sa kanyang kuwarto at nagtungo sa isang kuwarto kung saan niya na rinig ang ingay kasunod
nun ang pag bukas ng gripo sa lababo. (nasa restroom)

Sinubukan niyang sumilip sa ilalim sa bandang paanan ng pinto at nakita niya ang mga paa ng dalaga.
nakita niya sa sahig din ang mga damit na hinubad nito, ngunit hindi niya makita ang mukha nang babae.
kaya may dala siyang salamin na maliit at ang phone niya na nakalagay sa selfie stick. At pinasok niya ang
phone niya nang dahan dahan at nabigla siya sa kanyang nakita.

Ang babae ay tila inaagnas at may mga kung anung insekto alupihan,ipis at etc ang lumalabas sa bibig niya, mga mata
at ilong! ang balat niya ay tila parang nagmumukhang damit lang--nakikita ang mga
tahi-tahi sa katawan nito.

Halos mapasigaw si Ray sa kanyang kakilabot na nasaksihan mula sa mysteryosang babae.Gayon pa man
ay pinilit niya parin manatiling kalmado at tahimik habang tinatakpan niya ang kanyang bibig.
Tapos ay dahan dahan niya kinuha ang phone niya ---ngunit isang alupihan ang biglang gumapang sa kanyang braso.
at agad na nagpanik si Ray para alisin ito, at dahil dun ay napatayo siya bigla. Habang pinapagpag ang sarili at nalaglag sa sahig
ang alupihan bumalik ito muli mula sa pintuan ngunit napansin niya ito na bahagya na bukas. (habang nakatingin si Ray sa kanyang paanan)

"WAAAAHHHHHH!!!" sigaw ni Ray. Sabay takbo matapos makita ang nasa likod ng pintuan.




Bumalik si Ray sa kanyang kuwarto at nilock agad ang pinto tsaka nag tumalon sa kama niya at
talukbo ng kumot habang nanginginig sa sobrang takot. Habang naririnig niya
ang mga yapak ng paa mula sa labas ng kanyang kuwarto na tila papalapit ito.

Pero mga ilang minuto lang na katahimikan ay bigla siyang nagulat matapos makarinig
ng 2 katok mula sa labas ng kanyang kuwarto at kasunod nun ay boses ni Shin.

"Ray? ayos ka lang? narinig kong sumigaw ka-- anung bang nangyari?"

"S-Shin?!"

"Oo ako to baliw!"

Matapos nun ay nakahinga si Ray at agad na bumaba sa kama niya at binuksan ang pinto.
At nakita niya si Shin na lalong nagmukhang matamlay kesa nung una. At sa likod ni Shin
ang babae na nakatingin nang maigi kay Ray, habang may lumabas na ipis mula
sa kanyang leeg at kinain niya ito at sabay ngumiti na patabingi na wala normal na ayos.

Nanginginig si Ray.

"May problema ka ba Ray? puwede natin mapag usapan yan."ani ni Shin na mahinahon na sambit.

Nasa living room sila at nag usap samantalang ang babae ay nakadikit lang kay Shin (in clingy pose)
habang si Ray ay nanginginig ang kamay habang hawak ang baso ng tubig at uminom para kumalma at
habang din nakatingin siya sa babae na pagka nyerbyos.

"Pre puwede bang magusap tayong dalawa muna?" ani ni Ray matapos maibaba ang baso.

"Bakit? pa kailangan nang ganun kung anung gusto mo sabihin okay lang."ani ni Shin. "Isa pa puwede mo rin ishare sa girlfriend ko..."

"...COUGH! COUGH! gir-girlfriend?!" ani ni Ray na bahagya na napasigaw.
"Pre I'm sorry talaga sa ginawa ko saiyo pero... ang babae na yan hindi mo siya kilala!"

"At hindi mo alam kung ano ba talaga siya nakita ko na..."

"...Anung nakita mo?!" ani ni Shin na biglang nagiba ang kanyang mood na paggalit.
"Sinabi sakin ng girlfriend ko na binobosohan mo siya?!"

"Duude! hindi naman sa ganun let me explain!--"

"Pre! alam ko na talagang me pagka barumbado ka minsan pero kahit kailan hindi ko akalain na gagawin mo to sa babae--
lalung-lalo na GIRLFRIEND KO PA BINABASTOS MO!"ani ni Shin. "Tapos may karapatan ka pa na paghiwalayin kami?
na bigla ka nagbago na ayaw mo siya para sakin? Hah! Pre sumusobra ka na ata!"

"Pre! makinig ka muna sakin pre!"

"KAYA MAG MULA NGAYON HINDI NA KITA ITUTURING NA KAIBIGAN AT SUBUKAN MO
ULIT BASTUSIN ANG GF KO ISUSUMBONG NA KITA SA PULIS!" ani ni Shin. sabay umalis at sinamahan ang dalaga pabalik sa kuwarto.

Samantalang sa mga oras na iyon hindi makatulog si Ray. kaya naiwan siya mag-isa sa sofa at
natatakot na bumalik sa kanyang kuwarto.


***

*I'm sure kagagawan nang babaing iyon kung bakit ganun sakin si Shin, kilala ko si Shin-- hindi
siya mag aasta nang ganun sakin kahit kailan kahit nagaaway man kami!* sa isip ni Ray.

3am nang mga oras na iyon biglang sumagi sa isip ni Ray, ang gamit ng babae na binigay sa kanya.
kaya hindi sumuko si Ray para iligtas ang kaibigan sa babaing iyon, nag hanap siya ng ebidensya
para patunay at palabasin ang totoong pagkatao nang babae.

Sinimulan niyang halungkatin ang handbag nang babae. At nakita niya ang mga nakakakilabot na
katotohanan. Nakita niya ang laman na gumulat sa kanya ang may ipis na lumabas matapos mabuksan ang zipper nang bag.
Ilan sa nakalagay dun ay mga old I.D.'s nang mga hindi kilalang mga lalaki na nakalgay sa isang supot na nakasulat
'My boy friends' at yun lang ang nilalaman nito.

Nalaman niya na marami na nabiktima ang mysteryosang babae at sa hindi niya malaman na kung anong
klasing nilalang ang babaing iyon kaya nag panik siya at sinubukan niya na tawagan
sa phone si Shin sa mula kabilang kuwarto. Ngunit walang sumasagot.

"PRE! ANU BA!!! SAGUTIN MO NA PLEASE! BUWISET! UGH!"panik ni Ray na hindi
mapakali habang pabalik balik ang paglakad niya.

Natigilan nalang si Ray nang makarinig siya nang kaluskos tila sa dingding. sa di kalayuan at
agad siya dahan dahan pumunta mula sa taas sa kinaroroonan nang ingay. Napabuntong hininga at
napalunok si Ray habang naglakas loob na mag-imbestiga.

Nakita niya na nakabukas ang kuwarto nang babae at kay Shin. Napansin ni Ray habang hawak niya
ang ilaw mula sa kanyang phone, ang mga bakas na paa na tila basa kasama mga ilang nagkalat na mga ilang insekto at papunta ito sa
kuwarto ni Shin. Dahan dahan pumasok si Ray at nabigla sa kanyang nasaksihan.

Nakita niya si Shin na naka higa sa kama na pawisan na tila binabangungot ang itsura habang sa tabi
niya ang isang nakakakilabot na hindi kilalang nilalang na nagtatangka na lamunin siya nang buhay!
ang katawan nito ay napakahaba at maitim na butas nang mga mata at malaking bunganga. Agad na
lumingon ito kay Ray matapos makita siya nito.

"SHIIIIINNN!!!" Sigaw ni Ray.

Bahagya napamulat si Shin sa sigaw ni Ray, ngunit bago pa tuluyang mamulat at magising si Shin
napasigaw ang nilalang at agad na tumakbo paalis lumabas agad ito mula sa kuwarto ni Shin-- sa
kakaibang bilis at nabangga si Ray at natumba sa sahig. Habang ang nilalang ay tumakas at tulyang
umalis sa bahay ni Shin.

Kasunod nun ay agad na tumayo sa pagkakabaksak si Ray at hinabol ang nilalang ngunit hindi niya na
nabutan, nakita niya nalang ang buong pagbukas nang main door. At nang inilawan niya ang buong
paligid salabas wala niyang makita at napakatahimik din nang paligid. (Pitch black)

"UGGGHH! Pre a-anung nangyari?" ani ni Shin na sumunod sa kanya
sa likod na ikinagulat naman ni Ray.

"AHH! Pre! wag mo naman ako takut...bumalik ka na!!!"ani ni Ray sabay yakap sa kaibigan.

"Pre anu ba?! ugh! ako ang natatakot saiyo eh-- anung na bang nangyari saiyo?" taka ni Shin.

"HAHAHA! alam ko hindi ka maniniwala pero grabe talagang itong gabi na to!"
Ani ni Ray na nakahinga na nang maluwag.

"HUH?!" "Let say na mas masaya pa rin ang maging single hahaha!" -WAKAS Epilogue: Binigay ni Ray ang handbag sa mga pulis para ma imbestiga.
nakilala at na Identify nila ang mga lalaki sa bawat I.d's
at nagkaalaman na mga old ID's ay mula pa nung 80's to 90's
at ang suspect ay hindi parin nakikilala.


***



HAPPY 1st ANIVERSARY sa PINOY HORROR STORIES!
ALSO SA WEBKOM KANTUNAN!!!
HAPPY 10k reads/views
THANK YOU SO MUCH GUYS!!!


[video width="1280" height="720" mp4="/media/webkom1/2021/09/239103490_2944574669088776_3797583023651035240_n-1.mp4"][/video]

JanenajlaArts Creator

2021