HINDI na halos mamukaan ni Olive ang itsura ni Therese.
dahil puro tahi tahi ang mukha at parang pinageexperimentohan siya.
napatakip ng bibig si Olive - hindi siya makapaniwala sa nakita niya at umabot ang kilabot
sakanyang buong katawan , matapos niya matangal ang telang nakabalot sa bangkay ng kawawang dalaga.

At mukhang halos ilang buwan na ito na ka preserve at napakiramdaman niyang
gusto ito buhayin ni Nelson,napaupo siya sa tabi ng bangkay at maiyak iyak siya. Hindi pa tapos ang natuklasan niya nakakatakot
< dahil alam niyang maari siyang mapatay ni Nelson sa pagkakaalam ng lihim niya.

Tinakpan dahan-dahan ni Olive muli ang bangkay ni Therese, at pabalik na nanginginig nginig pa siya.

"just act normal Olive!, wala kang nakita." sa isip niya

At kumuha ng hangin at napabuntong hininga at ng kakalabas niya lang sa lihim na kuwarto ni Nelson.
Ng bigla nyang narinig ang pagbukas ng pinto sa front door. -- Si Nelson,
dali dali siyang lumayo sa tapat ng pinto na pinasok niya, at agad sa sofa umupo (malapit kase sa sofa ang hagdan)
at sinubukan ni Olive normal kumilos.

Kaya kumuha siya ng magazine at kunwari'y nag babasa siya. habang si Nelson ay dumaan
at napakamot ulo, nakakuba na matamlay na dinaanan si Olive samantalang hindi naman mapigilan manginig ang mga kamay
niya sa Magazine.. kasama nun ang lakas ng tibok ng puso niya sa kaba, na parang count down na sasabog siya!

At sumilip si Olive kay Nelson habang dinadaanan siya ng ilang distansya ang layo sakanya,
nanginig pa mga kamay niya pero itinapat niya ang mukha niya sa binabasa niyang mag,
at pilit intindihin ang binabasa niya dito, pero hindi niya pa rin maalis sa isip niya na maaring gawin sakanya ni Nelson.

Naririnig niya ang yapak ng lakad ni Nelson kahit hinde na siya tumingin sa kanya,
ng bigla itong tumigil-binaba ni Olive agad ang Mag. at nakita niya wala na si Nelson
,napatayo si Olive at biglang.

" Hi Oli??? may problema ba??" isang boses na nagmumula sa likuran niya.

"wwWWHHHOOOAAAAHHH!!!"

"S-sorry nagulat nanaman ba kita???" ani nii Nelson na nagtataka.

"Hi-Hindi po pasensya na po kase naparami ata nakape ko aheheh!" palusot ni Olive ,
*shock, sa ginawa niya he really gives me heart attack!*, sa isip ni Olive habang pilit na ngumiti.

"oookayyy, sabay palapit sa mukha ni Olive..at tinaas baba ang salamin niya sa mata,

Nang napatingin siya sa kamay ng dalaga nanginginig ito,at may sugat pa at nagdurugo.
napansin niya ito. hinawakan niya ang kamay ni Olive.

"aahhh, sir???" napaaray si Olive.
Naalala niya sa kamamadali niya na lumabas sa lihim na kuwarto ni Nelson, basag na test tube sa mesa ni Nelson -- nabubog siya.

"Napano ito?, okay ka lang ba?" seryusong mukha ni Nelson.

"wala po yan sir nahiwa kase ko ng kutsilyo sa kusina kacarelessan ko kase e."agad na alibi ni Olive.

Tumahimik lang si Nelson saglit at nagulat na lang si Olive ng sinipsip nito ang dugo sa sugat niya!
at ngumiti lang at sinabi pang

" Ingatan mo ang sarili mo ahh importante ka sakin!" mahinanon sabi niya. halos natigilan si Olive at lalong nagilabot hindi siya halos
makapagsalita o makakilos, parang na freeze siya sa takot.

At tanging sa isip niya anung ibig sabhin niyang magiingat ako importante ako sakanya???"

Matapos ay umalis ulit siya at papunta sa lihim na kuwarto niya.
Napatalikod si Olive nanginginig parin. ng biglang nakarinig siya
ng sigaw mula sa likod si Nelson.

" BAKIT BUKAS ANG PINTO KO??" napatigil si Olive at dahan dahan napa hinto at lumingon agad sa likod.

"ayy nakalimutan ko pala isara, pero siguro naman hindi ka pumasok di ba???" ani ni Nelson.
na nakangiti. at this time nakakakilabot ang kanyang mga ngiti.

" aaahh hindi po sige aalis na po ako."

"san ka pupunta dito ka lang?"

"aah sa kusina lang ho"

"Sige..." sabay sinara ni Nelson ang kuwarto niya.

Nagpanik na si Olive hindi niya na matatagalan ang gantong sitwasyon natatakot na siya.
anu pang silbi ng malaking sweldo kung buhay mo naman ang kapalit,
yun na naisip niya matapos matauhan sa takot.

Pero nag dadalawang isip siya sa kabilang dako na gusto niya nang umalis at yung isa ay hindi pa rin siya
makuntento malaman ang madilim na lihim ni Nelson, kahit pa takot na takot na siya kaya ng sumunod na araw
sa mismong kuwarto naman ni ang silid tulugan ni Nelson siya pumasok wala siya doon
dahil nadatnan niyang naiwan ni Nelson bukas ang pinto ng kuwarto.

Pumasok siya madilim at may masangsang na amoy nanaman, natatakot siya na bukod
kay Therese na bangkay meron pa bang iba?

Iyon saisip niya dahil amoy patay na bubulok, hinanap niya ang pinaggagalingan ng amuy
at nanggagaling ito sa isang malaking pinto.

Nang mabuksan niya mga damit lang ni Nelson, pero biglang dumating si Nelson!
nagtago si Olive sa pinto ng mga damit niya . at nasisilip niya ang mga paa ni Nelson na pabalik balik at tila me hinahanap siya.
Mga gamit niya sa experimento. at sabay lumabas din ng kuawrto si Nelson, nakahinga ng maluwag si Olive.

Akala niya doon na nagtatapos ngunit naaamoy niya pa rin ang masangsang na amoy na nasa loob siya sa isang malaking closet,
na tila kasya 10 na tao. pero ng lalabas sana siya ng naramdaman niyang basa siya ng binuksan niya ang pinto
kung san siya nagtatago at pagkalabas niya duguan siya!

At ng makita niya sa likod niya ay sa loob pala ng kabinet, mga bangkay ng mga 5 dalaga,
na tila maid din? at lasog lasog ang mga internal organs, parte nga piraso nga mga katawan at halos nadislocated mga buto!

Napasigaw na sa tindi ng takot si Olive at ng napaatras siya sa labas ng pintuan ng kuwarto,
nang hindi niya namalayan na nasa likuran niya na si Nelson.

"huwaaagggg!!!!!"sabay iyak ni Olive.

" Importante kasakin olive,, kase kaw mag sisilbing bagong therese."

Habang napaatras si Olive at napaupo sa kama hinawakan siya ni Nelson at nagpupumiglas si Olive ng nakita niya
may gunting sa tabi nang kama ni Nelson sa drawer at agad sinaksak ni Olive si Nelson sa balikat! nabitiwan siya
nito matapos mapasigaw sa iniindang sakit at tumakbo si Olive sa palabas nang kuwarto.

"ANG GUSTO KO LANG NAMAN MABUHAY SI THERESE AT KAMUKHA MO SIYA, ISA KANG PERFECTONG REPLIKA NIYA!!!"
sigaw ni Nelson sa di kalayuan.sabay binunot niya ang gunting na nakasaksak sa balikat niya.

Pero nakita niyang lahat ay nakalock kahit bintana o pinto palabas ng bahay.
sinubukan niyang tumawag sa telepono ngunit hinde makontak ang mga pulisya.

" OH GOD!!! PLEASE PARANG AWA MO NA gumana ka!!!!"maiyak iyak na siya sa takot.

Pindot ng pindot sa mga numero ng napansin niya pinutol pala ang linya ng telepono ang wire nito!
nakita niya sa di kalayuan ang anino ni Nelson? palapit na.

Ngunit bigla na lang siya nawalan ng malay matapos matamaan ng matigas n bagay sa ulo niya.

***

Maya maya lang nag kamalay na siya matapos masilaw sa ilaw sa kisame nakita niyang nakahiga siya at nakagapos!
at sa katabi nya pa ang bangkay ni Therese!

"Ayan ahh alam mo na itsura niya kaya mas mabuti pang ipikit mo na mga mata mo o pipiringan natin ahh!"
ang sabi ni Nelson. piniringan niya ang mga mata ni Olive.

"Bakit mo ginagawa ito!!!! sa mga ibang katulong, nasaan si Mam isususbong kita!" sigaw ni OLive.
"MAGBABAYAD KA SA MGA GINAWA MO!"

"Wala na siya... namatay .. at ung mga ibang babae na patay ko, isa lang basura at pagkakamali!
(pinatay ni Nelson, ang lola niya... matapos itong lasunin sa iniinom nitong tsaa,)

"pinatay mo siya ?!" ani ni Olive na umiiyak. "Bakit mo ginawa yun sa iyong lola?"

"oo kase alam niyang hindi niya tanggap na mabubuhay ko si Therese!, at pakelamerang matanda!"

"nababaliw ka na!, isa kang halimaw!!!"ani ni Olive. "SA TINGIN MO BA MATUTUWA SI THERESE SA GAGAWIN MO? NANG KAKAMALI KA!"

Tumawa lang si Nelson bahagya habang nag hahanda ng mga gagamitin sa operasyun.

"WALA KANG ALAM!" ani ni Nelson.

"Siguro kailangan din nating patahimikin ang bibig mo para walang istorbo hmm?" dagdag pa niya.
sabay tinakpan ni Nelson ng tape ang bibig ni Olive, walang magawa si Olive kung di magpupumiglas ng pilit.

Maya maya lang unti unti pinupunit ni Neslon ang damit ni Olive, pero hindi niya pa nahihiwa ang dibdib.
biglang may ingay na nabasag.

At nahinto ni Nelson ang ginagawa niya ng matapos niyang mapansin wala na sa tabi ni Olive
ang bangkay ni Therese!

Nakita ni Nelson ang bangkay ni Therese nakatayo sa likuran niya na takip parin ang kumot
at humarap agad si Nelson napaatras siya ay nabasag lahat ng gamit nya sa pag atras niya.

"BUHAY KA!!! NAGTAGUMPAY AKO!!!"

Ngunit sa kasabay nun nabuhay rin ang mga ibang 5 bangkay na pinatay ni Nelson
at pinagtulungan siya patayin halos katabi lang ni Olive at nararamdaman niya lang ang lamig na dampi sakanya nang tila basang likido
at ingay ng sigaw Ni Nelson.

Natabig ang higaan kung saan nakahiga si Olive nahulog siya at pumilit kumalas sa pagkakatali sa kanya nang
nakaalis na siya sa pagkakagapos sa kanyang mga kamay, nakaramdaman siya maluwag agad agad tinangal ni Olive
ang mga nakatali sakanya ng matangal niya na ang sa mata niya, nakita niya wala nang tao. Kahit mga bakas ni Nelson
o ang mga bangkay ay wala na tanging dugo lang sa sahig ang naiwan.

Tila mysteryoso nalang naglaho ang lahat.

Matapos nun sumapit na ang bukang liwayway, tsaka dinumog ng mga pulis ang bahay.

Ayun sa imbestigasyun at kuwento mahal na mahal ni Nelson Si Therese ang kapatid niya ngunit matapos na mamatay
sa malubhang sakit si Therese, walang nagawa ang mga doctor na gamutin siya kaya isinumpa niya na magaaral siya
maging doctor para mabuhay niya ang pinakamamahal na kapatid. At sa kasamaang palad
iyon din ang nagtulak sa kanya gumawa nang krimen.

Paglabas ni Olive sa mansion habang duguan ang itsura niya at habang inaalalayan siya nang mga pulis
nakahinga na ng maluwag ang dalaga at sa isip niya.

" SA WAKAS TAPOS NA, THEN EVERYTHINGS GONNA BE ALRIGHT YUN YUN EH at dun ko lng masasabi at the end ligtas na ako!"

Narinig nang nanay niya ang balita tungkol sa kanyang anak kaya sinalubong niya ito agad
nang yakap habang silang dalawa ay nag iyakan.

"Ma, sorry pero ... hahanap na lang ako nang trabaho na hindi buwis buhay."


-WAKAS