Kuwento ito ng isang pamilya at ang kanilang kaisa-isang anak na lalaki 5 yrs





Isang maulang gabing iyon, nag-aaway ang mag asawa sa kabilang kuwarto habang mahimbing ang tulog ng bata.
Hindi marinig ng mga kapitbahay ang alitan na ingay ng dalawang mag asawa dahil sa lakas ng ulan.

Habang ang anak nila na natutulog ay walang kaalamalam sa away ng magulang niya.

Kinabukasan nang umagang iyon.

Bumaba sa mula sa hagdan ang bata habang kinukusot ang mata niya.
Nakita niya ang ama niya na nasa sofa at nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig habang
nakabukas ang T.V. (in static mode)

Nagiinum pa rin nang alak ang ama niya.
Hindi ito pinansin ng bata tahimik lang na dumiretso siya sa kusina
para humanap nang pagkain
binuksan niya ang ref at nag simulang kumuha ng tinapay at palaman.

At umakyat lang pabalik sa kuwarto niya, matapos kumain.

Makalipas nang 1 linggo.

Napansin ng ama niya ang anak niya, dahil nagtataka siya kung bakit hindi nito hinahanap
ang mama niya.

kaya naman naisipan niyang tanungin sa unang pagkakataon ang kanyang anak.

"'Nak Jr? pasensya na hah?" ani ng ama niya. Habang nakahawak siya sa mga balikat nito.
"Wala lang lakas loob si daddy mag sabi na matagal na tayong iniwan ng mama mo."

"Hindi ka ba magtatanong sakin kung nasaan mama mo?"

Ngunit hindi nag kibo ang bata.

"..."

"P-pero huwag kang mag alala nandito naman si daddy--"

"-- Nandito po si mama."

"H-huh? anong pinagsasabi mo?"

"At lagi siyang nasa likod mo daddy."

"!!!"





Ang gabing iyon sa kabila ng alitan nila hindi sinasadyang mapatay ng ama niya ang asawa nito matapos
niyang matulak ito nang malakas at natumba siya tumama ang ulo ng kanyang asawa sa
gilid ng mesa at agad itong ikinamatay.

Dahil sa bilis nang pangyayari sa hindi inaasahang pangyayari
inilibing niya ang bangkay ng asawa niya sa likod ng bakuran nila.


WAKAS.