Isa siyang ordinaryong lalaki na nangangarap din na magkaroon ng maayos na buhay.
ngunit sa kasamaang palad hindi niya ito nakamit. simula nang pinanganak siya panay kamalasan ang
patuloy na dumarating sa kanyang buhay hanggang sa kanyang paglaki.
pinanganak siya sa kanyang kapangitan na itsura at ang mga magulang niya ay ikinahihiya siya. wala din
siyang mga kaibigan noong kabataan niya dahil nilalayuan siya o di kaya'y binubully.
at hanggang sa paghahanap ng trabaho ay hindi niya matanggap at kahit anong pagsisikap niya ay hindi
siya makahanap ng disenteng trabaho.
at ang kanyang naalala bigla ang sinabi ng kanyang ina.
"kung hindi ka makahanap ng maayos na trabaho. ay magasawa ka na lang! dahil hindi ko na matiis na
palamunin ka habang buhay! kay lalaking tao talaga naman kahit kailan ka WALANG SILBI!"
at iyon nga ang ginawa ng lalaki,balak manligaw siya sa isang babae.
at niyaya niya itong makipag date sa isang restaurant.
(long silence)
tinitignan ng lalaki ang dalaga habang ang babae ay nakatuon lang ang attensyon nito sa kanyang phone.
Samantalang ang lalaki ay sobrang natotorpe at halos hindi makapagsalita sa sobrang hiya lalo na
nakaharap siya sa isang sexy at magandang dalaga. (kikay type)
"Uhm?... uh?" sabi ng lalaki na sinusubukan kumuha ng lakas ng loob makapagsalita
dahil 1st time niya manligaw.
ngunit hindi parin siya pinapansin ng babae sa kanyang harapan.
dahil abalang abala ito nakikipag-chat gamit ang kanyang phone.
"uhm Miss..."
"What?! puwede bang magsalita ka nalang? naririnig naman kita eh." agad na sabi ng dalaga.
na tila nasisimula nang mairita.
"I-I'm sorry ka-kase... gusto kong malaman kung ano ang gusto mo?
ako kasi mahilig akong magbasa ng mga libro. ito nga ohh ipakita ko
sana saiyo ang isa sa libro na nabasa ko na at..."
"...Hey! Hey! look in case your forget. nasa resto tayo di ba? at wala tayo sa library. and also don't
give a damn thing like that! you freaking geek. dahil hindi ako nagbabasa ng mga libro! UGH!
so boooring! Oops! I didn't mean that. sorry gotta go now... bye!" (rolls eyes)
sabi ng babae sabay tumayo siya sa kanyang kinauupuan at agad na umalis.
"T-teka Miss ... I." sabi ng lalaki na balak niya sanang pigilan ang babae
ngunit natigilan siya. dahil nakalabas na ito sa resto.
umupo nalang siya mag isa sa resto, naginom ng beer
at nanatili hanggang sa inabot na siya ng gabi (closing hours)
"I'm sorry sir, pero magsasara na po kami." ani ng isang waiter na ginigising siya.
umalis din siya sa resto at naglalakad na sawi dahil mas malakas parin ang tama
at sakit na nararamdaman niya kaysa sa tama ng inunom niyang alak.
habang inaalala ang lahat at sinasariwa ang mga paghihirap niya simula ng pinanganak niya.
maluha luha siya at unti-unti nawawalan ng pagasa. hanggang sa naisipan niya na magpakamatay.
Habang patuloy sa kanyang paglalakad nakarating siya sa isang tulay kung saan walang masayadong tao
at sasakyang dumadaan lalo na kapag gabi.
at tumigil siya tsaka tumingin sa ibaba ng tulay at wala siyang makita sa ibaba kung di ang kadiliman
sa kawalan. at handa na rin siyang tumalon ngunit, bigla nalang siya natigilan matapos
makaramdam ng kakaibang lamig mula sa ihip ng hangin banda sa kanyang likuran.
Agad siyang lumingon patalikod at nakita niya ang isang matandang babae na ang suot ang halos punit na punit na damit at may kalumaan.
kasabay nun ang paghawi ng mga ulap sa kabila ng kadiliman kung saan natatakpan ang liwanag mula sa bilog na buwan.
umanilag bahagya ang ilaw at liwanag ito sa matanda na sobrang kulubot ang mukha nito at nakangiti sa kanya.
"S-Sino ka? at anong kailangan mo sakin?"
tanong ng lalaki na nakaramdam ng gulat at kaba.
"anong kailangan ko? or ikaw ang may kailangan sakin. kekeke!"
ani ng matanda na bahagyang tumawa at ngumiti ito sa lalaki.
"huh? hindi ko kailangan ang tulong mo tanda! isa pa wala kang pakialam
at pabayaan mo na lang ako sa gusto kong mangyari sa lintik na buhay ko na ito!" sabi ng lalaki.
"ganun ba? baka magustuhan mo ang sasabihin ko saiyo.
ang problema sadyang talagang ito na nakatadhanang buhay mo ang kamalasan kekeke!"
kahit ano gagawin ko pakiusap! ng makaalis ako sa impiyernong buhay na 'to ?"
"o sige, hmm ganito nalang tutulungan kita na makamit ang inaasam mong magandang buhay.
at tutuparin ko ito agad... ngunit."
"ngunit? anong kapalit? pera? pera ba kailangan mo? dahil wala akong..."
"...hindi pera ang kailangan ko." putol ng matanda.
"kung ganun ano?" sabi ng lalaki sabay talikod mula sa matanda.
" dahil ang kapalit nito. kailangan mo din magdusa ng 1 beses sa buong buhay mo
habang nakamtan mo na ang pinapangarap mong buhay... kekeke!" dugtong ng misteryosang matanda.
"pero kailan mangyayari iyon?." sabi ng lalaki at sabay humarap mula sa matanda ngunit,
nagulat siya ng biglang na lang nawala ang misteryosang matanda sa kanyang harapan.
***
Kinabukasan ding iyon hindi parin makapaniwala ang lalaki sa matandang nakausap niya. Tila isang
panaginip lang ang nangyari. ngunit sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga huling sinabi ito.
at makalipas ng 1 linggo matapos ng insidenteng iyon. nakalimutan niya na ang nangyaring iyon at
bumalik ulit ang lalaki sa kanyang ordinaryong buhay. patuloy pa rin siya nagpursigi na mag hanap ng
trabaho at mag-apply suot ang pormal attire.
nagmamadali siyang umalis sa bahay dahil maari siyang ma-late sa interview niya.
ngunit sa kasamaang palad bigla nalang umulan ng umagang iyon.
"hayss! anak ng... kung minamalas ka ngayon! at bakit ngayon pa?!" ani ng lalaki. dahil hindi rin siya
nakapagdala ng payong kaya naman pinantaklob niya ang maliit na bag niya sa kanyang ulunan
upang hindi siya gaano mabasa ng ulan. habang nagaantay ang stop light para makatawid.
nang hindi inaasahan dinaanan niya ng isang kotse na tila ang bilis ng patakbo,
at dahil doon bigla nalang siya tuluyang nabasa matapos matalsikan ng tubig mula sa kotseng dumaan.
natulala siyang tinignan ang sarili na napakadumi.
"anung gagawin ko? wala akong pamalit? isa pa ito lang damit na suot ko...
masayado na rin malayo para umuwi para magpalit... anung gagawin ko. buwisit na buhay na ito."
sabi ng lalaki sa sarili niya.
pero patuloy pa rin siya sa paglalakad sa kabila ng maulang panahon
at halos naabutan na siya ng gabi.
"hanggang kailangan matatapos ang padudusa kong ito?"
at natigilan siya sa kanyang paglalakad matapos matagpuan ang kanyang sarili sa isang laundry shop.
"huh?!"
pumasok siya sa loob kasabay nun ang tunog ng bell mula sa pinto na binuksan niya.
"tao po?"
habang tinitignan ang buong paligid na puno ng ilang mga damit na nakatupi at
nakahanger ang iba at tanging naririnig niya lang mga ilang makina ng washing machine na umaandar.
"May kailangan po ba kayo? Sir?" tinig ng isang babae.
lumingon siya sa kanyang likuran at agad na namangha ang lalaki matapos
makita ang isang napakagandang babae at ngumingiti ito sa kanya.
"uhm... ahh."
"buti nakaabot kayo kase magsasara na po sana ako. at
nako po Sir basang basa po kayo."
"kase..."
"sandali lang po hahanap po ako ng pamalit ninyo." ngiti ng babae.
at ng nakapagpalit na ang lalaki.
inabutan ng babae ng kape ang lalaki.
"ito po sir. ingat medyo mainit pa po."
"naku- naku s-salamat." (blushed) sabay inum ng kape ang lalaki habang tinitigan siya ng babae na may tamis na ngiti.
*coughs* napaubo ang lalaki dahil naiilang siya sa mga tingin ng dalaga.
at muntik na niya matapon ang tasa ng kape na hawak niya.
"naku po ok lang kayo s-sir?"
"oo... okay lang ako ahahaha! salamat ulit sa tulong mo at ang bait mo.
nga pala anung pangalan mo?" tanong ng lalaki.
"Serenity...ikaw?" ani nito na ngumiti.
"B-bryan." bahagyang ngiti nito.
at nagsimula silang magkuwentuhan sa kabila ng maulang panahon.
hanggang sa kailangan na umuwi si Bryan.
"uhm kailangan ko nang umalis by the way nice meeting you Miss Serenity."
"naku napakapormal naman Serenity lang nuh! sige ingat ka ahh!"
"ah teka lang itong damit huwag kang mag-alala ibabalik ko din ito..."
"naku ayos lang saiyo nalang yan. dahil mas bagay saiyo ang suot mo ngayon." ngiti ni Serenity.
natigilan si Bryan at agad nanahulog ang loob niya sa magandang dalaga.
nakatingin lang siya sa kanya.
"ahh wait lang ah... ito payong ohh dahil mukhang hindi pa titigil ang ulan."
"nakakahiya naman naku salamat. ibabalik ko ito...uhm Serenity?"
"hmm?"
"o- okay lang ba saiyo na magkita ulit tayo?"
*patay sinabi ko nanaman baka iwasan niya nanaman ako ang tanga ko talaga!* sa isip ni Bryan.
"ahh yun lang naman pala... okay! sige ba! see ya again!" ngiti ni Serenity.
***
At hanggang sa naging matalik na magkaibigan sina Bryan at Serenity. pero hindi rin nagtagal ay naging magkasintahan.
at makalipas ng ilang taon nagpropose si Bryan kay Serenity.
"Will you marry me?"
"OMG! YES!" ani ni Serenity na maluha luha ito sa saya.
naghantong din ito sa kasalan at iyon na ang pinakamasayang araw sa buong buhay ni Bryan.
TO BE CONTINUED TO PART 2