THE MYSTERIOUS GIRL

SCENE

May dalawang istudyanteng babae na nag uusap, sa isang waiting shed habang katabi nila ay isang istudyanteng lalaki na pasimpleng nakikinig sa usapan nang dalawa, habang nakahawak sa kanyang android phone.

"...May kuwento ako."

"OHH, share mo na yarn!"

"Nabasa ko lang sa isang horror website. Tungkol ito sa isang mysteryosang babae, Na makikita mo sa isang tahimik na lugar at gabing iyon." Ani nito. 

"Nakasuot siya na napakalumang bestida na halos kulay itim dahil sa madumi ito. Pero ayon sa ilang nakakasaksi tila normal na pulubi naman siya kung tignan." Patuloy niya. 

"Magulong mahabang buhok, May mga ilang pasa, at tahi sa sugat sa kanyang mga braso at binti. May hawak siyang maduming stuffed toy na halos sira-sira."

"Kapag nadaanan mo siya, bigla ka niyang tatanungin out of nowhere na...

...MAY KAPATID KA BA NA BABAE?" 

***

"So tapos? anung gagawin mo o anung isasagot mo?" Ani ng kasama niya.

"Eh! hindi ko alam?" Ani ng babaing nag kukuwento.

"Interesting kase... so yun lang yun? anu pa sunod--"

"Hanggang doon lang kase yun nabasa ko eh, 3 am ko na kase nabasa kaya mahina ako sa horror stories pag gabi e kaya tinigil ko hahaha!"

"Asus! tara na nga! lakas mong mambitin! ahahha!"

*Both Laughing*

***

Nang nakaalis na ang dalawang babae, Ang lalaki na katabi nila ay nagsuot nang earphones at nagsimulang maglakad at pauwi na siya nang hapong iyon. 

*Sighs*

*I really hate horror stuff! Napaka nonsense kase para pagusapan ang mga bagay na hindi naman nag eexists! mas true horror parin ang mga mahihirap na pagsubok sa buhay, mga kriminal at iba pang masasamang kawakan na nagkalat ngayun.* Sa isip ng binata.

Si Pete 18, isang normal na college student at nagboboard sa isang maliit na apartment mula sa dikit dikit na kabahayan at hindi kalayuan sa kanyang paaralan. 

At sa hindi inaasahan ang kanyang paniniwalang ito ay bilang nagbago sa kanyang buhay, nang matapos ang kanyang ordinaryong pamumuhay.

*** 

Makalipas nang 2 linggo, nakalimutan na din ni Pete ang kuwentong iyon at bumalik din sa normal na ginagawa niyang pamumuhay.

Isang gabi. 10pm nang mga oras iyon, Lumabas si Pete para itapon ang kanyang basura habang napahinto siya saglit sa alagang aso ng may-ari apartment para himasin ang ulo nito. 

"Hayss, mabuti nalang nandyan ka, kahit paano okay pa-konti" Ani ni Pete. "Kailangan ko na itapon ito baka maratratan nanaman tayo ng sermon ng mabait mong amo bukas."

May 20 metro ang layo ng tapunan ng mga basura mula sa kanyang apartment, Habang ang buong paligid ay napaka tahimik, wala nang mga tao sa paligid at halos wala ding nagdaanang mga sasakyan.

"Sa totoo lang nakakapagod ngayon, pero mas nakakadrain lalo yun sermon ni Aling Nena." Ani ni Pete habang naglalakad sa bahagyang madilim na iskinita. 

(Flashback)

***

"Ikaw na bata ka! Ilang beses ko bang ipalala saiyo ang basura mo? Mahigit 1 linggo na nakatambak at umaalingasaw na ang amoy abot nasa kuwarto ko!" Ani ni Aling Nena ang nag mamay- ari ng apartment.

Hindi na sumagot si Pete at napakamot lang na ulo tsaka nagsabi na maayos sa kanya na itatapon na ito at umalis.

***

Nang makalabas na nang iskinita sa di kalayuan sa tabi nang tambakan ng basurahan. May isang tao na nakatayo sa ilalim nang poste. 

At nang makalapit siya nang maigi para matignan mabuti, napansin niya ang isang babaing pulubi na napakadum. Naka yuko ito habang nilalaro at hinihimas ang hawak nitong stuffed toy. Isa pang napansin niya ay ang babaing iyon ay bago lang sa mata niya at tila hindi ito taga rito.

Naisip niya sa mga oras na iyon ay kakaibang pakiramdam, ngunit nag patay malisya lang si Pete habang sa isip na baliw na pulubi lang ito. Dinaanan niya lang ito na normal na kilos tsaka niya hinagis ang hawak niyang basura agad at tumalikod siya mula sa babae. Paalis na sana siya ngunit natigilan siya sa paghakbang nang marinig niya ang ungol ng babae.

"ARGH!"

Napalingon pabalik si Pete, at nang mapansin niya na nakahawak ang babae sa kanyang ulo na tila natamaan siya sa pagkakahagis ni Pete nang basura.

*HUH?! a-anung nangyari? hindi ko napansin natamaan ko ba siya? Ugh! kailangan ko pang mag sorry ngayon.* Sa isip ni Pete. *Uneasy*

"S-sorry... I mean Patawad po!" *Bows head*

Ngunit hindi nagsalita ang babae nakatitig lang ito sa kanya habang nanlaki ang mga biluguan na mga mata.

*Ang weird ah!* Sa isip ni Pete.

"Uhh, S-sige miss--" Paalam ni Pete.

"---MAY KAPATID KA BA NA BABAE?" Putol ng mysteryosang babae.

Bahagyang natigilan si Pete nang ilang segundo at napahinga ng malalim para maibsan ang napapalapit na nararamdamang nyerbyos.

"A-ah eh, meron ak..." Bigla nalang kusa na lumabas sa kanyang bibig habang tulala. Ngunit pigil niya ituloy matapos bumalik ang kanyang ulirat.

*A-anong na nangyayari sakin? seriously talaga?! nakikipagusap na ba sa baliw ang trip mo Pete?!* Sa isip niya habang napatawa ng bahagya sa nyerbyos. *Okay, kalma! pagod sa school work at kailangan ko nang magpahinga.*

Umalis na din si Pete. Samantalang nanatili lang ang babaing nakatayo sa poste habang sinusundan parin siya ng tingin nito. 

Nang nakarating na siya sa apartment. (Nasa 2nd floor siya) Tanaw ang kanyang bintana sa taas sa hindi kalayuan, nakikita ang parte kung nasaan ang tapunan nang basurahan at yun poste kung saan niya nakita ang babae kanina lang. Sinubukan niya nga ito silipin mula sa bintana niya ngunit napansin niya na wala na ang mysteryosang babae sa poste.

Sinuri niya ang buong paligid ngunit, nawala na talaga yung babae. Sa halip ang ilaw sa poste ay patay-sindi.

***

Kinabukasan.

SCHOOL SCENE

Lunch break nang mga oras iyon. Sa Cafeteria nag iisa si Pete na tulala (dahil walang tulog) habang umiinom ng kape. Dumating ang dalawa niyang kaibigan at kaklase na sina Gale at Joe. At binati nila siya.

Si Gale 18, nerdy guy ng tropa. Tahimik at palaging seryoso. At si Joe 19, naman ay kabaligtaran ni Gale varsity basketball athlete at clown sa tropa.

"Oi Pare! anung nangyari saiyo?" Ani ni Joe sabay tapik sa balikat ni Pete. "Parang mukhang me amats lang tayo ah?" Pang-asar nito habang bahagyang natawa.

"Mukhang malayo ang iniisip." Ani ni Gale. "May problema ba pre?"

"...."

"K-kase guys..." Ani ni Pete *Serious mode*

(Kinuwento ni Pete ang nangyari kagabi.)

*PFFT!*

"BWAHAHAHAHA!!!" Biglang tawa ni Joe. "Ahaha! A-ano b-babae? anu bang itsura? Baka itong sinasabi mo?" Sabay abot ni Joe ang isang manga na adult genre.

"Limited edition yan! papahiram ko muna saiyo para machillax ka." patuloy nito.

"!!!"

"Pre naman! seriously! tama na nga yan kalokohan mo loko 'to!" Naasar si Pete. "Gagaya mo ko sayo adik! bago bago din pag may time, boi!"

Habang nagaasaran at nagtatalo ang dalawa. Si Gale naman ay tahimik na inoobserbahan ang kakaibang kinikilos ni Pete.

"Pero Pre..." Ani ni Gale. Sabay natigilan ang dalawa sa pagtatalo. 

"A-ano yun?"

"W-wala, sa totoo lang ang ibig sabihin talaga ni Joe e, kailangan mo din mag pahinga." ani ni Gale. "At kung may problema tawagan mo lang kami." Patuloy pa nito,

"...Ah geh, s-salamat." Ani ni Pete.

"..."

***

At nang sumunod na gabi...

Naisipan ni Pete na bumili nang maiinom sa isang convience store na malapit sa kanila. Paalis na sana siya nag makasalubong niya si Aling Nena sa hallway sa ground floor.

"M-Magandang gabi po---"

"--Oh! san naman lakad mo?"

"Ah, dyan lang po sa may tindahan."

"Tamang tama! Iho! Puwede bang pakisuyo?" Ani ni Aling Nena habang bumalik sa kanyang silid at kinuha ang kanyang basura. 

"Tutal lalabas ka naman. Kaya pakitapon na rin ito Iho Oh, madadaanan mo naman yun basurahan. Ikaw na rin mag lock nang gate paguwi mo."

Hindi naman makatanggi si Pete at ni hindi na makapagsalita, kinuha niya nalang ang basura.

Habang hawak ni Pete ang basura. Hindi maiwasan na bigla niya maalala ang gabing iyon nang una niya makita ang babae-- At hindi nga siya nagkakamali naandun muli ang mysteryosang babae.

Napahinga siya nang malalim.

"O-Okay Pete! magtatapon ka lang nang basura-- then no talk alis na agad! magpatay malisya ka na lang!" ani sasarili.

Nang itatapon niya ang basura kailangan niya pang iayos mabuti ang pagkasalansan dahil malaki at may kabigatan ito. Habang nakatalikod sila mula sa babae.

"ANG ALAGA KONG SI BEN...MA...DU..MI." Ani ng babae mula sa likod niya.

"HUH?" Ani ni Pete at biglang natigilan siya sa ginagawa niya.

*Anung pinagsasabi niya sinung 'Ben'? yun ba ang ipinangalan nga niya sa stuff toy niya?* sa isip ni Pete.

Paglingon niya biglang na lang nasa harapan niya ang babae! 

"KAILANGAN NIYA NANG LINISIN.... MADUMI NA SIYA!" Ani nito habang tinatapat nito ang hawak na laruan sa mukha ni Pete. Na siya namang ikabaligtad ng sikmura niya sa amoy nitong dulot.

*ARGH! anung amoy yun! tila parang amoy nabubulok.... na patay na daga?! * Sa isip niya. 

Agad niyang tinapik ang laruan na tinapat sa mukha niya at tumalsik naman ito palayo sakanya. Matapos ay napatakbo nalang siya palayo sa babae.

Nang nakarating na siya sa kanyang kwarto. Bahagya siyang napabuntong hininga, ngunit hindi niya pa tuluyang isara ang pinto. Bigla na lang siyang natigilan.

Nakita niya ang mahahabang maduming daliri na pumipigil sa tuluyang pagsara niya ng pintuan. Habang sa kabila ay nagpupumilit si Pete na isara ang pinto.

"ANO BANG KAILANGAN MO!!!" tarantang wika ni Pete. *Grunts*

"HUHUGASAN KO SIYA?"ani ng babae. Habang isiniksik niya nang papilit at hanggang sa naipasok niya din ang stuff toy sa pinto. 

"HUWAG KANG PAPASOK! UMALIS KA NA! SINO KA BA?!"sigaw ni Pete. 

Ngunit sa kasamaang palad ay tuluyan nabuksan ang pinto sa di malamang lakas nito at napaatras lang si Pete at tulala sa hindi makapaniwalang nangyayari ngayon.

"SI BEN...DINUMIHAN MO SI BEN KO!"

Biglang naalala ni Pete kanina lang na tinapik niya palayo sakanya ang laruan kaya sinasabi nitong nadumihan ni Pete.

*@$#%^! SIRA ULO SIYA! UNA PA LANG TALAGA AY MADUMI NA ANG BAGAY NAYAN! ANO BANG PINAGSASABI NIYA!!!* sigaw nito sa isip niya. Kahit na kinakabahan na sa takot.

"GUSTO NIYA LANG NAMAN NA LINISIN SIYA!" Sigaw nang babae na nakakabingi sa pandinig. "HINDI MO BA NARIRINIG? SUMISIGAW SIYA PAG HINDI NAHUHUGASAN!!!"

"AAARRRGGH! UGH!" sabay takip nang tenga si Pete. "TAMA NA!"

Biglang tumigil ang babae.

"..."

"S-sa banyo..." ani ni Pete. "Hugasan mo sa banyo."

"SALAMAT! AT NAPAKABAIT MO!" ani nang babae na halos abot tenga ang ngiti nito.

Nagtungo nga sa banyo ang mysteryosang babae at hinugasan ang laruan niya. Samantalang habang ginagawa niya iyon umiikot sa buong kuwarto ni Pete ang napakamasangsang na amoy na nabubulok na halong patay at iba pang hindi malamang amoy. Masuka suka na si Pete habang nagpipigil at nag tatakip ng kanyang ilong at bibig.

"AHH! MASARAP NA BA PAKIRAMDAM MO BEN KO?" Ani ng babae habang kausap ang laruan.

Habang hinuhugasan ng babae ang laruan kumakanta ito...

May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy,

At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon,

Dahil sa sakit, di na kaya pang lumipad,

At ang nangyari ay nahulog, ngunit parang taong bumigkas,

Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na mahabag,

Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak...

Pagkatapos nun ay walang sinabi ang babae na tahimik at normal lang ito na umalis sa kuwarto ni Pete.

***

SCHOOL SCENE

"Mukhang lalo na ata lumala ang kalagayan ni Pete." Ani ni Gale. Habang napapansin niya na may kabigatan mga mata ni Pete na inaatok ito,

"Oo mukha ka nang panda!" Asar ni Joe. "So anu na balita nabasa mo na ba yun manga? hahaha!"

"Puwede ba tigil tigilan mo ko? eto na yun manga pinuslit mo pa sa bag ko nun. Sinabi nang ayaw ko nyan!" Ani ni Pete na inaantok pa rin habang iniabot ang libro kay Joe.

"SUS! kunwari ka pa binasa mo naman!" Ani ni Joe matapos kinuha ito.

"Mind to share?" Ani ni Gale. 

"Yung babae na naikuwento ko sainyo nang nakaraan. Pumasok sa aking kuwarto, kaya ayun hattinggabi napalinis ako nang hindi oras dahil sa kalat--"

"--WHOA! WHOA! hold your horses! Kalat?, babae? HANEP pre! sa tagal mong single may malalaman nalang kami agad na me kinakasama ka palang babae?" Ani ni Joe. "Kamusta naman? maganda ba? Pakilala mo naman samin oh!" Dugtong pa nito.

"Isa ka pa e baliw! yung babaing grasa yun sinasabi ko!" Ani ni Pete. *Facepalms*

"Hindi mo alam sinasabi mo Joe, kung alam mo lang talaga ang bangungot ko na iyon kagabi." Ani ni Pete.

"Ganoon, ganoon ba siya ka tindi wahahaha! kahit sa panaginip pa?" Asar ni Joe. *In flirty tone*

"Hays, wala ka talagang maisip nang maayos." giit ni Gale. Upang tigilan na ni Joe ang panunukso kay Pete.

"Bakit naman? sinusubukan ko lang naman i cheer up si pre... di ba?" bahagyang tawa ni Joe.

*Sighs*

"Sa totoo lang guys masama talaga ang kutob ko sa taong iyon. O hindi ko masabi na tao ba talaga siya?" wika ni Pete.

Habang nagkatinginan lang sa isa't isa sina Joe at Gate at bumalik ang tingin nila kay Pete.

***

APARTMENT SCENE

Isang gabi nasa kama si Pete habang sa mga oras na iyon ay nag busy sa chat at scroll sa kanyang social media accounts at manood na ibang interesting sa mga youtube videos. Bigla siyang natigilan sa isang random site na nakita niya sa FB wall niya. Isang group page kung saan ang topic sa mga supernatural phenomenon, mga grupo na puwede mag share ng mga true experience nila sa mga hindi maipalinawag na pangyayari. Mula sa mga normal na aswang, urban myths, aliens, at etc.

Sa una nang aalingangan si Pete dahil taliwas talaga ito sa kanyang paniniwala, sa mga ganung topic lalo na sa mga hindi makatotohanang bagay. Ngunit bigla niyang na lang nalala ang kanyang kakaibang karanasan nang gabing iyon, kaya naman ito din nag udyok sa kanya na basahin ang mga komento ng mga netizen sa group page na yon.

Hanggang sa nahanap ang isang kakaibang post nang isang netizen na nabigay impormasyon sa kanyang kalagayan ngayon.

*The HECK! naalala ko na!... ito!... ito yung narinig ko sa dalawang istudyante na nakatabi ko sa waiting shed noon!* sa isip ni Pete. 

Habang na nanlaki mata niya sa kanyang mga nalaman, kaya patuloy niya pa rin binasa ang mga ibang komento tungkol lang sa topic na yun.

***

[FB POST SOURCE]

[SilentMoon] posted:

Nabasa ko lang sa isang horror website. Tungkol ito sa isang mysteryosang babae, Na makikita mo sa isang tahimik na lugar at gabing iyon. Nakasuot siya na napakalumang bestida na halos kulay itim dahil sa madumi ito. Pero ayon sa ilang nakakasaksi tila normal na pulubi naman siya kung tignan.

Magulong mahabang buhok, May mga ilang pasa, at tahi sa sugat sa kanyang mga braso at binti. May hawak siyang maduming stuffed toy na halos sira-sira.

Kapag nadaanan mo siya, bigla ka niyang tatanungin out of nowhere na...

...MAY KAPATID KA BA NA BABAE?" 

[COMMENT BOX]

[SassyCHIX] : So anung sasabihin mo? Anung bang mangyayari kung sasagutin mo un babae?

[SilentMoon]: Kapag kinausap mo siya... Ipipilit niya pumasok sa buhay mo-- Ipipilit niya na maging kamaganak mo or likely maging kapatid mo.🙀

[SilentMoon]: Ang balita ko iniiwan niya ang kanyang mga nabibiktma ay mamatay na nakabaluktot.

[ShadowWalkers]: Naka baluktot? paanong nakabaluktot? creepy huh! anung ibig sabihin ba nun?

[SilentMoon]: Base sa info ko yun lang ang na search ko e sa ngayon kaya still research pa rin kung paano niya pinatay yun mga nabibiktma. Kaya naman sa ngayon magandang option lang ay HUWAG NA HUWAG MO SIYA KAKAUSAPIN!

[END]

*** 

"Kung ganon, Siya yung babae?!" 

"H-hindi, hindi maari!" ani ni Pete. "Anong na nalang mangyayari... sakin!"

"HINDI ITO TOTOO!!!"

- To be continued to part 2

undefined

JanenajlaArts Creator

1st story of 2023