Kuwento ng ito isang menor de edad. 13 yrs old na babae.

isang hatinggabi hindi pa siya tinatamaan ng antok. nag pupuyat siya sa harap ng kanyang laptop at
kachat ang mga kaibigan at kakilala niya sa facebook.

nasa sofa siya ng mga oras na iyon. mag-isa at ang tangging liwanag lang ang kanyang laptop.

at wala siyang pakialam sa kanyang paligid. patuloy siya sa pagchat. at hanggang sa wala na siyang
makachat dahil isa isa din nag logout.

hindi pa rin siya inaantok.

at umalis siya sa mula kanyang laptop para uminom ng tubig saglit.
pero bigla na lang siya nakarinig ng alarm galing sa laptop niya.

tila may nag message sa kanya.

dali dali siya bumalik sa upuan at laptop napansin niya
na hindi niya ito friend sa FB.

at nagtanong ang babae na nagngangalan na Crista sa mysteryosong nag mensahe sakanya.

na nagngangalan na 'LOVEKILLS'. at nang tinignan niya ang profile FB nito
wala siyang makita dahil naka private ito.

nalaman niya na lalaki ito at ang sabi pa nito kay Crista na binigay daw
ng kakilala niya ang FB account niya sakanya.

syempre tinanggap naman ni Crista dahil baka nga na isa nya itong kakilala
na nantritrip lang sa kanya. (since kilala siya sa buong school bilang varsity player ng volleyball)

at isa pa dahilan na rin sa naboboring na din siya, sa walang makausap.

[chat box:]

LOVEKILLS: salamat sa pagaccept!(smile emoticon)





No prob, anyway sinu ba ikaw ulit?😃

LOVEKILLS: nasa section @$#% ako e pinakilala ako ni $%^#
sau... at alam mo ba?

what?

LOVEKILLS: ang ganda mo talaga! nakita ko mga pics mo.

ahh thanks!(smile heart eyes emoticon)

LOVEKILLS: pati nung ilong mo.

aww sweet naman
haha!(Blush emoticon)

LOVEKILLS: pati nung leeg mo.

uh...ok?(confused)

LOVEKILLS: pati ng buong katawan mo.

anung bang pinagsasabi mo ok, tama na yan.(irritated)😥

LOVEKILLS: pati yung mga lamang loob mo.

OK that's it. lakas ng trip mo tama na yan.(creep out)😕





LOVEKILLS: lalo na kapag pinagmamasdan ko na sumisirit ang dugo sa leeg mo... napakaganda!

tama na yan! hindi magandang biro yan!

LOVEKILLS: at pati mga lamang loob mo magagandang paglaruan.

KUNG SINO KA MAN! AYOKO NA KAUSAP KA!

(balak na sana i block ni Crista ngunit nag chat muli ito)

LOVEKILLS: Crista...

LOVEKILLS: Crista...

LOVEKILLS: Crista...

ANO!

LOVEKILLS: magkita tayo ngayun?

HINDI AKO INTERESADO!

LOVEKILLS: sige ganito nalang, hahanapin nalang kita kung nasan ka ngayun.

LOVEKILLS: nasa bahay ka...

DUHH! NICE GUESS!

LOVEKILLS: nakaharap ka sa laptop...

DUH!

LOVEKILLS: at magisa ka sa sofa...

GALINGAN MO PA ANG HULA! HINDI AKO TANGA!
KAHIT NAMAN SINU MAHUHULAAN YAN E!

LOVEKILLS: ako na lang hulaan mo.

LOVEKILLS: ako na lang hulaan mo.

LOVEKILLS: ako na lang hulaan mo.

LOVEKILLS: ako na lang hulaan mo.

SIGE NANG TIGILAN MO NA AKO
NG MATAPOS NA ITONG KALOKOHAN MO!

LOVEKILLS: nasaan ako?

naka Laptop ka din at...nasa bahay??

LOVEKILLS: ang galing nakuha mo! pero may kulang pa.

ano?

*TYPING...*


LOVEKILLS: na nasa sofa din ako, at nasa likod mo.


***


sa mga oras na iyon wala ang mga magulang ni Crista dahil nagbakasyon ang dalawa.
nang nakauwi ang mga magulang niya. isang karumaldumal ang sinapit ng kanilang kaisang- isang anak.

matapos nilang matagpuan ang bangkay nito na laslas ang leeg at wakwak ang dibdib at nakakalat
ang mga bahid ng dugo sa buong sala pati ang ,mga lamang loob at bituka ay hiwahiwalay!

at ang account ng ginamit ng suspect ay hindi malaman ang source
at ni walang naiwang ebidensya ito upang makilala kung sino, kung di ang mga huling usapan nila ni Crista.




WAKAS.