Kuwento ito ng isang lalaki na nag overtime sa trabaho.
At ilang minuto lang nang matapos siya sa kayang gawain, nag madali na siya umuwi,
para makahabol sa huling sakay, hindi kalayuan ang sakayan ng pilang ng mga SUV van na madalas niyang gamiting transpo
at madilim parin ang paligid at bihira na makita na tao sa paligid.
Mabuti nalang nakaabot siya at may isang pasahero din siyang nakasama na nasa likuran niya ang isang binata na naka plain white T-shirt
at naka normal na blue jeans. At si manong driver lang sa van na iyon. Habang naka focus siya at naka tutok ako sa phone na naka headset.
Dahil sa kampante ako dahil sa last stop ng biyahe ang aking baba.
"Huling biyahe na ito hindi na ako masasakay ng iba." Ani ni manong driver. Sabay tinanggal ang karatula sa harap.
Napansin niya naman ang sinabi ng driver, pero bumalik din agad ang attensyon niya sa phone.
Maya maya lang sa kabila nang katahimikan yun lalaki sa likod niya na naka puting t-shirt, nag sabing 'para'.
Ngunit hindi niya pinansin ni manong driver.
Inulit ulit ng lalaki na 'para'
Ngunit hindi parin ito pinansin.
At sa pangatlo hindi parin pinansin.
At sabi nang lalaki ay naka lagpas na siya sa kanyang babaan.
Nairita na ang lalaking na nakahawak sa phone at tinanggal ang headset.
"Manong? hindi ninyo ba naririnig?" ani niya. "Kanina pa niyang sinabing PARA."
"HUH?" ani ng driver na agad napansin ang sinabi ng lalaking may hawak ng phone.
"Ano bang pinagsasabi mo?" ani ng driver. "IKAW lang ang pasahero ko dito?"
"Hah!" Naguguluhang isip ng lalaki.
"Sinabi ko na kanina pa na huling biyahe ko na to kase ikaw nalang pasahero ko." ani ng driver. "Isa pa mahirap din na byumahe nang gantong oras."
"..."
Napalingon agad ang lalaki sa kanyang likuran, napansin niya na wala na ang lalaking naka puti sa likod niya.
Nanginig siya sa takot dahil alam niya at malinaw sa kanya ang kanyang nakita.
Nang nakababa na siya. Nasabi sa kanya ng driver na meron daw talagang nag papakitang lalaking nakaputi, nanababalitaan niya sa ibang kasamahan niya na ilang naka saksi kaya
bibihira lang din na tulad niya na byumahe nang gantong oras. Ang lalaki daw ay gustong bumaba sa tuwing nadadaanan ang inabadonadong gusali.
***
Kaya mag mula ngayun iniwasan niya na mag take nang overtime sa trabaho, pero hanggang ngayun sumasakay pa rin siya sa SUV.
WAKAS.
7th story of 2022