Natutulog ako nang bigla akong naalimpungatan.
Nakaramdam ako ng panlalamig.

Nagising ako nang tuluyan at napadilat saglit at napa tingin sa aking orasan sa tabi ng kama ko,
tanda ko ang oras sa aking digital alarm clock.
12:51am na nang madaling araw ang nasabing oras na malinaw na natatandaan ko.

Napansin ko na tila nagbukas ang closet ko magisa.
Na sa pagkakaalam ko na nakasara ito kanina.


Maya maya lang may isang hindi kilalang nilalang ang biglang lumabas mula sa aking closet.
May mahahabang kuko at daliri ito.

Agad agad na lumapit ito sa akin.

Sa bilis nito hindi ko nakita ang mukha ng kakaibang nilalang.Habang naririnig ko ang gapang nito sa sahig sa paanan ng kama ko
Namumuong takot sa aking dibdib nagtaklob ako ng kumot habang nanginginig sa nyerbyos.
Habang iniisip na sana mawala siya

Pero natahimik ang paligid kasunod nun na naramdaman ko na tila umaakyat ito sa kama.
Habang tinataas ko ang aking mga paa palayo sakanya,
samantalang siya ay papalapit ng papalapit na maabot ang aking mga paa.

Nang naabot niya ang paa ko.
kasabay ding iyon ay nawala ang kanyang prisensya.


Kahit takot, nag lakas loob ako na alamin kung magiging okay na.
Kaya naman huminga ako ng malalim (humugot ng lakas ng loob)
tsaka ko dahan dahan na binaba ang kumot at silipin saglit ang buong kuwarto.


At iyon ang pinakamalaki kong pagkakamali.


Bago ako tuluyan mawalan ng malay.
Nakita ko nalang na nasa kamay niya ang hawak niyang puso.
Gamit ng kanyang mahahabang kuko, nakita ko siya ng mga huling sandaling iyon,
kalahati ang kanyang katawan wala ang kanyang bahagi na pambabang katawan.
Mahaba ang buhok, bilugan na pulang mga mata, at nakangiti ito sa akin.



***


Matapos bigla ko nalang natagpuan ang aking sarili.
na tila nagising ako sa isang matinding bangungot!
nakahinga ako ng maluwag dahil natanto ko na isa lamang iyong panaginip.
Panaginip na parang totoo.
Dahil ang naramdaman ko ay parang totoo.

Pero pinipilit ko isipin na panaginip lang iyon--- hindi iyon totoo.


Sana nga lang...

Sana nga lang...

Sana nga lang...

Manatili na lang panaginip iyon...


Napatingin ako sa aking orasan sa aking tabi,
At napansin ito na nakalagay 12:50am.


Kasunod nun ang dahan dahan na pagbukas ng kusa nang closet ko.









WAKAS.