Nag plano ang magkakabarkada na magbakasyon grande para mag hiking.
Sina Chloe, Myles, Jace at Roy.
Sa road trip hanggang sa makarating sila sa kanilang desitnasyun, nag set sila ng tent at nag simula mag camping. Naka puwesto ang kanilang camp malapit sa isang malaking lawa nanapakagandang pagmasdan. Nag simula sila mag handa ng mga gamit panluto, kumain, konting kuwentuhan, at naligo sa lawa.
Hanggang sa sumapit na nga ang dilim... At makikita ang ilang bahagya ng paligid dahil sa liwanag ng buwan.
nagkukuwentuhan ang magkakabarkada hanggang sa nauwi sa takutan. At makalipas ng ilang oras nagpasya na matulog ang lahat sa 2 tent na makatabi ang mga lalaki na hiwalay sa mga babae. Sa mga unang gabing iyon ay ordinaryo ang lahat.
Ngunit kinabukasan ng gabi isang kakaibang pangyayari ang gumimbal sakanila. Nag desisyon na iyon na ang last na camp nila at sunod na araw ay magsisimula na sila mag hiking, kaya nanaman sinulit nila ang gabi na mag tampisaw sa lawa na napaka lamig na tubig.
Isa isa silang tumalon para mag dive habang natungtong sila sa isang malaking bato. Hindi ganung kaliwanag ang paligid kaya halos konti lang ang maaninag para makita at malaman ang mga kasama. Nag swiming at tawanan.
Unang umahon si Roy habang pasunod na din si Jace, samantalang si Chloe naman ay humingi ilang minuto pa at lumangoy palapit kay Myles. Na may konting kalayuan-- Naaninag lang ni Chloe na ulo ni Myles na nakatalikod mula sakanya habang papalapit siya nang tinawag niya ito.
"Oy, Myles! hahaha! tara na ang lamig na hindi ko na pala kaya!" ani ni Chloe.
Ngunit hindi naimik si Myles nakatalikod parin ito sakanya.
"Myles? may problema ba? O-okay k--" hahawakan niya na sana si Myles, ngunit natigilan siya nang marinig niya ang pamilyar na boses sa kanyang likuran na tinatawag sila mula sa camp. At agad din siyang lumingon.
"Hoy! Chloe ANO BANG GINAGAWA MO DYAN?" ani ni Myles. "UMAHON KA NA!"
Matapos niya marinig nagtaka siya bigla at agad tumingin pabalik kung sino ang taong nasa harap niya, ngunit nawala ito sa isang iglap kahit lumingon siya sa paligid ay wala na siyang makita.
*Imposible! as in namamalik mata ba ako may tao dito kanina hindi ako nagkakamali!* ani sa isip ni Chloe.
"OO! ANDYAN NA!" sigaw ni Chloe.
Nang maka-ahon na si Chloe kinuha ang twalya at agad niyang tinanong si Myles.
"M-Myles?"
"Hmm? bakit?"
"A-ano kase e, nasan ka ba kanina?"
"Hindi ako sumakay sa trip nyu ang lamig lamig kaya! mga baliw lang maliligo nang ganyan sa gabi!" paliwanag ni Myles.
"Kala ko kase sumama ka samin--"
"Asa! napaka duwag nan ni Myles!" Putol ni Roy. "Talo mo na kami Chloe mas tumagal ka haha!" at nagtawanan ang lahat bukod kay Chloe, na naguguluhan sa pangyayari na seryoso ang mukha sa kaiisip.
"Nakita ko kase na..." natigilan si Chloe. Dahil ayaw niya isipin na wala sa siya sa pagiisip sa kanyang kakaibang nasaksihan. "Ah N-nevermind..."
Natahimik ang lahat sa napansing, ibang reaksyon ni Chloe. Habang papasok ito ng tent para mag bihis.
"Anung problema nun?" taka ni Roy. Habang napataas bahagya ng mga balikat si Jace tila nag sasabing 'Ewan ko?'. Samantalang sinundan siya ni Myles sa pag-aalala.
Sa tent habang nag papalit ng damit si Chloe. Kinausap siya nito.
"Oi gurl? okay ka lang ba?" ani ni Myles. "Napansin ko kasi na namumutla ka kanina."
"W-wala yun." banggit niya habang nakatalikod siya kay Myles.
"Makikinig ako."
*Sighs* habang nabuntong hininga sinabi din ni Chloe ang nakita niya kanina.
"Okay ka lang? pero sino ba yun nakita mo? nakita mo ba ang mukha nun?"
"Hindi pero kitang kita ko sa harap ko may tao talaga."
Hindi na umimik si Myles at tumabi kay Chloe para pakalmahin siya. At hindi na rin nila pinaalam sa mga ibang kasamahan ang tungkol dito.
***
Natutulog na sila nang gabing ding iyon sa kanilang mga tent, tahimik ang paligid maririnig mo lang ang mga ilang ingay ng mga kulisap. Maya maya lang biglang naalipungatan si Chloe sa mga oras na iyon 2:30am na nang madaling araw, at bahagyang nagising sa ingay sa labas na tila may naglalakad papalapit sa kanila. Natigilan siya at inobserbahan mabuti ang ingay napabanggon siya habang naririnig ang pagtunog na naputol na sanga at ang lutong ng dahon sa pagyapak. Sa una iniisip niya na marahil may gumagalang hayop na nagiikot sa kanilang tent, kaya naman naglakas loob siyang buksan nang bahagya ang zipper ng tent upang silipin kung sino ang nilalang na nasa labas.
At laking gimbal siya sa kanyang nakita.
Nakita niya na ilang metro ang layo sa kanilang tent--- may isang babae na nakatalikod mula sa kanila naka upo ito sa lupa at tila may hinuhukay siya. Nanginig sa kaba si Chloe at dahan dahan umatras na kumilos para nd makagawa ng ingay, kasunod nun ay sinisiko at ginigising niya si Myles sa tabi niya.
"M-Myles gumising ka!" pabulong ni Chloe.
"Bakit na naman?" ungol niya.
"May tao sa labas..."
"Huh?! may tao?" natigilan si Myles at napabangon agad. "Baka sila lang nakit..."
Halos natulala si Myles na bahagyang maaninag sa kadiliman ang isang mysteryosang babae na naghuhukay at nakatalikod mula sa kanila. Kinabahan din si Myles pero nag lakas loob na lapitan ito kaya kumuha siya ng Flashlight pipigilan sana ito ni Chloe sa balak niya pero huli na at agad na itinutok ito sa mysteryosang babae.
Agad itong tumigil sa ginagawa niyang paghuhukay, at dahan dahan itong tumayo habang nakatalikod at nakayuko.
"S-sino ka @#$%%! mo umalis ka dito!" sigaw ni Myles.
Makalipas ng ilang minuto bigla itong humarap sa kanila, makikitang madumi at putikan na kasuotan nito magulong mahabang buhok , malalim na mata at maputlang balat nito. Tumingin lang ito sa kanila na walang reaksyon ang mukha at bahagyang nakatabingi ang ulo nito. Samantalang ang dalawa naman ay napasigaw sa takot.
Narinig naman ng dalawang kasamahan nila ang sigaw na gumising sa kanila kaya agad bumangon ang dalawang lalaki sa kabilang tent, ngunit bago pa tuluyan sila makalabas sa tent ay agad na tumakbo ang mysteryosang babae sa madilim na kagubatan hanggang sa tuluyan na maglaho sa kanilang paningin.
Nang nakalabas na ang dalawang lalaki ay sinabi nila Chloe ang tungkol sa mysteryosang babae. Sinubukan naman nilang habulin ngunit hindi na nila makita tila tuluyang naglaho ito ni bakas nito ay walang naiwan.
Napakamot ulo si Roy. "Sigurado ba kayo sa nakita ninyo?"ani nito.
"Oo, M-may tao talaga babae!" ani ni Chloe.
"Imposible guys na may ibang tao tayung kasama kase, nasa gitna tayo nang kawalan as in out of nowhere na part tayo ng kagubatan." ani ni Jace, na may pagtataka sa mukha.
"So kulang pa ba ang ebidensya na to?" ani ni Myles na tinutok niya ang ilaw niya sa isang lupa na nahukay.
At natahimik ang lahat.
Makalipas ng ilang oras ay nagsipagbalikan sila sa kanilang tent. At sinubukan matulog. Ngunit makalipas muli ng ilang minuto nagising muli si Chloe dahil sa ingay sa labas na tila bumubulong na boses sa hindi malaman kung ano ang mga sinasabi. Bigla siyang kinilabutan nang naalala niya ang mysteryosang babae at ang kanyang kinatatakutan ay nagkatotoo matapos sumilip siya sa kanyang tent--- nandoon nanaman ang babae na bumubulong mag isa habang naghuhukay ulit na patalikod sakanila.
"MY...!"
"SHHHH! alam ko!" putol ni Myles na gising pala kahit nakahiga. "Kailangan nating gisingin yun mga mokong dun!" dagdag niya.
"P-pano? ang layo nila?"
"Tawagan or text bahala na!"
"Pero maririnig niya tayo..."
"Basta akong..."
Natigilan sila nang napansin nila na tumigil ang ingay ng babae sa labas.
"Tumahimik..."
"...!!!"
Mga ilang segundo lang nakarinig sila ng mga yapak na patakbo at tila papalapit ito sa tent nila. Sa pakabigla nila at takot nag takip sila ng kanilang mga bibig upang hindi gumawa ng ingay sa kabila nang gusto na nilang sumigaw talaga. Maiyak iyak sila habang inoobserbahan ang kilos nang nilalang sa labas na paikot ikot ikot ito sa kanilang tent.
Lumipas ito ng ilang minuto ngunit tumigil ito nang nagising ang mga lalaki nang dahil sa ingay at lumabas ng tent at agad sinugod ang mysteryosang babae, nabigla ang dalawa sa labas samantalang ang dalawang babae ay nd makalabas ng tent sa sobrang takot. Sumigaw lang ang mysteryosang babae na halos hindi maipaliwanag na boses nito sa kilabot nitong sigaw kasunod nun ay sigaw ni Jace mula sa labas.
Agad lumabas ang dalawang babae dahil sa paghingi ng tulong ni Jace. Wala na ang mysteryosang babae, ngunit sa kasamaang palad nadatnan lang nila na duguan si Roy sa kanyang ulo at walang malay.
"ROOOYYY!"
"ANUNG NANGYARI?!" ani ni Myles na nagsisimulang magpapanik.
"Hindi ko alam, napapikit lang ako dahil sa nakakarinding sigaw nung babae kanina tapos --- ito nakita ko nalang si Roy na ganto!" salaysay ni Jace.
"Pano yan anung gagawin natin masyado tayung malayo sa bayan?!"ani ni Myles.
"Sa ngayon kailangan natin gamutin -- kukuha ako ng first aid kit!" ani ni Chloe.
Matapos nun nabendahan ang ulo ni Roy na wala pa rin itong malay, hindi naman malalim ang sugat nito sa ulo. Ngunit ang nakakapagtaka lang sa bakas ng sugat tila itsura nang kalmot ng mabangis na hayop.
Hindi na rin sila nakatulong nang matapos nun hanggang sa inabot na sila ng umaga, na desisyon na ang lahat na umuwi nalang at hindi na nag patuloy ang plano nilang pag hiking sa araw na iyon. Lalong lalo na sa sitwasyun ni Roy. Nagligpit sila nang gamit nang lumiwanag na ang paligid at napansin nila ang kalat ng paligid, mga gamit nila sa labas like nang cooler at iba pa ay nag kalat lahat ng nilalaman. Nakita nila ang hukay na ginawa ng mysteryosang babae na halos abot na nang kalahati ng katawan ang lalim.
***
Nang nakarating na din sila sa bayan nang tanghaling iyon, agad na isinugod sa malapit na ospital si Roy at kabutihan palad ay naagapan agad ito, ayon sa doktor kung inabot pa nang gabi ang sugat nito sa ulo ay maari itong mauwi sa impeksyun at ang malala ay ikamatay niya din.
At nag report na din ang barkada sa kaso ng mysteryosang babae, at gumawa agad ng malawakan aksyun ang pulisya at local na brgy. Pero kahit anung suyod nila sa gubat wala silang makitang babae sa sinasabi nila.
WAKAS.
4th story of 2022