Isang ordinaryong gabi sa isang taxi driver natulad ko.
Madalas ako mag over time 24 hrs Ang service ko.

Sa sobrang busy, nanatili ako positibo
at ganado sa trabaho. Hanggang sa isang gabing iyun kakaibang
Karanasan na nangyare sakin.

Sa isang tahimik na daan ako napadpad halos wala na makitang taong nadaan o ibang sasakyan,
normaly kampante naman ako kase nga sanay naman ako na pangabi ang duty.
Isa pa may mga street light naman. Kaya hindi naman ganun ka dilim.

Habang patuloy ako sa pagmamaheno nakaramdam ako ng
konti Antok hanggang sa di kalayuan may naaninag ako.

Nakita ko ang isang dalaga na kumakaway sakin na nasa waiting shed nakatayo, pumara siya.
Isang magandang dalaga, mga 18 yrs old ang edad sa mukha niya.
At may dala siyang malaking bagahe na de-stroller,
kulay pink at siya naman ay naka light pink,kikay ba.

Nakangiti sya sakin at agad sumakay.

"Ineng San tau?"

Sinabi niya ang eksaktong lugar at address sakin.
Napansin ko na masiyahin ang batang Babae.
Nakangiti lang siya sakin habang nakikita ko siya sa salamin ko.


"So ineng ginabi ka na ata Alam mo ba na delikado ngaun?"sabi ko para mabasag ang katahimikan.

"Oo nga po e, kase kailangan ko po umuwi gawa ng natapos na exam pasado ,
pahinga sa bahay, gusto ko na makita papa ko sabik na sabik na ako!"

"Ganun ba galing naman e ang mama mo ?"

Biglang natahimik saglit.

" wala na po siya noong maliit pa ako namatay siya ng maaga"

"Naku sorry"

"Pero ngaun may step mom ako... At nasa bahay po siya ngaun." sabi niya.

" so at least ,hindi ka nag iisa ngaun?"

Matapos nun napansin ko na malungkot mukha niya.

"Ayy sorry masyado na ata ako matanong..."
(Mind my own business)

"...hindi ko siya gusto ..." Dugtong niya.

Hindi ko na siya tinanong sa personal na buhay niya so sinubukan ko
I change ang topic para gumaan ang aura.


"So may mga maganda bang nangyare sa school ?"
Kahit nakakahiya ang tanong bigla lumabas sa bibig ko
para lang mawala ang tension sa topic kanina.

"Ahh oo heheh" ani nya na nakangiti ulit siya.

"Napagtripan naming ng mga classmate's ko na mag laro ng tinatawag naming "wall knock".

"Anung klaseng laro yun ?"

"Wall knock , sa isang tahimik na kuwarto sa classroom o anung mang silid kakatukin mo ang bawat Dingding paikot ka
ulit ulitin mo lang hanggang sa makarinig ka ng katok sa Dingding na tila sumasagot sayo
sabi nila isa daw yung kaluluwa na nakulong sa ding ding
at paniniwala daw na huhulaan ka daw sa nto kung ano mangyayari sayo."





"So its like fortune telling right?" Ani ko.

"Opo sir , " patuloy nya pa ang kuwento.

"Kapag kumatok ito sayo kumuha ka ng lapis at papel
isulat mo mga choices like YES or NO ilagay mo sa sahig ang papel
tapat ng Dingding kung saan yung wall knock . So nag tanong kami ng klasmeyt ko."


"Magkaka boyfriend ba si Julie?" Sabi Ko.

Matapos nun inilaglag ko ang lapis sa sahig
at gumulong ito at tinuro ang YES Nag tawanan kami.

Dahil sa katuwaan pinaglaruan namin ito at dahil din sa
sobrang curiosity nagtanong kami tungkol sa kamatayan.


Tinanong ko tungkol sasarili ko.

"Paano ako mamatay?"

At ang choices ay AGED , SICKNESS OR MURDER.

AT sa nalaman naming tinuro ng lapis ay MURDER.

Natahimik kami ng kakalase ko.

"Siya tama na yan yan jokes lang yan wahahaha" tawa ni Julie na kinabahan."

"Grabe naman yan ineng Hindi dpat kau ang tatanong sa mga bagay na ganyan" sabi ko.

"Pero nakakatakot naman yan laro ninyo". "Ah! Manong pakiliko po sa banda dun kaliwa po ,diyan na po bahay namin!" Turo niya na nakangiti.


"Okay..." Sabay ikot ko ng manibela "oh neng nan..dito na tayo?!"

Paglingon ko sa backseat wala ang dalaga.
Tumingn ako sa bawat paligid pero wala talaga.

Tinignan ko ang trangkahe sa likod nang sasakyan at
nandun naman ang bagahe niya na iniwan. Out of curiosity binuksan ko anu laman. At nangilabot sa na saksihan.

Bumungad agad sa aking ang duguang ulo at kasama ang umaalingasaw na amoy.
At putol putol na katawan pinagsiksikan sa bagahe,
agad ko natanto na ang bangkay ay sa babae na kanina lang na kausap ko. Namukhaan ko pa.

Matapos ang insidente agad ako tumawag ng pulis. At inimbestiga ang pangyayari.
Ayun sa pulisya . Nakita daw sa CCTV cam ang suspect at dalay yung bagahe.
Hindi nga lang malinaw ang mukha dahil naka itim na jacket
at itim sakin na cap, kaya hindi makilala ang suspect.





Habang patuloy imbestigasyun pumunta ako sa bahay ng biktma.
Nadatnan ko ang step mom niya na umiiyak. Nakiramay ako at nag pasalamat naman siya sakin,
niyaya niya ako mag kape saglit pinaghandaan ako niya .at umalis at nagtungo sa kusina, habang ako nakaupo sa salas.


Pero hanggang ngayun naiwan palaisipan sakin ang mga pangyayari.
At gulong gulo , natahimik ako pansamantala
at bigla ko na alala ang sinabi ng dalaga tungkol sa "wall knock ghost" .


Sinubukan ko gawin at me halong kaba At nag tanong ako.

"Sino ang pumatay sa kanya?"


Binitawan ko ang lapis at nahulog ito sa mesa imbis sa sahig at gumulong tinuro ang tasa.


WAKAS.