“Isang bakasyon grande, na nagging isang bangungot ko habang buhay.”
Lumaki ako sa isang siyudad, at nag mula sa mayamang pamilya,
pero dahil sa nagging pasaway ako…
Sa pilitan ako Inilipat sa probinsya namin… kaisa isa nilang ako anak. Na lalaki kaya gusto nila na
maging responsible ako kaya nila nagawa iyun, hindi na ako nag reklamo dahil na cucurious ako kung
anu ang buhay sa isang probinsya at isa pa, Im adventurous person iniimagine ko nalang na
parang nagbakasyon narin ako, isa pa summer naman ngayon.
Im 25 yrs old and yet, parang binababy pa rin ako ng mga parents ko , malaki na ako para magisip ng
idedecide sa mga gusto ko. pero mahilig talaga sila mangealam, kaya pumayag narin ako na pumunta sa
probinsya para hindi sila mangulit sa akin, isang private at peaceful place for me— sa isang
probinsya may isang rest house kami doon.
At may kalayuan sa bayan, ang bahay ay napapalibutan ng mga tanim na maisan, kaya madadaanan mo sila
palabas nang bahay. Karerenovate lang din ng bahay dahil binili ito ng mga magulang ko sa murang halaga,
dahil old style ito noon.
Nang nakarating ako sa probinsya at takip silim na halos, nililibot ko ang bawat sulok ng bahay at pati
labas, habang tinutulungan ako ng isang care taker ng bahay na iakyat ang mga gamit ko sa taas
(up and down ang bahay)
“ayus na rin hindi naman masama.” Sabay nilanghap ang simoy ng hangin mula sa terece.
“uhm sir may kailangan pa poba kayo?” ani ng isang care taker na isang binata.
“ok lang sige – ibaksak mo nalang ang gamit ko at makakaalis ka na!” )
sabay tinapon ang kanyang sarili sa kama.)
Tumango lang ako sa binata at sabay kong sinara ang pinto ng kuwarto.
“HAAAYYY KAKAPAGOD!” habang tumitingin sa kisame. Nakaramdam ako ng uhaw.
“ahh, nga pala Pre!, puwede mo ba ako pag timpla ng juice? este tubig nalang?” sabay napabangon pero
wala sumagot. Nang bumaba ako nakita ko na wala na ngang tao – kung hindi ako.
“ganun , hindi man lang nagsabi na aalis na siya ?” sabay napakamot ako sa ulo ko.
Hindi ko nalang inisip iyun kung bakit kaya, nag tungo ako sa kusina at uminom ng tubig.
Malapit ang kusina at dining area sa living room. Kaya tanaw ko ang labas mula sa bintana.
Habang umiinom , nakatingin ako sa bintana ko mula sa labas… napansin ko na may tila tao sa labas.
Sa hindi kalayuan, hindi ko maaninagan dahil bukod sa bahagyang nahaharangan ng mga maisan,
wala pang street light. At hindi rin abot ng ilaw ng bahay sa labas.
Tinitigan ko mabuti… habang dahan dahan ko ibinababa ang baso sa mukha ko.
Napansin ko na tao base sa imahe niya na tila may kapayatan at matangkad kulay itim ang imahe mula sa malayo
pero sa kakaiba ang kinikinilos niya ay parang hindi siya mapakali. Pabalik balik lang ang lakad…
tapos biglang tumakbo palayo… pabalik sa maisan, na napakabilis tila patalon ang takbo.
Sa una akala ko yung care taker naming ---pero hindi.
Naisip ko nabaka pagod lang ako.
Kaya kung anu anu na ang nakikita ko, kaya hindi ko na binigyan pansin iyun.
Kinabukasan… nung umagang iyun dala ko ang bike.
Ito ang simula nang paglibot ko sa lugar na ito matapos ang bahay.
Pero bago pa ako makalayo sa bahay, napansin ko ang isang mailbox, na hindi ko napansin kahapon
“talagang old style… naman?” sabi ko.
“good! Kung walang signal dito,(Sighs*)
why not try ang makalumang mailbox?!” sabay pinaglaruan ko tila nakausling flag nito
na pinaikot ikot ko. Pero napansin ko na tila may pulang likido na lumabas mula sa mailbox,
kasunod nun ang masangsang na amoy…patay?
“pulang amoy kalawang…???(habang inamoy ko) HUH! HINDI KAYA ? HINDI AKO MAGKAKAMALI DUGO ITO!”
sabay madali ko binuksan ang mailbox, at sa nagtagpuan ko , agad ako napayuko at nag susuka, nang
natagpuan ko sa loob , ang isang kawawang patay na ibon na wakwak ang
lamang loob na nagkalat sa loob ng mailbox.
Kasama pa nun gang isang kapirasong papel… na bahagayang nabahiran ng dugo,
may nakasulat na gamit ay dugo.
“REGALO KO ITO , SANA NAGUSTUHAN MO. “ AT may smiley face, na nakadrawing.
Inisip ko sa mga oras na iyun na maaring pinagtritripan lang ako ng mga bata dito ,
habang pinitignan ko ang paligid ko nabaka may tao. Ngunit wala,
pero nakararamdam ako na parang may tumitingin sa akin.
Pero dinedma ko lang kase ayaw ko ng feeling na nababahala
o natatakot na gawa lamang ng isang malikot na imahinasyon.
Kaya ginawa ko nilinis ko ang mailbox matapos ay inilibing ko ang kawawang ibon.
Dahil sa nangyari hindi na natuloy ang pamamasyal ko… dahil maghapon ba naman sa isipan ang
pangyayaring iyun.
“it’s not funny!” sabi ko, “makikita lang ang hinahanap nang nag trip saakin nun ! humanda siya!”
sagalit ko napatayo ako sa kinauupuan ko sa sofa na maghapon ako nakanganga
At dahil ayaw ko sa lahat ang pinatritripan ako,
dahil ako lang ang nantritrip saamin
(mean sa lugar ko sa syudad)
bully type ako minsan, pero marunong din ako maawa.
“tama pinagtritripan lang ako… pero sinu kaya nag lakas loob gumawa nun sakin?”
pero natigilan ako ng nakaramdam ako ng mabalahibo sa paanan ko ng tumingin ako sa baba.
nakita ko na may pusa na umiikot sa paanan ko bigla at nagulat ako.
“kaw lang pala muning muntik na kita mapatay…” nabigla ako.
Pinakain ko ang pusa, na nagtataka ako na may umaaligid pala na pusa dito kulay abo siya
at berde ang mga mata, matapos nun pinalabas ko sa bahay.
“hindi ka puwede dito baka may maghanap saiyo.”matapos nun ay umalis ang pusa
habang nag iingay ito palayo.
Ng dahil sa pusa nakalimutan ko na ang mga nangyaring kakaiba kaninang umaga…
at ang akala ko dun na nagtatapos iyun.
Pero kinabukasan isang umagang iyun parang nagising ako sa isang bangungot… nagsisimula ko nang
kalimutan ang lahat nang napansin ko na kakaiba sa mailbox ko.
Nakita ko na nababahiran ng dugo muli ito, nanginginig ako sa kaba nang naglakas loob ako bukasan kung
anu muli ang nakalagay, at na gulat ako nang nakita ko ang bangkay ng isang pusa na pilit isiniksik ito sa mailbox ko wak wak ang katawan nito nagkalat sa loob ang mga lamang loob niya. Lalo
ako nangilabot nang napansin ko na ito ang pusa na umaaligid sa bahay ko kahapon.
Kasama nito ang isang sulat muli na may drawing na smiley face, at nakasabing…
“PARA SAIYO”
At this time nakaramdam ako nang inis, nilukot ko ang papel pabilog at tsaka tinapon sa basurahan.
Kasabay nun inilibing ko ang labi ng kawawang pusa.
Matapos nun pumasok nalang sa isip ko na sinu ang may kagagawan ng kalokohan na ito at hindi ito
nakakatuwa, lalo hinde ko na palalagpasin kung sinu may gawa.
Kaya inabangan ko yun ng gabing iyun 8:30 pm sumisilip ako sa mula sa bintana ko,
pero wala ni isang anino ako nakita, (walang tao)
Pagpatak na nang 12am hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Kaya nang pagising ko hinde ko nakita kung sino siya.
Dahil sa muli inilagay niya ang pusa na inilibing ko sa mailbox ko ulit, Na nangangamoy na ito.
At may isang sulat muli sa kapirasong papel at this time ang smiley face ay sumimangot.
At nakasulat pa “HINDI MO BA NAGUSTUHAN?” matapos ko basahin sabay tinapon ang papel.
Lumingon na ako sa paligid ko nabaka may tao pero wala.. at talagang galit nagalit na ako!
Nilinis ko ang mailbox ko ulit at inilibing ko muli ang pusa, pero this time sa ibang location na malayo ng
konti sa maisan para hindi niya mahanap at sinusigurado ko iyon kasabay ang pagbantay ng 24hrs na
walang tulog.
2am na at sinusubukan ko na hindi makakatulog o kukurap habang binabantayan ko ang
mailbox ko mula sa malayo ko tinatanaw.
3am nang namulat at pilit tinitigan sa malayo may tila tao na lumabas sa kadiliman mula sa maisan…
nakayuko ito (o parang nakakuba) sa una iniisip ko na parang matandang lalaking ito na uugod-ugod
pero na pansin ko na patalon talon at napakabilis kumilos, habang pumunta siya sa mailbox ko,
at binuksan niya.
Hindi ko masyado maaninag ang mukha ng mysteryosong nilalang o kung tao paba mailalarawan ko sakanya
nakaramdam ako ng taka imbis na pairalin ang takot. Kaya nag lakas loob ako na puntahan at
sugurin ang taong iyun , para tigilan niya na ang kanyang kabaliwan.
Pero bago muna iyun pinagmamasdan ko muna siya kung anu gagawin niya, nang napansin niya na wala ang
pusa sa mailbox ko, umalis ang nilalang na iyun habang lumilingon lingon sa paligid- tila may
hinahanap.
Naisip ko sa mga oras na iyun nabaka ilagay niya ang pusa muli sa mailbox ko. Kaya palihim at
patago ko siya sinundan, nagulat nalang ako ng nahanap niya ang lugar kung saan ko inilibing ito.
Nanginginig na nakaramdam ako , pero nanaig ang galit ko parin saglit , at agad ako humarap sakanya
mula sa likuran niya sabay tinapat ko ang flashlight ko, sakanya at tumigil siya sa paghuhukay
sabay humarap siya sakin.
Matapos ko Makita siya , bigla ako nilamon ng takot , kaya nagtatakbo ako palayo sakanya,
na tila parang nakasalalay ang buhay ko sa sobrang takot ko.
Tumakbo ako na hindi na lumingon sa likod ko,
Nang nakarating ako sa bahay ko lahat nang lagusan palabas ay nilock at
sinara ko mabuti bintana at mga pintuan.
Sabay nagtago ako sa sofa na hinahabol ang hininga ko.
“HI-IINNDII!...”
“Hindi siya tao!” iyun lang ang pumasok sa isip ko at natauhan din ako… matapos ko madama ang sobrang
takot ko ang sagot na nakuha ko sa sobrang curiosity ko ang sobrang pinagsisihan ko talaga.
***
TO BE CONTINUED...